top of page
Search

ni Ambet Nabus @Let's See | September 11, 2025



Jinggoy Estrada - Senate PH

Photo: Jinggoy Estrada - Senate PH



Dahil nga sa naging record ni Sen. Jinggoy Estrada kaugnay ng bribery case na kanyang pinagdusahan sa kulungan, mas madali nga siyang akusahan ng mga tao na guilty after siyang isangkot ni Engr. Brice Hernandez ng DPWH sa ‘kickback scandal’ kaugnay ng mga flood control projects.


Kahit pa nga tahasan na niya itong idinenay at ngayo’y nagbabalak na sampahan ng kaukulang legal na kaso ang nagpaparatang, sa isipan nga ng madlang pipol ay may sala na siya. 


“‘Yan ang unfair. Tama naman s’ya sa pagsasabing magkakaroon ba s’ya ng lakas ng loob at tapang na imbestigahan ang isyu at mga tao kung s’ya pala’y sinasabing sangkot din sa anomalya?” tanong ng mga nagtatanggol sa senador.


May ilang kaibigan at naging kasamahan niya sa showbiz ang nagbibigay-suporta kay Sen. Jinggoy. May mga namba-bash din naman at nagsasabing nasa kanya ang burden of proof para malinis ang name niya, gaya ng ibang isinama sa listahan ng Discaya couple.


Sa patuloy ngang pagdami pa ng mga names na ibinubunyag ng Discaya couple, talagang matatawag nating nagtuturuan na o hindi kaya’y nagkakalaglagan na sa parehong chamber ng Senate at Congress.


But still, the people should have the last justice they deserve. Dapat talagang may mga managot at maparusahan sa usaping ito at hindi ito dapat maging isang malaking zarzuela lang.



KAMI rin ay nagtataka kung bakit tila mas marami yata ang bashing kesa sa positive feedback na na-generate ng pagsasalita/pagtatanggol ni Maine Mendoza sa kanyang asawang si Arjo Atayde?


Is this because napaka-overwhelming ng mga sinasabing ‘luho at pagpapasikat’ ng yaman ng mga Atayde sa socmed (social media)?


Kahit nga ang kapatid ni Arjo na si Gela ay matapang na rin na sinagot ang ilan sa mga bashing partikular na ang mga nagkukuwestiyon ng trips abroad ng kapatid na congressman.


Sinabi pa nitong may kakayahan sila na mag-travel at galing sa malinis na paraan ang perang mayroon sila.


Sa mga defenders naman ni Maine, sinasabi nilang may sarili itong yaman at afford din nito ang mga sinasabing luho.


Pero ang kumakalat ngayong video ay ‘yung minsang naging ‘forecast o prediction ng kapalaran’ ng isang tarot reader na si MAMU sa ilang celebrities kasama na sina Maine at Arjo Atayde.


Sa napanood naming video sa pag-i-interview ng vlogger na si Romel Chika, napakalinaw ng reading ni Mamu na masasangkot nga sa iskandalo ang mag-asawa, lalo na si Arjo, sa usaping pera.


Nakakagulat din ‘yung prediction na mananalo ng acting award si Arjo na nangyari nga last 73rd FAMAS kung saan naging Best Actor siya.


And yes, ang naturang prediction ay nai-upload noong December 2024 pa, 8 months or so bago pa man sumabog ang ngayo’y mga iskandalo.

Nakakaloka, ‘di ba?



Kahit hirap na hirap na sa patung-patong na sakit… KRIS, MAY TIME PA RIN SA BAGONG LABS NA DOKTOR ULI



KUNG dati-rati ay nakakakuha ng malaking porsiyento ng reaction ang mga posts ni Mareng Kris Aquino, ngayon ay nakapagtataka ring tila hindi na ito box office kumbaga.


Sa pinakahuli nitong socmed (social media) post ay muling humihingi ng dasal ang aktres-host na sumailalim muli sa isang operasyon kaugnay ng kanyang pinaglalabanang mga sakit at kumplikasyon nito.


Wala naman tayong isyu roon dahil matagal na nating isinama sa mahabang listahan ng mga ipinagdarasal natin (personally) na mga tao-kaibigan at kapamilya si Kris.


Pero sadya yatang tatak na ni Kris ang pagiging laging in touch sa kanyang katawan at puso kaya’t kahit sa napakaraming kondisyon na kanyang inilalarawan sa medical being niya, hindi puwedeng makawala ang usapin sa love life.


Hindi man niya pinangalanan sa latest post ang tila bagong prospect ng kanyang puso ay malinaw ang pagkakasali ng same Chinese astrological sign nito sa kanyang mom at dad, pagkakaroon ng makinis na skin at great hair. 


Oh, ‘di ba, talagang nabibigyan pa niya ng pansin ang mga ‘yun, bukod sa muling pagsangkot kay God na mayroon nga raw bagong plan for her, nang dahil sa bagong doktor na ito?


And yes, she didn’t miss telling na 10 days ago ay mayroong isang dati siyang nakarelasyon na nag-reach out sa kanya at panay ang hingi ng sorry, dahil sa nangyari sa kanila.


Pati nga Ghost Month (August) ay nabanggit pa niya sa naturang post knowing her love for feng shui and the like. 


Karamihan nga sa mga nabasa naming reactions ay masuyong nagsasabi na “Go, go lang, Kris!” pero sa ngayon nga raw ay mas nais nilang magpokus sa mga kaguluhang nangyayari sa bansa

Hay…



 
 

ni Ambet Nabus @Let's See | September 9, 2025



Liza Soberano - IG

Photo: Liza Soberano - IG



Hindi nakaligtas si Liza Soberano sa isang netizen na pumuna sa kanyang post kaugnay ng ‘child protection program’.


Nagkaroon ng typo error sa naturang post na imbes gamitin ni Liza ang salitang “stake” ay ‘steak’ ang nagamit nito.


Ang ending sa pagpuna ng netizen ay ang palitan nila ng message lalo't tinawag na ‘hypocrite’ ng netizen ang aktres. Paano raw kasi, mahirap na i-connect ang concern ni Liza sa pagmamahal niya sa Pilipinas bilang bukod sa USA siya lumaki, tinalikuran na niya ito nang nilayasan niya ang local showbiz.


Porke raw hindi pa ito nagiging big time sa Hollywood kaya’t nakikisawsaw na lang ito sa mga usapin sa bansa.


Dahil dito, sumagot si Liza at sa mahabang tugon niya ay sinabi niyang ang mga gaya ng netizen ang nagsisilbing hadlang para mas maging ‘aware at concern’ ang mga Pinoy sa kanilang kapwa.


Pagkukumpara pa ni Liza na maraming ‘educated people’ sa USA versus Phils., “The Phils, does not have a lot of that. It's people like you that are perpetuating the abuse and lack of accountability.”

‘Yun, oh!



SAMANTALA, mukhang nag-e-enjoy naman sa sea diving si Enrique Gil. 

Sa kanyang socmed (social media) account ay nag-post pa ito ng photos and videos ng naging pag-dive niya sa Bohol.


At mukhang nagkakasundo sila ng kanyang diving buddy na si Franki Russell dahil ito nga ang napapadalas niyang kasama lately. In fact, natsitsismis nga silang playing good music together.


Marami namang netizens ang natutuwa sa tila ngayon lang ipinakitang ‘buddy’ ni Quen sa madlang pipol. 


“Mukhang tuluy-tuloy na ang pagmu-move forward n’ya,” sey pa ng mga ito.


Sa mga hindi nakakakilala kay Franki, dati siyang Pinoy Big Brother (PBB) housemate sa PBB 8 (2018-2019) at aktres din sa mga pelikulang Laruan, Pabuya, Tag-init, Wish You Were The One (WYWTO), Martyr or Murderer (MOM) at sa napakaraming mga TV shows gaya ng Ang Probinsyano (AP)


Pero pinakanagmarka siya talaga bilang beauty queen from New Zealand. Naging kontrobersiyal dahil nu’ng 2024 na dapat siya ang pambato ng New Zealand sa Miss Universe ay nakansela ang local franchise ng NZ kaya’t hindi siya nakapag-compete that year.


Naging girlfriend din siya ni Diego Loyzaga pero nauwi rin sa hiwalayan.

Well, let’s just be happy for them kung may something more than friendship sa kanila ni Enrique Gil.



MAY bago na ring negosyo si Julia Barretto. Inilunsad na nga kamakailan ang line of products ni gandang Julia under the Viva Beauty na lip conditioners.

Bongga ang philosophy under ng nasabing product na “Less, but better.”


Sa napakasimple ngang ganda ni Julia, halos hindi na nito kailangan ang make-up or what, pero dahil naniniwala siyang ‘essential’ ang kanyang product, “We made sure na affordable, useful, functional at walang harmful chemical na ginamit,” lahad ni Julia.


Dedicated niya sa kanyang younger sibling ang product na siya palang nag-introduce sa kanya kaya’t naengganyo siyang mamuhunan.


“I am not getting any younger. Good thing that Viva Beauty is here to help me,” sey pa ni Julia na tiyak daw na ii-introduce niya sa Dabarkads at mga Eat… Bulaga! (EB) family and the rest ang produkto.


Mukha namang happy and at peace si Julia Barretto though kumpara nu’ng huli namin itong makita, mas pumayat siya ngayon.


 
 

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | September 8, 2025



Annabelle Rama - IG

Photo: Annabelle Rama - IG


Nabiktima ng kawatan ang celebrity mom at talent manager na si Annabelle Rama.

Kamakailan lang ay nagbakasyon ang mother dearest ni Ruffa Gutierrez sa Rome, Italy kasama ang kanyang pamangkin.


Sa panayam ng aming kaibigan na si Jun Lalin kay Annabelle, napag-usapan nila ang isa sa mga hindi makakalimutang karanasan ng masaya sanang bakasyon sa Italy.

Kuwento ni Annabelle, bigla na lang daw nawala ang kanyang bag.


Aniya, “Nagbe-breakfast kasi kami, tapos biglang nag-announce na in 10 minutes, aalis na. So, ako naman, nag-CR. Sabi ko sa niece ko, bantayan n’ya ang bag ko.”


Pagbalik daw niya mula sa CR ay nagmamadali na ang lahat na sumakay ng bus papuntang Milan. 


Kinabahan na siya nang hanapin ang bag at na-realize niyang wala na ito.

Sey pa ni Annabelle, “Sabi ko, ‘Hala, ang bag ko! Nasaan ang bag ko?’ Naiwan doon sa breakfast, pero nang balikan namin, wala na. Sabi ko, ‘Patay, wala na akong pang-shopping.’”


Agaran silang nagdesisyon na ipa-check ang CCTV ng lugar ngunit sinabihan sila na kailangan ng police report para makita ang footage. 

Dahil sa pagmamadali ay hindi na nila ito naasikaso.


Sey pa ni Annabelle, “Ipinarerebyu nga namin ‘yung CCTV para makita namin kung sino ang kumuha, pero kailangan pa raw ng police report. Eh, nagmamadali na kami kaya hindi na kami nakapag-report sa police.”


Dagdag pa niya, “Buti na lang ‘yung bag na gamit ko, mumurahin lang. So ‘yung mga Euro ko lang ang nawala.”


Dahil sa hindi magandang karanasan ay pinapaalalahanan na niya ang kanyang pamilya at mga kaibigan na maging alerto at bantayan ang mga gamit habang nagta-travel.

Nakaka-sad naman ang nangyari kay Annabelle Rama. Sayang at walang nakapagpaalala sa kanya na ingatan ang kanyang bag.



KAYA talagang ipagsigawan sa madlang pipol ng singer na si Chito Miranda ang wagas niyang pagmamahal sa kanyang asawa na si Neri Naig.


Kahapon, September 7, ay nagdiwang ng kaarawan ang loving wife ni Chito.


Sa social media post ng band singer ay nagbahagi siya ng larawan ng kanyang asawa na may caption na: “Happy Birthday sa isa sa mga pinakamalakas at pinakamatapang na nilalang na kilala ko.


“Strong, not because ‘di s’ya nahihirapan at tinatablan. Brave, not because ‘di s’ya natatakot... but because she gets up and continues on when struck down, and faces everyday with hope and kindness, kahit minsan unfair ang mundo.


“Sweet, caring, forgiving and generous... even at times when she needs love most.

“Happy Birthday, Ms. Neri (heart emoji). I’m so proud and honored na ako ang pinili ni Lord para mahalin at alagaan ka... at gagampanan ko ‘yun hanggang sa pagtanda.

“Love you, asawa ko! Happy Birthday!!!”


Napaka-sweet naman ng lead vocalist ng Parokya ni Edgar na si Chito. 

Happy Birthday, Neri! Enjoy your special day!


Bigla tuloy naalala ni yours truly ang kantang pinasikat ni Chito na “Bakit pa kailangan ng rosas, kung marami namang nag-aalay sa ‘yo. Uupo na lang at aawit, maghihintay ng pagkakataon. Hahayaan na lang silang magkandarapa na manligaw sa ‘yo. Idadaan na lang kita sa awitin kong ito, sabay ang tugtog ng gitara… Idadaan na lang sa gitara…”

Pak, tumpak!



MATAPOS ang makulay na journey niya sa Pinoy Big Brother (PBB) Celebrity Collab Edition, nagbabalik-recording ang Soul Diva at itinuturing ngayon bilang “Nation’s Mom” na si Klarisse de Guzman sa awiting Dito Ka Lang, ‘Wag Kang Lalayo.


Tungkol ang power ballad sa pagkakaroon ng taong nagsisilbing tahanan sa oras ng hirap at ginhawa. Nagsisilbi itong unang patikim ni Klarisse sa upcoming album na ilalabas niya sa ilalim ng StarPop.


Mula ang single sa komposisyon at produksiyon ni ABS-CBN Music Creatives, Content, and Operations Head Jonathan Manalo.


Sinusundan nito ang extended play (EP) na FEELS na inilabas ni Klarisse noong nakaraang taon na naglalaman ng mga awiting Dito, Minamahal Pa Rin Kita, at Bibitawan Ka.


Naghahanda na rin ang Kapamilya singer para sa The Big Night concert na gaganapin sa Araneta Coliseum sa Setyembre 16 (Biyernes). 

‘Yun lang, and I thank you.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page