ni Janiz Navida @Showbiz Special | December 16, 2025

Photo:Sylvia Sanchez - IG
Napamura ang aktres na si Sylvia Sanchez ng “Pu**ng ina” habang ibinibida sa amin ang ganda ng pelikulang entry ng kanyang Nathan Studios Productions sa Metro Manila Film Festival 2025, ang I'mPerfect.
First time ever kasi sa Pilipinas na may pelikulang ang mga mismong bida ay may Down syndrome.
Kaya naman sa grand mediacon pa lang ng I'mPerfect, bumaha na ang luha ng lahat nang ipalabas ang trailer ng movie. At mismong ang supporting cast nga na mga batikan nang artista tulad nina Ms. Lorna Tolentino, Janice De Belen at si Ibyang mismo kasama pa ang direktor ng movie na si Direk Sigrid Andrea Bernardo ay nag-iiyakan din habang nagsasalita ang mga bagets na cast.
Nakaka-touched naman kasing tingnan ang mga batang cast ng I'mPerfect, na kahit makita mo lang kung gaano sila kasaya na artista na sila, maluluha ka na.
No wonder na ganu'n ka-proud si Ibyang bilang producer at isa sa mga supporting cast ng I'mPerfect at sabi nga nito, diretsahan niya nang sinasabi na inaasahan na talaga niyang hahakot ng awards ang kanilang pelikula sa darating na MMFF 2025 Awards Night.

Tinanong nga namin si Ibyang kung ano ang mararamdaman niya sakaling may anak din siyang may Down syndrome in real life.
Aniya, lubos ang pasasalamat niya sa Diyos na hindi siya nagkaroon ng anak na may ganitong kondisyon dahil hindi raw talaga niya kakayanin. Iiyak lang daw siya nang iiyak at hindi raw niya kayang pantayan ang tatag ng loob ng mga magulang ng mga batang kasama nila sa I'mPerfect.
Pero nagpapasalamat daw siya sa Diyos dahil binigyan siya ng oportunidad na magawa ang pelikula dahil sa pamamagitan ng I'mPerfect, mas maipapakita at maipapakilala nila sa lahat ang mundo at buhay ng mga may Down syndrome.
At bukod sa opportunity na ibinigay ni Sylvia sa mga bata na maging artista sa pelikula, siya na rin pala ang tumatayong manager ng mga ito. Kaya kung sakaling may iba pang producers na gustong kumuha sa mga batang talents niya sa I'mPerfect para sa future projects, kay Ibyang na lang makipag-deal.
Sa December 25 na ipapalabas in cinemas nationwide ang I'mPerfect na pinagbibidahan nina Earl Jonathan Amaba bilang Jiro at Anne Krystel Daphne Go bilang Jessica.
Bukod kina Sylvia, Lorna at Janice, kasama rin sa cast ng movie sina Tonton Gutierrez, Joey Marquez at Zaijian Jaranilla.
Galawang magdyowa talaga…
SUBUAN NINA JANELLA AT KLEA, VIRAL
KASABAY ng pag-viral ng photos and video nina Daniel Padilla at Kaila Estrada habang nanonood ng concert kung saan nakitang hinalikan ng aktor ang bagong girlfriend na anak ni Janice de Belen, kumalat din sa social media ang mga bagong photos naman nina Janella Salvador at Klea Pineda habang sweet na sweet.
Si Klea ang nag-post sa Instagram ng photo nila ni Janella habang nasa abroad at makikitang sinusubuan ng huli ang una habang kumakain sila sa labas ng isang resto.
Marami ang kinilig at nagsabing confirmed na talagang may relasyon ang dalawa dahil ‘di na galawang pang-mag-BFF lang ang ganu'n kundi pang-magdyowa na.
Well, ayaw pa mang lagyan ng label ng dalawa ang relasyon nila, eh, ‘yun na ‘yun!















