top of page
Search

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | Feb. 25, 2025



Kathryn Bernardo - FB

Photo: Kathryn Bernardo - FB


Sa latest tsika ni Tita Cristy Fermin sa kanyang radio program with her co-hosts ay may bago na naman daw property si Kathryn Bernardo.


Nagpagawa raw ito ng bagong bahay sa Nueva Ecija dahil nga ang pamilya nitong si Kathryn ay tubong Nueva Ecija tulad ni Tita Cristy.


Ang tanong ni Tita Cristy ay sino raw ba ang mag-aakalang yayamanin na ngayon ang isang Kathryn Bernardo?


The following ay more tsika pa from Tita Cristy...


“Una, nagpatayo muna si Kathryn ng studio na malapit sa bahay nila. Ito’y kung saan puwedeng mag-shoot doon ng mga TVC (TV commercial),” ani Cristy.


Sinundan ‘yun ng pagpapagawa ni Kathryn ng kanilang mansion. Ito’y may tatlong palapag na may slide at elevator.


Ayon sa kumakalat sa social media, tinatayang P50 million ang halaga ng mansion na ‘yun.


“At ito na nga po ang latest,” patuloy ni Cristy, “balitang nagpapagawa naman ngayon si Kathryn ng gusali sa Cabanatuan City.”


Ang building daw na ‘yun ay may 9 na palapag.


Wowowwwiinnn! Sey mo, Daniel Padilla, na ex-labs nitong si Kathryn Bernardo?

Tipong pareho raw ng kapalaran sina Kathryn Bernardo at Alden Richards.

Well, some guys were born lucky, boom ganern!



NGAYONG tapos na nilang i-shoot ni Kim Chiu ang kanilang My Love Will Make You Disappear movie, inamin ni Paulo Avelino na mas nae-excite siya lalo nang mapanood ang trailer ng pelikula.


“Ang daming parts ng pelikula na sobrang exciting panoorin and nagulat ako na merong mga inilagay dito,” sey niya.


Pero marami pa naman daw aabangang eksena sa pelikula.


“Sobrang bitin pa. Kumbaga, naiisip ko ‘yung mga shinoot naming mga eksena at napakarami pang magpapatawa, magpapakilig, and magpapagulat sa mga viewers natin,” ani Paulo. 


Dagdag niya, “So kung nagustuhan n’yo ‘yung trailer, 100% mas magugustuhan n’yo pa ‘yung pelikula.”


Gaonern, Paulo Avelino? Eh, di wow!



SOBRA-SOBRANG pasasalamat ang ipinabatid ng Dreamscape Productions sa viewing public ng new episodes of Batang Quiapo (BQ) na ang lead star at director ay walang iba kundi si Coco Martin pa rin.


“Milyun-milyong pasasalamat mga Kapamilya! Ibang klase ang inyong suporta sa pinakaaabangang salpukan sa BQ. Maraming-maraming salamat sa 12 milyon sa total episodes views sa YouTube,” sabi sa post ng Dreamscape Productions of ABS-CBN.

Congrats and more congrats, Coco Martin and to your Batang Quiapo staff.

 
 

ni Ambet Nabus @Let's See | Feb. 24, 2025



Photo: LIto Lapid - FB


Sa mga videos and photos na ipinadala sa amin ng mga supporters ni Sen. Lito Lapid, walang dudang malakas pa rin ang senador na nagsi-seek ng reelection.


Wala ring duda na nang dahil sa Batang Quiapo (BQ) kaya laging isinisigaw ng mga tao ang name na “Supremo” sa mga sorties niya sa mga probinsiya.


Pagpapatunay na malakas talaga ang hatak ng action series ni Coco Martin na personal ding ineendorso si Sen. Lapid.


Kaya naman, naintriga kami sa ilang kuwento na ‘yung ibang artistang pulitiko raw na nakakasabay ni Lapid sa mga motorcade at pagpunta sa mga palengke at ilang lugar na maraming ‘common tao’ ay umiwas o hindi sumasabay sa aktor-pulitiko dahil hindi sila natatawag na “Supremo” o sa mga names nila.


‘Kaloka! Hahaha!



BUKOD sa parehong taga-Australia sina Josh Blackman at Chloe San Jose, kapwa rin sila nakilala sa Pilipinas dahil sa mga partners nila.


Si Josh ang betterhalf ni Jeraldine ng Blackman family (with Jette and Nimu) na under contract ng GMA-7 Sparkle Artist Center dahil sa kasikatan nila sa socmed (social media).


At siyempre pa, nakilala ng marami ang iskandalosang si Chloe dahil kay Olympian Caloy Yulo.


Para sa mga fans ng Blackman family, nanghihinayang sila sa magandang content, impression at influence nito sa mga Pinoy. Nakapanghihinayang daw na kung alin pa ang positive at nagbibigay-kasiyahan ay siya pang naghihiwalay.


Samantalang si Chloe daw ay kapit-tuko kay Caloy at ito pa ang may ganang

magyabang, magmalaki at maging maangas sa socmed na ang resulta nga ay hate, negativity at bad influence.



VINDICATED si Direk Antoinette Jadaone at ang Project 8 Projects nila ni Direk Dan Villegas dahil sa katatapos lang na 75th Berlinale International Film Festival (BIFF) sa Berlin, Germany ay nakamit nila ang Best Feature Film award.


Sa movie entry nilang Sunshine, nanalo sila ng Crystal Bear of the Generation-14 plus Youth Jury Best Film. Ito ‘yung pinagbibidahan ni Maris Racal, kasama sina Elijah Canlas, Jennica Garcia at Annika Co.


Ang naturang BIFF ang isa sa pinakakinikilala at inirerespetong film festival sa buong mundo.


Matatandaang halos hindi nagpa-interview sina Direk Dan at asawang si Antoinette matapos ang tila heartbreaking loss o pag-isnab sa kanila last MMFF sa Uninvited, pero dahil sa panalong ito, daig pa nila ang nakaiskor ng perfect 10 sa global film making honors.


And yes, tila mukhang bongga rin ang good karma sa kanila dahil ang naturang MMFF entry nila last year ay rumarampa sa mga award-giving bodies unlike sa mga nanalo at nabigyan ng award last MMFF.

Congratulations!


 
 

ni Ambet Nabus @Let's See | Feb. 23, 2025



Photo: KathDen - FB


Marami ang nagtatanong sa amin kung ano raw ba ang opinyon namin sa lumabas na balitang hindi na umano itinuloy ni Alden Richards ang panliligaw kay Kathryn Bernardo.

May mga nag-aakusa kasi kay Alden bilang isang ‘user’ na porke’t tapos na raw at kumita na ang movie nila ni Kath ay biglang may ganitong balita. 


“S’yempre, tapos na ang movie, may bilyones nang kinita at wala nang promo, kaya’t tapos na rin ang mga usual n’yang (Alden) pakilig, kuning-kuning nanliligaw, etc.,” sigaw ng mga disgusted netizens.


“Hmmm…itinigil na (panliligaw) dahil sila na. Ano ba kayo? Kaya nga labas-masok na sa bahay nina Kath at close na sa pamilya lalo na kay Mommy Min,” depensa naman ng maraming KathDen supporters.


Pero ang hindi namin kinakaya talaga ay ang hanggang ngayong paniniwala ng mga ‘delulung fans’ ng AlDub na hindi na nga raw puwede kahit kailan ang KathDen dahil sa apat na anak nina Alden at Maine Mendoza.


Basta ang alam namin, very good friends sina Kath at Alden at regular silang nagkikita at nag-uusap.


Matatanda na sila para makipaglaro pa o lokohan sa atin, ‘noh!



NAPAKIUSAPAN kami ng ating mahal na mahal na Star for All Seasons Vilma Santos na maging representative niya sa ginanap na Plaridel Reception sa UP Diliman last February 20.


Ito nga ‘yung okasyon kung saan pormal na inilunsad ang Plaridel Journal na isa sa mga behikulo upang maipalaganap ang mga artikulo at likhang sulatin tungkol sa multimedia, mga practitioners nito at iba pang bagay na nagsusulong ng mga adbokasiya sa sining, kultura, teknolohiya at peryodismo sa bansa.


At dahil isa si Ate Vi sa mga pinagpipitaganang ‘recipients’ ng Gawad Plaridel award, inanyayahan siya sa nasabing pasinaya. Pero dahil nga sa mga previous commitments ni Ate Vi sa Batangas at mga gawaing natapat sa araw ng event, ang inyong lingkod ang nag-represent sa kanya.


Sa loob ng 20 taon ng UP Gawad Plaridel, labing-anim na kapuri-puring mga media practitioners na ang ginawaran ng honor simula noong 2004 hanggang nitong 2023. Walang naganap na awarding noong mga panahon ng pandemic (2020-2022).


Si Vilma Santos ang kauna-unahang taga-film industry na ginawaran nito noong 2005, sumunod sa pinakaunang recipient nitong si Eugenia Apostol (PDI publisher) para sa Journalism noong 2004.


Nakasama namin sa naturang okasyon ang ilan sa iba pang honorees ng Gawad Plaridel gaya nina Mam Cecilia “Cheche” Lazaro (2007 for TV), National Artist Kidlat Tahimik (2009-Independent Film), Jose “Pete” Lacaba (2013 -Print) at Bonifacio Ilagan (2019-Theater-Film & TV).


At dahil kausap namin the previous day si Mam Jessica Soho (2018-Journalism), ipinaabot na rin namin ang kanyang pagbati at pasasalamat sa mga organizers.

Ang ilan pa sa mga nagawaran na ng UP Gawad Plaridel ay sina Fidela “Tiya Dely” Magpayo (2006-Radio), Pachico Seares (2008-Community Radio), Eloisa Cruz-Canlas (2011-Radio, naging program host kami sa naturang pagpaparangal kay Ma’am Eloi), Rosa Rosal (2012-TV), Nora Aunor (2014- Film, Music and TV), Ricardo “Ricky” Lee (2015-Film), Francisca “Babes” Custodio (2016-Radio), Tina Monzon-Palma (2017-TV), Jessica Soho (2018-Journalism) at Manuel “Mr. Shooli” Urbano (2023- TV-Film).

Sina Kidlat Tahimik, Nora Aunor at Ricky Lee ay pawang mga National Artists na ngayon.



MAHAL na mahal talaga ng mga del Rosario ng Viva Group of Companies si Carlo Aquino.


Sa ginawa kasing pagbabalik-Viva Artists Agency ni Caloy, talagang personal pa siyang sinamahan ng magkakapatid na sina Ma’m Veronique, Sir Vincent at Ma’am Verb upang makaharap ang mga members of the media sa muli niyang pagpirma ng kontrata.


Noon pa mang 2005 hanggang 2011 ay batang Viva na si Carlo at sa napakaraming mga projects na kanyang ginawa sa kumpanya, kahit wala na siyang kontrata ay kinukuha pa rin siyang bida sa mga projects nito.


Well, kung tutuusin ay higit na nakilala ang pagiging leading man ng award-winning actor sa mga Viva movies niya pero naging mahirap pa rin daw sa kanya ang magpaalam sa ABS-CBN.


“Tatlong beses akong nakipag-usap kay Direk Lauren (Dyogi). Una pa lang ay pinayagan na ako pero para kasing may kulang sa pamamaalam ko. “Nakulitan na nga sa ‘kin dahil nu’ng sa pangatlong beses na ay sinabi na ni Direk na ‘Oo nga, pinapayagan na kita. Wala namang problema,’” pahayag pa ng aktor.


Mas pogi, maporma at halata ang kakaibang awra sa hitsura ngayon ni Carlo. May pagka-fashionista na ito na siya raw mismo ang gumagawa sa sarili.


Ibang klase nga lang daw siguro ang influence sa kanya ng misis na si Charlie Dizon dahil puro magaganda at positive ang nararamdaman niya.


Okey na okey na rin ang relasyon niya sa kanyang daughter na madalas na niyang nakaka-bonding. 


“Ang bilis ngang lumaki. Hindi ko talaga ma-imagine ‘yung pagdating ng araw na may manliligaw na sa kanya. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko o gagawin ko,” hirit pa ng ngayo’y 40 years old na aktor.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page