top of page
Search

ni Ambet Nabus @Let's See | Jan. 15, 2025



Photo: Mark Herras - Instagram


Usap-usapan ang naging pagsasayaw ni Mark Herras sa The Apollo gay bar sa may Roxas Blvd., sakop ng Parañaque.


Minsan na naming napasyalan ang naturang lugar na medyo may kamahalan ang mga ganapan — mula sa entrance, food and drinks, hanggang sa pag-table ng mga “hostos” (male models/dancers) doon.


Kaya nagtataka kami kung bakit halagang P500 lang ang sinasabing bayad sa naturang gabi kung kailan nagkaroon ng special performance si Mark. 


Eh, halos presyo lang ‘yun ng softdrinks in can doon. Hahaha!


Anyway, pinagtatalunan kung sobra raw bang nagigipit si Mark, kaya nagawa niyang magsayaw roon o sadya lang wala itong alam na mas madaling paraan

upang kumita?


Balita kasing manganganak uli ang kanyang kinakasama at mayroon pa itong ipinagagawang bahay. At dahil hindi nga raw ito ganu’n kaaktibo sa showbiz, dapat itong mag-isip ng paraan para magkapera.


At bilang kilala naman siyang ‘King of the Dance Floor’, ‘yun ang nakita niyang paraan bukod pa sa nabalitaan naming naimbitahan siya roon ng ilang kaibigan na nakakaalam ng kanyang sitwasyon.


Hindi namin kinokondena si Mark sa paraan na naisip niya upang magkapera, pero bilang nagkaroon na siya ng “brand o imahe” sa showbiz na maayos naman, tila nasa maling lugar nga ang aktor para magpakita ng kanyang talento.


But then again, siya naman itong may pangangailangan at kakayahan. 

Ang latest tsismis na nakarating sa amin ay magkakaroon uli umano ng mas bonggang “special night” si Mark sa parehong lugar.


Baka nga nag-iingay lang para mapag-usapan at mai-promote ang naturang event which will happen soon.



ALL is well na nga between Star Cinema and the KimPau dahil mismong si Kim Chiu na ang nag-anunsiyo sa It’s Showtime (IS) last Tuesday na sa March 26 na ang showing ng movie nila ni Paulo Avelino.


Nagkaroon kasi ng confusion ang marami, lalo na ang mga fans ng KimPau, dahil biglaan nga raw na iniurong from February 12 playdate to March ang movie, causing the reported “unfollowing” nina Kim at Paulo sa Star Cinema. 


Pinabulaanan ito ng marami dahil in the first place diumano ay never naman daw naka-follow sina Paulo at Kim sa SC account. 


Nakakaloka ang panganganak ng mga kuwentong ganito para lang may mapag-usapan, though talagang hindi nagpatinag ang mga fans ng KimPau sa pagpapahayag ng disgusto sa nangyari. Hahaha! 


Marami pa nga ang nagsabing “mukhang pinaikot” lang ang dalawang lead stars, dahil mas nauna pa umanong nagkaroon ng anunsiyo ang mga SM theaters hinggil sa change of playdate.


Whatever, ang importante sa ngayon ay balik-shooting na sina Kim at Paulo para matapos na ang movie at eto na nga, mismong si Kim na ang nag-anunsiyo na magkakaroon ng “worldwide” release ang movie kaya na-move ito ng playdate.



NOON pa namin sinabing if given the right projects, sisikat itong si Michael Sager.


At mukhang doon na nga siya papunta dahil after ng ilang shows na nakitaan siya ng potensiyal, heto nga’t muli siyang magbibida bilang leading man ni Jillian Ward sa My Ilonggo Girl (MIG).


May hatak at chemistry ang tandem ng dalawa, though sa mga nasanay nang mapanood si Jillian sa mas seryosong projects kahit walang leading man, sinasabi nilang ‘hindi ito kailangan’ ng batang aktres.


But then again, proud si Jillian na for the first time nga ay sasabak siya sa rom-com at si Michael pa ang kanyang leading man.


Susme, magiging choosy pa ba tayo sa tikas, pagkapogi, macho at lakas maka-magnet ng mga chinky eyes ni Michael? Idagdag pa riyan ang maganda nitong boses na nakakakilig ‘pag nagde-deliver na ng mga linya niya. Hahahaha! 


Ay, good singer and dancer din pala siya, ha?

 
 

ni Ambet Nabus @Let's See | Jan. 14, 2025



Photo: Dominic Roque at Sue Ramirez - Instagram


Ngayong ibinulgar na ni Dominic Roque na si Sue Ramirez na nga ang bagong nagpapasaya ng kanyang puso, as expected ay may mga sari-saring opinyon ang mga pakialamerang Marites.


Marami ang nagpapahayag ng katuwaan dahil feel nga nilang magtatagal umano ang pagsasama ng dalawa, lalo’t hindi naman daw ganu’n kalaking artista si Sue. 


Kumbaga raw ay hindi magiging isyu ang pagiging mas mapera, aktibo o sikat ng isa kesa sa isa na marahil ay ilan sa mga naging rason daw kung bakit nauwi sa hiwalayan noon sina Dominic at Bea Alonzo.  


May mga bashers pa ring sa pisikal na anyo lang tumitingin dahil umano mas maganda pa raw si Dom sa aktres. Nakakaloka!


Pero nagkakasundo ang marami na marahil ay mas nakita raw ni Dom ang “inner beauty” ni Sue and vice-versa kung bakit sinasabi ring baka sa mga susunod na araw ay may anunsiyo na rin ng mas seryosong level ng relasyon.


Pinag-uusapan nga ang viral photo ng dalawa last New Year kung saan may caption na: “Live Baby Live” ang nai-post ni Dom sa socmed.



Certified “Primetime Lead Actor” na si Ruru Madrid ng Kapuso Network.

Although napatunayan naman na ni Ruru ang nasabing title sa mga projects na ibinigay sa kanya ng GMA-7, pero ayon mismo sa aktor ay mas nararamdaman niya o nananamnam ito sa ngayon.


“‘Yung tiwala, pagmamahal, respeto at commitment nila sa pagka-aktor ko, ngayon lang lahat nag-sink-in at damang-dama ko,” sey pa ni Ruru sa katatapos lang na Lolong, Bayani Ng Bayan (LBNB) Season 2 mediacon.


Halos nasa 50 co-actors ang ipinrisinta sa Gateway Mall 2 at lahat sila ay nagkakaisa sa pagsasabing si Ruru na nga raw ang latest biggest star ng Kapuso.


Ilan sa mga makakasama ni Ruru sa bagong series ay sina Shaira Diaz, Rochelle Pangilinan, Paul Salas, Mikoy Morales, Alma Concepcion, Maui Taylor at Jean Garcia.


Nandiyan din to provide support sina John Arcilla, Rocco Nacino, Martin del Rosario, Klea Pineda at Tetchie Agbayani.


Hindi rin matatawaran ang partisipasyon nina Victor Neri, Nonie Buencamino, Rodjun Cruz, Pancho Magno, Michelle Dee, Nikki Valdez, Bernadette Allyson, Boom Labrusca, Jan Marini, Gerard Pizarras, Archie Adamos, Nicco Manalo, Nikko Natividad, John Clifford, Waynona Collings, Rubi Rubi, Inah Evans, Barbiengot Forteza, Joe Vargas,

Karenina Haniel and Leo Martinez.



PINASOK na rin ng sikat na hair and make-up artist guru na si kapatid na Bambbi Fuentes ang pagma-manage ng mga artista at singers.


Sa nakaraang grand launch ng DRAGONS Talent Management ay ipinakilala na nga ang nasa 20 plus talents ni Bambbi. 


Kasama ni Bambbi sa Dragons ang kilalang negosyante na si Madam Christine Areola.

Ang mga pangunahing stars niya ay sina Khai Flores, Krista Jocson at Shira Tweg na may mga aktibo nang projects sa TV at movies.


Kapwa nga itinanghal bilang Best Newcomers ng PMPC sina Khai at Shira na nu’ng mainterbyu namin ay talaga namang may mga hitsura at talent na ibubuga.


Si Khai ay medyo nahahawig sa mga Revilla siblings at puwedeng maintriga na “anak” ni Sen. Bong Revilla. Hahahaha! 


Si Shira naman ay may aura na beauty queen and if given siguro ng proper training at ready na siyang sumabak sa pageantry, she can be our next Miss Universe, Miss International o Miss World. In fact, itinanghal siyang Miss Mindanao just very recently at isasabak siya sa mga national beauty pageants kung nanaisin niya.


May mga girl groups din si Bambbi gaya ng Gandaras at Irizz. Magkaiba ang peg ng dalawang grupo na may naggagandahan at seksing girls. 


Ang Gandaras ay parang K-Pop girl group ang awrahan at kantahan at binubuo ito nina Elle, Mira, Kiah at Daffne.


Ang Irizz naman ay kinabibilangan nina Cary (group leader), Princess, Ginger at Aubrey.

Kasama ring ini-launch sina Jace Eusebio, Migs Coloma, RJ Enzo at Jay Montero na very soon ay magiging male band members naman.


Congrats, Bambbi and Ma’am Christine, welcome sa showbiz!

 
 

ni Ador V. Saluta @Adore Me! | Jan. 14, 2025



Photo: Julia Montes at Coco Martin - Instagram


Hindi man tahasang kinukumpirma ng magkasintahang Coco Martin at Julia Montes ang tunay nilang relasyon, basang-basa naman ng mga netizens sa kanilang mga galaw at pictures na ipino-post sa social media kung ano’ng meron sila.


Kung dati ay hindi nga makalabas na magkasama ang dalawa at patago ang kanilang mga date dahil baka makunan ng camera, ngayon ay okay lang kahit magka-holding hands at magkayakap pa sila sa mga larawan.  


Pahayag ni Coco sa isang panayam kung bakit lantaran na sila ngayon ni Julia, “Dati, lahat nakatago.


“Ayaw ko namang ipagkait kay Jules (tawag niya kay Julia) na hindi man lang kami makalabas. Dati kasi, lahat ‘yan, nakatago. 


“Alam mo, ‘di naman n’ya sa ‘kin sinasabi (kung ano ang gusto niya), na para bang, ‘Ano ‘to? Habambuhay na lang ba na para bang never mo akong…’ Alam mo ‘yun?


“Ayoko namang ipagkait kay Jules na ‘di man lang kami makalabas o makakain (sa labas). Hindi ko man lang s’ya masuportahan.” 


Ikinatuwa naman ng mga fans ni Coco na finally ay handa na nga silang magpakatotoo ni Julia at buksan ang kanilang relasyon sa madlang pipol.


Anyway, sa panibagong taon ng kanyang seryeng Batang Quiapo (BQ), maraming papasok na bagong karakter sa serye at inaabangan na ito ng madlang pipol matapos mamatay ang dalawang cast members na sina McCoy de Leon at Irma Adlawan (bilang si Olga).


Kaya naman hinuhulaan ng mga netizens kung sa taong ito papasok si Julia Montes sa Batang Quiapo (BQ). Abangan!



Sa balitang iba’t ibang personalidad ang papasok sa ika-2 taon ng Batang Quiapo, may tsismis ding lumulutang na hanggang 2025 na lang daw ang serye ni Coco Martin.


Paliwanag dito ng vlogger at talent manager na si Ogie Diaz, “On a yearly basis kasi ang pagtatapos ng Batang Quiapo. Eh, lalo na ngayon, grabe ang utak ni Coco d’yan. At bukod pa d’yan, eh, maraming characters na naman ang lalabas (aabangan).


“Ako naman, naniniwala ako na ‘pag kumikita ka, ‘di dapat patayin. Ang feeling ko naman, ‘yung sinasabi nilang hanggang 2025, itutuloy hanggang 2026 na naman ito.”

Sa pagkakaalam ni Ogie, “Maraming characters pa ang lalabas.”


Pera sa kampanya, naging bato pa… 

AI AI AT BOSS TOYO, TODO-HINAYANG SA PAG-ATRAS NI CHAVIT





Malaki ang panghihinayang ni Comedy Queen Ai Ai delas Alas at ng nagso-showbiz na rin na si Boss Toyo sa pag-atras ni dating Gov. Chavit Singson sa pagtakbo bilang senador sa midterm elections sa Mayo, 2025.


Malaking budget ang mawawala sa kanilang dalawa. 


Balitang nakakontrata ng milyun-milyong piso ang dalawa sa pagsama nila sa election campaign ni Manong Chavit sa duration ng campaign period.


Pero, nand’yan pa rin ang binitawang salita ni Manong Chavit na kukunin niyang mga artista sina Ai Ai at Boss Toyo kapag inumpisahan na niyang mag-produce ng pelikula sa GMA-7.


Si Chavit ang bumibili dati ng GMA-7 Network pero aniya, “May hindi napagkasunduan,” at ayaw na niyang mag-elaborate pa.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page