top of page
Search

ni Ambet Nabus @Let's See | August 8, 2025



Photo: Richard at Barbie / Circulated



Speaking of another Gutierrez, hindi na nga maitatanggi ni Richard Gutierrez ang relasyon nito kay Barbie Imperial.


May mga bagong report na muli silang namataan sa UK, London having good time.


May mga sources na nagsasabing para nga raw mga honeymooners ang dalawa na masaya sa kanilang pagbabakasyon sa naturang lugar.


Matatandaang nag-viral ang kanilang Italy sortie last time nang mag-shoot doon si Chard ng Incognito.


Marahil nga raw ay naging espesyal sa dalawa ang mga romantic places sa London kaya nila ito binalikan.


“Alangan naman na nag-picture at kumain lang sila doon, ‘noh? S’yempre, may mga sarili silang private moments, ‘noh?” ang nagkakaisang reaksiyon ng mga netizens na nagtatanong pa rin ng estado ng divorce or annulment ni Richard at ng dati nitong asawang si Sarah Lahbati na balita rin namang may bagong BF na.

Well…



Lovers sila ni Roderick sa movie…

TONTON: MERON NA KAMING NAGAWA NA KAYA KONG IPAGMALAKI SA MGA ANAK KO



Matagal nang panahon na nagkasama sina tugang Roderick Paulate at Tonton Gutierrez sa isang episode ng Maalaala Mo Kaya (MMK). Nanalo pa nga ng acting award si tugang Dick sa nasabing drama anthology.


This time, sa movie naman masusubukan ang tandem nila via Mudrasta: Ang Beking Ina (MABI).


Sey ni Tonton, “Hindi ako nagdalawang-isip nang alukin ako para sa movie. I always admire Roderick, I am his fan. Iba s’yang katrabaho at very professional.


“At least now, meron na kaming nagawa na kaya kong ipagmalaki sa mga anak ko o mga magiging apo ko,” seryoso pang sambit ni Tonton.


Lovers sila sa movie kung saan namatay ang karakter ni Tonton at pinamanahan niya si Dick sa kondisyon na maging ‘Mudrasta’ ito ng kanyang dalawang anak (Elmo at Arkin Magalona), kasama na ang pagtira sa bahay at pakikisama sa malditang nanay nitong si Celia Rodriguez.


“Wala rin akong masasabi sa pagiging very generous actor ni Tonton. Sa dami na rin ng mga naging leading men ko, s’ya na siguro ang pinakamasarap katrabaho. Sa ngayon talaga, itong Mudrasta ang matatawag kong favorite film ko sa hanay ng mga Ako si Kiko, Ako si Kikay, Petrang Kabayo, Bala at Lipstick, etc..


“Kaya sana po, ma-enjoy ninyong panoorin sa Aug. 20,” paanyaya pa ni Kuya Dick.

Ay, si Tonton nga rin pala ang first guy na nagbigay sa kanya ng isang ‘surprise kiss’ onscreen (MMK episode) kaya raw masasabi din niyang bininyagan siya nito noong 1999 sa utos ng yumaong si Direk Wenn Deramas.




MAGSISILBING third wheel sa tambalang Bela Padilla at JC Santos ang guwapo at bagets actor na si Kyle Echarri.


Sa balik-movie tandem nina Bela at JC sa 100 Awit Para Kay Stella (100APKS) na sequel ng 100 Tula Para Kay Stella, pumasok ang karakter ni Kyle bilang si Clyde.


“Hanggang ngayon po talaga, nagtatanong ako kung bakit ako ang napili nila. But I can only have good words for Viva for this chance. This is indeed a big thing for me as an actor. To work with Bela and JC is already an honor for me. Sino ba naman ako na basta na lang papasok sa tandem nila?” paliwanag pa ni Kyle na umaming marami ang maiinis sa kanyang role sa movie. 


“Lalo na ‘yung mga fans talaga nila since 8 years ago na lumabas ‘yung 100 Tula Para kay Stella, which I promised to watch talaga,” hirit pa ng batang aktor na blessed na blessed ang parehong acting at singing career.


Nang i-segue namin ang tanong na ayon sa aming nakalap, siya talaga ang kinuhang ka-triangle ng dalawa dahil may hatak siya sa Gen Z at Alpha Gen audience, “I can only be grateful po. Sana po talaga ay magustuhan nila ang ginawa ko sa movie at pumasa ako bilang third wheel nila,” susog pa ni Kyle na may bagong kulay ang hair dahil sa bagong project na siya uli ang bida.

 
 

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | August 8, 2025



Photo: Gardo Versoza at Nora Aunor - IG


Kamakailan lang ay naalala ni yours truly ang Superstar at National Artist of the Philippines for Film and Broadcast Arts na si Nora Aunor (RIP). Nalungkot at napaisip si yours truly kung may mga nakakaalala pa kaya sa mahal naming kaibigan na si Ate Guy.


Sinagot kaagad ang katanungan namin, dahil pagbukas namin ng Facebook (FB) ay lumabas ang post ng aktor na si Gardo Versoza.


Nag-share ang magaling na aktor ng larawan nila ng Superstar at nagbahagi rin siya ng masasayang alaala niya nu’ng kasama ito.


Aniya, “Miss you mare, hindi na nasundan ang kantahan natin, nu’ng nakita ko uli ang Golden Gate, naalala ko ‘yung huling kanta natin — I LEFT MY HEART IN SAN FRANCISCO.


“At sa ‘yo ko natutunan ‘yung nagpapa-raffle sa set at marami pang magagandang alaala na galing sa puso.


“May isa akong i-share, nasa Baguio tayo, may eksena sa kalye, may fan ka na nakasakay sa jeep at nagtitili, s’yempre hinawi at pinaraan na ng security para ‘di ka dumugin, pero hinabol mo ‘yung jeep at niyakap mo ‘yung fan mo na nakasakay sa jeep, kaya ganu’n ka kamahal ng mga fans kasi totoo ka, walang halong pag-iimbot. I love you and I miss you mare ko.”


Thank you, my dear Gardo sa ibinahagi mo at pinatunayan mo lang kung gaano katotoo at walang halong kaplastikan ang ating Superstar Nora Aunor (RIP).

Samantala, ang teleseryeng Bituin ng ABS-CBN at Onanay ng GMA-7 ang ilan lamang sa mga pinagsamahan nina Gardo at Ate Guy.


Kanta na nga lang tayo ng pinasikat ng Superstar na Am I That Easy To Forget that goes… 


“They say you’ve found somebody new

But that won’t stop my loving you

I just can’t let you walk away

Forget the love I had for you

Guess I could find somebody too

But I don’t want no one but you

How could you leave without regret?

Am I that easy to forget?”

Rest in peace, Ate Guy, in heaven. Love you always.

‘Yun lang and I thank you.



What?! Ang beauty queen at aktres na si Ruffa Gutierrez, may anak na palang 22 years old! 


Amazing, at hindi makapaniwala si yours truly na sa ganda at sexy ni Ruffa, may 22-anyos na siyang dyunakis.


Kung titingnan si Ruffa, mukha lang siyang 28 years old, dahil sa kaseksihan at ganda ng mukha niya, in fairness.


Sa social media post ng amazing mom ay nagbahagi siya ng larawan ng panganay na si Lorin Gabriella Bektas, at nagpahayag ng pagbati para sa kaarawan nito.

Aniya, “To my dearest firstborn, @loringabriella Happy 22nd birthday, cutie pie!


“Watching you grow has been one of the greatest joys of my life. You’ve bloomed into such a beautiful, kind, loving, and intelligent young lady.


“Always remember that Venice, our entire family, and I will be here cheering you on through every chapter of your life. Keep shining, my baby girl, the world is yours!

“I love you more than words can say. Love, Mommy.”


Sa comment section ng post ni Ruffa G. ay sinagot naman ito ng kanyang loving daughter ng “I love you, mother.”


Happy birthday, Lorin! Enjoy your special day!


 
 

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | August 7, 2025



Photo: Marjorie Barretto - IG



Mapapa-sana all ka na lang talaga kapag nakita mo ang post ng aktres at celebrity mom na si Marjorie Barretto.


Sa social media post ng mother dearest ni Julia Barretto ay nagbahagi siya ng larawan niya na may katabing brand new car na regalo lang naman ng kanyang anak na si Julia.

Saad ni Marjorie sa post niya ay “Today is a happy day. Thank you dearest Julia for this gift and all the love you shower me with. God bless you more. I love you.”


Halata sa magandang mukha ni Marjorie na ang saya-saya niya sa natanggap na gift galing sa kanyang loving daughter. Masaya rin ang mga kaibigan ni Marjorie para sa kanya. 


Sabi nga ni Mariel Rodriguez-Padilla sa post ni Marjorie ay “You deserve it all, Mommy Marj! I am so happy for you!!!! God bless you more, Julia!!!!”


Sabi naman ng beauty queen at aktres na si Ruffa Gutierrez, “We love you @juliabarretto. Wowww!!! Love it!! Enjoyyyy.”


Pak na pak ka d’yan, Julia! Ang bongga ng pagpapasaya mo sa mother dearest mo.

‘Yun lang and I thank you.



“PARE, pa-kiss nga,” ito na lang ang nasabi ng Kapuso actor at TV host na si Dingdong Dantes sa Instagram (IG) post ng kanyang asawa na si Marian Rivera.  


Makikita sa larawan ang kakaibang hitsura ni Marian na mukhang lalaki, ganunpaman, litaw pa rin ang ganda ng Kapuso actress.


Sabi ni Marian sa post niya, “Channeling my inner boyish charm on this cover! Who says you can’t mix genres and vibes?”


Marami sa mga netizens ang napabilib sa ganda ni Marian at isa na nga rito si QC 5th District Councilor Aiko Melendez. 


Sabi nga ni Aiko sa post ni Marian, “Tapos na, uwian na, grabe, so beautiful.”

Well, ikaw na ang nagwagi, Dingdong, napapayag mo si the beautiful Marian na halikan siya. 



INIHAHANDOG ng Viva Films at Evolve Studios ang Posthouse, isang psychological horror film na kauna-unahang full-length directorial project ni Nikolas Red sa pakikipagtulungan ng kanyang kapatid na si Mikhail Red na direktor ng Deleter at Lilim bilang creative producer. 


Tampok sina Sid Lucero at Bea Binene, ang kuwentong ito ay tungkol sa isang lumang pelikula na magiging mitsa para mapalaya ang isang mapanganib na puwersang matagal nang nakakabit sa isang madilim na nakaraan.

Sa preskon ng Posthouse ay natanong si Bea Binene kung ano ang mga preparations na ginawa niya sa nasabing movie.


Sagot nito, “Ako po, preparation... Ummm, para sa amin, nag-script reading po kami. S’yempre, siguro ‘yun na ring pagtatanong kina Direk about sa character, about our relationship and the relationship between our co-actors. Siguro po ‘yung pag-prepare rin ng mga pagsigaw.”


Natanong din si Bea kung may mga challenges ba siya na na-encounter sa paggawa ng Posthouse.


Sagot niya, “Unang-una, I love everyone from the prod. Lagi ko pong sinasabi kahit sino’ng makausap ko kung kumusta ‘yung Posthouse, I love everyone. Parang even the production team, they’re one of the most efficient teams that I’ve ever worked with. S’yempre, isang malaking karangalan po na parang first directing film ni Micos and of course with Sid Lucero.


“Nakakatuwa. Ako naman po kasi ‘pag may trabaho, nagpapasalamat po tayo. At grateful po tayo. Sa lahat ng bagong artista, bagong team, bagong mga tao na makakatrabaho po natin.”


Natanong si Bea kung nakakatakot ang movie na ito at kung gaano nakakatakot sa set ng Posthouse?


Sagot ng aktres, “Meron pong eksena na - kasi magugulatin po akong tao - mabilis po akong tumili. Tsaka tumitili po ako. May isang eksena na nag-take kami. Serious kami s’yempre, tapos biglang may nahulog na something. Tapos po, as in naramdaman ko talaga. Tumakbo po ako palabas ng camera ng tumitili. Tapos, sabi niya, ‘Sayang, sana nagamit natin, kaya lang po ‘yung tili ko, ‘Ahhhh!’ ganu’n po, hindi po s’ya pang-horror, parang naging comedy. Pero ‘yung mga ganu’n na gulat na wala naman daw naghulog.”

Sabay tanong ni Bea kay Sid ng “Hinulog mo ba?”

Sagot ni Sid, “Wala akong alam.”


Samantala, umiikot ang Posthouse kay Cyril, isang film editor na nagtatrabaho sa isang lumang post-production facility na itinayo ng kanyang amang si Edd. Si Cyril ay patuloy pa ring ginugulo ng kanyang childhood trauma—mula sa hindi pa nalulutas na pagpatay sa kanyang inang si Judy, hanggang sa kababalaghang bumabalot dito. Hanggang ngayon, hindi pa rin siya makalaya sa bigat ng sariling pinagdaraanan at magulong buhay-pamilya.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page