ni Ambet Nabus @Let's See | May 7, 2025
Photo: Sharon at Kiko - IG
Hindi naman siguro nagpapasaring si Megastar Sharon Cuneta sa naging magandang gesture ng Monteverde family sa kanila ni Senator Kiko Pangilinan.
Sa pagpapatuloy kasi ng legacy ni Mother Lily Monteverde na ipakilatis sa showbiz media ang mga napupusuan nitong kandidato sa pulitika, binigyan nga ng importansiya ng Regal Family sina Mega at Kiko.
“We will be forever grateful to Regal, especially to Mother Lily. Hindi man ako lumaki at nakilala bilang isang Regal baby sa showbiz, having worked with Regal kahit once lang has made my filmography relevant and complete. Mas nananaig ang very special friendship dito and we are simply honored and privileged for this,” sey ni Mega sa ibinigay sa kanilang merienda cena with showbiz friends ng mag-inang Roselle at Atty. Keith Monteverde.
“You have the power and the influence to rectify the wrong, to state the truth and to be heard dahil sa inyong influence sa entertainment media. Sana po ay magtulungan tayo,” segue naman ni Kiko sa mga kapanalig sa media, lalo’t madalas nga raw silang nabibiktima ng mga maling impormasyon, balita at bashing o bullying.
Sa very emotional appeal ni Mega, binanggit nito ang magandang track record ni Kiko sa politics.
“True to his word, committed to his job at walang pangako na kailanman ay napako, kaya kong ipagmalaki ang asawa ko kahit kanino at kahit saan,” hirit pa ni Mega.
SAMANTALA, pinag-uusapan din ang naging bonding moment o pakikipaglaro ni Atty. Oliver Moeller (na minsa’y naging kalahok sa isang ‘dating game’ sa It’s Showtime at kinuhang talent ng Cornerstone) kay Papa Piolo Pascual.
Sa mga naglabasang video ng badminton playing nila, kitang-kita lalo ang kaguwapuhan ni Papa P kahit na nga pawis na pawis ito.
Kung dati ay sinasabing magkahawig sila o may mga anggulong mapagkakamalan mo silang magkapatid, naku po, naburang lahat ‘yan dahil tunay namang nangibabaw ang appeal ni Papa P.
Sa mga nabasa naming mga socmed (social media) reaction ng mga netizens, puring-puri ang pagiging mas young looking ni Papa P pati na ang kanyang pagiging ‘amoy- mabango’ pa rin kahit pawisan na.
May ilan din namang nagsasabi na kaya siguro hindi na nagpatuloy sa kanyang showbiz career ang abogado from Cebu City ay dahil nga maikukumpara lang ito kay Papa P.
Well, may mga nagpu-push pa rin namang keri pa nitong maging showbiz kung ang ipa-partner daw dito ay si Kim Chiu. Minsan din kasing nag-viral ang kanilang makulit na bantering noon sa It’s Showtime, lalo’t kapwa sila from Cebu.
FULL of kilig at excitement ang ipinakita ng mga netizens matapos ma-announce na makakasama na sa Mga Batang Riles (MBR) simula ngayong Lunes ang Star of the
New Gen na si Jillian Ward. Kakaibang Jillian ang mapapanood dito dahil aniya, pang-action star ang datingan ng mga eksena niya sa serye.
Sey ni Jillian, “Sa role kong ito, gusto kong ma-experience, gusto kong mag-try ng something new sa style. Isa na akong Batang Riles!”
Nakita naman ang pamumula at tila kilig face ng MBR actor na si Raheel Bhyria matapos nga silang magkita ng happy crush na si Jillian sa set.
Comment ng ilang netizens, “Hindi naman halatang kinikilig si Raheel, eh. Pulang-pula na, kulang na lang lumipad sa langit na mala-rocket.”
Sa interview naman ng 24-Oras sa MBR star, sey ni Raheel, “Naglu-look forward ulit, kasi na-miss ko rin ‘yung mga eksena namin sa Abot-Kamay Na Pangarap.”
Dagdag-kilig na nga ba ito o panibagong aksiyon?












