top of page
SPECIAL - MASAKIT… NAAAWA AKO SA PILIPINAS – NADIA-FB Nadia Montenegro.jpg
Search

ni BRT @News | June 10, 2026



Rene Baterbonia at Divine Adili - Circulated

Photo: Circulated



Nagdadalamhati at nananawagan ng hustisya si Rovelyn Baterbonia, ina ng Ateneo Men’s Basketball Team player na si Rene Baterbonia, matapos ang pagkamatay ng anak sa isang aktibidad na inilarawang bahagi ng team training sa Aurora.


Ayon kay Rovelyn sa isang panayam, marami pa rin umano siyang tanong tungkol sa nangyari sa kanyang anak, kabilang na kung bakit hindi ito agad nasagip at kung bakit umano may mga pabigat na nakakabit sa mga kamay at paa nito habang lumalangoy. Ganundin ang pagkakaroon umano nito ng mga pasa sa katawan.


Ani Rovelyn, wala umanong sinuman mula sa Ateneo de Manila University ang nakipag-ugnayan sa kanya kasunod ng insidente ng pagkalunod at pagkamatay ng kanyang anak at ng isa pang player na si Divine Adili.


“Ang dami nila dun tapos walang nag-rescue. ‘Yung anak ko, hindi ba nila pinapalangoy nang may 20 kilos na pabigat?” dagdag niya.


Ayon kay Rovelyn, naniniwala siyang may foul play sa insidente dahil marami pasa ang kanyang anak at nagtatanong siya, upang malinawan.


Sinabi naman ng mga imbestigador ng pulisya na wala pa silang nakikitang foul play sa insidente ng pagkalunod.


“Base po sa salaysay ng mga nakausap natin na kasama nila ay meron po silang activity na kung saan lumalakad po ang mga players sa tabing-dagat, hanggang hita po ‘yung lalim ng tubig. At bigla na lang po silang napunta sa malalim na parte,” ani Aurora PPO director Percival Pineda 


Isinalaysay ni Pineda na nangyari ang insidente alas-2:40 ng hapon sa harap ng isang pribadong resort kung saan nagsasagawa ng training camp ang Ateneo Blue Eagles bilang paghahanda sa UAAP Season 89, kung saan nakatakdang simulan ni Baterbonia ang kanyang collegiate journey at inaasahang gaganap si Adili sa kanyang sophomore year.


Ibinahagi ni Pineda na mabilis na nakatanggap ng paunang medical response sina Baterbonia at Adili habang agad namang rumesponde ang PNP matapos matanggap ang tawag. Sa kasamaang palad, ang parehong manlalaro ay pumanaw.

 
 

by Gerard Arce @Sports News | June 9, 2026



5 ginto binalibag ng wrestling nationals sa 2026 Asia-Oceania


Bumalibag ng 10 medalya kabilang ang 5 ginto ang Philippine national wrestling team sa pangunguna ng magkapatid na Mixed Martial Arts fighters Charlie at Travis Radcliff sa katatapos lang na 2026 Asia-Oceania Grappling Championships sa Da Nang, Vietnam.


Ibinulsa ng 16-anyos mula Negros Occidental na si Charlie ang gintong medalya sa women’s under-17kgs sa 56kgs category kasunod ng tagumpay na nakuha sa Asian Youth Games sa Bahrain noong 2025.


Ang nakatatandang kapatid na si Travis ay bumanat ng ginto sa men’s Under-20 62kgs division, upang makabawi sa silver medal finish sa Bahrain Youth Games.


Kapwa ipinanganak sa Pilipinas ang magkapatid sa Pinay na ina at Australian na ama na kapwa nagsimulang ituon ang pansin sa grappling sa musmos na edad, at pareho ring sumasabak sa MMA competition.


Golds din sina Yani Alexii Lopez sa women’s under-15 sa 57kgs, Lord Gabriel Del Rosario sa men’s seniors 58kgs at Denzel Jon Alipio sa men's seniors 62kgs, na suportado ng Philippine Olympic Committee (POC) ni Atty. Abraham “Bambol” Tolentino, MVP Sports Foundation at ng Philippine Sports Commission (PSC) chairman Patrick “Pato” Gregorio.


Very happy with the results as we have Golds in almost all divisions and medals in the others. We proved that we were among Asias best again and will be on top once I get more support to bring even more athletes,” pahayag ni Wrestling Association of the Philippines Inc. (WAP) President Alvin Aguilar sa panayam ng Bulgar Sports.


Kinapos sa finals sina Nathaniel Nama sa men’s U17 58kgs at Alonso Lucas Aguilar sa men’s U20 71kgs, habang nakapuntos ng tanso sina Alfredo Manolo Gealogo sa men’s U15 73kgs; Angelo Lucian Salud sa men’s U17 76kgs, Joaquin Antonio Marte sa men’s Seniors 66kgs.



 
 

ni Anthony E. Servinio @Sports | June 8, 2026



Naggigirian sa gitna sina Roger Pogoy ng Tropang 5G habang hawak ni Justin Brownlee ang bola sa Game 3 finals ng PBA Commissioners Cup. (Gen Villota)

Photo: Naggigirian sa gitna sina Roger Pogoy ng Tropang 5G habang hawak ni Justin Brownlee ang bola sa Game 3 finals ng PBA Commissioners Cup. (Gen Villota)



Laro sa Miyerkules - Araneta 7:30 PM TNT vs. Ginebra



Tumalab ang mga aral para sa Barangay Ginebra upang maukit ang 116-102 panalo sa defendung champion TNT Tropang 5G sa pangatlong laro ng 2026 PBA Commissioner's Cup Finals sa MOA Arena. Inagaw ng Gin Kings ang mahalagang 2-1 bentahe sa seryeng best-of-seven.


Ibang Barangay ang dumating kumpara sa natalo noong Game Two, 94-101. Uminit agad si Stephen Holt para sa 15 puntos at madaling nakuha ang unang quarter, 35-16. Lumaki ang agwat sa 57-35 sa salpak ni Japeth Aguilar at tres ni Scottie Thompson. Naging sapat na ito at may sagot ang Gin Kings tuwing nagbabanta ang Tropa.


Nagsama si Jordan Heading, Roger Pogoy at Chris McCullough para sa huling hirit ng TNT, 89-96, subalit pinalamig ito agad ng four-points ni RJ Abarrientos.


Humabol ng kanyang four-points si Pogoy pagsapit ng huling dalawang minuto, 97-108, subalit sinigurado ng foul-counted ni Best Player Justin Brownlee at tinuldukan ng three-points ni Holt at malakas na dunk ni Troy Rosario, 116-98. Umapoy si Brownlee para sa 41 habang 23 si Holt.


Triple double si Thompson na 17, 11 rebound at 11 assist. Linabanan ni McCullough ang suliranin sa foul at nagtala ng 44 at 13 rebound. Sumunod sina Pogoy na may 28 at Heading na may 11. Samantala, malalaman bago ang Game Four ang Best Player of the Conference at Best Import. Gaganapin ito ngayong Miyerkules sa Araneta Coliseum. (A. Servinio)

 
 
RECOMMENDED
bottom of page