top of page
Search

ni Ador V. Saluta @Adore Me! | Mar. 19, 2025





Akala ng marami, nananahimik na ang kasong isinampa ni Vic Sotto against Darryl Yap, ang direktor ng pelikulang The Rapists of Pepsi Paloma (TROPP).


Pero umakyat na pala sa husgado ang reklamong cybelibel na inihain ni Vic laban sa direktor kaugnay ng controversial trailer ng pelikulang TROPP.


Sa inilabas na resolusyon ng Muntinlupa Regional Trial Court (RTC), nakitaan ng prosecutors ng sapat na basehan ang reklamo ni Vic kaya umakyat na ito sa husgado mula sa fiscal’s office.


Gayunman, ayon sa dokumento na may petsang March 17, 2025, 1 count lamang ng cyberlibel ang naaprubahan ng korte mula sa 19 counts na inihain ni Vic.


Bahagi ng nakasaad sa lumabas sa resolusyon, “The undersigned Assistant City Prosecutor accuses DARRYL RAY SPYKE YAP Y BALINGIT of the crime of Libel under Arts. 353 and 355 of the Revised Penal Code, as amended, in relation to violation of Sec.4(c)(4) of R.A. 10175, otherwise known as the Cybercrime Prevention Act of 2012.”


Isang mabigat na probable cause ng kaso ay ang pagbanggit sa pangalan ni Vic sa teaser ng hindi pa rin naipapalabas na pelikula ni Darryl tungkol sa buhay ng dating sexy star na si Pepsi Paloma.


Matatandaang noong January 9, 2025, nagsampa si Vic ng 19 counts of cyberlibel laban kay Darryl. Ito ay kaugnay ng kontrobersiyal na teaser ng pelikula ni Yap na TROPP, kung saan direktang binanggit ang pangalan ni Vic Sotto na diumano’y nang-rape kay Pepsi.


Sa teaser ng pelikula kung saan tampok sa eksena ang mga artistang sina Gina Alajar at Rhed Bustamante, tinanong ni Charito Solis (Gina) si Pepsi (Rhed) kung totoo bang “ni-rape” siya ni “Vic Sotto”. 


Nakasaad sa resolusyon ni Assistant City Prosecutor Elvin Keith Barrios:

“I HEREBY CERTIFY, that the crime or offense charged in this case has a prescribed penalty of not more than six (6) years of imprisonment without regard to fine and hence, an expedited preliminary investigation was conducted in this case pursuant to Section 8, Rule V of DOJ Department Circular No. 28 series of 2024…”


Sampung libong piso (P10,000 thousand) ang inirekomendang piyansa para sa kaso. 

Habang umaandar ang oras noong araw na iyon, naglabas naman ng desisyon ang korteng pumabor sa TV host-comedian sa naunang inihaing writ of habeas data petition nila laban sa pagpapakalat pa ng teaser ng nasabing movie.


Hanggang ngayon ay hindi pa rin naipapalabas ang pelikula na nakatakda sanang ipalabas noong February 5, 2025.

 
 

ni Ambet Nabus @Let's See | Mar. 17, 2025



Photo: Paulo at Kim Chiu - IG


May nagpadala naman sa amin ng mga photos and short video ng KimPau habang nasa stage sila ng isang mall promoting their upcoming movie na My Love Will Make You Disappear (MLWMYD). 


Hindi kinlaro kung saang mall iyon o kailang mall show, pero malinaw na maririnig sa video ang pagsasabi o pagbibiro ni Kim na huwag tatalikod si Paulo habang may gagawin silang prod number. 


“Dito ka lang tumingin,” ang bahagi pa ng sinasabi ni Kim habang humahagikhik ito.  


Then ‘yun na nga, ang isa sa mga photos na nakita namin ay nasa parteng likod nga ni Paulo ang malaking Bench photo o signage ni Janine Gutierrez na ubod nang seksi.  


May mga nagsasabing ‘yung biro raw ni Kim ay may halong selos, pero para naman sa mga supporters nito, normal namang reaksiyon o spiel ni Kim ang naturang akto na tinawanan nga lang ni Paulo.  


Hmmm… Nakakaloka rin talaga. Hahaha!



HERE’S congratulating UST Professors Lito Zulueta and Augusto Aguila for the very successful public sale of Vilma Santos’ scholarly book, ICON: Essays on Cinema, Culture, and Society. Kumbaga sa movie, box-office hit at nandiyan ang mga resibo na dinagsa at maraming copies ang nabenta sa katatapos lang na book fair sa SM Megamall Trade Hall last March 15-16.  


Dalawang libro ang binili ko (isang hard bound at isang softbound with 20% discount from UST Publishing). 


Hindi pa namin nababasa nang buo ang libro na kinapapalooban ng mga salaysay, sanaysay at rebyu ng mga naging movies at TV roles ni Ate Vi, pero sure kaming napaka-relevant nito lalo na sa mga nag-aaral ng sining, komunikasyon, media, at pelikula.  


Hindi nga kami papasang mag-contribute sa naturang libro dahil hindi pa nga namin natatapos ang aming masteral degree. Take note, requirement sa lahat (as in lahat) ng mga nag-ambag ng panulat sa libro ang pagkakaroon ng doctoral degree. Ang taray, ‘di ba? 


Paano mo naman kukuwestiyunin ang husay, talino, relevance, significance, at katuturan ng Vilma Santos, ICON scholarly book na sure namang brilliantly written ng mga nag-ambag?  


Here’s congratulating Lito and Tots (kaswal na tawag namin sa kanila bilang close friends kami, hahaha!) at sa lahat ng mga professors and educators na nag-ambag ng kanilang brilyo sa pagsulat.  


Mabuhay ka rin, Ate Vi, dahil sa inspirasyong patuloy mong ibinibigay sa mga gusto pang matuto, mag-aral, at maging karapat-dapat na students of life.  


O, mga kapwa Vilmates-Vilmanians at ‘yung mga nakabili na ng libro, isampal natin sa mga intrigero’t walang wawang Marites ang mga resibo ng binili natin at mga kuhang pictures sa booth ng UST Publishing dahil baka may mag-iingay naman sa socmed ng kung anu-ano dahil naiinggit na naman sila sa legit at pinag-uusapang libro ng Star for All Seasons.


Siya nga pala, may tsika kaming si Manong Chavit Singson ay nag-order na pala ng mga kopya ng libro dahil ayon daw sa kilalang pulitiko at voracious reader, “Makabuluhan and long overdue na nga ‘yan.”


Ibinulgar sa socmed…

KRIS, SISING-SISI SA BF NA DOKTOR


HAY, naku, ang kumareng Kris Aquino talaga namin ay hindi na nadala pagdating sa kanyang love life.  


Sa latest na naman kasing post nito ay tila nagsisisi na ito na na-link siya o binigyan niya ng bonggang publicity ang umano’y doktor na kanyang naging boyfriend.  


Eto na naman kasi siya at nag-aanunsiyong sa gitna nga ng kanyang pinagdaraanang mga proseso sa kanyang health status ay nakipag-break na naman sa kanya ang doktor o nag-break na sila.  


Makahulugan at may patama ito sa muli niyang mahabang post na part nga nito ay “He left me because he wanted the freedom to travel, to break free from needing to care for.” 


Then makikita rin sa post ang larawan niya habang buhat-buhat o karga-karga ni Bimby papasok sa isang room after siyang mabigyan ng steroid shot sa knee.  

What a painful truth indeed. Hay...

 
 

ni Madel Moratillo @News | Mar. 17, 2025



Photo File: George Garcia - Comelec



Nakumpleto na ng Commission on Elections (Comelec) ang pag-imprenta ng 68,542,564 opisyal na balota na gagamitin para sa May 12 National and Local Elections. 


Ayon kay Comelec Chair George Garcia, inabot lang ng 48 araw ang pag-imprenta ng mga balota na pasok sa itinakda nilang deadline. 


Nagsimula ang pag-imprenta ng mga balota noong Enero 16 pero natigil matapos maglabas ng temporary restraining order ang Korte Suprema pabor sa ilang kandidato. 


Dahil tapos na ang pag-imprenta ng balota, nakatutok na ngayon ang poll body sa beripikasyon naman ng mga balota kung ito ay babasahin ng automated counting machines. Target nilang matapos ito sa Abril 20 hanggang 21.


Nabatid na nasa higit 50 porsyento na ng mga balota ang naberipika bilang “good” ballots. Mayroon namang 2.2 milyong balota ang “bad” ballots o hindi binasa ng makina. Ang bad ballots ay pinapalitan din ayon sa Comelec.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page