top of page
Search

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | May 2, 2025



Photo: Jhon Rendez at Nora - Circulated


Three days ago ay nag-live si John Rendez sa kanyang Facebook official page at sinabing hindi madali ang kanyang pinagdaraanan ngayon dahil wala na ang kanyang lifetime partner na si Superstar Nora Aunor.  


Pagkatapos ng kanyang FB Live, nag-post naman si John Rendez ng mahabang mensahe at nakakaantig ng damdamin na tribute para sa kanyang “Pupoy” (tawag niya kay Guy) and here it goes...


“It’s still hard to accept that our beloved superstar and national artist is gone.  


“My greatest hurt is that I was not able to see her one last time before she was put into the ground. 


“By that time natakpan na po ‘yung coffin niya. 

“I have so many regrets in my life but she never gave me any reason for regret.

“She was the one good thing in my life.

“She gave me purpose.

“She gave me hope.

“She gave me love.

“Unconditional love.

“Not one night or day passes by that I don’ think about her.  

“Pupoy ko

“Ang sakit po.

“Sana po magkita tayo, soon. 

“Ang sabi ko sa iyo, kung saan ka, susunod po ako sa ‘yo.

“Ako ang shadow mo.

“God bless you and thank you for the many years you gave me happiness.

“I don't know if I’ll be able to smile again. 

“I love you so much.

“Higit pa sa buhay ko. 

“Hopelessly devoted po ako sa ‘yo.  

“Goodnight, my love. 

“Sana po, I’ll see you again soon. 

“Diyos na po ang bahala. 

“I love you forever 

“And beyond  

“I’ll never forget you po. 

“God bless you po, Miss Nora Aunor. 

“My one and only true love. 

“My soulmate

“Miss you so much.”


May plano ang Diyos sa bawat isa sa atin, basta magpakatatag ka lang, John Rendez, at siguradong 'yan din ang gugustuhin ng ating Superstar Nora Aunor, devah naman, Jen Donna Pegris Morena at Marie Cusi na mga huling nakasama ni Guy sa kanyang huling sandali?



 
 

ni Ambet Nabus @Let's See | May 2, 2025



Photo: Jomari Yllana - IG


Halata namang very passionate si Jomari Yllana sa kanyang motorsport hobby.

In fact, halos hindi na nga ito hobby dahil gaya nga ng kanyang sinabi before, parte na ito ng kanyang buhay.


Ang feeling nga namin, mas pipiliin talaga niya ang naturang sport kumpara sa public service.


Sa tatlong leg ng collab nila ng Okada Manila, itong May 4 ang mauuna sa Parañaque City. 


Aniya, “For some reasons, importante sa amin ang lugar na ito dahil bukod sa resident kami ru’n, we want to have that ‘homey’ vibe para sa mga susunod na events, para lang din kaming namamahay.”


Although high-end na matatawag ang motorsport sa bansa, malaki nga ang potential nito sa mga aspetong tourism at advocacy na ‘safe and responsible driving.’

Off the record na nga kung ilan na ang naging high-end cars ni Jom, pero more than those raw, ‘yung naibibigay nilang inspiration ang mas nakakapag-satisfy kay Jomari.


Wish nga lang niyang sana soon daw ay manahin ng kanyang anak na si Andre ang mas determined passion niya sa motorsport.


“Well, baka naman kapag nagkaanak na kayo ni Abby (Viduya) ay may lumabas na ‘junior’ mo, mapa-lalaki o babae man ‘yan,” tanong ng isang kapatid sa panulat.

“Puwede, why not?” ganting sagot ng champion racer.



“The best Jodi Sta. Maria horror movie,” sigaw ng mga nakapanood ng Untold na currently showing sa mga sinehan nationwide.


Ayon nga sa mga Jodinatics na katabi namin sa panonood ng movie, ibang-iba raw si Jodi sa Untold, kumpara sa mga nagawa na niyang Clarita, Maria, Leonora, Teresa (MLT), Apparition, na pawang may horror element.


Totoo naman, lalo’t hindi mo kayang kuwestiyunin ang husay mag-interpret ng role ni Jodi. Minamani-mani lang ni Jodi ‘yung pag-shift ng emotions from a very manipulative and scheming news reporter to being a loving daughter, to mixing her comedic skills to drama. 


Kaya nakapagtataka talagang hindi ito napili ng 2024 Metro Manila Film Festival (MMFF) dahil kumpara sa award-winning horror entry last MMFF, ‘di hamak na mas matino at mahusay ang pagkakagawa ng Untold.


Kuwela ang script at ang very updated mga batuhan ng linya rito. Hindi ka maliligaw kung isa ka sa mga boomers, Gen Z o millennial, etc.. Na-capture nito ang lahat ng audience.


Bongga rin ang story at talagang may ‘mata’ si Direk Derrick Cabrido sa mga ganitong tema ng movies.


Bongga rin ang SM theaters dahil bukod sa binabaan nila ang singil sa sine, may extra discount pa ang mga students na manonood basta dalhin lang daw ang mga “I.D.s” nila.


Sana nga ay panoorin ito ng mas maraming mga tao dahil masarap sumigaw, tumili, magulat at masindak nang may kasama o katabi ka sa sinehan. Hahaha!


Aminin po natin, mas may saysay ang isang horror flick kapag napapasaya tayo habang sumisigaw sa takot. 


Hindi gaya ng iba na nang-iinsulto na ng ating kamalayan, nanloloko pa sa pagkuwento. Hahaha!



NALOKA sa amin si Pops Fernandez nang tawagin namin siyang “Pambansang Hurado” ng mga singing contests.


Mula nga naman sa pagiging Concert Queen in the 80s-90s, ngayon ay puro pag-upo bilang hurado ang madalas niyang gawin.


Mula nang maging judge siya sa The World’s Best (TWB), nasundan ito ng mga stints niya sa Eat… Bulaga! (EB!) at ibang shows na hurado siya.


Tapos, nitong katatapos lang na Grand Resbak sa Tawag ng Tanghalan (TNT), at itong paparating na Masked Singer Pilipinas (MSP).


Sa Season 3 nga ng MSP, makakasama niya sina Janno Gibbs, Arthur Nery at Nadine Lustre, with Billy Crawford as host.


“This is an entirely different experience. Not that this is not so serious kumpara sa mga bardagulan sa ibang singing shows, but the seriousness in what they do is there. Talagang kinakarir din ang pagkanta ng mga contestants na kung tutuusin nga ay mas difficult dahil naka-maskara costume sila. Ang hirap kaya nu’n. 


“And yes, we as judges are also very serious sa paghula sa kung sino nga sila under their masks. Grabe nga ang kantiyawan namin,” kuwento pa ni Pops.

Ngayong May na ‘yan mapapanood sa TV5 on weekdays.


 
 

ni Ambet Nabus @Let's See | May 1, 2025



Photo: Billy Crawford at Nadine Lustre - Masked Singer Pilipinas - IG


Sa nalalapit namang pagbubukas ng third season ng MASKED SINGER sa TV5, uupong judges sina Janno Gibbs, Arthur Nery, Pops Fernandez at Nadine Lustre.


Si Kuys Billy Crawford pa rin ang host nito na sobrang excited sa bagong makakasama niyang mga judges na may kani-kanya nga raw attitude at kakaibang style ng pakikipagbardagulan each time na nanghuhula ng naka-maskarang singer.


“But it never reached naman na nagkapikunan. Bilang magkakaibigan naman talaga kami sa totoong buhay, common occurrence na ‘yung kantiyawan at harutan. Ito nga lang sina Arthur at Nadine ang mga bagets na gets na gets naman ang pagiging nonchalant pero kapag humirit na ng mga opinyon nila, unstoppable na. ‘Yung tipong gusto mo nang pasakan ang mga bibig. Hahaha!” kuwento pa ni Kuys Billy.


Again, ang sponsor nilang resort sa Zambales ay nagpanalo rin sa amin ng 3-night 2-day stay for two. Hahaha! 


Lalo ko ngang minahal si Arthur Nery dahil siya ang pumili sa amin para sa prize. Hahaha!


Next issue ko na itsitsika ‘yung dalawang events na sumunod last Tuesday dahil naging totoo ang kasabihang “It comes in threes,” though actually, more pa nga. Hahaha!



Sa nalalabing ilang araw bago ang eleksiyon sa May 12, tila hindi talaga titigil ang mga kalaban ng ating Star for All Seasons Vilma Santos-Recto sa Batangas na pukulin sila ng mga maling isyu.


Sa bigla ngang pagpapakalat ng ‘fake news’ hinggil sa diumano’y dagdag-buwis na ipatutupad ng gobyerno para sa mga tao, mismong ang Department of Finance (DOF) ang naglabas ng pahayag ukol dito.


Pinabulaanan ng DOF ang lumabas na report na nagsasabing mag-i-impose ng dagdag-taxes o buwis ang gobyerno.


Ipinagdiinan ng DOF na walang pangangailangan para sa karagdagang revenue measures sa panahong ito ang gobyerno dahil sa higit sa sapat nitong fiscal position.

Sinabi mismo ni Sec. Ralph Recto na maayos na nama-manage ng pamahalaan ang ‘finances’ nito at masisigurong ang mga pangangailangan ng publiko ay natutugunan nang walang kailangang mga dagdag na buwis na magpapahirap sa tao.


“Ginagamit ng mga katunggali namin sa pulitika ang usapin. Ayos lang sana kung totoo, pero hindi nga, eh,” sagot sa amin ng mga supporters nina Ate Vi, Luis “Lucky” Manzano at Ryan Christian.


Ratsadang-ratsada kasi ang ganda ng takbo ng kampanya ng mag-iina at tiwala naman sila sa mataas na respeto, paniniwala at pagtitiwala ng mga kababayan nila, pero tama lang na ituwid ang mga maling balita.


“This is not just for us here in Batangas kundi maging sa buong bansa. Kahit kailan ay hindi naging tama ang pagpapakalat ng mali at walang katotohanang info gaya ng ganyan and that needs correction, rectification and clarification. Kahit ang mainstream media ay dapat maging sensitive at aware sa mga ganyan,” dagdag pa ng mga kausap namin.

So there!



NAPAKASUWERTE ng inyong lingkod last Tuesday dahil sa tatlong magkakasunod (pang-apat ‘yung premiere night ng Untold) na showbiz events na aming dinaluhan, aba’y tatlong beses din kaming nanalo sa raffle. Hahaha!


Nauna na riyan ang paglunsad ng 2025 Okada Manila Motorsport Carnivale sa pangunguna ng mga kapwa uragon at champion racer na sina Jomari Yllana at Rikki Dy-Liacco.


Magsisimula ngayong May 4 sa Parañaque City ang event na susundan sa May 30 at June 21-22, na lalahukan ng mga racer from all over the country at mga invited na celebrities. Asahan na raw natin ang intense competition across Super Car, Muscle Car and Vintage Car categories.


Hindi nag-file for re-election si Jom (councilor sa Parañaque) kaya’t mas matututukan daw niya ang mga event na inorganisa nila dahil aniya, “Motorsport is really my love. It has been my passion since I was a kid at kahit noong hindi pa ito legal sa bansa, sumasabak na ako dito. This time, we wanna make sure na muling mailalagay sa mapa ng motorsport world ang Pilipinas.”


In fact, dahil patapos na ang term ni Jom as councilor, nagbiro pa itong mas love niya ang motorsport kesa pulitika. Hahaha!  


At dahil feeling very sporty kami sa mediacon, hayun, nagwagi kami sa raffle ng bonggang Makina watch (bagay sa gold hair namin. Hahaha!) na isa sa mga sponsors ng Motorsport Carnivale event.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page