top of page
Search

ni Ambet Nabus @Let's See | Jan. 8, 2025



Photo: TVJ - Instagram


Bongga rin ang ipinahatid na reaksiyon ng ilang mga nakatrabaho ni Direk Gina Alajar kaugnay pa rin ng iskandalosong movie on Pepsi Paloma na kasama siya under Direk Darryl Yap.


“True, agree kami sa husay ni Direk Gina kaya grabe siguro ang pag-viral ng teaser dahil Gina Alajar ‘yun. Siguro, kung ibang artista ang gumawa nu’n, mapag-uusapan din dahil kontrobersiyal ang paksa pero baka sandali lang. But with Gina, mas naging matapang at interested ang mga tao,” sey ng mga nag-react sa ating naisulat dito.


Hirit pa nila, “Come to think of it at magtanong tayo, ano’ng meron sa movie version ni Direk Darryl para tanggapin ito ng mga de-kalibreng artista gaya ni Gina na madalas pang nagiging guest sa mga pa-contest ng Eat…Bulaga! (EB) o kaya’y nina Rosanna Roces, Mon Confiado o Shamaine Buencamino? Bukod siguro sa malaking talent fee (TF) nila, may something sa istorya na hindi nila matanggihan, ‘noh?”


Kalat na kasi ang tsismis na may mga pulitikong nag-collab at ginamit ang iskandalosong direktor para sirain ang mga public servants na Sotto.


May teorya ring baka nga makinabang pa ang pamilya dahil vindication pala para sa kanila ang istorya.


May tsika ring dating kanegosyo umano ng Tito, Vic & Joey (TVJ) ang isa sa mga nasa likod ng produksiyon at pasimple umano itong gumaganti?


Hay, sa dami ng mga nagsusulputang teorya o guni-guni at haka-haka, isa lang ang malinaw, nagtagumpay si Darryl Yap na makagawa uli ng bagong iskandalo - damaging man or what.



NAKAKABILIB naman talaga ang ugali at pagiging mabuting kaibigan nitong si Star for All Seasons Vilma Santos.


Very true to her promise na hindi niya puwedeng kalimutan ang isa sa mga naging loyal friends niya sa showbiz na si Kuyang Ed de Leon, who passed away last December.


Despite her so busy schedules, mapa-pamilya, pulitika at showbiz, kinarir ni Ate Vi ang pagdalaw sa puntod ni Kuyang Ed last January 5 sa La Loma Cemetery sa bagong tayong Mother Therese Columbarium.


“Happy si Ed. Salamat, Ambet. Niligaw kami ni Ed. Hahaha! Nagpa-guide kami sa tricycle. Napunta kami sa La Loma cemetery, tapos sa Chinese cemetery. Sabi ko, ‘Ed, magpakita ka na, Hahaha!” ang nakakaaliw na tsika ni Ate Vi na panay ang tawag sa amin from 10 AM (galing sila sa Baguio City at nag-confirm ng address ng columbary), hanggang magsi-6 na ng hapon that day dahil naligaw nga sila. Hahaha!


Magkakalapit pala kasi ang Chinese at La Loma Cemetery at boundary pa ng Caloocan at Quezon City.


Anyway, sa dinami-dami talaga ng artista, pulitiko o celebrity na nakilala at naging malapit din sa amin, nag-iisa ang isang Vilma Santos pagdating sa pagiging isang tunay na kaibigan o kapamilya.


Ipaparamdam talaga niya ang kanyang pagmamahal at respeto sa mga totoong

kaibigan niya o nakakasama. 


Kaya ‘yung mga nagtraydor diyan, tandaan ninyo, markado kayo. Hahahaha!



Nakatanggap din kami ng mensahe mula sa isang napakalapit na kaibigan nina Karla Estrada at Daniel Padilla (DJ) kaugnay ng lumabas naming tsika dito kamakailan.


Although hindi naman pinabulaanan ng nasabing kaibigan ang kuwento tungkol sa planong pagbebenta ng shares ni DJ sa ilan nilang negosyo, nag-react diumano ang ilang kanegosyo ni DJ pati na ang mga loyal supporters nito.


Gusto raw nilang ipahatid sa madla na walang katotohanan na naghihirap na ang pamilya, kaya’t nagbebenta na ito ng properties o shares. Wala rin daw katotohanan ang mga tsismis na nag-pull-out na o hindi na nag-renew ng contract ang ibang endorsements ni DJ.


Well, base sa aming naisulat, wala naman kaming sinabing naghihirap na ang pamilya at hindi rin kami nagbanggit ng anumang tungkol sa hindi pag-renew o pag-pull-out man lang ng mga endorsements niya.


Baka sa iba nila nabasa ‘yun dahil ang isyu lang na aming naisulat ay ‘yung tungkol nga sa pagkonsulta (hindi pa nga namin sinabing nagbenta na) nito sa kanyang legal team at mga business partners kaugnay ng pagbebenta ng shares, period.


Sana naman ay paratingin ng mga nagbabalita kina Karla at DJ ang mga tamang info at kung nais naman nilang bigyang-liwanag ang isyu, puwedeng-puwede naman.


Huwag lang mag-aakusa ng hindi tama gayung sinabi pa nga naming wala namang mali, if ever man sa plano nitong mag-disburse/i-liquidate ang ibang resources nila.

 
 

ni Ador V. Saluta @Adore Me! | Jan. 8, 2025



Photo: Sofronio at Vice Ganda - It's Showtime - YT


Mainit na pagsalubong mula sa mga hosts ng programang It’s Showtime (IS) ang tinanggap ni Sofronio Vasquez nang maging espesyal na panauhin ang singer sa nasabing programa nitong Lunes, January 6, 2025, matapos nitong mapanalunan ang The Voice USA noong Disyembre.  


Ang engrandeng welcome ay bahagi ng pagbibigay-pugay ng IS hosts kay Sofronio. 

Sa umpisa ng interbyuhan, binanggit ni Vice Ganda ang batikos na tinanggap ng kanilang programa matapos manalo ang singer sa The Voice USA.


Tila sumbong ni Vice kay Sofronio, “Alam mo ba, binati ka lang dito ng Showtime, ang dami nang nagtalakan sa Twitter (X). Sabi raw ng basher, ‘Ngayon, pinapansin ninyo si Sofronio. Ngayon, inaangkin ninyo si Sofronio, kung maka-‘our very own’ kayo.’”  


Himutok pa ng basher na pagkatapos daw nitong ‘di magtagumpay sa Tawag ng Tanghalan (TNT), humingi ito ng trabaho sa staff ng IS at binigyan naman siya ng trabaho bilang vocal coach.  


Ganti ni Vice sa basher, “Naging vocal coach s’ya ng mga contestants ng Tawag ng Tanghalan. Hindi ninyo alam ‘yun kaya talagang pamilya s’ya, kaya…” sabi pa ni Vice.  

Sinundan pa niya ng “Belat” nang dalawang beses sa mga taong bumatikos sa IS nang manalo si Sofronio Vasquez at i-acknowledge ng programa na galing sa kanilang show ang kauna-unahang Asian grand champion sa 26th Season ng The Voice USA noong Disyembre 10, 2024.  


Well, binatikos ang IS ng ilang netizens na nagsabing inaangkin nila ang tagumpay ni Sofronio dahil grand champion ito sa The Voice USA, pero hindi naman daw pinanalo nang sumali ito sa TNT. Kaya nang magtagumpay siya sa The Voice USA at sa IS nag-umpisa ng career si Sofronio, masasabing may “K” ang mga bumubuo sa IS na tawagin si Sofronio bilang ‘our very own’.  



Nitong January 5 episode ng Showbiz Now Na (SNN) nina Tita Cristy Fermin, Rommel Chika at Wendell Alvarez, nagbigay ng opinyon ang movie columnist-anchor-vlogger na si ‘Nay Cristy sa bagong pelikula ni Darryl Yap, ang The Rapists of Pepsi Paloma (TROPP), kung saan naibahagi ng showbiz columnist na hindi raw niya suportado ang pelikulang ito ni Yap dahil salat daw ito sa katotohanan, na ibig sabihin ay ilusyon lamang ito ni Yap.  


“Natutuwa ako sa kanyang mga atake paminsan-minsan. Pero this time, hindi mo ako maisasama sa gusto mong palabasin,” bungad ni ‘Nay Cristy.  


Dagdag pa niya, “Ano’ng gusto mo, Direk Darryl? Ang wasakin si Bossing Vic Sotto dahil sa tagumpay ng The Kingdom (TK)? Kahit pa magkababayan kayo sa Olongapo, wala kang alam,” mariing sabi ni ‘Nay Cristy.  


Tinatanong din niya si Darryl kung ano ang kanyang motibo para sirain si Bossing Vic. Hindi naman ito tatakbo sa mid-term elections ngayong Mayo. 


“Bakit kailangan mo pa itong gawin? Ano ang (iyong) layunin?” pag-alma ni ‘Nay Cristy Fermin.  

 
 

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | Jan. 7, 2025



Photo: AI Ai at Gerald Sibayan - Instagram


Hindi namin naitanong kay Imelda Papin kung may komunikasyon o nagkikita pa sila ng father ng kanyang anak, hindi tulad ni Ai Ai delas Alas na bulgar na bulgar ang hiwalayan sa asawang si Gerald Sibayan.


At tipong hate na hate ni Ai Ai si Gerald, kahit sampung taon din silang nagsama bilang mag-asawa.


“Ayoko na s’yang makita at makausap,” tahasang sabi ni Ai Ai na ramdam ang idinulot na sama ng loob ng pakikipagkalas sa kanya ng batang mister. 


Malakas din daw ang kutob ng komedyana na may ibang babae si Gerald.


Naku, sexy ngayon itong si Ai Ai nang makita namin at malapitan sa preskon kamakailan lamang ni Gov. Chavit Singson. Para siyang dalaga uli and for sure, sa oozing looks niya ngayon ay hindi malayong makakuha siya agad ng kapalit ni Gerald Sibayan, in pernes.


Go, Ai Ai, and make yourself happy again. 


For sure, sa oozing with sex appeal mo ngayon, marami riyan ang naghihintay lang ng tamang pagkakataon. Lalaki man o lesbian, sa true lang. 


Yo, sa tamang pagkakataon. Just wait lang, okidoki? 


‘Yun na!


KAKAIBANG Imelda Papin ang tumambad kay yours truly nang mag-caroling ang PMPC nu’ng bago mag-Pasko.


Parang dalaga uli ang kanyang wankatitat at oozing with sex appeal at hindi mo aakalain na meron na siyang dalagang anak. 


Bumagay sa kanya ang bago niyang hairdo na tipong uso ngayon na mala-blondie-ek. Epek kaya ‘yun ng kanyang pagiging PCSO chairman?


Well, ang ginawa na lang ni yours truly ay nilapitan ito up close and personal with matching sing ng kanyang old hit song titled Isang Linggong Pag-ibig (ILP) with lyrics that goes.... “Lunes, nang tayo ay magkakilala... Martes, nang tayo’y muling magkita... Miyerkules, nagtapat ka ng iyong pag-ibig... Huwebes ay inibig din kita…” 


Boom! Just pang-throwback memories lang po, insert smiley ☺!


Walang napag-usapan kung may bago na siyang pag-ibig after siyang mahiwalay sa father ng kanyang dyunak na singer din like her na si Maffi Carreon.


Basta ang bilin lang niya sa amin, tumaya kami lagi sa Lotto para mas umunlad pa ang PCSO at malay daw namin, kung isa kami sa maging Lotto winner. 


Oo nga naman, ang nalimutan naming itanong ay ginawa ba siyang PCSO chairman ni BBM (Bongbong Marcos) matapos i-produce ni Papin ang pelikulang Loyalista

What do you think, mga Marites? Think and THINK BIG, ha!



INAMIN ni Carlo Aquino na hesitant siya nu’ng una na tanggapin ang role sa It’s Okay To Not Be Okay na pinagbibidahan ni Anne Curtis at kasama rin nila si Joshua Garcia.


“Ayaw ko kasing gawin dahil takot na takot ako du’n sa It’s Okay To Not Be Okay, dahil alam ko ‘yung fans ng series na ‘to, eh, sobrang wild ‘yung kagustuhan nila, tapos, nanalo pa nga ‘yung actor na nag-play [sa role ko]. So, dagdag [pressure] naman ‘yun, eh, ayaw ko na nga ng pressure,” he recalled in an interview with Bianca Gonzalez in the TFC show BRGY.


“So, sabi ni CVV (Cory V. Vidanes), gawin mo na. Tapos, sinabi na rin ng handlers ko, ‘Sobrang ganda n’yan, parang ikaw ‘yung isa sa mga puso ng series.’ Sabi ko, okay, siguro ito na ‘yung time na kung gagawa man ako ng sobrang hirap, ito na ‘yun and parang feeling ko, ano rin ‘to, moving forward, magiging okey din dahil ginawa ko ‘yung isang bagay na sobrang kinatatakutan ko,” diin niya.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page