top of page
Search

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | June 8, 2025



Photo: Michelle Dee - IG



Siguradong nag-aalala ang kaibigan ni yours truly na si Melanie Marquez dahil sa aksidenteng nangyari sa anak niyang beauty queen-actress na si Michelle Dee na nakagat ng alaga nitong aso sa mukha.


Nag-post naman sa Instagram (IG) si Michelle para magbigay ng update sa nangyari at ito ang kanyang mga sinabi:


“A morning full of supposed routine cuddles turned into a ‘just my luck’ moment.

“To be fair, my fur baby’s tooth just happened to graze my face at the wrong place, wrong time. No aggression—just an honest accident.


“When it comes to things like this, acting fast truly makes all the difference!

“Ya gurl should be in tip-top shape sooner than you think. Thank you to everyone who’s been sending love.”


Nagpasalamat din si Michelle kina Dr. Hayden Kho at Dra. Vicki Belo na gumamot sa kanyang sugat.


Hindi si Cristine…

MARCO, BINATI ANG “REYNA” NG BUHAY NIYA


Kailan lang ay nagdiwang ng 68th birthday ang mother dearest ng aktor na si Marco Gumabao at nagbahagi siya sa social media ng larawan ng kanyang ina at may caption na: “Celebrated the queen’s 68th birthday yesterday. Love you, schmuli @loligumabao!

“You deserve all the good things in life, and we’re here to make that happen. Thank you for being our rock.


“PS: I hope I age the same way as her. Never nagpakulay ng buhok ‘yan. Sana all.”

Napakasuwerte naman nina Loli Gumabao at Dennis Roldan sa pagkakaroon ng anak na mapagmahal. 


Sayang nga lang dahil mukhang hindi na matitikman ni Cristine Reyes ang maitrato siyang reyna o prinsesa ni Marco kung sakali ngang nagkahiwalay na silang dalawa.


Well, hindi na rin nakapagtataka na may magandang ugali itong si Marco lalo na sa pagpapakita ng pagmamahal sa kanyang ina. Bukod sa kanyang mga magulang ay nagmana rin ng ugali si Marco sa kanyang tita dearest na si Isabel Rivas.


Si Isabel kasi ay sobrang mapagmahal sa kanyang pamilya at mga kaibigan at talagang may kabutihang taglay ang puso nito.



MAY good news na hatid sa atin si Congresswoman Lani M. Revilla.


“Good news! Tatlo sa authored bills ni Ate Lani ang pasado sa third and final reading ng 19th Congress at iaakyat na sa Senado. Ito ang mga sumusunod: House Bill No. 11372 - Pinapalakas nito ang sistema para sa land use development at budgeting ng

mga state universities and colleges.


“House Bill No. 11393 - Ang Philippine Merchant Marine Academy ay tatawagin nang Philippine National Maritime Academy na may mas malawak na mandato at curriculum upang siguruhin ang dekalidad na maritime education para sa ating merchant marine officers and personnel.


“House Bill No. 11395 - Ginagawa nitong institutionalized o pormal na programa ang Assistance to Individuals in Crisis Situations o AICS ng Department of Social Welfare and Development.


“Tuluy-tuloy po ang ating pagsisikap na magpasa ng mga panukalang batas upang tumugon sa pangangailangan ng ating mga kababayan,” pahayag ni Cong. Lani M. Revilla.

 
 

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | June 6, 2025



Photo: Liza Soberano - IG


Nag-post sa social media si Liza Soberano tungkol sa kanyang ceremonial first pitch mula sa game ng Los Angeles Dodgers at New York Mets kasabay ng Filipino Heritage Night.


May caption ito na: “So honored to be amongst all my kababayans throwing the first pitch at the Dodgers vs. Mets game for Filipino Heritage Night! I was so nervous, but I think I did okay?”


Mapapansing “Liza” ang ginamit niyang pangalan, hindi na ang “Hope” na una niyang ginamit nang tumapak siya sa Hollywood.



UMALMA ang Viva Artist Agency sa kumakalat sa social media tungkol sa isang Facebook (FB) page na gumagamit ng ‘deepfake video’ tampok si Anne Curtis sa panloloko ng mga tao.


Naglabas ng pahayag ang VAA upang magsilbing paalala at babala na gumagamit ng panlolokong ito.


Ito ang pahayag ng Viva Artist Agency:


“It has come to our attention that a certain Facebook page is using the image of one of our artists, ANNE CURTIS-SMITH, illegally without any authority whatsoever.


“Please be informed that Anne is NOT connected in any way to the said Facebook page. The video is DEEPFAKE, a product of AI (Artificial Intelligence), and was made without the consent of Anne nor of Viva.


“We do not condone such acts, and those found responsible shall be dealt with severely and held civilly and criminally liable to the maximum extent possible under the law.


“We urge the public to be vigilant and discerning of online scams and illegal uses of AI to mislead and spread fake information.”


Talo sa pagka-gov., lucky sa showbiz…

LUIS, MAY 3 BAGONG SHOWS AT 3 DING ENDORSEMENTS


BONGGANG-BONGGA ang pagbabalik-showbiz ni Luis Manzano. Kahit hindi nanalo sa 2025 elections bilang vice-governor ng Batangas, winner naman siya sa biyayang natanggap.


Tatlo ang game shows na gagawin ni Luis: ang Rainbow Rumble (RR), Minute to Win It (MTWI), at ang Deal or No Deal (DOND).


Bukod d'yan, may tatlo ring pumasok na product endorsements para sa kanya.

Totoo ang kasabihan na, ‘Sa bawat pintong nagsasara, may bintanang nagbubukas.’

Good luck, Luis. Lucky ka talaga!



INILABAS na ng ABS-CBN ang trailer para sa napapanahong teleserye nito, ang inaabangang crime thriller mystery drama na Sins Of The Father (SOTF) na sesentro sa buhay ng mga naging biktima ng iba’t ibang scams.


Pangungunahan ni Gerald Anderson ang SOTF bilang si Samuel na guguho ang mundo dahil sa isang scam kung saan kasangkot ang kanyang ama. Mapapanood ito simula Hunyo 23 (Lunes) sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, TV5, iWant, at TFC simula Hunyo 23 (Lunes).


Sina Shaina Magdayao, JC De Vera, RK Bagatsing, Francine Diaz, Seth Fedelin, Lotlot de Leon, Joko Diaz, Soliman Cruz, Jerald Napoles, Nico Antonio, Alex Medina, Aubrey Miles, Jeremiah Lisbo, LA Santos, JV Kapunan, Elyson De Dios, at Tirso Cruz III ang kasama sa cast. May special participation din dito si John Arcilla bilang ama ni Samuel (Gerald).


Mula ang SOTF sa JRB Creative Productions sa pangunguna ng business unit head nito na si Julie Anne R. Benitez. 


Isinulat ito ni Dindo Perez at sumasailalim sa direksiyon nina FM Reyes at Bjoy Balagtas.


Alagad ng sining at boses daw ng masa…

SEN. ROBIN, ISINUSULONG NA MAGING NATIONAL ARTIST SI KA FREDDIE


IPINAPANUKALA ni Senator Robin Padilla na kilalanin si Freddie Aguilar bilang isa sa mga Pambansang Alagad ng Sining ng Pilipinas.


Saad ni Senator Robin, “Hindi lang s’ya mang-aawit. Si Ka Freddie ay simbolo ng musika na may saysay. Panahon na para kilalanin natin s’ya bilang Pambansang Alagad ng Sining dahil siya ay tunay na alagad ng bayan.


“Hindi lang ito tungkol sa musika. Si Ka Freddie ay naging boses ng masa. Ang kanyang sining ay salamin ng kalagayan ng Pilipino—masakit, totoo, at makabuluhan.”


Sa Senate Resolution No. 1364 na inihain nitong Hunyo 3, iginiit ni Senator Robin na ang mga likha ni Ka Freddie ay nagsilbing tinig ng mamamayang Pilipino, lalo na sa mga isyung panlipunan at pampulitika na kinaharap ng bansa sa loob ng maraming taon.



 
 

ni Ambet Nabus @Let's See | May 29, 2025



Photo: Sofia Andres at Marian Rivera - IG


Nakakaloka pero viral ang photo opp ni Sofia Andres kasama si Marian Rivera.

Nilagyan pa ito ng caption ni Sofia na: “Nakakahiya ilapit ang face ko, napakaganda (teary-eyed and in love emojis).”


Wala ni isa man ang kumontra sa naturang caption dahil sinang-ayunan pa nila si Sofia.


Dahilan para ma-bash pa nga siya at tawaging “mas mukhang matanda at haggard”, “hindi na fresh”, “hindi kasi nakuntento sa dating ganda”, etc., etc., na lahat nga ay pamimintas kay Sofia.


Sa naturang picture kasi ay imbes na simpleng pag-smile ang ginawa ng mas batang aktres ay nag-pout ito ng lips at dahil sa suot nitong headdress o parang sumbrero, hayun, nagmukha tuloy malaki ang kanyang mukha kumpara kay Marian na napakasimple at may very sweet smile.

Nakakaloka. Hahahaha!


Kaya wala nang burol, inilibing agad…

FREDDIE, NAG-MUSLIM NANG PAKASALAN ANG MENOR-DE-EDAD NA DYOWA


Marami ang nalungkot at nagtanong sa Muslim rites ng paglibing sa music icon and legend na si Ka Freddie Aguilar.


Nang mabalita kasing namatay ito last Monday ay kaagad din itong inilibing sa Manila Islamic cemetery sa pamamahala ng mga kapatid nitong Muslim.


Gaya ng karamihan ay nagulat din kami sa pagiging isang Muslim pala ng magaling na musikero.


At base nga sa tradisyon ng kanyang relihiyon, maaaring ilibing agad ang bangkay kahit hindi na kailangan pang iembalsamo ang bangkay nito. Wala na ring okasyon para paglamayan at nasa discretion na nga ng mga kapamilya kung ilalagay ito sa kabaong o babalutin na lamang sa tela at ililibing gaya ng ginawa kay Ka Freddie.


Kilala sa Muslim community si Ka Freddie bilang si Abdul Fareed at ayon sa aming nakalap, naging Muslim siya noong pakasalan niya ang isang menor-de-edad noong 2013 na siya ngang naging asawa niya hanggang sa pumanaw siya.


Kaya ‘yung mga fans at supporters ng kanyang music na umasa sanang masilayan siya sa huling sandali at mabigyan ng huling respeto at pamamaalam, kasama na ‘yung mga kaibigan niya sa industriya, ay lalong nalungkot na hindi na nila ‘yun nagawa.

“Let’s just offer prayers for his soul,” ang nagkakaisang saloobin ng mga tagahanga ni Ka Freddie.



MARAMI naman ang naaliw kay Bianca Umali na kasalukuyang Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition houseguest.


Bukod kasi sa pagpiprisinta nitong maging tagalinis at tagaluto habang nasa loob siya ng bahay, nakita ng mga tao ang pagiging simple niya at maasikaso.


Talagang kitang-kita kay Bianca na natural lang sa kanya ang pag-aayos ng mga hinigaan, ang paghawak ng walis, ang pagligpit at paghugas ng mga pinagkainan, etc. etc. na kabibiliban mo naman talaga.


Pero ang nakatawag-pansin sa amin ay ang kuwento niyang big fan pala ng PBB ang yumao niyang nanay noong 5 years old pa lang siya.


In fact, naikuwento nga raw ng mga kaanak niya na pinatugtog pa ang theme song ng PBB sa libing ng ina, kaya’t nais niyang gawing very memorable ang pag-imbita sa kanya sa PBB bilang houseguest.


Proud na proud naman ang BF niyang si Ruru Madrid sa mga magagandang komento at obserbasyon kay Bianca habang nasa loob pa ito ng PBB house.


Partikular na nga rito ‘yung tungkol sa pagiging maasikaso, marunong magluto, maglinis at pagiging masinop ni Bianca.


“Napakasuwerte naman ng mapapangasawa nito,” ang isa sa mga komentong sure kaming nagustuhan ni Ruru.


Medyo mas dark ang kulay ngayon ng magandang aktres na marahil ay dulot ng naging role niya sa inaabangan nang Sang’gre (Encantadia) sa GMA-7.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page