top of page
Search

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | Jan. 16, 2025



Nora Aunor

Photo File: Comelec / Nora Aunor


“Nagsumite na po ako ng aking withdrawal sa Comelec at sa opisina ng People’s Champ Party List para sa May 2025 elections,” ito ang naging pahayag ni Superstar Nora Aunor sa mga Noranians sa pamamagitan ng kanyang social media (socmed) account.


Hindi idinetalye ni Ate Guy ang reasons ng kanyang pagwi-withdraw bilang partylist representative sa 2025 elections.    


Well, kung ano ang kanyang reasons, let’s leave it to her na lang. Siguro nga, not meant to be siya na maging politician.


Pero kahit hindi naman siya politician ay tumutulong pa rin siya sa mga kababayan natin na nangangailangan ng tulong, lalo na ‘yung mga nasalanta ng mga kalamidad tulad ng super typhoon or sunog.


Pumunta pa nga siya kay Boss Toyo para makahingi ng tulong-pinansiyal para sa mga dapat tulungan.


Let’s all give thanks to Superstar Nora Aunor for sharing her blessings to others kahit wala siyang bagong ginagawang series or any movie projects.  

Long live the Superstar Nora Aunor!



Huwag na raw magsentimyento ang mga fans ni Aga Muhlach. Tiyak daw kasing babawi ang aktor sa Manila International Film Festival (MIFF).


Magsisimula sa January 30, ang MIFF ay magtatapos sa February 2.


Sa ngayon ay meron nang international screening ang Uninvited kung saan kasama si Aga sa cast.


Nitong January 2, napanood na ito sa United Arab Emirates, Qatar at Bahrain.


Sa January 10 naman ay nakatakda itong ipalabas sa US at Canada.


Sa January 19 naman ito naka-schedule sa Malta at Paris, France.


Tulad sa 49th MMFF, iba ang nanalo rito last year kumpara sa mga itinanghal na winners sa MIFF sa Amerika.


Kung ito ang premise, not necessarily na si Dennis Trillo pa rin ang tanghaling Best Actor sa MIFF.


At puwede ring hindi si Judy Ann Santos – si Vilma Santos-Recto kaya?

 
 

ni Ambet Nabus @Let's See | Jan. 16, 2025



Photo: Ivana Alawi at Rudy Baldwin - IG, YT / Rated Korina


Umalis na pala si Ivana Alawi bilang endorser ng isang jewelry brand at bilang business partner din ng Cebu branch nito.


Hindi naging malinaw ang pag-alis ni Ivana pero may mga nagsabing marahil ay nagiging mas maingat lang ngayon ang aktres-vlogger, lalo’t napapadalas nga ang pagsabit sa mga endorsers kapag nakakasuhan ng legal.


May mga unconfirmed reports ding hindi umano na-meet ng kumpanya ang ilang demands ni Ivana pagdating sa ‘sosyo’.


Samantala, wala pa ring ibinigay na reaksiyon si Ivana kaugnay ng sinasabing hula ni Rudy Baldwin patungkol sa kilalang vlogger-aktres na mamamatay this year kung hindi mag-iingat o aalagaan ang kalusugan.


Marami kasi ang nagsasabing sa tila pa-blind item na hula na ginawa ay swak sa identity ni Ivana Alawi ang sinasabing personalidad.


Sa June hanggang August daw…

KORINA, BINALAAN SA MALAGIM NA PANGYAYARI



Speaking of which, marami rin ang namba-bash sa naturang ‘fortune teller’ na lumabas sa programa ni Ateng Korina Sanchez kamakailan.


Bukod sa pinagtatalunan ang gender identity nitong si Rudy Baldwin (babae pala talaga siya), may mga nagsasabing nagpapabibo umano ito bilang may mga naging predictions daw itong nagkatotoo last year.


Ang nakakalokang tsika na nabalitaan namin ay mismong hinulaan niya si Ateng Korina na kailangang mag-ingat din sa mga buwan ng June-August dahil may malagim umanong mangyayari rito.


Nakakabaliw!!!


Sana, pinahulaan din kung ano ang mangyayari sa kaso nina Bossing Vic Sotto at Darryl Yap. Hahaha!


Gets mo ‘yun, Direk Darryl?

“HUMILITY IS THE BEST POLICY” — VIC



“Humility is the best policy,” ang pasok na pasok na quotation ni Bossing Vic Sotto na may bagong ineendorsong produkto.


Sa panahon daw kasi ngayon, kakampi ng katotohanan ang pagpapakumbaba dahil ayon nga raw sa banal na aklat, itinataas ang mga marunong magpakumbaba.


Well, sa pinagdaraanan ngayon ni Bossing na labang-legal kontra Darryl Yap, marami kasi ang nagsasabing sobrang layo ng agwat ng status nila ng iskandalosong direktor and yet, ginawa ni Bossing ang sa tingin niya ay nararapat at para sa kanya ay pagpapakumbaba iyon.


Kaya nga lalo siyang itinataas ng tadhana dahil imbes na siya ang mawalan, heto at dinadagsa pa rin siya ng mga endorsement offers. Pagpapatunay ng kanyang reliability, trustworthiness at effectivity bilang inirerespetong endorser.

 
 

ni Ador V. Saluta @Adore Me! | Jan. 16, 2025





Mukhang maganda ang pasok ng suwerte sa komedyanteng si Pepe Herrera. Magkakasunod na proyekto ang kanyang ginagawa pagpasok ng bagong taon.


After na gumanap na Lods (Hesus Kristo) sa Rewind noong 2023, Satanas naman ang role ni Pepe sa pelikulang Sampung Utos Kay Josh (SUKJ) na pinagbibidahan nila ni Jerald Napoles.


Balita ring matatapos na ang comedy film na unang pagbibidahan nina Pepe at KitKat, ang Pranks In Tandem (PIT) na ang target playdate ay ngayong March, 2025.


Ayon sa director ng comedy film na si Direk Franco Arce, first time nilang makatanggap ng maraming requests na pagsamahin ang dalawa.


Gagampanan nina Pepe at Kitkat ang magkalabtim at magka-partner sa lahat ng bagay na inilalarawan bilang katatawanan.


Sa script reading ng PIT, kuwento ni Kitkat, “Kami ang magkapareha ni Pepe. May mga aksiyon, may bugbugan.”


Kawawa raw si Pepe sa bugbog na inabot nito.


Buwelta ni Kitkat, “Sana, si Janno (Gibbs) ang partner ko rito, para makaganti ako sa kanya. Bugbog-sarado s’ya tiyak sa ‘kin.”


Dito namin napag-alaman na hindi pa rin daw sila okey ni Janno pagkatapos ng isyu ng dalawa sa isang programang pinagsamahan nila sa TV5, kung saan minura siya ni Janno.


“Ni sorry nga, wala!” sabi ni Kitkat


Bibigyan ng P1M sa awa…

RUFA MAE KAY WILLIE: PAG-ISIPAN KO MUNA



Maraming netizens ang na-touched sa pagbibigay ni Willie Revillame ng P1M sa komedyanang si Rufa Mae Quinto na kinasuhan ng 14 counts ng violation sa Section 8 ng Securities Regulation Code kaugnay ng pagiging endorser nito ng Dermacare skin clinic.


Matatandaang kusang-loob na sumuko kamakailan sa NBI si RMQ at nagpiyansa lang ng P1.7M para pansamantalang makalaya.


Ang pagkikita nina Willie at Rufa Mae ay nagkataon lamang. 


Kuwento ni Wil, “Kumain kami nu’ng anak kong si Juamee sa isang restaurant. Eh, walang silya kaya bumaba kami.


“So, nakita ko s’ya, may mga kasamang abogado, may mga pulis,” gulat niyang sabi.

Nagbiro pa ito ng, “May posas pa s’ya.”


Kuwento pa niya, “So, sabi ko, ‘Kumusta ka?’ ‘Yun ‘yung time na kakalabas pa lang n’ya.”  Hindi na nagdalawang-isip si Willie na tulungan si Rufa sa kanyang pinagdaraanan.


Malaki ang pasasalamat ni Rufa Mae noong abutan siya ni Wil ng P1M.

Emosyonal na kuwento ni Rufa, “Binigyan po n’ya ako ng 1 million pesos noong nakita ko s’ya.


“Seryoso po ito, ha, noong nakita at nakausap ko po s’ya, sabi n’ya, ‘Sana, tinawagan mo ako para tinulungan kitang mag-bail.’


“Sabi pa niya, ‘Sige, bibigyan kita ng 1 million ngayon.’”


Gulantang si Rufa Mae at nagbiro, “Sabi ko naman, ‘Bukas na lang, pag-isipan mo muna, baka nagugulat ka lang.’


“Sabi naman niya, ‘Hindi, naaawa kasi ako sa ‘yo, eh, sa mga pinagdaanan mo.’”


Todo-pasalamat si Rufa Mae dahil sa ginawang ito ni Kuya Wil at sa mga taong tumulong hindi lang sa pinansiyal.


Aniya pa, “Hindi lang po kayo ang tinulungan n’ya, kundi pati ako.


“Kaya nagha-hi-hello ako para sabihin sa kanya (Willie) na maraming salamat.


“Siyempre, nagpapasalamat ako sa Diyos, nagdasal po ako. Sa NBI, sa press, hindi nila ako pinatakas.


“Talagang bawal ang eskapo. Hindi naman ako nakulong kasi nakapag-bail ako. Ngayon, bail-bail na lang!


“Pero okey na ‘yun, positivity na lang. Ang importante, binigyan n’ya (Willie) ako ng cash.”

 
 
RECOMMENDED
bottom of page