top of page
Search

ni Ambet Nabus @Let's See | Jan. 31, 2025



Photo: Marian Rivera



Uy, sporting a short hair si Marian Rivera ngayon.


Marami tuloy ang nag-aakalang baka buntis ito dahil parang ngayon lang uli nakita ng marami na maikli na ang buhok niya.


“Very much in love lang,” simpleng sagot nito sa muli niyang pagpirma ng kontrata sa Luxe Beauty and Wellness Group bilang ambassador ng Ecran Gel o sunscreen product.


Imposible diumanong buntis ito dahil as per her management, maraming mga projects na naka-line-up gawin ni Marian this 2025, mapa-TV man o movies.


Sa dinami-dami kasi ng blessings na natanggap nito last 2024 including her Best Actress wins for Balota, kailangan daw mabalanse ng Primetime Kapuso Queen ang lahat.


Pero ang nakakabilib kay Marian, sa bawat project pala na kanyang ginagawa, laging may special clause sa kontrata na kapag natataon o natatapat ang anumang promo niya sa mga school activities ng kanyang mga anak, dapat na naka-prioritize ang huli over these promo.


O, ‘di ba, mga tunay at totoong reyna lang ang puwedeng makagawa ng ganyan.



Wala pa ring ibinibigay na reaksiyon ang Pinoy Big Brother (PBB) management hinggil sa naging bashing kay Jarren Garcia matapos nga itong maokray ng netizens sa naging pagbabalita nito sa TV Patrol.


Naging guest star patroller ang PBB alumnus at nataon pang tungkol sa huling gabi ng lamay ng Queen of Phil. Cinema ang report nito.


Binash nang wagas si Jarren dahil sa bulul-bulol nitong reporting at mali-maling pag-pronounce ng mga names ng mga celebrities na nandu’n, kaya’t inakusahan itong naging “disrespectful”.


Ayon sa nakausap naming taga-TV Patrol, “We rehearsed naman his spiels before he went on air to report. Okey naman nu’ng una. Baka lang talaga inatake ng sobrang nerbiyos ‘yung bata na nangyayari naman sa kahit pa mga beterano na.”


Well, sa dinami-dami nga naman kasi ng mga ‘new talents’ ng ABS-CBN na gusto nilang i-field as guest star patroller, kung bakit natapat pa kay Jarren ang ganu’ng senaryo. 


Utu-uto at sunod-sunuran daw talaga kay Chloe… CARLOS, NI HINDI BUMABA SA BAHAY NANG IHATID ANG UTOL NA SI ELDREW





“Uto-uto nga. Hindi pa man ay ipinapakita na niyang under talaga s’ya at sunod-sunuran lang sa jowa n’ya,” sigaw ng mga netizens na nakakita ng pangyayari kina Carlos Yulo, jowa nitong si Chloe San Jose, at kapatid ni Caloy (palayaw ni Carlos) na si Eldrew.


Sa nakaraang PSA Awards Night nga nagkita ang magkapatid dahil kapwa sila awardees, although si Caloy ang nakakuha ng pinakamataas na award.


Sa nag-viral na video kung saan iniinterbyu si Eldrew, maririnig na nagsabi ito na sasabay sa kapatid pag-uwi. Then, maririnig din na tinanong ni Caloy ang jowa kung

isasabay nga nila ito, na sinagot naman ng huli ng “Oo, ihahatid natin.”


Dito na nga nag-react ang marami kung bakit need pang ipaalam ni Caloy sa jowa ang paghatid sa kapatid gayung sa kanya naman ang sasakyan at hindi pa naman sila mag-asawa para humingi ng permiso?


“Lumalabas talagang utu-uto s’ya at takot,” sigaw pa ng netizen.


Ang sumunod na video na kumakalat ngayon sa socmed ay ang pag-bye-bye ng ama nina Caloy at Eldrew sa eksenang naihatid na sa bahay ang nakababatang Yulo.


Muli, umani ito ng sari-saring reaksiyon, lalo’t hindi nga raw nagawang bumaba man lang ni Caloy para batiin o silipin ang dati nilang bahay.


And yes, marami ang curious sa kung sino ang kumukuha ng video na base sa post ay galing sa loob ng sasakyan ni Caloy.


Hay, ewan. Hahaha! Hindi pa pala talaga tapos ang mga isyu sa kanila, ‘noh!

 
 

ni Ambet Nabus @Let's See | Jan. 30, 2025



Photo: Nora Aunor sa Mananambal - YT



O, hayan, ha? Ayaw na ayaw daw ni Bianca Umali na magpa-pressure sa panawagan ng mga fans o supporters ni Ate Guy a.k.a. Nora Aunor na kasama niya sa movie na Mananambal.


Ang iingay na naman kasi ng mga fans ni Bulilit sa socmed (social media) na walang ginawa kundi purihin nang purihin si Nora na para bang siya na lang ang nag-iisang artista sa mundo, what with their 5 continents and NA brouhaha posts.


Chinallenge pa nila ang young cast members ng movie na sipagan daw ang pag-promote dahil dapat lang silang mag-feel honored na nakasama nila ang idol nila? 

May mga nagdikta pang patunayan na malakas daw sila sa socmed dahil ‘yun ang generation nila.


Nakakaloka lang ‘noh?! Kung ‘yang mga pag-iingay ba naman nilang ‘yan ay i-translate nila sa magandang promo, sipagan nila, lumabas sila, maglikom ng pera para sa mga block screenings, at higit sa lahat ay pumila sa mga sinehan once ipalabas na ang movie, eh, di nakatulong sila kay Nora na once in a blue moon na nga lang gumawa ng pelikula, lagi pang first screening, last screening (no longer first day, last day, huh?).


And take note, parang two years ago na yata niyang nagawa ‘yan?


Tama ‘yan, Bianca, Kelvin Miranda at Edgar Allan Guzman, do your thing para hindi naman nila i-claim ang mga imposible nang mangyari sa panahong ito.


Kaya nga sa promo ng GMA-7, inilagay na ang mga mukha nina Bianca et. al, dahil ayon sa marketing strategy, hindi na nga raw keri ni Nora Aunor ang magdala ng movie. 

Aguy!



Next to Ate Vi o Star for All Seasons Vilma Santos, si Gladys Reyes na marahil ang artistang kering-kering mag-roll call ng complete names ng mga kapatid sa entertainment media.


With conviction and side stories, feel na feel mo talagang “kaibigan, kapamilya, kapuso at kapatid” ang turing ni Gladys sa mga gaya namin.


Sa pagbubukas ng ikalawang branch ng That’s Diner (nasa Sta. Lucia Mall complex sa Cainta), masayang ipinatikim ni Gladys at asawa niyang si Christopher Roxas ang mga “bulalo-based” dishes na ipinagmamalaki ng restaurant.


At dahil chef nga si Christopher, nilagyan niya ng twist ang bawat bulalo dish gaya ng Bicol express at laing (bilang Bicolano rin siya), dinakdakan, ‘yung umaapoy na chicken

atbp.. 


Sa halos 7 dishes na ipinatikim sa amin, wala talagang tapon o sayang dahil equally very good silang lahat.


Napakasuwerte talaga ng mag-asawang ito sa mga negosyong pinapasok nila. Katulong din ang mga members of their families, ‘expansion’ ang next target nila kaya’t open for franchise rin ang That’s Diner na ang 1st branch nga ay nasa Sta. Rosa, Laguna.


Sa totoo lang at tahasan namin itong sasabihin, ha, sa dami ng mga artistang nag-aral maging chef o may negosyong pagkain, namumukod-tangi sina Gladys at Christopher na nagpapakain ng kanilang mga produkto. 


Nagpapakatotoo talaga bilang chef at hindi matawag lang na chef-chef, ‘noh!


Ay, siya nga pala, may 2 Netflix movies si Gladys na ipapalabas soon at inumpisahan na rin niya ang magkaroon ng sarili niyang YouTube (YT) channel na Gladys Reyes, Glad to be With You

Naka-subscribe na kami. Hahaha!


Bukod kay Belle… JANE AT ELIJAH, PINATAY AGAD SA SERYE NINA DANIEL AT RICHARD





Ano nga kaya ang itatakbo ng story ng Incognito dahil ang ilan sa mga big stars ng series ay pinatay na ang karakter?


Sina Jane de Leon at Elijah Canlas ay imposible nang mabuhay sa kuwento unless may ipapakitang flashback sa karakter nila gaya ng inaasahan sa pinatay na ring karakter ni Cris Villanueva, gumaganap na tatay ni Daniel Padilla.


Understandable naman na pinatay na rin ang cameo role ni Belle Mariano bilang hostage, though ‘yung karakter ni Raymond Bagatsing as her father ay nandiyan

pa.


Nalilito ang mga sumusubaybay sa series dahil anila, “patayan series” daw pala

ang kuwento ng bawat project ng team nina Daniel, Richard Gutierrez, Baron Geisler, Kaila Estrada, Anthony Jennings at Ian Veneracion. Nowhere to be seen pa rin ang karakter ni Maris Racal.


Although may ipinapakita nang individual plot o per story ang nasa team at dumadagdag ang mga artista, nakakaramdam ang mga manonood na in the long run ay lalaylay ang storytelling nito sa dami ng twists and conflicts.


‘Yan daw ang nagiging problema kapag lahat na lang ay may subplots. Huwag naman sana, dahil ang laki ng promise at expectations ng marami.



 
 

ni Ambet Nabus @Let's See | Jan. 28, 2025



Photo: Regine Velasquez Alcasid at Stell - Instagram



Ay, nakakaloka naman ang nasagap naming tsismis na marami diumanong mga Stell fans ang nagbebenta na ngayon kahit palugi ng mga tiket na nabili nila sa Regine Velasquez’ Reset concert series.


Medyo naguluhan pa kami nu’ng ikinukuwento ito sa amin dahil ang akala namin ay posible pa ring makapag-guest si Stell kahit one night lang.


“Naku, hindi na nga puwede. Nag-decide na ang management n’ya na sa ibang pagkakataon na lang dahil may conflict of schedule na,” sey ng nagkukuwento sa amin.


Although, maayos naman daw ang pagkansela ng management ni Stell at humingi pa ng sorry ang SB19 member na nagpadala pa ng bouquet of flowers kay Songbird. Hindi naman nagtampo si Regine at naunawaan naman ang naging sitwasyon.


‘Yun nga lang, may mga nakabili raw ng tickets na feel lang na abangan at panoorin ang sinasabing ‘duet number’ nina Regine at Stell.


“Aanhin pa namin ang ticket kung iba ang makaka-duet ni Regine? No offense meant sa Songbird, anytime naman na feel namin siyang panoorin, lagi naman siyang nasa TV. Iba lang talaga ‘yung makaka-duet niya si Stell,” ang umano’y kuda ng mga nakabili ng tickets.

Luh...



Palaisipan talaga sa maraming mga Pinoy Big Brother (PBB) fans and supporters ang inilabas na teaser ng GMA-7 news na “Big Balita (BB)”.


Lahat kasi ay nag-a-assume na baka raw ang reality show na PBB ang tinutukoy nitong magiging bahagi na ng Kapuso Network.


May ilang kaibigan kaming minessage dahil naging publicist din naman kami ng PBB, pero habang idinededlayn namin ito ay wala kaming natanggap na sagot.


Well, may kinalaman kaya sa TV franchise kung bakit posibleng hindi na nag-renew ang franchise holder ng reality show? Hindi ba’t nagkaroon pa ng isang season na tinawag nilang Gen 11, pero may tsismis na hindi na nga raw ito umano naging kasinglakas man lang ng mga previous series?


Very welcoming naman ang mga Kapuso fans sa balita dahil ‘ika nga nila, “Mas magandang makipagnegosyo sa may legit na franchise.”

Aguy!


Sobrang excited pa naman sa first baby… 

MIKEE, TANGGAP PA RIN SI ALEX KAHIT 3 BESES NANG NAKUNAN





Nakakaawa rin naman talaga ang pagpapahayag ni Konsehal Mikee Morada hinggil sa third miscarriage ng asawang si Alex Gonzaga.


Sa napanood naming kuwento niya sa vlog ni Toni Gonzaga na Toni Talks (TT), mararamdaman mo talaga ang sakit at pagkalungkot ng balita, lalo’t alam naman nating may previous na silang karanasan ukol dito.


Marami ang naantig sa ibinahagi ni Mikee na sa pagkukuwento ay na-excite nang marinig daw niya ang “heartbeat” ng dapat sana ay unang anak nila ni Alex.


Pero dahil nga sa tinatawag na ‘anembryonic o no embryo pregnancy’, nauwi rin ito sa miscarriage.


Marami ang nalungkot at naawa base sa napanood nating kuwento, pero marami rin naman ang humanga sa tatag ni Mikee na nagdeklara ng kanyang ‘unconditional’ na pagmamahal kay Alex.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page