top of page
Search

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | August 24, 2025



Lars Pacheco - FB

Photo: Lars Pacheco - FB


Napakasakit ng nangyari sa content creator na si Clyde Vivas, iniwanan siya ng kanyang long-time partner habang natutulog. 


Nagpaalam lang sa pamamagitan ng mensahe ang kanyang ex-dyowa na transwoman beauty queen na si Lars Pacheco. 


Saad ni Clyde, “7 years. Sa loob ng 7 years na punong-puno nang pagmamahalan, walang pinagsisihan nirespeto, inalagaan at ipinaglaban sa lahat. 


“Naalala ko nga nu’ng una tayong nagka-chat hanggang sa una tayong magkita. Hindi ko alam kung paano ako haharap nae-excite na kinakabahan. Hanggang sa lagi na tayong nagkikita at unti-unti nang nagkakilala nang lubusan at nabubuo ang pagmamahalan natin sa isa’t isa.


“Hindi ko lubos akalain na ikaw ang makakapagpabago sa ‘kin, salamat sa ‘yo kasi natuto akong magmahal nang sobra-sobra higit pa sa sarili ko. 


“Nakakalungkot lang na iniwan mo ‘ko habang natutulog at nag-iwan ka ng mahabang mensahe para sa ‘kin. 


“Sana, kinausap mo muna ako para alam ko ang lahat ng gagawin, pero ganu’n siguro talaga. Nawalan ka na rin ng pagmamahal sa ‘kin, nagsawa ka na. 


“Sabi ko nga sa ‘yo noon nu’ng ipinaglaban kita, hinding-hindi ako magsasawa na mahalin ka dahil pinili kita. Kaya lang, ba’t nag-iba? 


“Sorry kung masyado akong na-over (nasobrahan) sa pagmamahal sa ‘yo, nawalan na ng challenge ang lahat.


“‘Wag kang mag-alala, kakayanin ko. Dahil sa bawat araw-araw na magkasama tayo, gumigising ako nang may katabing ikaw. ‘Yung may ki-kiss sa akin, ‘yung may yayakap sa akin. Nu’ng bago mo ko iwan, ramdam na ramdam ko ‘yung yakap mo na mahigpit. 

“‘Yun na pala ‘yung huli ko na mararamdaman sa ‘yo. Sobrang sakit. Pero alam ko sa sarili ko, kakayanin ko. Sana mabasa mo ito.


“Mag-iingat ka palagi, ‘wag mong kalimutan na magdasal. Mahal na mahal kita. Paalam…”

Ito ang mensahe ni Clyde para sa kanyang mahal na si Lars Pacheco.


Samantala, sa video na ibinahagi sa social media, inamin ni Clyde na napansin niya na malungkot na si Lars isang linggo bago ang breakup nila. Ngunit hindi niya nagawang itanong kung ano ang problema nito. 


Nagpahayag din si Clyde ng reaksiyon nang malaman niyang nag-cheat si Lars nang hindi lang isang beses, kundi paulit-ulit pa hanggang naging tatlong beses.


Sey ni Clyde, “May nagawa ba akong mali para magawa n’ya ‘yun sa akin? Sobrang hirap tanggapin pero alam ko na makakayanan ko ‘to. Hindi man ngayon, pero alam ko, lilipas din ‘to.”


Nakiusap din si Clyde sa madlang pipol na huwag i-bash ang kanyang ex-dyowa. 

Aniya, “‘Wag n’yo na i-bash si Lars kasi naawa ako, eh. Meron siguro s’yang dinadalang problema na hindi ko alam. ‘Wag na natin s’ya i-bash at mas magandang suportahan na lang natin s’ya sa mga kung anumang desisyon n’ya sa buhay ngayon kasi ganu’n na lang din ang gagawin ko.”


Kahit wasak na wasak na ang puso ni Clyde ay nagawa pa rin niyang magpasalamat sa lahat ng nagpakita ng suporta at pagdamay sa kanya matapos ang announcement ng breakup. 


Nakaka-sad naman. Kanta na nga lang tayo ng pinasikat ng singer icon na si Imelda Papin na… “O, kaybilis ng iyong pagdating, pag-alis mo’y sadyang kaybilis din… Natulog akong ikaw ang kapiling, ngunit wala ka nang ako’y gumising…


“O, kaybilis ng iyong pagdating, pag-alis mo’y sadyang kaybilis din… Ang pagsinta mo na sadyang kaysarap… Sa isang iglap lang, nawala ring lahat…”

Pak, ganern!



3 yrs. old pa lang, artista na… 

ICE, FAMAS CHILD ICON OF PHIL. CINEMA


PINARANGALAN ang multi-talented OPM singer na si Ice Seguerra bilang “FAMAS Child Icon of Philippine Cinema” sa 73rd FAMAS Awards na ginanap sa Manila Hotel noong August 22, 2025.


Nagbahagi ng pasasalamat ang mister ni Liza Dino-Seguerra sa kanyang social media.


Ani Ice, “Maraming salamat, FAMAS, for this incredible honor of being named a Child Icon of Philippine Cinema. To be recognized tonight at the historic Manila Hotel is truly humbling.


“I started this journey as a 3-year-old kid na ang gusto lang ay mag-perform. Hindi ko inakala na after all these years, I’d still be here doing what I love, learning, and being inspired by the people around me.


“This recognition is not just for me kundi para sa lahat ng child actors na nangangarap at para na rin sa lahat ng artists who continue to fight for their place. Para sa inyo ito.


“Maraming salamat sa lahat ng patuloy na sumusuporta at nagmamahal.”

Congratulations, Ice! You deserve that! Boom na boom ka d’yan!

‘Yun lang and I thank you.


 
 

ni Ambet Nabus @Let's See | August 24, 2025



Vilma Santos-Recto at Nadine Lustre - IG

Photo: Vilma Santos-Recto at Nadine Lustre - IG



Sa bonggang speech ni Star for All Seasons Vilma Santos, grabe ang pasasalamat niya sa FAMAS na nagkaloob sa kanya ng napakaraming mga karangalan through the years.


Una siyang naging Best Child Performer dito noong 1963 para sa Trudis Liit hanggang sa first Best Actress niya in 1972, may kabuuang 15 (yes, 15) FAMAS recognition at parangal na ang ibinigay sa kanya ng oldest award-giving body ng bansa.


Lima bilang Best Actress na nagluklok sa kanya sa Hall of Fame, 4 as Circle of Excellence Award, may Lifetime Achievement Award, FAMAS Presidential Award, Exemplary Achievement Award, Best Producer at Best Picture 1978 (Pagputi ng Uwak, Pag-itim ng Tagak) noong aktibo pa ang kanyang VS Films (Vilma Santos Films outfit).


Nakakaloka namang tunay kung bibilangin talaga natin sa dami. Hahaha!

Basta noong huling naglista kami, mga Ka-BULGAR at kapwa-Vilmates, sa showbiz pa lang ay umabot na sa mahigit isandaan (100 plus) na acting, box-office at honorary awards ang nakuha niya mula sa FAMAS, URIAN, FAP (LUNA), CMMA, PMPC STAR Awards, Metro Manila Film Festival (MMFF), Manila International Film Festival (MIFF), Quezon City Festival, Guillermo Mendoza Box-Office Awards, EDDYs, Golden Screen Awards, Young Critics, ilang international festivals abroad at iba pang mga minor award-giving groups for TV and multimedia societies, galing sa academic institutions at mga critics groups. Whewww!


Kung isasali pa natin ang mga awards niya from Malacañang, civic society at iba pa for her government service since naging mayor, governor at congresswoman siya, naku po, dapat na talagang ilagay sa museum sa dami. Hahahaha!


Anyway, here’s congratulating again Ate Vi at ang Mentorque Productions na sa aming palagay ay muling magko-collab for another exciting movie event in the near future, lalo pa nga’t super active si Ate Vi sa pagtulong sa pagpo-promote sa kanyang adbokasiya sa film industry at mga workers dito gaya ng pagtulong niya sa AKTOR, Mowelfund, Film Academy at iba pang sangay para sa mga manggagawa ng industriya, kasama na ang mga organisasyon sa entertainment media.



Juday, humakot ng special awards… 

VICE AT ARJO, TIE NA BEST ACTOR, MARIAN BEST ACTRESS SA 73RD FAMAS


Sa katatapos lang na 73rd FAMAS Awards rites, nagwagi sa major categories sina Vice Ganda at Arjo Atayde (tie) as Best Actor, Marian Rivera (Best Actress), Jeric Raval (Supporting Actor) at Nadine Lustre (Supporting Actress).


Nakuha naman ng Alipato at Muog (AAM) movie ang Best Picture at Director (JL Burgos) awards, habang Best Screenplay ang Green Bones (GB)


Tatlo pang awards ang nakuha ng Mamay movie bukod sa acting award ni Jeric Raval, namely: Production Design, Cinematography at Musical Score. 

Nakuha ng Topakk movie ang Best Sound award.


Big winner din ang Uninvited dahil nakuha nito ang Supporting Actress for Nadine, ang Best Original Song, Producer of the Year for Mentorque at ang Circle of Excellence Award for Vilma Santos.


Maraming mga special awards na ipinagkaloob lalo na kay Judy Ann Santos na tumanggap ng Nora Aunor Superstar award at isa sa mga Child Icon awardees kasama nina Ice Seguerra, Gladys Reyes, Niño Muhlach, Ian Veneracion at Matet de Leon. 


Kay Juday din ipinagkaloob ang Star of the Night, kaya nag-conclude na talaga ang mga nasa Manila Hotel na hindi nito makukuha ang Best Actress. 


Sey nga ng katabi namin, “Naku, binigyan na ng marami para ‘wag nang umasa sa Best Actress.”


Ang mga babies naming sina Atasha at Andres Muhlach naman ang nabigyan ng German Moreno Youth Achievement award, habang ang PEP ang ginawaran ng Dr. Jose Perez Memorial Award for Journalism.


Nakakatuwang may FPJ Bida at Kontrabida award na ibinigay respectively kina Manny Pacquiao at Dindo Arroyo.


Si Lorna Tolentino naman ang nabigyan ng Susan Roces Celebrity award habang Bida sa Takilya award naman si Kathryn Bernardo.


May iba pang nakakatuwang ‘special award’ na ipinagkaloob pero hindi na namin matandaan. Hahaha!


Congratulations sa lahat ng winners!



SAGLIT naman naming nakabatian si Meme Vice Ganda dahil magkakatabi nga sila sa table kasama sina Ate Vi, Direk Dan Villegas, Direk Jun Lana, friend Perci Intalan, Nadine Lustre, at Bryan Diamante.


Mula kasi sa pagsundo namin kay Ate Vi sa hotel room nila kasama ang tropa nina kapatid Pipo at Lyn (Cruz), umaatikabong tsismisan na ng mga kung sinu-sino ang nasa loob ng Fiesta Pavilion ng Manila Hotel ang usapan namin. Hahaha!


Kaya nang ihatid namin sina Ate Vi sa table kung nasaan din sina Vice, talagang nagmistulang reunion uli ang ganap.


Maaliwalas ang awra ni Meme at bago pa man siya tinanghal na Best Actor, masigla itong nakipagtsismisan kina Ate Vi and the rest sa table nila (nasa bandang likod lang kami malapit naman sa table nina Marian Rivera).


Naririnig pa namin ang tsikahan nilang tatlo nina Ate Vi at Nadine, na ‘tunay na Barbie doll’ kung tawagin nila sa huntahan.


Bago pa man natapos ang ceremony ay sumabay na kaming lumabas kina Ate Vi dahil hindi nga namin mahindian ang imbitasyon ng kaibigang Joey Lina (Manila Hotel President) para sa madaliang coffee chat sa lobby.


Sandali pa lang kaming nakakaupo nang magkagulo na ang mga tao sa lobby dahil papalabas na pala si Meme Vice.


Napadaan ito sa amin at nang tawagin ng kanyang assistant ang name namin, huminto ito mereseng pinagkakaguluhan siya ng iba. Nilapitan namin siya at nakipag-beso uli, sabay pa-picture at sinabi nito sa amin, “Uy, mag-iskedyul din tayo. Usap din tayo soon.”


“Sure, sige, iskedyul natin ‘yan, Meme,” ganting tugon ko naman sabay pag-congratulate uli sa kanyang panalo.


 
 

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | August 23, 2025



Nadia Montenegro - Officialnadiam - IG

Photo: Nadia Montenegro - Officialnadiam - IG


Hindi na kinaya ng mga anak ng dating aktres na si Nadia Montenegro ang mga kritikong kung makapaghusga sa kanilang ina ay wagas.


Sa social media post ng anak ni Nadia na si Alyssa Asistio, nagpahayag siya ng kanyang saloobin sa nangyari sa kanilang ina.


Saad ni Alyssa, “My mom worked tirelessly for two years almost Monday to Sunday. She would leave while we were still asleep and come home when we were already asleep. During family events, the moment the office called, she would leave to help and follow the senator’s orders.


“She was a loyal, responsible EMPLOYEE with a HEART!


“Bagyo sa Pilipinas, gera sa China Sea, lumubog ang bangka, nasunog ang gusali, abused children, may burol dito at may patay doon, she was freaking there! Ano’ng akala n’yo? Tumambay lang s’ya sa Senate of the Philippines, enjoying the aircon and sipping coffee? Katulad ng ibang nakaupo du’n.


“In fact, she probably did more, went to more places, comforted, embraced, and shook hands with more Filipino citizens than many of the senators you voted for. Your taxes were put to better use through the work my mom did! At puwede ba, walang katumbas na halaga ang nanay namin!


“Pinahiram namin ang nanay namin ng BUO para makita ninyo at maramdaman ninyo kung paano n’ya kami inaalagaan. And because that was where she found happiness and fulfillment—that was the work she loved. Ngayon, you return her to us broken, her name tarnished, her reputation shattered, her dignity crushed.

“ANG HIRAP MONG MAHALIN, PILIPINAS!”


Bukod kay Alyssa, nagbahagi rin ng saloobin ang pangalawa sa panganay na anak ni Nadia na si Alyana Asistio sa kanyang Facebook (FB) page.


Saad ni Alyana, “What was done to our mom will never, ever be erased. The pain she went through will never be taken back.


“Everything she did was out of her willingness, whether as part of her work or simply out of love. She gave up two years with us because of the job she was committed to. Even now, she continues to help others, because that’s who she is. 


“My mom poured everything into what she did. She would never HURT or BETRAY anyone, because she is one of the most loyal people in this world. She gave more than what was required because of how much she loved what she was doing, but the truth is, she would have done it as a friend, even for free, simply because that’s her nature.


“The way this has affected our family, my mom’s name, and the trauma it brought to my siblings is something I would never wish on anyone.


“It broke us to see her doubted, accused, and hurt so easily without even being given the chance to defend herself.


“My dad always told me growing up: ‘‘Nak, ‘wag mong aasahan na ‘yung kaya mong gawin para sa iba, gagawin din nila para sa ‘yo, kasi masasaktan ka lang.’


“But my mom? She will always be that person, the one who gives, loves, and shares because that’s who she really is.


“We love our mom so deeply. She didn’t deserve any of this. She is an amazing person.

“I LOVE HER SO MUCH. Leave her alone. Leave our MOM ALONE. My family. I will forever choose us over anything.”


Ang hirap ng nangyari kay Nadia. Hindi naman napatunayan na totoo ang marijuana issue, pero may mga nanghuhusga na sa kanya.


Kamakailan lang ay may mga kasamahan kami sa media na naospital at tinulungan ng butihing senador na si Sen. Robin Padilla na mabayaran ang hospital bills nito. At siyempre, si Nadia ang naging daan para maiabot ang tulong.


‘Yung mga taong mapanghusga at wagas manira ng kapwa, ingat-ingat din kapag may time. 


Tandaan ang salitang karma.

Pak, ganern!



PRESSURED at grateful ang action-drama royalty na si Gerald Anderson sa unang pagsabak niya bilang direktor sa bagong season ng Sins of the Father (SOTF), na naging most watched series sa iWant.


“I was nervous at first, but they really made me feel at ease. The support I get from JRB, Direk FM Reyes and Bjoy, the management, especially Tita Cory and Direk Lauren—it’s so genuine, you can really feel it. In my 19 years, this is the first show where I didn’t have any doubts, because I know I’ve got people backing me up,” saad niya.


Binalikan ni Gerald kung paano in-offer sa kanya ng JRB Creative Production ang pagdidirek ng maaksiyong episode kung saan lalabanan ng karakter niya na si Samuel ang 100 lalaki upang makapasok sa grupo ni Roldan (Joko Diaz).


“We had this improv meeting with JRB, and they mentioned there’s a one-versus-one-hundred scene. So I pitched a few storyline ideas to make it even better, and then they go, ‘Why don’t you direct it?’ I was like, ‘Sure!’ but honestly, I was so surprised,” kuwento niya.


“Gerald is such a hardworking director. He knows exactly what shots he wants, works with precision, and comes in fully prepared. His preparation was so extensive that everything ran quickly and smoothly. He’s truly earned all of our respect and admiration,” ani ng mga producers ng show.


Bukod dito, makakasama rin ni Gerald Anderson ang bagong cast ng serye na sina Barbie Imperial, Binsoy Namoca, Dylan Yturralde, Eric Fructuoso, Joel Saracho, Junjun Quintana, Kolette Madelo, Lei Ang, Manuel Chua, Mel Martinez, Melissa Mendez, Reign Parani, Simon Ibarra, Zeppi Borromeo, at River Joseph.

‘Yun lang and I thank you.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page