top of page
Search

ni Ambet Nabus @Let's See | Feb. 4, 2025



Photo: Ivana Alawi - IG


Hindi pa rin pala nagbibigay ng anumang reaksiyon ‘yung restaurant na ipinanawagan ni Ivana Alawi na “iwasan” dahil sa hindi nila magandang karanasan dito.


Ayon sa aming napag-alaman, “dedma” pa rin umano ang high-end restaurant kung saan nga nag-order ng “hotpot” ang kilalang vlogger-actress kamakailan.


Umabot ng P17,200 ang kanilang bill, pero hindi ‘yun ang naging isyu kundi ang sobrang tagal ng service considering na for pick-up daw ang order. 


Nagkamali na nga raw sa una, kung saan nag-wait nang matagal ang driver ni Ivana, then nang bumalik daw para kunin ang eksaktong order, another hours of waiting na naman daw ang nangyari.


Marami ang nagsasabing tama lang ang ginawa ni Ivana dahil may mga kagayang establishment nga na feeling untouchable.


Hindi naman siguro humihingi ng refund o libreng food ang actress-vlogger na kahit hindi nga active sa showbiz ay super afford ang mga ganyang bagay, ‘noh!



Mukhang naiwanan na nga sa kung saan si Liza Soberano dahil paulit-ulit na isyu na lamang ang ikinakabit sa kanya sa mga balitang showbiz.


Ang alam naman namin ay nagpapaka-busy ang magandang aktres sa kanyang bagong stable na based sa Singapore (Malaysia ba o Indonesia?) at sa mga posibleng international projects para sa kanya.


May mga nakikita naman din kaming mga magazine covers na siya ang feature. May mga anik-anik na music video din at iba pang exposure na obviously ay hindi para sa Pinoy audience, kaya’t ang feeling ng karamihan ay “has been” na siya.


Aguy! Ang sakit naman, lalo’t ang isyu pa rin ng pagsuporta niya sa dating business partner na si Jeffrey Oh na umano’y nanloko kay James Reid ang ikinakabit na balita sa kanya.


Pati nga ang pag-unfollow niya kay James at sa GF nitong si Issa Pressman ay lumang balita na rin, kaya sabi ng netizen, luma na nga si Liza Soberano.

Hay, buhay talaga! Pero bilang respeto sa mahal naming si Enrique Gil kaya ayaw muna naming magbigay ng sarili naming opinyon sa mga ganitong isyu.


Baklang-bakla magmahal…

AI AI AT POKWANG, PAREHO NG KAPALARAN SA LALAKI KAYA ISINUSUMPA NA


ANO raw ang common factor kina Ai Ai delas Alas at Pokwang pagdating sa pakikipagrelasyon sa mga lalaki?


“Kabaklaan,” sigaw ng netizen na halos may parehong observation sa pinagdaanan ni Pokwang at ngayon ay ni Ai Ai naman.


Ayon sa mga netizens, halos pareho raw kasing “bakla” kung magmahal ang dalawang kilalang komedyana na halos bilhin na ang lalaki at pagmamahal ng mga ito.


Kung matatandaan nga naman, parang nauulit lang kay Ai Ai ang noo’y nangyari kay Pokwang na biktima rin ng “cheating” at pagkakaroon ng asawang ‘mas umaasa sa babae’.


Sa latest socmed (social media) posts kasi ni Ai Ai after nitong ma-discover ang panloloko ng asawa, halos wala itong ipinagkaiba sa sentiments at pag-rant noon ni Pokwang na talagang isinumpa at idinemanda pa ang ex-husband para mapaalis ng bansa.


Mukhang sa kaso raw ni Ai Ai, ang pagpapa-deport pabalik sa Pilipinas ang main goal nito para sa naglokong asawa na balitang binigyan na nga raw ng “ring” ang kakulakadidang nito.


Aguy, uy!

 
 

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | Feb. 2, 2025



Karla Estrada - Fast Talk With Boy Abunda

Photo File: Karla Estrada - Fast Talk With Boy Abunda



Sa Fast Talk with Boy Abunda (FTWBA) ay tipong may lungkot sa mga mata at sa boses nitong si Karla Estrada habang iniinterbyu ni Kuya Boy lalo na tungkol sa breakup ng KathNiel tandem ‘coz siyempre, dyunak niyang panganay si Daniel, ‘noh? 


Mula nang ipanganak si Daniel Padilla noong 1995 ay talagang nabago na raw ang buhay ng aktres. Maraming natutunan si Karla upang itaguyod ang panganay na anak. 


“Kay Daniel pa lang natuto na akong mag-double time buhayin o suportahan ‘yung buong pamilya. From Leyte to Manila, lahat ng kamag-anak na lalapit, naging mas mabuti akong tao. But don’t get me wrong, matapang akong tao sa pagharap sa buhay. 


“And pagdating sa mga anak ko, sobrang tapang ko d’yan. Parang kung binuhay ko ‘yan ng ako lamang, ako lang ang puwedeng manakit sa mga anak ko. It’s always like that,” pagbabahagi ng mommy dearest ni Daniel.


Maraming pagsubok na ang nalampasan ni Karla sa personal niyang buhay. Para sa aktres ay ang paghihiwalay nina Daniel at Kathryn Bernardo ang pinakamalaking kontrobersiya na kanyang hinarap.


“Itong mga masasakit na salita na ibinato nila kay Daniel nitong mga nakaraang taon. ‘Yung paghihiwalay kasi, sa kanila naman ni Kathryn ‘yun, eh. Sila naman ang nakakaalam talaga, sila ang mag­reresolba kung ano man ‘yung dahilan ng hiwalayan. 


“Pero ‘yung salita ng tao na halos ‘di mo na makain at sobrang kabastusan, medyo ‘yun ang hindi ko kinakaya. Hindi ko kinakaya na parang ikamamatay ko, ah, hindi ko na halos kayanin na kailangan ko nang hanapin ‘yung mga taong ganu’ng magsalita at isa-isahing sagutin. 


“Ang pinakamaganda nating ginawa ay ipaubaya ru’n sa dalawa,” pagtatapat ng aktres kay Kuya Boy Abunda.


Eh, kung masakit sa ina, mas lalo sigurong mas masakit ang naramdaman ni Daniel Padilla sa hiwalayan blues nila ni Kathryn Bernardo… 

‘Yun lang and I thank you.



Sobra na ang publicities lalo na sa socmed (social media) ng pelikulang The Rapists of Pepsi Paloma ni Darryl Yap kaya for sure ay malaki ang kikitain nito sa mga sinehan out of curiosity. 


Maraming tsutsu at meron pang demandahan.

Tutol na tutol si Vic Sotto sa title at malamang daw (Oh, may daw, ha?), kampihan siya ng MTRCB ‘coz ang chairman nito ay ang kanyang pamangkin na si Lala Sotto na dyunak ni Sen. Tito Sotto.


Yo, what do you think, mga Marites at tribu ni Mosang? Think and THINK BIG, ha!

Well, kung kami si Direk Darryl Yap ay papalitan na lang namin ang title ng Pepsi Paloma movie ng… PEPSI VS. ADIK SA COKE. 


Boom, ‘yun na! (smiley emoji).


 
 

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | Jan. 31, 2025



Isko Moreno Domagoso - FB

Photo File: Isko Moreno Domagoso - FB



Sa katatapos lang na oath taking ng new officers and board members ng Philippine Movie Press Club (PMPC) na ginanap sa Adriatico Arms Hotel, Manila ay mismong ang dating Manila mayor and also former That’s Entertainment (TE) star na si Isko Moreno ang naging inducting officer at kapansin-pansin na tipong bumata ito at lalo pang pumogi, lalo’t katabi niya ang kanyang kasamang si Chi Atienza na tatakbo namang vice-mayor niya. 


Nakakabata talaga ng hitsura ‘yung walang stress, ‘no? Pansin n’yo, nu’ng mayor pa ng Maynila si Yorme, mukhang lagi itong seryoso at tumanda ang kanyang looks. Pero ngayon, bagets looking na.


At bongga siyang magpakawala ng financial help sa lahat ng mga bumubuo ng PMPC that night, ‘noh? Siguro, knows niya na after pandemic ay naapektuhan ang financial resources ng mga showbiz writers because bihira na ang mga preskon at showbiz events at kung meron man ay pili na lang at tipong mas priority nila ang mga vloggers, YouTubers (YT) at mga editors. 


Well, that’s life, walang kasiguraduhan ang kapalaran, ‘ika nga. Pero laban lang. Hangga't kaya, boom, ganernnn!



SA lunch and get-together naman ng mag-asawang Christopher Roxas at Gladys Reyes sa kanilang resto business called That’s Diner (TD) ay sobrang bumilib kami sa walang patid na pagtsika sa mikropono ni Gladys. May kung ilang oras yata siyang nagtsika-tsika sa harap ng madlang press pipol na kanyang inimbitahan just recently.


Siyempre, inendorso muna niya ang mga pagkain ng TD na in pernes ay puro masasarap. 


Wala siyang tigil sa katsitsika ng kung anik-anik na sa aming palagay ay puwede siyang maging game show host. 


Ang galing-galing ng kanyang boses at ni walang halong piyok basta tuluy-tuloy lang ang kanyang pagtsika sa mikroponong hawak niya. ‘Kakabilib, sa true lang. Dahil halos lahat kaming nandu’n ay all ears sa kanya, ‘noh!


Bukod sa pagtsika-tsika niya ay may portion pa siya para kumanta at sumayaw. Habang patingin-tingin lang sa kanya ang mister niyang si Christopher Roxas Sommereux.

And take note, inihahalintulad ni Gladys ang kanyang mister sa classic supreme bulalo ng kanilang That’s Diner Resto na all-time favorite daw niya. 


Ang sikreto umano sa matatag nilang 32-year marriage ay ang pagiging “masarap” na asawa raw ni Christopher.


“Parang si Christopher din ang mga bulalo rito sa That’s Diner, puwedeng sizzling, puwede rin naman siya minsang kare-kareng bulalo at bulalo pares. Thirty-two years of togetherness, para sa ‘kin ano, ano’ng sikreto? Importante meron kang masarap na asawa. Ah, teka lang! Masarap in such a way na masarap magluto, masarap magmahal, masarap mag-asikaso, so in totality, masarap na asawa. Hahaha!


“Si Christopher, sabi ko nga minsan, may sipa, may anghang, merong tamis paminsan, pero minsan din, may asim. S’yempre, may mga times na maasim kayo sa isa’t isa, probably stressed sa work, kulang sa pahinga, hindi kayo masyadong nag-uusap. Pero in totality, it all goes back du’n sa classic na bulalo na bigla kayong… sabi nga n’ya, lagi niyang naaalala ‘yung hitsura ko noong (nasa) Mara Clara kami, parang lagi lang siyang bumabalik du’n,” tsika ni Gladys.


Salo naman ni Christopher, “Ibig sabihin … babalikan mo lang parati ‘yung paano (kayo) nagsimula.”


‘Niwey, dalawa na pala ang branches ng That’s Diner, isa sa Sta. Lucia at isa sa San Pedro, Laguna.


Well, hiling lang namin kay Lord God Jesus Christ ay lalo pang tumagal ang kanilang pagsasama at lumago ang kanilang resto business.


‘Yun lang and I thank you.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page