top of page
Search

ni Janiz Navida @Showbiz Special | December 7, 2025



SPECIAL - EDU, INI-REPOST ANG BALITANG SABIT SA PLUNDER SI SEC. RALPH_FB Ralph Recto

Photo: File / FB Ralph Recto



Ikinagulat at ikinalungkot ng maraming netizens-fans ni Batangas Gov. Vilma Santos-Recto ang latest issue ngayon sa pagitan ng kanyang ex-husband at ama ni Luis Manzano na si Edu Manzano at mister ni Ate Vi na si Finance Secretary Ralph Recto.


Ini-repost kasi ni Edu sa kanyang Facebook account ang isang balitang lumabas na may titulong: “Carpio: Recto may be held for plunder over P167-B fund transfer.”


Nabigyan ito ng malisya dahil of all people, si Edu pa nga naman na ex-husband ni Ate Vi ang nag-repost ng balita. Kaya maraming fans-netizens ang nagtatanong kung may galit ba ang tatay ni Luis sa bagong mister ni Ate Vi?


Ang alam kasi ng marami ay okay ang kanilang blended family relationship at napatunayan naman ito sa mga nakaraang special occasions kung saan makikitang magkakasama sila sa mga photos na lumabas.


Well, hiningi namin ang reaksiyon ni Luis kung totoo bang ang Daddy Edu niya ang nag-repost ng balita.


Siya nga naman ang naiipit sa isyu at ngayon ay may mga namba-bash na rin sa kanyang ama na ‘insecure’ raw ito sa bagong mister ni Ate Vi.


May ipinasa sa amin si Luis na link ng interview kay former Justice Antonio Carpio kung saan binabawi niya ang statement na nagdadawit kay Sec. Ralph sa insertion ng provision kaugnay ng flood control scam at sa halip ay nilinaw niyang si Cong. Joey Salceda ang nag-initiate ng insertion sa House of Representatives. 


Hindi na nagbigay ng komento si Luis at sa halip, ang sagot lang nito sa amin, “This explains everything.”


Kaya naman, ang inaabangan ngayon ng mga Vilmanians ay kung babawiin din ba o buburahin ni Edu ang ini-repost niyang balita tungkol kay Sec. Ralph.




Bar Boys Mediacon


MARAMING nagulat pero humanga sa paninindigan ni Rocco Nacino nang sabihin niya sa grand mediacon ng Bar Boys 2: After School na isa sa official entries sa MMFF 2025 na pabor siya sa death penalty.


Nang tanungin namin kay Rocco kung bakit nasabi niya ito, nangingiti niyang sagot, “Well, do we have already the solutions to better our system? I think we should be scared of a higher punishment to just keep us in place, especially the ones in power. Like I said, it’s the system where the powerful are protected kaya we need something na to stop us from even being tempted to do something and knowing that they can get away with and having that death penalty, same you know other countries that have it, you can see that it’s taking effect.”


So, kahit masasabing desperate move na raw ito, bakit hindi natin i-try para magkaroon nga raw ng takot ang mga gumagawa ng krimen sa bansa.


At sa tanong kung ano para sa kanya ang mga krimeng deserve ng death penalty, sagot ni Rocco, “Well, if I can be the one to decide, sa plunder and ano, these are worthy punishments for those who are may kapal ng mukha to steal money that does not theirs, ‘di ba?”


Oh, ‘di ba, hindi pa abogado si Rocco nang lagay na ‘yan tulad ng role niya sa Bar Boys 2: After School, pero ramdam mo na ang pagmamalasakit niya sa kaban ng bayan para sa kapakanan ng mamamayan.


Isa ang BB2AS sa mga official entries sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2025 at sequel ng 2017 film na Bar Boys (BB).


Ang kuwento ay tungkol sa apat na magkakaibigan sa law school at pagkalipas ng 10 taon, ay nagkaroon ng reunion para malaman kung ano na ang mga nangyari sa buhay nila. 


May mga bagong karakter at bagong batch ng mga estudyanteng kumukuha ng kursong Law tulad nina Will Ashley, Sassa Gurl, Therese Malvar, at Kean, dahil hindi pumasa ang huli sa law school at naging artista.


Kasama sa bagong cast sina Glaiza de Castro, Emilio Daez, Bryce Eusebio, Klarisse de Guzman, at Benedix Ramos. 


Siyempre, pasok pa rin ang mga original BB cast na sina Rocco Nacino, Enzo Pineda, Carlo Aquino, Kean Cipriano, at si Odette Khan.


Ito ay mula sa script nina Direk Kip Oebanda, Carlo Catu, at Zig Dulay na produced ng 901 Studios na binubuo nina Jon Galvez, Leo Liban, at Carlos Ortiz.


 
 

ni Janiz Navida @Showbiz Special | December 4, 2025



Photo: Gerald Anderson



‘Kaaliw si Gerald Anderson na marinig pa lang ang name ng inyong Ateng Janiz na magtatanong sa kanya, kinakabahan na. Hahaha!!!


Muli naming nakaharap si Gerald kahapon sa Spotlight mediacon ng Star Magic para mag-promote ng kanyang MMFF 2025 entry na Rekonek kung saan bida na siya, co-producer pa ng naturang movie via his production outfit na Third Floor Productions.


Natanong si Gerald ni Tito Eugene Asis kung bukas na ba ang puso niya for another relationship.


Sagot ng guwapo pa ring aktor, sa ngayon daw ay hindi pa muna dahil gusto niyang mas maging better person para sa kanyang susunod na makakarelasyon.


Kaya tinanong namin si Gerald kung ano ba sa tingin niya ang mga kulang o pagkakamaling kailangan niyang i-improve para mas maging mabuting tao pa.

Sagot naman niya, “Opo, pero ‘di ko na ise-share kasi personal ko na ‘yun, eh.


Napakaimportante sa akin niyan. Hindi ko man mai-share sa inyo but of course, marami pang kailangang i-improve as a person.


“‘Yung hindi n'yo nakikita behind the camera, wala namang perpektong tao, eh. But there's so much na kailangan ko pang matutunan and be a better person.”

At kung anuman daw ang mga kailangang baguhin ni Gerald, ibalato na lang natin sa kanya dahil personal na nga niya ‘yun.


Tinanong din namin siya kung handa na bang maging malamig ang Pasko niya ngayong umamin na siyang single na.


Natawa kami nang hitsurang magwo-walkout na si Gerald dahil tumalikod pero bumalik at ang sagot, “Masaya ang Pasko ko ngayon, promise.”

Oh, ‘yun naman pala, Julia Barretto. Hehe!


Masaya si Gerald dahil isa nga ang Rekonek sa mga entries sa MMFF 2025 na showing na on Dec. 25 in all cinemas nationwide.



First project together as love team nina Angelina Cruz at Robbie Jaworski ang The Alibi series sa Prime video na pinagbibidahan nina Kim Chiu at Paulo Avelino.


However, ‘di naman naging mahirap para sa dalawa ang makabuo ng chemistry dahil sabi ni Robbie, generous si Angelina as co-actor at nakasuporta ito sa mga scenes nila, at nagustuhan din daw niya ang pagiging humorous nito.


Mabilis silang nagkasundo dahil pareho silang passionate sa work, inglesero at malinaw sa kanila ang goal nila na bigyan ng priority ang career.


Kaya naman nu'ng tinanong namin si Robbie kung paano niya kinakaya na ‘di ma-fall kay Angelina kahit pa madalas silang magkasama sa mga tapings ng The Alibi, sagot ng anak nina Mikee Cojuangco at Dudut Jaworski, malinaw sa kanya ang boundaries na iba ang personal sa professional career.


At kahit si Angelina, ganu'n din ang mindset, career daw ang priority at hindi love life.

Kaya naman nang tinanong namin kung totoo bang pinagseselosan na raw siya ng GF ni Robbie na si Magui Ford, younger sister ni Daniel Padilla at anak ni Karla Estrada, sagot ng anak ni Sunshine Cruz, “Huh? I don't think that's true naman po because we're still very professional.”


Dagdag niya, “I know Magui. My mom's actually a best friend of Tita Karla and you know, it's all professional.”


Samantala, nakakatuwa ang kuwento ni Angelina na dinala raw siya ni Robbie sa office ng Daddy Dudut nito para mag-training ng kanyang Tagalog.


Inglesera kasi si Angelina, eh, kailangan sa role niya sa The Alibi, jologs at astig, kaya ayun, tinulungan siya ni Robbie na matutong mag-Tagalog at bawal daw siyang kausapin sa Ingles ng mga staff ng daddy ng aktor.


Samantala, looking forward pareho sina Angelina at Robbie na mas tangkilikin pa ng mga fans ang kanilang love team sa The Alibi at marami pang projects ang dumating.




Harvey Bautista


ISA pang masayang-masaya ngayon ay si Harvey Bautista dahil kapapanalo nga lang niyang Movie Supporting Actor sa 41st Star Awards ng PMPC para sa pelikulang Pushcart Tales na isa sa mga entries noon sa Puregold CinePanalo Film Festival.


At the age of 22, nakakatuwa na may ganito nang achievement at pagkilala si Harvey na umagaw din naman ng atensiyon ng manonood sa TV series na High Street at sa mga pelikulang Blue Room, Friendly Fire at The Four Bad Boys and Me.


Kaya kinantiyawan namin siya after tumanggap ng kanyang award kung nararamdaman ba niyang mas magaling na siyang aktor kesa sa amang si ex-Mayor Herbert Bautista.

Pabiro namang sagot nito, “Oo naman,” sabay tawa at dugtong na ang award niya ngayon ang patunay dito.


But kidding aside, very supportive raw talaga ang kanyang Daddy Bistek at Mommy Tates Gana sa lahat ng mga pangarap niya sa buhay.


No wonder, happy guy si Harvey at sa nakikita namin sa kanya, more good roles pa, magiging Best Actor din siya someday.


Ang dream daw niyang makasama sa movie… well, ang idol din naming nag-iisang Star for All Seasons Vilma Santos-Recto!


Bongga!!! Congrats, Harvey Bautista!


 
 

ni Janiz Navida @Showbiz Special | December 3, 2025



Photo: File / Jessy at Luis Manzano



Na-touched ang entertainment press sa effort ng mag-asawang Luis Manzano at Jessy Mendiola na magbigay ng thanksgiving party kahapon para maiparamdam ang kanilang pasasalamat sa mga naitulong sa kanilang career.


Sabi nga ni Luis, bata pa siya ay nakikita na niya ang mga veteran reporters na kaibigan ng kanyang Mommy Vilma Santos at naa-appreciate niya ang mga nagawa ng mga ito sa kanyang ina at sa kanya na rin nang pumasok siya sa showbiz, ganu'n din sa misis niyang si Jessy.


At the same time, birthday treat na rin ito ni Jessy na nagse-celebrate ng kanyang birthday today, Dec. 3.


Anyway, nai-share ng ideal couple na ito na next year pala ay magte-10 yrs. na silang in a relationship – 5 yrs. munang BF-GF at magpa-5 yrs. na nga ring kasal.

At inamin nilang sa 10 yrs. na ‘yun, super-dami na nilang napagdaanan na nagpatibay sa kanilang relasyon.


Natanong namin ang mag-asawa kung may mga natutuklasan pa rin ba sila sa isa't isa na hindi nila nakita nu'ng BF-GF pa sila.


Si Jessy ang unang sumagot na wala na raw dahil kilalang-kilala na niya si Luis, lalo na ‘pag kailangan nito ng suporta.


Quiet type raw kasi ang mister at kahit sobrang bigat na ng problemang dinadala nito, hindi nagsasabi sa kanya para hindi na siya madamay sa stress.


Like this year daw kung saan alam naman nating hindi pinalad si Luis sa pulitika nang tumakbong vice-governor sa Batangas, buong energy daw ni Jessy ang ibinigay niya sa mister with the support of Luis’ family kaya nalagpasan naman ito ng TV host-actor.


At ngayon daw, natutunan na rin naman ni Luis na puwede pala siyang maging vulnerable kay Jessy at i-share rito gaano man kabigat ang kanyang pinagdaraanan.

Pag-amin naman ni Luis, “Ako, ang natutunan ko sa kanya, may iaangat pa pala ‘yung kanyang pag-aalaga at pagmamahal.”


Naikuwento ni Luis na nu'ng nagkaroon kasi siya ng issue sa pera kung saan naakusahan pa siyang nanloko noon ng ibang tao, never siyang iniwan ni Jessy kahit may post-partum pa itong pinagdaraanan at grabe raw ang suportang ibinigay nito sa kanya. So, du'n niya raw talaga nakita kung gaano siya kamahal ni Jessy.


Samantala, natanong namin ang mag-asawa kung kelan nila balak magkaroon ng Baby No. 2 dahil marami na ngang excited na makitang may baby sister o brother na ang panganay nilang si Isabella Rose o Peanut.


Kuwento ni Luis, minsan ay tinatanong niya si Peanut kung gusto na ba nitong maging ate at ang sagot daw ng super cute na bagets, “No,” dahil feeling nga nito ay prinsesa siya ng kanyang parents.


Sabi naman ni Luis, may nabasa siyang article na bumabait daw ang isang tao kapag may kapatid na babae.


Oooh, so ‘yun na! Kaya kung magkaka-baby uli sila ni Jessy, mukhang baby girl uli.

Abang-abang na lang tayo, mga Ka-BULGAR!




Kahit todo-push ang fans…

GERALD, ‘DI NA FEEL MAKIPAGBALIKAN KAY KIM



IN the mood naman si Gerald Anderson nang magpa-interview sa press after ng mediacon ng kanyang MMFF entry na Rekonek kaya sinagot naman ang ilang tanong kahit pa tungkol sa personal niyang buhay.


Isa nga sa mga naitanong namin sa kanya dahil Rekonek ang title ng movie niya ay kung may chance pa ba silang “marekonek” ng ex niyang si Kim Chiu.


Nabuhay na naman kasi ang pag-asa ng mga KimErald nang makitang okay na sila ni Kim na magkasama sa Christmas special ng ABS-CBN.

Kaya ang tanong ng mga fans, may chance pa bang marekonek sila ni Kim in the future?


Sagot ni Gerald, naa-appreciate niya ang mga fans nila ni Kim dahil kung wala ang suporta ng mga ito noon, wala rin sila ngayon.


Although, dagdag niya habang nagkikibit-balikat, “Kontrolado ko ang buhay ko, ‘yun lang ang kontrolado ko. Hindi ko kontrolado ‘yung opinyon n'yo, opinyon ng ibang tao, but I'm always grateful sa lahat ng suporta.”


So, KimErald, read between the lines na lang, pero kami sa pagkakaintindi namin, okay na sila ngayon ni Kim na may kani-kanyang buhay na.



NAG-IIMBITA ang kaibigang Rein Escano para sa concert for a cause para sa kanyang sakit na ang title ay Rein, Ang Bato na magaganap sa Dec. 5 sa Music Box, Timog, QC at 6 PM.


Sa tulong ng mga kaibigan niyang celebrities na boluntaryong magpe-perform sa concert tulad nina Jessa Zaragoza at Dingdong Avanzado, One Verse, Ara Mina at marami pang iba, thankful si Rein sa suporta ng mga ito para sa kanyang pagpapagamot.


So sa mga gustong manood at makatulong, gora na lang kayo sa Dec. 5 sa Music Box and enjoy!

 
 
RECOMMENDED
bottom of page