ni Janiz Navida @Showbiz Special | December 2, 2025

Photo: File / andersongeraldjr
Fake news ang napabalitang nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia Barretto at engaged na sila.
Nakausap namin kahapon exclusively si Gerald bago ang kick-off-mediacon ng 2025 Metro Manila Film Festival entry niyang Rekonek sa Stratosphere Events Place.
Ipinalinaw namin kay Gerald ang lumabas na balita few months ago na nagkabalikan daw sila ni Julia matapos makitang magkasama sa burol ng uncle ng aktres.
Diretsong pahayag ni Gerald, “Maraming balita. I think responsibilidad ng publiko na alamin ang totoo kung ano ‘yung fake news hindi lang sa mundo ng showbiz kundi sa lahat.”
So, once and for all, linawin na niya para matapos na ang fake news.
“Single po ako,” sagot ni Gerald kasunod ang paliwanag na “growth” ang goal niya next year hindi lang para sa kanyang professional career kundi pati sa kanyang love life.
Ayaw nang sagutin ni Gerald ang tanong kung finally ay nag-goodbye na siya kay Julia Barretto, pero idiniin niyang sa bawat nakakarelasyon niya, marami siyang natututunan na nakakatulong para maging better person siya.
At true, inumpisahan na nga actually ni Gerald ang kanyang growth this year sa pagle-level-up dahil hindi na lang basta aktor si Ge kundi producer na rin siya katuwang ni Dondon Monteverde sa MM Reality Entertainment para sa MMFF entry na Rekonek.
First time ni Gerald makasali sa MMFF bilang producer at super happy siya dahil sa 50 pelikulang pinagpilian para maging official entries sa 2025 MMFF, pasok nga sila sa 8 napili.
Proud na ibinida ni Gerald na bukod sa malalaking artista rin ang kasama niya sa Rekonek sa pangunguna nina Ms. Gloria Diaz, Charlie Dizon, Legazpi Family (Zoren, Carmina, Mavy and Cassy), Andrea Brillantes, Bela Padilla, Kelvin Miranda, Vance Larena, Kokoy De Santos, Angel Guardian at marami pang iba, ang Rekonek lang din daw ang only entry sa MMFF na may Christmas theme at pampamilya talaga.
Tatalakayin ng pelikula ang isyu kung gaano kahalaga ang internet at kung kaya nga ba nating mabuhay sa isang araw na wala nito.
Excited si Gerald na maipalabas ang pelikula sa Dec. 25 na mula sa direksiyon ni Jade Castro.
Well, kung magiging maganda ang outcome ng Rekonek, baka sipagin uli si Gerald na mag-produce next year.
Basta bongga si Gerald na after 20 yrs., producer na ngayon.
Congrats, Gerald and good luck to Rekonek!
HAPPY 34th Anniversary sa aming pahayagang BULGAR!
Sa lahat ng naging bahagi sa tagumpay ng BULGAR, maraming salamat po at nawa'y patuloy namin kayong makasama sa mga susunod na taon pa.
Congrats to us!!!













