top of page
Search

ni Ambet Nabus @Let's See | Feb. 6, 2025



Photo: TJ Monteverde - IG


Uy in pernes, ha, ang ganda ng review ng mga nanood ng concert ni TJ Monterde sa Araneta Coliseum last time. 


Bukod sa mga hugot songs at spiels ni TJ na kinagiliwan ng mga nanood, pinuri rin ang mahusay na direksiyon ni John Prats.


‘Yung paggamit daw ng mga ilaw, pag-maximize ng stage para sa isang solo artist, at iba pang bahagi ng production ay sinasabing na-master na nga ni Pratty na mukhang mas happy na bilang direktor ng mga shows at concerts.


“Puwede na s’yang magdirek ng foreign acts. He has what it takes to give us a world-class show. We are just proud of him,” sigaw ng mga nag-enjoy sa concert.


Isa pa rin sa mga sobrang pinag-usapan sa show ay ang na-video-han na ‘emote’ ng isang beauty queen na tila apektadung-apektado umano ng mga hugot songs/spiels ni TJ. 


“Lalo’t halos two seats apart lang sila ng ex n’ya,” komento pa ng mga nakapanood.

Aguy!



Dahil sa inamin ni Tony Labrusca na siya ang naglabas ng dila sa kissing scene nila ni Herlene Budol sa bago nitong series, biglang lumutang muli ang mainit at iskandalosong halikan nina Tony at Angel Aquino sa isang proyektong ginawa nila many years ago.


“Ay, nabuhay uli. So hot!” komento ng ilang netizen na nagsabi nga noon na the next big thing nga sa showbiz industry ang isang Tony Labrusca.


Pero hindi nga ‘yun nagtuluy-tuloy dahil sa ilang mga kaganapan na nakaapekto sa career ng binata.


Kaya naman with this latest and newest TV series na Binibining Marikit under GMA-7, asahan daw nating aalagwa na naman si Tony na sobrang game sa mga eksena with Herlene.


Although pang-afternoon slot ang BM at rom-com ang awrahan, may mga eksenang ‘halikan at harutan’ daw sa kuwento na hindi uurungan ni Tony. Hahaha!


Kasama nila sa series sina Pokwang, Almira Muhlach, Thea Tolentino, Cris Villanueva, Ashley Rivera, Jeff Moses, Migs Almendras, at John Feir. 


Ipinapakilala rin ang Afam na si Kevin Dasom bilang leading man din ni Herlene sa series.



DAHIL sa bagong ‘curiosity’ na tinatamasa ni Mark Herras after ng usapin sa pagsasayaw sa gay bar, kahit ang mga taga-academe pala ay iniimbitahan na siya.


Hindi para sumayaw kundi para magbigay ng speech sa kanilang programa tungkol sa pagiging ‘survivor sa buhay.'


Dumami rin daw ang invitation para sa mga sports events kung saan kasali nga si Mark

sa grupo ng mga artistang naglalaro ng basketball at dumadayo sa mga probinsiya.


“Basta legal at trabaho, gagawin ko,” sey pa ng aktor na sa mga panayam ay sinasabing

hindi niya kailanman ikinahihiya ang kanyang ginawa, lalo’t wala siyang tinatapakan na tao.


Medyo sablay nga lang si Mark para sa ilang nasa showbiz sa tinuran niyang wala siyang ‘image’ na pinoprotektahan.


Ayon sa mga ito, “Well, wala namang question sa paraan n’ya ng paghahanapbuhay o pagkita ng salapi but he has to remember na nagkapangalan siya sa showbiz, binigyan siya ng dance floor something na title at kaya siya kinukuha sa trabaho ay dahil sa mga imaheng ‘yun. 


“‘Wag naman niyang sabihin na wala s’yang pinoprotektahan na image dahil kung ano man ang narating n’ya sa industriya ay malaking parte ang showbiz du’n. And that is something na dapat may proteksiyon din.”


‘Yun lang!

 
 

ni Ambet Nabus @Let's See | Feb. 4, 2025



Photo: Anthony Jennings at Maris Racal sa Incognito


Finally, lumabas na at napanood na ng mga nag-aabang ang karakter ni Maris Racal sa Incognito.


Masayang-masaya ang MaThon fans dahil may mga pakilig na eksena agad sina Maris at Anthony Jennings sa action series.


Sa husay gumanap ni Maris at sa ganda ng kemistri nilang dalawa on screen, hindi mo talaga maiisip na may pinagdaanan silang iskandalo.


“Wala lang, tuloy ang sarap, tuloy ang buhay sa kanila,” sey ng mga fans nila na aliw na aliw sa dalawa.


“Bongga! Para s’yang natural na Italyana kung magsalita at kumilos,” habol naman ng mga bumilib sa kikay portrayal ni Maris sa Incognito.


Hmmm… gaano nga kaya ka-true ang tsismis na kahit pa nga may pinagdaanang kontrobersiya ang dalawa ay halos wala raw ilangan o anumang pag-iwas na nagaganap sa kanila? 


Proof nga diumano ang paglalabas-masok nila sa “individual room” na naa-assign sa kanila kapag may project o ginagawa silang trabaho.

Ay, may ganu’n?



Mabait pa nga si Pia Wurtzbach sa ginawa nitong pagsagot sa isang basher kaugnay ng pag-wish ditong mabuntis lang sana ng mister na si Jeremy Jauncey pero iwan din pagkatapos.


Hindi man pinangalanan ng dating Miss Universe ang naturang pakialamera at toxic na basher, hindi nito pinalampas ang kagaspangan ng naturang netizen.

“It’s exhausting and hurtful din, ha? Let’s stop normalizing this kind of online behavior,” bahagi ng isinagot na post ni Pia.


Isa nga si Pia sa mga fashion icons na laging laman ng mga socmed (social media) updates at hindi nga ba, sila ni Heart Evangelista ang madalas na pinagsasabong sa mga isyu?


May mga defenders si Pia na nagsasabing “napuno” na marahil ang queen nila, kaya’t nagawa nitong sumagot, though para nga sa marami ay napaka-tame pa at mabait nito kumpara sa ginawa ng basher laban sa kanya.



MEANWHILE, kung hindi pa nagkuwento si BB Gandanghari sa mga bago niyang episodes sa buhay-Amerika, hindi pa malalaman ng madla ang pinagdaraanang proseso ng ina nila na may signs of dementia na pala.


Sa interbyu ni BB kay Julius Babao, naikuwento nitong mas higit niyang nauunawaan ngayon ang ina dahil sa naging trabaho niya dati bilang caregiver sa Amerika. Pati ang dati niyang isyu sa kanyang ama ay nai-relate niya sa mga inalagaang “matatanda” na itinuring niyang tatay at nanay.


Naibahagi rin niyang sobra siyang naapektuhan nang yumao ang kanyang Kuya Royette noong pandemic na hindi man lang niya nakita o nakausap.


Sa mga pinagdaanan daw niya ngayon at sa pag-aming hindi na siya bumabata, nagbabalak siyang magtrabaho uli sa likod ng camera once na matapos niya ang pag-aaral sa USA ngayong taon.


Marami naman ang nagtataka at nagtatanong sa kung ano raw ba ang sitwasyon nila ng kapatid niyang senador na si Robin Padilla na kung tutuusin naman daw ay kayang-kayang magbigay ng oportunidad sa kanya dahil sa posisyon nito?


 
 

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | Feb. 4, 2025



Mark Herras - IG

Photo File: Mark Herras - IG


Samantala, sa event ng #49 Ahon Mahirap Partylist ay nakatsikahan namin si Genesis Gallios, ang co-owner ng Apollo Bar kung saan ay nagsasayaw si Mark Herras.


Natanong namin si Genesis kung paano niya nakumbinse si Mark na magsayaw sa kanyang bar. “Kaibigan ko naman si Mark kaya tinanong ko kung gusto niya ng raket, kasi may anak siya at kailangan niya rin ng raket. Guest lang naman at disente naman ‘yung show.


“Nu’ng January, naka-2 shows siya, ngayong February, dalawa ulit,” sabi nito.

Natanong din namin kung magkano ang entrance fee para mapanood si Mark.

“P500, hindi pa rin kami nagbago ng entrance fee. Pero grabe naman ang dami ng taong gusto s’yang mapanood.”


And take note, dagdag pa ni Genesis na ang dami raw indecent proposals kay Mark Herras.


Grabe, ang dami talaga!



Sa preskon ng Ahon Mahirap Partylist na dinaluhan ng 4th nominee nitong si Kristine Caballero-Aplal, 2nd nominee Mayor Ike Ponce, at 1st nominee Wilbert Tolentino, in-announce ang 3 lucky guys na nanalo sa 49 Days: Ito Ang Kwento Ko Challenge. 


Ang 3rd prize ay si Ralph Olajay, na nanalo ng P50,000; ang 2nd prize ay si Ronnel Javier, na nagwagi ng P100,000; at ang 1st prize, na pinaka-WOW sa halagang P500,000 ay napanalunan ni Reco Tayco. 


Ayun, naiyak ang tatlong lucky guys dahil nakaahon na sila sa hirap.

Ang kompetisyon ay hinusgahan batay sa dami ng views, shares, reactions, at content quality ng kanilang mga video.


Sa nasabing event, natanong namin si Wilbert Tolentino kung nagkaroon ba sila ng relasyon ni Hipon Girl Harlene Budol, dahil in fairness, pogi at may magandang pangangatawan itong si Wilbert.


“Wala po kaming relasyon, naging manager n’ya lang ako. Ako po ay single parent,” pag-amin ni Sir Wilbert Tolentino.


“Actually, nag-resign na ako bilang manager ni Herlene, pero in-entrust ko po s’ya sa GMA Sparkle. Pero tumutulong pa rin ako kay Herlene pagdating sa work n’ya,” dagdag pa niya.


Well, hindi naman nakapagtataka na tulungan niya si Herlene Budol dahil likas na sa kanya ang pagiging matulungin. At in fairness, pogi siya, oozing pa with sex appeal, kaya hindi rin nakakapagtaka na artista rin siya sa GMA Black Rider (BR).

‘Yun na!



 
 
RECOMMENDED
bottom of page