ni Ambet Nabus @Let's See | July 1, 2025
Photo: Cristine Reyes - IG
Totoo nga kayang may bago nang karelasyon o boyfriend si Cristine Reyes?
Bukod sa kuwento ni Mama Ogie Diaz tungkol dito, may mga kapwa-Uragon tayong Marites from Bicol na uma-agree at na-observe na raw ito since campaign period.
Matatandaang may mga kababayan tayong nagtataka at nagtatanong kung bakit mas naging active umano si Cristine sa kampanya ng ibang kandidato last elections kumpara sa naging laban ni Marco Gumabao?
Naisulat na rin natin dito sa BULGAR ang katanungang iyan lalo’t may mga naka-observe nga na hindi raw yata nagbigay ng full support si Cristine kay Marco bilang GF nito.
At dahil na-Lotlot (read: talo) nga si Marco sa pulitika, lumabas na rin ang balitang nag-break na umano sila.
Pero ang nakakaintrigang part nga now ay ‘yung tsikang may bago nang BF si Cristine sa katauhan ng isang non-showbiz guy, pero malaki raw ang role sa political career ng ilang government and elected people.
Kaya ang kantiyaw ng netizen, “Hindi kaya napulitika ang love life ni Marco?”
David, ano ‘to?
BARBIE, KA-HOLDING HANDS SI JAMESON BLAKE
WELCOME to the club nga ang komento ng mga netizens sa tila namumuo umanong something between Barbie Forteza at Jameson Blake. May mga netizens pa ngang tinatawag na ‘Sera’ (for echosera) si Barbie.
Nakakagulat man pero mukha nga raw natutunan na ng aktres ang kalakaran sa showbiz na kapag may show na o project na ipapalabas ang isang artist, sumasakay ito sa mga gimik na anik-anik?
Sa isang event na naman kasing nakitang magkasama sina Barbie at Jameson, may pa-holding hands daw ang dalawa habang nakikipag-photo opp sa mga fans.
“May ipino-promote lang ang mga ‘yan, lalo na si Barbie na may series na parating. Pressured ‘yan dahil baka hindi nito malampasan ang mga nauna n’yang series,” komento ng netizen.
Mapapanood nga ngayong July si Barbie bilang bida sa Beauty Empire (BE) sa GMA-7.
Idinaan sa text votes…
PBB BIG 4, PERA-PERA ANG LABANAN
IBANG klase raw talaga ang ABS-CBN pagdating sa mga reality shows na pinagkakaperahan.
Sa nalalapit ngang pagtatapos ng Pinoy Big Brother (PBB) Celebrity Collab Edition ngayong July 5, nag-umpisa na nga ang ‘pera-pera’ botohan ng mga supporters ng ‘Big 4’ na nasa grand finals.
Nagsimula na nga ang vote to evict at vote to save para sa 4 na tandem na naglalaban-laban — ang CharEs (Charlie at Esnyr), RaWi (Ralph at Will), AzVer (AZ at River) at BreKa (Brent at Mika).
Tila gagastos nga nang malaki ang mga parents ng AzVer dahil nu’ng makita ng mga netizens ang kasosyalan at pagiging mayaman ng mga awra ng mga mommies na pumasok, mukhang hindi raw sila ang klase na susuko na lang sa laban ng mga anak nila.
‘Yun nga lang, very obvious daw na nagtitipid ang ABS-CBN dahil umaasa raw ito sa sponsor nila.
Sey pa nga ng mga observers, “Para sa malaking event at collab pang matatawag, sa isang maliit na lugar lang na New Frontier theater gaganapin ang big night?
“Anyare, ABS-CBN, sa mga pakulo ninyong pinaka-kayo? Nasaan ang ambag ng GMA-7 bukod sa sila ang nagpapahiram sa inyo ng ‘bahay’ para maipalabas sa mainstream TV?”
Aguy!
GANYAN nga rin ang naging observation ng mga nakapanood ng BINI verse world tour kuno abroad, partikular sa Canada.
Halata raw kasing pinagkaperahan lang ang sinasabing hindi naman nag-success na world tour.
Sa Dubai leg pa nga lang ay puro puna na at pintas ang inabot ng girl group na mistulang isang production number lang daw na pang-high school ang ganapan sa walang kuwentang production value. Then, sa Canada nga na marami ang nagpapatunay na aalug-alog ang mga tao sa napakalaking venue.
Granting daw na sold-out project ito dahil may mga producers na bumili at nag-market ng nasabing world tour, ang pabayaan daw na pumalpak sa maraming production stuff na reflective sa BINI ay isang malaking pintas at flop.
“Nasaan ang laging sinasabi na world-class? Mahusay lang sila sa pag-exaggerate sa promo at pag-market na akala mo ay the best nga sila sa buong mundo? Puwede ba?” hirit pa ng naghahamon na maglabas man lang daw ng kahit isang video clip na nagpapatunay na sumakses nga ang world tour?
“Ilabas na ang video. ‘Wag nang patagalin pa dahil baka ma-edit pa at pagandahin at palabasing world-class,” kantiyaw uli ng netizen na hindi raw nagtataka kung bakit sa New Frontier lang inilagay ang PBB Celebrity Collab big night.
Luh!










