top of page
Search

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | December 28, 2025



TALKIES - CARMINA, AMINADONG MAINITIN ANG ULO_IG _mina_villaroel

Photo: File / IG _mina_villaroel



Bilib talaga si yours truly sa guwapong aktor na si Zoren Legaspi, sa asawa nitong aktres na si Carmina Villarroel, at sa dalawa nilang anak na sina Mavy at Cassy Legaspi.

Nagbahagi ang kambal sa Fast Talk with Boy Abunda (FTWBA) kung paano sila dinidisiplina ng kanilang mga magulang.


Tanong ng mahusay na TV host na si Boy Abunda, “Napalo ba itong dalawa?”

Saad ni Carmina, “Hindi.”


Tanong ni Boy, “How did you raise two beautiful children?”

Saad ni Carmina, “Si Zoren ‘yan, eh. Pagdating sa disiplina, si Zoren talaga.”


Tanong ni Boy, “Isang tingin lang, paano?”


Hirit ni Carmina, “Kay Cassy at Mavy natin itanong. Paano?”


Saad ni Mavy, “I think it started sa tennis. It was like two birds with one stone, Tito Boy, kasi my dad was very passionate about acting but on the side he loved tennis. So growing up, he got us to do activities like swimming and tennis, and not forcefully. We loved doing those things. So in tennis, s’ya ‘yung coach namin. Du’n n’ya inilalabas ‘yung disiplina. ‘Yung discipline sa sports, nadadala namin sa bahay.”


Saad naman ni Cassy, “I think it’s discipline din, like training. Because after school, we have training, so du’n pa lang, may routine na. Then when we get home, maligo na, dinner, then homework.”


Kuwento pa ni Zoren, “So ‘yung chapter na ‘yun na dinidisiplina mo sila, dadating din pala ‘yung chapter na ayaw mo na silang disiplinahin. Gusto mo na lang ibigay lahat sa kanila dahil mabait sila, dahil lumaki silang mabait. Kagaya ngayon, parang sige, kahit anong gusto n’yo, ibibigay ko because wala akong problema sa inyo.”


Saad ni Carmina, “Alam mo, Tito Boy, laging sinasabi ni Zoren ‘yan. ‘Alam mo, Hon, we’re so lucky dahil ‘yung mga anak natin, mababait.’ Of course, they’re not perfect, pero mababait talaga. 


“At least, hindi basagulero, walang bisyo, hindi sakit ng ulo. Kaya lagi kong sinasabi, kung ano ang gusto nila, ibigay na natin sa kanila kasi mababait silang mga bata.”


Tanong ni Boy kay Cassy, “Wala ka pang nai-invite to join Noche Buena?”


Saad ni Cassy, “Meron naman. There’s nothing wrong with inviting. Ang daming welcome sa bahay namin.”

Hirit ni Boy, “But did you invite one?”

Saad ni Cassy, “One?”

Dagdag ni Boy, “Meron na?”

Saad ni Cassy, “Yeah.”


Tanong ni Boy, “How would you say ‘Sorry’ and ‘Thank you’ to each other on Christmas Day?”

Saad ni Mavy, “I’m not a man of words talaga. So ‘pag nagpapasalamat ako or nagso-sorry, ‘yun lang ang sasabihin ko, pero mararamdaman na nila sa tingin pa lang at sa emotions.”


Saad ni Cassy, “I’m sorry for what you had to put up with this year. And thank you for never changing the way you love me despite everything that has happened in my life.”


Saad ni Carmina, “Sorry kung meron akong pagkukulang sa inyo, sorry kung minsan mainitin ang ulo ko, pero sinasabi ko naman kung bakit.


“Thank you dahil buo ang pamilya natin. Thank you kasi solid tayo. May mga dumating mang bagyo at pagsubok, pero buo pa rin tayo at nanatiling mabuti ang ating mga puso. Puwede kaming naging masama, meaning gumanti or mag-defend, but we chose to keep quiet because we know the truth. Nanatiling buo at punumpuno ng pagmamahal ang pamilya namin, at ‘yan ang ipinagmamalaki ko.”


Saad naman ni Zoren, “Sorry dahil may mga lakbay na hindi namin kayo masasamahan. Magkakaroon kayo ng mga battle scars sa puso n’yo na ‘di maiiwasan. Kung mababaw o malalim, ganu’n din ang tatatak sa puso namin ng nanay ninyo. Pero thankful kami dahil araw-araw, nakakauwi kayo nang maayos, nagkikita-kita tayo, nagkakasama-sama sa isang bubong, nagkukuwentuhan, nagtatawanan, at higit sa lahat, hindi nawawala ang pag-ibig sa bahay.”


Well, super lucky ang magkapatid na Mavy at Cassy dahil nagkaroon sila ng magulang tulad nina Zoren at Carmina na mahusay pagdating sa disiplina. In fairness, lucky din ang mag-asawa dahil nga mababait ang kanilang mga anak.



MAGBABALIK-TANAW ang ABS-CBN News sa mga talaga namang pinag-usapan at kontrobersiyal na balita ng 2025 sa year-end special na pinamagatang Sa Likod ng Balita 2025.


Sa espesyal na dokumentaryo, ibinahagi ng Kapamilya journalists, kasama si Karen Davila, ang kanilang personal na karanasan sa pag-cover ng mahahalagang balita, mula sa imbestigasyon sa flood control projects at diumano’y katiwalian ng mga opisyal na sangkot dito.


Tatalakayin din ang malalaking pangyayari sa pulitika, kabilang ang pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte at ang impeachment proceedings laban kay VP Sara Duterte. Ipinapakita rito ang hati sa loob ng gobyerno matapos ibasura ng Korte Suprema ang impeachment filing at tanggihan ng International Criminal Court ang hiling ng dating pangulo para sa pansamantalang paglaya.


Babalikan din ng Sa Likod ng Balita 2025 ang mga kalamidad na sumubok sa tatag ng mga Pilipino, mula sa malalakas na bagyo hanggang sa mapaminsalang lindol sa Central Visayas at Davao Oriental.


Kasama rin ang mga bagong detalye sa matagal nang mga kasong umani ng pansin ng publiko, tulad ng mga nawawalang sabungero at ang pag-aresto kay dating Kongresista Arnolfo Teves matapos ang ilang taong pagtatago.


Muling susuriin ang 2025 National Elections kung saan milyun-milyong Pilipino, lalo na ang Gen Z voters, ang lumahok sa botohan. Tampok din ang pag-angat ng ilang hindi kilalang kandidato na nagwagi kahit hindi nanguna sa mga naunang survey.


Sa kabila ng mga hamon ng taon, ibibida rin ang mga tagumpay ng mga Pilipino sa international stage, kabilang ang pagkapanalo nina EJ Obiena at Alex Eala, pati ang tagumpay ng mga Pilipinong artista at beauty queens. Kasama rin ang mga sandali ng pagluluksa ng bansa, tulad ng pagpanaw ni Pope Francis at ang pagkakahalal ng bagong Santo Papa na si Pope Leo XIV.


Huwag palampasin ang Sa Likod ng Balita 2025 ngayong darating na Linggo, Disyembre 28, mula 9:15 PM hanggang 10:45 PM sa Kapamilya Online Live, Kapamilya Channel at A2Z.

‘Yun lang, and I thank you.


 
 

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | December 15, 2025



TALKIES - ELLEN, ‘DI HUMIHINGI NG SUSTENTO SA 2 AMA NG MGA ANAK_IG _maria.elena.adarna

Photo: File / IG Aljur at AJ



“Hindi na kami nangangambang lumabas, ‘di na kami nagtatago,” ito ang ibinahagi ng aktor na si Aljur Abrenica sa TV Patrol sa panayam ng entertainment journalist na si MJ Felipe kamakailan lang. 


Kinumusta nito ang buhay-pamilya at career ng guwapong aktor.

Wika ni Aljur, “Nagpapasalamat ako dahil mula January hanggang December na ngayon ay hindi tayo pinabayaan ng Panginoon. Binigyan tayo ng mga blessing through Direk Coco (Martin). Higit sa lahat, nabunutan tayo ng tinik. 


“‘Yung pamilya ko ay, ah, alam mo ‘yun? ‘Di na kami nangangambang lumabas, ‘di na kami nagtatago. ‘Yun ang ipinagpapasalamat ko sa Panginoon, na nabigyan ng kalayaan ‘yung mga bata kasi ‘yun ang gusto namin, maging masaya sila.”


Tanong ni MJ, “Super happy kayo? Nakikita ko ‘yung mga ipino-post n’yo ni AJ, ‘yung weekend bonding n’yo, ano ‘yun?”


Sagot ni Aljur, “Laging ganu’n sa bahay. ‘Yun ‘yung routine namin. Lagi kaming naglalaro kasama ‘yung mga bata at happy ako na nailabas na.”

Tanong ni MJ, “Best Christmas gift ‘yun?”


Sagot ni Aljur, “For me, yes. Oo, ‘yun ‘yung pinakamagandang nairegalo sa akin ng Panginoon.”


Anyway, basta para sa ikaliligaya ng mga bata, walang tututol d’yan. ‘Di ba naman, magandang aktres na may pusong mapagbigay si Kylie Padilla?



“DITO sa Pasig, ‘di uso ang P500,” ito ang buong-pusong pagmamalaking sinabi ng veteran singer na si Renz Verano.


Sa social media post ng singer, pinuri niya ang kanilang mayor na anak ni Bossing Vic Sotto na si Mayor Vico Sotto.


Saad ni Renz, “Thank you, Mayor Vico! The best ka!


“Dito sa Pasig, ‘di uso ang P500. Senior citizen lang dito, P3,000 na ang ibinibigay ni Mayor Vico. May ham mula sa barangay at may groceries pang ibinibigay si Mayor sa bawat pamilya. Iba talaga ‘pag mahusay at may puso ang pinuno. Sa inyo, ano’ng ibinigay nila?”


Well, waley! As in walang nakuha si yours truly. Kaya kanta na lang tayo ng “Some guys have all the luck… Some guys have all the pain… Some guys get all the breaks… Some guys do nothing but complain…” 

Boom, ganern!



SAMANTALA, bida sa iWant ngayong Pasko at Buwan ng mga Overseas Filipino ang GMA Pinoy Bundle para sa mga kababayan abroad, tampok ang kilig, halakhak, drama, at iba pang Pinoy feels na kanilang hinahanap-hanap. Maaaring madama ito sa mga shows na napapanood sa iWant.


Damang-dama ang yakap at init ng mga kuwentong Pinoy hatid ng mas pinalawak na pagpipilian ng mga palabas kasama ang ilang paboritong Kapuso 


Bida sa GMA Pinoy Bundle ng iWant ang pasabog collab ng Kapuso at Kapamilya sa mga inaabangan at trending shows ng madlang pipol na It’s Showtime (IS), kasama sina Vice Ganda, Jhong Hilario, Vhong Navarro, at Anne Curtis. Mapapanood din ang latest episodes ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0 (PBBCCE2.0) tampok ang Kapuso at Kapamilya teen housemates, na mapapanood saanman sa mundo (maliban sa North America, Latin America, at Spain).


‘Yun lang, and I thank you.

 
 

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | December 8, 2025



TALKIES - ELLEN, ‘DI HUMIHINGI NG SUSTENTO SA 2 AMA NG MGA ANAK_IG _maria.elena.adarna

Photo: File / IG _maria.elena.adarna


Wow! Bilib si yours truly sa sagot ng aktres na si Ellen Adarna sa kanyang Instagram (IG) Stories na recently featured ang ‘Ask Me Anything (AMA)’ kung saan sinasagot niya ang mga tanong ng mga netizens tungkol sa hiwalayan issue nila ng guwapong aktor na si Derek Ramsay.


Tanong ng mga netizens, “Biggest deal breaker to you in a relationship?”

Sagot ni Ellen, “Cheating. May it be emotional cheating, micro-cheating, digital infidelity, texting. No, no.”


Dagdag pa ni Ellen na idinaan sa pagkanta, “All my bags are packed. I’m ready to go.”

Tanong ng mga netizens, “How do you handle finances with your baby daddies? Like unsaon (paano) pag-divide?”


Sagot ni Ellen, “To be honest, I don’t depend. If they give, they give. If they don’t, they don’t. Simple. I don’t demand it.”


Isa pang tanong, “Do you still believe in love?”


Sagot ni Ellen, “I believe in mother’s love. A mother’s love is the highest form of love.”

Well, korek ka d’yan, Ellen Adarna. Iba talaga ang isang ina kapag nagmahal. A mother’s love is endless, selfless, and unconditional.

Boom, ganern!




Idinawit sa flood control scam…

BONG: SA HULI, ANG MGA TUNAY NA MAYSALA ANG MANANAGOT



“PLEASE pray for me and my family,” hiling ng aktor na si Sen. Bong Revilla sa kanyang Facebook (FB) page post kaugnay ng pagdawit sa kanya sa flood control projects scam.

Saad ni Sen. Bong, “Ang naratibo na pilit nilang ikinakasa laban sa akin ay hindi lamang kasinungalingan, ito’y sadyang ‘di kapani-paniwala.


“I am an easy target being used to muddle the truth, but the truth will always come out. Ginagamit ang aking pangalan para mailihis sa katotohanan — ngunit ang katotohanan kailanman ay hindi matatakpan.


“I have lived my life facing all challenges thrown my way. ‘Di ako tumakbo, ‘di ako nagtago. Hindi ako umurong noon, hindi ako uurong ngayon. At dahil ang katotohanan ay nasa aking panig, haharapin ko ito nang buong-tapang at paninindigan.


“Kasama kayo, nananalig akong sa huli, ang mga tunay na may sala ang mananagot — para sa hustisya at para sa bayan.”


Maraming netizens ang nag-alay ng panalangin para kay Sen. Bong Revilla at sa pamilya nito.


Wish lang ni yours truly na sana ay ang totoong may kasalanan sa isyu ng maanomalyang flood control project ang mademanda at hindi iyong itinuturo lang para mailihis sa katotohanan.




“TULOY lang ang laban,” ito ang pahayag ng aktres na si Rita Avila sa kanyang social media.


Nagbahagi si Rita ng kanyang baby picture at ng baby picture ng anak niya.

Kuwento ni Rita, “Anibersaryo ng kamatayan ng anak kong anghel noong December 2. Three weeks lang s’ya nabuhay, may sakit sa puso. ‘Di kinaya ang operasyon.


“Nu’ng huli ko s’yang nakita sa panaginip ay parang nasa 9–11 years old s’ya. Sana ay maulit ngayong 19 years old na s’ya.


“Sa mga magulang na may anghel na rin, naging masakit at malungkot man ay biniyayaan tayo ng anghel. Isang privilege! God bless you all. Tuloy lang ang buhay.”


Saludo si yours truly sa mga inang tulad mo, Rita. Nineteen years nang nasa heaven ang anghel mo pero siya pa rin ang nasa puso at isipan mo. Sure si yours truly love na love ka rin niya, ‘di ba naman madlang pipol?


 
 
RECOMMENDED
bottom of page