top of page
Search

ni Madel Moratillo @News | Mar. 13, 2025



Photo File: Si dating Pangulong Rodrigo Duterte - Sen. Bong Go


Walang inilabas na temporary restraining order (TRO) ang Korte Suprema laban sa pakikipagtulungan ng gobyerno ng Pilipinas sa International Criminal Court (ICC). 


Sa halip, inasatan ng Korte Suprema ang mga respondent na magkomento kaugnay sa inihaing petisyon kahapon nina dating Pangulong Rodrigo Duterte at Senator Bato Dela Rosa. 


Respondents sa petisyon sina Executive Secretary Lucas Bersamin, Justice Secretary Boying Remulla, DILG Secretary Jonvic Remulla, PNP Chief Rommel Marbil, CIDG Chief Nicolas Torre Ill, Solicitor General Menardo Guevarra, DFA Secretary Enrique Manalo, AFP Chief of Staff Gen. Romeo Brawner, Jr. at dating Immigration Commissioner Norman Tansingco. 


Ayon sa SC, matapos talakayin ang 94 na pahinang petisyon ay hindi naipaliwanag nang maayos ng petitioners kung bakit kailangang magpalabas ng TRO. 


Sa kabila n'yan binigyan ng Mataas na Hukuman ang mga respondent ng sampung araw upang magkomento sa petisyon. 


Samantala, kinumpirma naman ng SC na natanggap na nila ang magkahiwalay na inihaing petition for habeas corpus na humihiling na pauwiin na agad ang dating Pangulo. 


Inihain ang magkahiwalay na petisyon ng magkapatid na sina Davao City Mayor Baste Duterte at dating presidential daughter na si Kitty. 


Ipinag-utos na ni Chief Justice Alexander Gesmundo na isagawa agad ang raffle sa dalawang petisyon para sa nararapat na aksyon.

 
 

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | Mar. 12, 2025



Ogie Alcasid - FB

Photo: Ogie Alcasid - FB


Ipinakilala bilang mga bagong hurados ang dalawa sa top OPM icons ng bansa na sina Concert Queen Pops Fernandez at Asia's Nightingale Lani Misalucha sa bagong edisyon ng Tawag Ng Tanghalan (TNT) All Star Grand Resbak 2025.


Ibang klaseng flavor at saya nga ang hatid nina Pops at Lani na kikilatis sa 48 resbakers ngayong edisyon. Masaya si Karylle na muling makasama at makatrabaho ang dalawa.


“It came as a surprise. I’m just really excited to work with Pops and Lani again and to show them how fun it is to be here,” sabi niya.


Excited naman sina Louie Ocampo at Jed Madela sa resbakers na sasalang ngayong season at natutuwa rin sila na patuloy ang pagbibigay ng TNT ng oportunidad sa mga ito.


“I’m excited and very nervous because to be surrounded by these talented people, I have to be prepared. To be part of this group, ito ‘yung tunay na ‘TNT,’ tried and tested,” pagbabahagi ni Louie.


“Sobrang saya ko na nagbibigay sila ng isa pang opportunity para ipakita kung gaano sila kagaling. Exciting ito kasi salang-sala sila, itong grupo na ito,” dagdag ni Jed.


Para kay Ogie, kaabang-abang ang season na ito dahil sa bagong format na kanilang ipapakita lalo pa’t para sa kanya ay TNT ang pinakamahirap na singing competition.


“Napakaganda ng format this season. Patibayan talaga ito. It is nice to see old faces and new faces. Alam n’yo itong Tawag ng Tanghalan ang pinakamahirap na singing contest. It stands the test of time. It’s like a marathon,” aniya.

‘Yun lang and I thank you.


Ready na raw magbuntis si Ara Mina at bigyan ng mga dyunakis ang dyowa niyang si Dave Almarinez next year. 


Nilinaw ng singer-actress na no need daw na magpa-freeze ng kanyang eggs. Batay daw kasi sa kanyang latest medical checkup ay uubra pa siyang magbuntis. 


“‘Wag lang daw patagalin,” added na sey pa ni Ara na tipong seryoso na ngang magbuntis.


May timeline na nga siyang sinusundan. Sa ngayon ay nagwo-workout si Ara to achieve a toned body.


“I need to stay fit para ‘di ako hingalin,” paliwanag pa ni Ara.


Well, harinawa ay matupad na nga ni Ara ang pangarap niyang magkaanak na sila ng dyowa niyang si Dave.



 
 

ni Ambet Nabus @Let's See | Mar. 11, 2025



Photo: Kathryn Bernardo - FB


Matindi naman ang pagkontra ng parehong KathDen (Kathryn Bernardo at Alden Richards) at KathNiel (Kathryn at Daniel Padilla) fan groups sa lumabas na balitang diumano’y BF na ni Kathryn Bernardo ang isang pulitiko na mahilig makipagrelasyon sa mga kilalang celebrities from showbiz and sports.


Ibinalita kasi ni kaibigang Ogie Diaz sa kanyang vlog na meron siyang reliable source na nagsabing si Lucena Mayor Mark Alcala diumano ang nagmamay-ari ng puso ni Kathryn ngayon. Although sinabi rin ni Mama Ogz na wala pa namang kumpirmasyon o resibong nagpapatunay dito, pero ‘yun na nga, tila pinasabog na bomba ang balita dahil sa naging reaksiyon ng mga fans. 


‘Yun nga lang, dahil dati pa raw palang nagwo-workshop kay Mama Ogz ang Lucena mayor na noon ay may plano palang mag-artista, nababahiran ng ‘something’ ang isyu. 


“And they are friends, that’s why parang may kung ano?” dagdag pa ng kausap namin. 


And the worse, tila raw nagagamit sa pamumulitika si Kathryn. 

Pero kung sakali ngang totoo, may magagawa pa ba ang mga nag-iingay na mga supporters?



Mixed ang reactions ng mga netizens tungkol sa composition ng Pinoy Big Brother (PBB) Celebrity Collab housemates. May mga excited pero meron din namang nagtatanong ng “the who” sa ilang mga nakapasok na housemates. 


By mere definition daw kasi ng “celebrity,” dapat daw ay may recall naman kahit paano ang mga names nila. 


Well, kani-kanyang pag-patronize ‘yan dahil kahit kami ay nagtatanong din sa identities ng ilan sa kanila. Hahaha! 


Basta for us, parang gusto naming mag-agree sa observation ng iba na mukhang hindi na bagay sa naturang edition sina Klarisse de Guzman, Michael Sager, at Ashley Ortega dahil masasabing ‘angat’ na ang pagka-celebrity nila kumpara sa iba. 


Sa totoo lang, tila mas maraming mga kilalang celebrities from Sparkle Artists ng GMA-7 kaysa sa mga nanggaling sa Star Magic. But then again, hindi natin alam ang ultimate goal ni Kuya kung bakit sila ang mga pinili nilang housemates sa collab nila with Kapuso Network.



LAST Saturday afternoon ay nagsilbing program host ang inyong lingkod sa book launch ng The Lost Saints (TLS) sa Fully Booked, BGC, Taguig City. Authored by our dear friend from way back Ms. Rossana Hwang, ito nga ‘yung libro na may movie version din na may titulong Isang Komedya Sa Langit (IKSL).


Historical fiction ang libro na naglalayong makatulong sa pagpapanumbalik ng reading habit ng mga tao, partikular na ‘yung mahihilig sa history at edukasyon. 


“This is part of my advocacy on literacy and education. Ginawa ko lang comedy dahil there’s so much drama and conflicts na sa ating buhay. Parang masarap namang magbasa ng libro na matatawa tayo at matutuwa,” sey ni Rossana. 


At dahil libro nga ito, mas marami itong mga detalye na hindi mapapanood sa movie version for the simple reason na magkaiba sila ng medium. 


“But all the ingredients of a good story, humor and comic situations are there in both the book and the movie,” saad pa ng book author and movie producer. 


Sa movie version ay nagbibida sina Jaime Fabregas, Gene Padilla, Carmi Martin, at EA de Guzman, plus several theater actors. 


Naka-out na ang TLS sa market, so grab your copies. Ang movie naman ay ngayong May pa ipapalabas sa mga sinehan.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page