top of page
Search

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | June 27, 2025



Photo: Lara Quigaman Alcaraz - IG


Nagpakilala na si Miss International 2005 Lara Quigaman bilang isang guro.

Sa kanyang social media post ay nagbahagi siya ng larawan na naka-toga at may caption na:


“Hi! I’m Teacher Lara (white heart emoji). I remember doing an ad 20 years ago where I said, ‘I want to have 12 children!’ Well, guess what? Now I have over 70+— and that’s not even including my own! 


“God truly gives more than we ask for or could ever imagine. I’m so, so grateful that I get to do what I love — work with children, help shape their lives, and point them to Jesus.


“‘Now to Him who is able to do immeasurably more than all we ask or imagine, according to His power that is at work within us.’ —Ephesians 3:20

“All glory to Him!’” pagtatapos ni Teacher Lara.

‘Yun lang, and I thank you.



NAG-POST ang aktor na si Donny Pangilinan sa Instagram (IG) ng tribute sa pagtatapos ng Pilipinas Got Talent (PGT) Season 7

Aniya, “And just like that… Season 7 comes to an end. This has truly been one of the best experiences of my life. I used to be the biggest Got Talent fan. As a kid, I binge watched auditions, amazed at the talents I’d never seen before. I never imagined that one day, I’d have the privilege of sitting in the judges’ seat.” 


Kasabay nito, nagpaabot din ng pagbati si Donny kay Ricardo Cadavero, o mas kilala bilang “Cardong Trumpo,” matapos itong hirangin bilang PGT Season 7 Grand Winner.

Mensahe ng aktor, “And finally. Congratulations, Tatay Cardo! Maraming salamat po sa pagbabahagi ng inyong talento at puso sa amin at sa buong Pilipinas. This is just the beginning, ‘Tay. The world is about to meet you.” 


Samantala, natuwa naman ang veteran actress na si Daisy Romualdez sa ipinakitang magandang ugali ni Donny nang hindi sinasadyang magkita sila sa Solaire. 

Ito ang pahayag ni Daisy, “I was in Solaire yesterday. I was surprised dahil may lumapit sa akin na isang pinakaguwapong bata at hinawakan niya ang kamay ko at sinabi n’ya na ‘Si Donny Pangilinan po.’


“Sabi ko, ‘Ay, ikaw pala! Give my regards to your lola and mom.’ Sana, lahat ng mga bata na mga artista ngayon, gayahin ninyo si Donny, may respect sa senior stars. 

“I love you, Donny. Thanks for greeting me and being so nice.”



NAGLUNSAD ng dalawa niyang komposisyon – Gustong-Gusto (I Like It So Much) at Papunta Na Ako (I’m On the Way) – ang baguhang singer-rapper na si MAVEN na siyang kauna-unahang hip-hop artist na nag-debut sa ilalim ng Star Music label ng ABS-CBN. 


Si MAVEN o Dustin Gipala sa totoong buhay ay isa sa mga naging contenders ng Tawag ng Tanghalan Kids (TNTK) Season 1 at naging bahagi rin ng blind auditions ng The Voice Kids (TVK) nu’ng 2015. 


Naging aktibo naman siya bilang cover artist sa YouTube (YT) simula 2019.  

Bilang artist, nais ni MAVEN na maghandog ng relatable at totoong kuwento sa kanyang mga hip-hop composition. 


Aniya, “Real shit, real life, and authentic lahat ng ilalabas nating music, abangan n’yo.” 

Tungkol sa init ng damdamin na dala ng pag-ibig ang kanyang R&B track na GG na ipinrodyus ng Cursebox.


“Yow! Nabuo ‘yung song na ‘yan dahil sa passion and love, ‘di dahil trip kong maging bastos o maangas. Gusto ko lang ilabas ‘yung side ko bilang artist sa ganyang paraan,” post niya sa isang IG story.


Samantala, ang Pop R&B track na PNA ay tungkol sa katiyakan na papunta na ang isang tao sa kanyang minamahal na ipinrodyus naman ni Young JV. 


Noong nakaraang buwan ay inilunsad ni MAVEN ang una niyang hip-hop R&B recording na Dito Ka Muna (DKM).



 
 

ni Ambet Nabus @Let's See | June 27, 2025



Photo: Fifth Solomon - IG


Sumunod naman naming nakatsikahan si Direk Fifth Solomon.

Grabe ang ganda niya ngayon. Iba ang datingan at awra ng kanyang fox eye at mala-Korean na look.


“Affected nang slight, pero dedma na lang. Alam naman natin ‘yung mga inggitero't inggitera d’yan, walang kasiyahan ang mga ‘yan,” pagbabahagi nito sa pangungumusta namin sa mga nanlalait sa kanya.


Ayon pa sa dating alumnus ng Pinoy Big Brother (PBB), sari-sari na nga ang ipinukol na tawag sa kanya to the point na may nagpayo pang dapat na siyang pumasok sa mental hospital.


“Tumpak, as an old cliche says, we can’t please everybody. Go, go, go lang, Tito! Kung dream mo rin ang mga ganito, push lang. Basta about sa health at inner peace, kasama tayo d’yang magaganda,” sey pa ni Fifth na malayung-malayo na ang hitsura sa identical twin nitong si Fourth Solomon.


Hahaha! Parang tiger o lion eye naman ang gusto naming ma-achieve, mga Ka-Bulgar.


Ikaw, Mareng Ateng Janiz, ano ang peg na gusto mo? Hahaha! (Gusto ko, bat’s eye, para kahit sa dilim, kitang-kita ko pa rin! Hehe! - JDN)


Co-host, naka-leave sa EB!... MILES, TODO-IWAS MATANONG SA ISYU NILA NI MAINE


NAGKITA kami ni Miles Ocampo kasama ang nobyo niyang si Elijah Canlas kamakailan.

It was one of our ordinary encounters na siyempre pa ay may konting tsikahan.


Palibhasa, kilala at kabisado na kami ni Miles sa pagiging maurirat at Marites (lols), mabilis kami nitong pinagsabihan na, “Okey na, Tito Ambet. ‘Wag na,” gayung wala pa naman kaming itinatanong. Hahaha! 


Pero siyempre, more or less, ‘yung tungkol sa status ng ‘friendship cum working relations’ nila ni Maine Mendoza ang alam niyang itatanong namin.


Well, dahil marespeto naman kami sa mga ganu’ng sitwasyon at sa marespeto ring pakiusap nito, “No problem at sure,” ang aming sinigurado kina Miles at Elijah.


Piktyur-piktyur kaming tatlo, lalo yatang nagiging delicious na si Elijah na inimbita pa kaming manood sa isang stage play na kanyang gagawin this July sa Ateneo de Manila University, kasama ang iba pang nagte-theater na mga artista. 


At dahil nag-promise kaming hindi muna ipo-post sa socmed (social media) ang aming pictures, tsika time muna tayo rito, mga Ka-Bulgar. Hahaha!


“Padalhan po kita ng invite, Tito,” sey nito sa amin sabay segue ni Miles na suportado niya ang BF sa ganu’ng gawain nito.


Sa last hirit naming tanong kung kelan na babalik ang isa pa naming baby sa Eat…Bulaga! (EB!) na si Atasha Muhlach, “Naku po, very soon na ‘yan. Ang sabi sa amin, once na matapos na niya ‘yung Viva One series n’ya, balik-Bulaga s’ya agad,” sagot nito.


As of yesterday, June 26, balitang nasa Italy si Maine Mendoza kasama ang hubby nitong si Cong. Arjo Atayde. 


Ayon sa isang katsikang source namin sa EB!, ‘naka-leave’ raw sa noontime show si Maine.



BUSY as a bee ang Kapuso Primetime Princess at mala-palos kung umiwas sa mga tanong na si Barbie Forteza. Nariyang mananakot siya sa sinehan para sa P77 at lalaban para sa pangarap sa primetime sa Beauty Empire (BE).


Sa kanyang ibinahaging clip sa social media, ipinakita ng Kapuso Primetime Princess ang kanyang dubbing session para sa P77. Habang nanonood ng eksena, halatang nagulat si Barbie at napaatras ang ulo, saka tumawa nang malakas sa sarili.


“Ang hirap mag-focus sa voice dubbing, nauuna ‘yung gulat at takot, eh,” sabi pa ni Barbie sa kanyang caption.


Sa P77, gagampanan ni Barbie si Luna Caceres, isang dalagang papasok na tagalinis sa loob ng isang misteryosong penthouse. 


Pero bago nito ay mapapanood muna sa primetime si Barbie para sa latest TV series niya na BE. Dito, siya naman si Noreen Alfonso, isang rags-to-riches beauty entrepreneur na gagawin ang lahat upang pabagsakin ang imperyong itinayo ng kanyang mga kaaway. 


Inaabangan na nga ang puksaan nila ni Shari De Jesus na gagampanan ni Kyline Alcantara. Kasama rin nila sina Ruffa Gutierrez, Sid Lucero, Sam Concepcion, at Cho Bo-Min.

 
 

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | June 26, 2025



Photo: Chito Miranda - IG


Napagkamalan ni yours truly na nuknukan nang suplado ang anak ng University of the East (U.E.) dabarkads kong si Nora Yanga Miranda na si Chito Miranda.


Hindi man lang kasi namin nakitang lumabas ang ngipin nito, samantalang ang BFF naming si Nora na mother dearest ni Chito ay napakabait at smiling face.


May dahilan naman pala kung bakit hindi lumalabas man lang ang ngipin ni Chito, at ito ay ibinahagi niya sa kanyang social media post — ang larawan niya na nagpapakita ng ngipin na sungki-sungki, at ang isang larawan naman ay nakangiti na siya at labas na ang magandang ngipin.


Sabi nga ni Chito, “Dati, wala akong paki sa ngipin ko.


“I was a smoker since 12 and it was obvious dahil sa nicotine stains... not to mention na sungki-sungki pa sila na parang magtotropa na nagsiksikan sa sasakyan (naka-in out-in out sa sandalan (laughing emoji), tapos basag-basag pa ‘yung front teeth ko due to decades of jumping up and down while singing with a mic smashing against them (rock & roll emoji).

“I didn’t really worry about it, but I never flaunted them as well (kaya never ako ngumingiti na nakalabas ‘yung ngipin).


“Pero a couple of years ago, Dr. RFD convinced me to fix them... and I’m so glad I agreed. They cleaned and fixed my teeth.


“Ngayon, I still normally don’t show my teeth when smiling, but it feels great knowing na maganda ngipin ko whenever mag-smile ako na labas ngipin (smiling emoji).

“Salamat, Doc! Salamat Urban Smiles Dental Clinic.”


Kaya naman pala hindi siya ngumingiti nang labas ang ngipin.

Well, totoo ang saying na, “Don’t judge the book by its cover.”  


Hindi naman pala suplado, nahiya lang dahil sa ngipin. 

‘Sens’ya na po, tao lang.


Another kuwento, bigla tuloy na-miss ni yours truly ang mga U.E. dabarkads namin ni Nora, lalo na ang pinagtatambayan naming tindahan near U.E. Lepanto Street owned by Tita Mel. Oh, ‘wag na mag-senti, kanta na lang tayo ng: “Nandito na si Chito, si Chito Miranda… Nandito na si Kiko, si Francis Magalona… Nandito na si Gloc-9, wala s’yang apelyido. Magbabagsakan dito in five, four, three, two!”

Pak, ganern!



GANAP nang recording artist ang Pinoy Big Brother (PBB) Gen 11 Big Winner na si Fyang Smith matapos ilunsad ang kanyang five-track debut EP na Forever Fyang (FF), tampok ang Mishu (Nasaan Si Fyang?) (MNSF) at Tayo Hanggang Dulo (THD) na nasungkit agad ang una at ikalawang puwesto sa iTunes Philippines Songs Chart.


Ang lyric videos ng dalawang kanta kung saan tampok ang kapwa niya PBB Gen 11 housemate na si JM Ibarra ay umani na ng mahigit 100,000 views. 


Mula sa komposisyon nina Trisha Denise at Dennis Campaner ang Mishu habang isinulat nina ABS-CBN Music creatives, content, and operations head Jonathan Manalo at Perry Lansigan ang THD.


Tampok sa mini album ang feel-good vibes at kuwento ng pag-ibig — magmula sa kilig hanggang sa pagkakaroon ng pangmatagalang koneksiyon. 


Kabilang din dito ang 3 bagong kanta na Clingy AF (CA) na isinulat ni Gabriel Tagadtad, Kaya Mo Ba (KMB) nina Jeremy G at Jarea, at Para Shoot na mula sa award-winning composer na si Jungee Marcelo.


Nagsilbing overall producer ng EP ang StarPop label head na si Roque “Rox” Santos.


Nagpasiklab si Fyang sa FF album launch na naganap noong Linggo (Hunyo 22) sa New Frontier Theater.


Nakasama niya bilang special guests ang dating PBB Gen 11 housemates na sina Kai Montinola, Kolette Madelo, Rain Celmar, JM Ibarra, at ang Asia’s Songbird na si Ms. Regine Velasquez-Alcasid.



SA isang panayam, inamin ni Barbie Forteza na walang nanliligaw sa kanya.

Aniya, “Honestly, wala po talaga. Totoo po ‘yun, walang echos ‘yun. Walang nanliligaw.

“I am still enjoying my time. But, I am open to meeting people.

“Kasi ano naman, eh, ang saya kaya. Ang saya pala maging ano, maging outgoing, ‘di ba?

“To be more out there, ang sarap tumakbo sa labas.”

Okay, Barbie, enjoy your ‘me time’ at sana magkaroon ka na ng kasabay sa pagtakbo mo, mas masaya kaya kapag may kasamang tumatakbo. Tanungin mo pa si Jak Roberto.




 
 
RECOMMENDED
bottom of page