top of page
Search

ni Janiz Navida @Showbiz Special | December 21, 2025



SPECIAL - ALEXA MIRO, UMAMING GOOD FRIENDS NA SILA NI SANDRO_FB Alexa Miro & Sandro Marcos

Photo: FB Alexa Miro & Sandro Marcos



First time magprodyus ng pelikula ni Gerald Anderson at pang-MMFF pa, ang Rekonek na pinagbibidahan niya kasama sina Charlie Dizon, Bela Padilla, Andrea Brillantes, Gloria Diaz, Legazpi Family na sina Carmina Villarroel, Zoren Legazpi, Cassy at Mavy, Alexa Miro, Raf Pineda at Daumier Corilla.


Mahirap at magastos daw pero mukhang nag-enjoy naman si Gerald lalo nang makita at marinig ang positive feedback ng mga nanood sa premiere night ng Christmas-themed movie nila na palabas na sa Dec. 25 mula sa direksiyon ni Direk Jade Castro.

Kaya naman after Rekonek, may balak pa raw si Gerald na magprodyus uli ng movie at serye dahil parang giving back na rin daw niya ito sa showbiz industry na nagbigay ng puwang sa kanya at nagpabago sa kanyang buhay.


Sa Rekonek, kapareha niya si Charlie Dizon, at in fairness kay Gerald, lahat ng nakakapareha niya ay may chemistry siya. Mabuti na nga lang at kasal na si Charlie kay Carlo Aquino at happy ang marriage ng dalawa or else, mali-link din ang aktres kay Gerald.


Napaka-effortless naman ng pang-aagaw-eksena ni Miss Universe Gloria Diaz na umani ng tawanan ang mga hirit na linyahan sa movie.


Hindi rin nagpatalo sa kanya si Andrea Brillantes na todo-bigay sa acting pero parang may pagka-OA na, ha? Buti na lang at kasama niya si Bela Padilla para bumalanse sa kanya.


First time naming napanood umarte si Alexa Miro sa Rekonek at in fairness, nakakaarte rin pala siya kahit nag-start siyang maging TV host.

Nakausap namin


Todo-effort din ang acting na ibinigay ni Andrea Brillantes pero may pagka-OA lang para sa amin ang dating niya sa ilang eksena.


Buti na lang at kasama niya si Bela Padilla para bumalanse sa kanya.

First time rin naming napanood na umarte si Alexa Miro sa Rekonek at in fairness, marunong naman siyang umarte kahit nag-start siyang makilala bilang TV host.

Nakausap namin si Alexa sa Parade of Stars at nakumusta namin kung totoo bang sinusuyo siya uli ng ex-boyfriend na si Presidential Son Sandro Marcos.


May nakapagtsika kasi sa aming sinusuyo raw ulit siya ni Sandro kahit pa balitang may Kyline Alcantara na ito. 


Ang kinumpirma sa amin ni Alexa, good friends na sila ngayon ni Sandro at nakapag-usap na nang maayos pero hindi sila nagkabalikan.


About Kyline, narinig din daw niya ang tungkol dito at kay Sandro pero ‘di niya ma-confirm dahil wala raw siyang alam.


Sa ngayon, masaya raw si Alexa sa itinatakbo ng kanyang career lalo't kasama siya sa Rekonek. 

Hindi pa raw siya handang magka-boyfriend uli at career ang priority niya ngayon.

Anyway, palabas na sa Dec. 25 ang Rekonek mula sa direksiyon ni Jade Castro.




BFF, nagtampo raw dahil dedma siya…

DUSTIN, ‘DI FEEL IMBITAHAN SI DAVID SA MOVIE NIYA



SOLID ang cast ng Shake, Rattle and Roll: Evil Origins sa premiere night at Parade of Stars.


Dumating ang main cast na sina Richard Gutierrez, Carla Abellana, Francine Diaz at Seth Fedelin, Fyang Smith at JM Ibarra at iba pang kasama sa movie.

Ang lakas ng takot factor ng movie at ngayon pa lang, mukhang hahakot ito ng awards lalo na sa production design.


Magagaling din ang mga artistang nakuha ng mag-inang Roselle at Keith Monteverde ng Regal Entertainment dahil walang tapon, ‘ika nga.

Action star na talaga ang packaging ngayon ni Richard Gutierrez at mas lumutang ang kanyang pagka-aktor.


Hindi naman nagpahuli sa kanya si Dustin Yu na kahit matinee idol ay may ibubuga rin sa action.


Tinanong nga namin si Dustin kung iimbitahan ba niya ang BFF na si David Licauco na panoorin ang SRREO dahil kamakailan ay naging issue nga ang tampuhan nila.


Pabiro namang sagot ni Dustin, “Hindi ko na siguro siya iimbitahin kasi nagtatampo raw.”


Pero aniya, after ng busy sched niya, babawi talaga siya kay David.

Samantala, malakas din talaga ang chemistry nina Francine at Seth at nina Fyang at JM at ang lakas ng tilian ng mga fans sa mga eksena nila kahit horror pa.

No wonder na ang lakas din ng hatak sa bagets crowd ng SRREO.


‘Kaaliw naman ang mga eksena ni Sassa Gurl na sinasabing the next Vice Ganda, ha?


Sa episode na 1775, lutang din ang galing nina Janice de Belen, Carla Abellana at Loisa Andalio.


Ang lakas din ng tilian kay Kaila Estrada na kasama sa 2025 episode, at kahit short lang ang role ay tumatak din.


Mula sa direksiyon nina Shugo Praico, Joey de Guzman at Ian Lorenos, showing na sa Dec. 25 ang Shake, Rattle and Roll: Evil Origins.

 
 

ni Janiz Navida @Showbiz Special | December 20, 2025



Carlo at Angelica sa MMFF Parade of Stars - via Bulgar

Photo: Carlo Aquino at Angelica Panganiban / Bulgar



Hindi naging hadlang ang malakas na buhos ng ulan para matuloy ang Metro Manila Film Festival 2025 Parade of Stars kahapon na nag-kick-off sa Macapagal Boulevard at nagtapos sa Circuit Makati.


Nakakatuwa ang all-out participation ng mga artistang bumibida sa 8 official entries sa MMFF this year dahil kitang-kita sa kanila ang excitement na makasakay sa kani-kanilang float para pumarada sa mga kalsada at i-promote ang kani-kanilang pelikula.


Sa cast ng I’mPerfect, bukod sa producer na si Ms. Sylvia Sanchez, dumating si Ms. Lorna Tolentino, ang mga bidang sina Earl Amaba at Krystel Go at ang iba pang mga batang may Down syndrome na kasama sa pelikula ng Nathan Studios.


Para sa Call Me Mother, dumating ang bidang si Vice Ganda pero hindi namin namataan si Nadine Lustre. Umakyat naman ng stage sina Brent Manalo at Mika Salamanca, Shuvee Etrata, River Joseph, Esnyr at Klarisse de Guzman para imbitahan ang mga taong manood ng movie sa Dec. 25.


Solid naman ang mga artista ni Gerald Anderson para sa movie nilang Rekonek kung saan hindi lang siya bida kundi co-producer din ng MM Reality Studios. Ang sipag mag-promote ng Legazpi family (Carmina, Zoren, Cassy & Mavy), Alexa Miro, Bela Padilla, Raf Pineda at Daumier Corilla.


Bago umakyat ng stage, nakausap namin sa loob ng tent sina Carmina at Zoren Legazpi na happy para sa kanilang kambal na sina Cassy at Mavy dahil nabibigyan na rin ng break ngayon at hindi na nakadepende lang sa shadow nilang mag-asawa.


Maraming nakapansin na sa ganda at kaseksihan ni Cassy ngayon, puwede raw itong mag-beauty queen kaya tinanong ang mag-asawa kung papayagan nila ang anak.

Sabi ni Carmina, kung ano ang gusto ni Cassy, all-out support siya. 





Pero si Zoren, kontra, at kung siya raw ang tatanungin, “Ako, ayoko. Eh, dahil sa nangyari recently (sa last Miss Universe pageant),” natatawang sagot nito.


“‘Wag na lang, marami namang iba. Pero kung gusto niya, wala tayong magagawa. Pero kung ako ang tatanungin n’yo, ayoko,” dagdag na diin pa nito.


Samantala, para sa Love You So Bad movie, present ang mga bidang sina Bianca de Vera, Will Ashley at Dustin Yu kasama ang direktor na si Mae Alviar-Cruz.


Tinanong namin si Direk Mae kung bakit ang movie lang nila ang walang premiere night sa 8 entries at paliwanag nito, iniiwasan daw kasi nilang magkaroon ng spoiler kaya sabay-sabay na lang panoorin sa pagbubukas ng MMFF sa Dec. 25. 


Halos mapuno naman ang stage na isinet-up sa Macapagal Boulevard ng cast ng Shake, Rattle & Roll: Evil Origins sa pangunguna nina Janice de Belen, Carla Abellana at Richard Gutierrez kasama sina Dustin Yu, Fyang Smith at JM Ibarra, Francine Diaz at Seth Fedelin, Ashley Ortega, Karina Bautista, Matt Lozano, Althea Ablan, Ysabel Ortega among others.


Para sa Manila’s Finest, dumating din ang cast sa pangunguna ng aktor-producer na si Piolo Pascual kasama sina Cedrick Juan, Joey Marquez, Romnick Sarmenta, Rica Peralejo, Ashtine Olviga, Rico Blanco, Kiko Estrada, Dylan Menor, Paulo Angeles, at iba pang artista sa pelikula ni Direk Raymond Red.


Solid din ang mga bida at supporting cast ng Bar Boys 2: After School sa pangunguna nina Carlo Aquino, Rocco Nacino, Enzo Pineda at Kean Cipriano kasama sina Will Ashley, Glaiza de Castro, Therese Malvar, Sassa Gurl at iba pang artista sa pelikula ni Direk Kip Oebanda.


Nakausap din namin si Carlo sa tent ng Bar Boys 2: After School at happy daw siya na suki siya ng MMFF dahil halos taun-taon ay may entry siya. 


For 2026, goal daw nila ng misis na si Charlie Dizon (na kasama naman sa Rekonek movie) na magkaroon na ng kanilang dreamhouse at first baby. Gusto nang sundan ni Carlo ang panganay na si Mithi (sa first partner na si Trina Candaza) dahil malaki na rin naman ito. 


Well, why not? Mas oks kung lalaki para may magdala na ng apelyido niya, pero kung anuman ang ibigay ni Lord, okay naman daw sa kanila ni Charlie.


Nakaka-happy naman ang pagkikitang muli ng mag-ex na sina Carlo Aquino at Angelica Panganiban kahapon na nasaksihan ng aming kasamahang writer dito sa BULGAR na si Rohn Romulo.


Chika sa amin ng aming Kumareng Rohn, pagbaba ng cast ng Bar Boys 2 sa stage, papanhik naman ang cast ng Unmarry sa pangunguna nina Angelica Panganiban at Zanjoe Marudo kaya nagkita sina Carlo at Angelica at masaya raw na nagyakapan after a long time yatang hindi pagkikita.





At least, all’s well that ends well na talaga at past is past na between them. After all, pareho na silang masaya sa kani-kanilang partner ngayon, ‘di ba?


Well, masaya naman si Angelica sa kanyang pagbabalik sa pag-arte at ang good friend pa nga niyang si Zanjoe Marudo ang kasama niya sa kanilang MMFF entry kaya inspired din siyang i-promote ang kanilang pelikula. 


Sa December 25 na magsisimulang mapanood ang 8 official entries sa MMFF at kahapon nga ay pinatunog na ni MMDA Chairman Atty. Don Artes ang gong bilang hudyat ng pagsisimula ng festival.


Sa December 27 naman gaganapin ang MMFF 2025 Awards Night at for sure, masaya rin ito dahil muling dadagsa ang mga artistang kasama sa 8 official entries.

Kaya sa mga Ka-Bulgar natin, make sure na makapanood ng kahit 1 o 2 sa mga entries para mahusgahan n’yo kung karapat-dapat silang manalo sa awards night.


 
 

ni Janiz Navida @Showbiz Special | December 18, 2025



Piolo Pascual sa Manila's FInest - Mars Santos

Photo: Piolo Pascual sa Manila's FInest



Ibang-ibang Piolo Pascual na naman ang napanood namin sa ginanap na premiere night ng pelikulang Manila’s Finest last Monday sa Robinson’s Manila.

Bilang pulis-Maynila, nagyoyosi, malutong magmura ng “pu**ng ina” at babaero ang role ni Papa P.


Talagang ipinaubaya na ni Piolo sa mga younger generation of stars ang mga heartthrob roles na pa-cute sa mga rom-com at nagpapakilig kasama ang ka-love team.

Mas gusto nang gampanan ni Piolo ngayon ang mga offbeat roles tulad ng ginampanan din niyang serial killer priest sa pelikulang Mallari na naging entry din noon sa Metro Manila Film Festival. Dito nga naman lumalabas at nasusukat ang kanyang pagiging tunay na aktor.


Maraming nag-abang sa mga pasabog na eksena ni Piolo sa Manila’s Finest bilang sila ni Enrique Gil ang pinaka-bida sa MMFF entry ng MQuest Ventures, Cignal at Spring Films.


In fairness, wala mang mabibigat na drama scenes si Piolo, napatili naman ang majority ng mga nasa sinehan sa kanyang pa-“bukol” scene kung saan na-sight nang slight ang bukol sa kanyang harapan sa romantic scene nila ni Jasmine Curtis-Smith.


Mabilis lang ang eksena pero talagang umagaw ng pansin ng manonood. Kaya kung fan na fan ka ni Piolo, baka gusto mong ulit-uliting panoorin ang pelikula at abangan ang eksenang ‘yun. Hahahaha!


No offense meant kay Papa P, pero kami lang ba ang nakapansin na parang mas nabigyan ng highlight ang karakter ni Enrique Gil sa Manila’s Finest kesa sa kanya?

Gusto nga sana naming hingin ang reaksiyon ni Piolo tungkol dito after ng premiere night, kaso, hindi tinapos ni Papa P. ang movie at umalis agad. Baka may iba pa siyang schedule that night kaya hindi na siya nakita ng press after ng screening.


Ang isa pang umagaw ng pansin namin sa movie ay si Rico Blanco. Bagama’t supporting lang siya at more or less ay nasa 25% ang exposure sa Manila’s Finest, nag-iwan ng tatak ang pagganap niya sa karakter at magugulat ka talaga na kaya palang gawin ni Rico na umarte nang ganu’n ka-effective at kakaiba?


Well, hindi kami magtataka kung mapansin siya at ma-nominate sa Best Supporting Actor category sa darating na MMFF 2025 Awards Night.


Kasama rin nina Piolo at Enrique sa Manila’s Finest sina Cedrick Juan, Ariel Rivera, Romnick Sarmenta, Joey Marquez, Kiko Estrada, Jasmine Curtis-Smith, Rica Peralejo, Ashtine Olviga, Dylan Menor, Paulo Angeles, Ethan David, Pearl Gonzales, Soliman Cruz at Inday Fatima.


Mula sa direksiyon ni Raymond Red, isa ang Manila’s Finest sa 8 official entries sa MMFF 2025 na palabas na sa mga sinehan nationwide simula sa Dec. 25.



NAG-SHORT visit kami sa Lipa, Batangas last Monday sa paanyaya ng aming good friend na si Joel Umali Peña, Lipa Tourism Council president, para saksihan ang 60 Dream Holidays Around the World book launching ng travel writer na si Ms. Christine Dayrit na ginanap sa Cultural Center of Lipa City.


Proud na ibinalita sa amin ni Joel na kasama ang Lipa, Batangas sa mga nai-feature sa naturang book ni Ms. Christine, na siyempre ay malaking bagay para sa kanilang turismo at kultura.


Isa ang San Sebastian Cathedral sa mga mababasa sa 60 Dream Holidays Around the World ni Dayrit at makikita sa mga photos na ginamit sa book ang ganda ng church kung saan ikinasal sina idol Gov. Vilma Santos-Recto at Finance Secretary Ralph Recto nu’ng December 11, 1992.


May nakapagsabi sa amin na miraculous ang naturang church dahil ‘yung mga nagpapakasal daw du’n ay hindi naghihiwalay. ‘Yung patron saint kasi nilang si San Sebastian ay nakatali ang mga kamay at parang ‘yun ang sumisimbolo sa matibay at matatag na pagtatali sa mga nagmamahalang gustong magpakasal.

Hmmm… so ‘yung mga showbiz couples pala na pang-forever na pagsasama ang hanap, eh, du’n dapat magpakasal, ‘no?!


Anyway, natanong din namin si Ms. Christine kung bakit sa dinami-dami ng mga lugar na napuntahan niya sa Pilipinas, isa ang Lipa sa mga paborito niyang balik-balikan.


Sagot ng sikat na travel writer, bukod sa masasarap daw kasing pagkain sa Lipa tulad ng of course, kapeng barako, lomi, pansit, chicken inasal, bibingka at ang paborito niyang mga tinapay sa Ijo Bakery sa Big Ben Complex, maganda rin ang weather dito at maganda ang pakikitungo ng mga Lipeños sa kanilang mga bisita.

Mayaman din daw ang Lipa sa mga magagandang tourist spots na maraming puwedeng puntahan at siyempre, sikat ang kanilang siyudad dahil icon na nga sa Philippine movie industry si Gov. Vilma Santos-Recto na minsan ding naging mayor ng Lipa, Batangas.


Anyway, para sumuporta sa book launching ni Ms. Christine, dumating din sa event sina Lipa City Mayor Eric Africa, Monsignor Ruben Dimaculangan, Ms. Aylene G. Acorda ng Lipa City Tourism Office at mga kaibigang Lipeños.


Bagama’t sandali lang ang event, nag-enjoy ang mga bisita sa masarap na merienda na inihanda ng Mikabelle’s Kitchen by Marites Humarang, Lomi King at Ijo Bakery ng Big Ben kung saan probinsiyang-probinsiya talaga ang pakiramdam sa masasarap na kakanin at lomi na kanilang inihain.


Sayang at kinailangan na agad naming umuwi kaya hindi na kami nakapaglibot sa mga tiangge nu’ng gabing ‘yun para sa Kape’t Bibingka event kung saan ipinakikilala naman nila ang masasarap na produkto ng Lipa, pero mabuti na lang at nagpabaon sa amin si Joel pauwi ng masarap na bibingka kaya solb na solb na rin kami.


Na-miss lang din namin ang presence ni Gov. Vi sa event. Naimbitahan naman daw ito kaya lang, dahil siguro sa lamig ng panahon ngayon, tinamaan din ng sakit si Ate Vi kaya hindi nakapunta.


So, get well soon sa aming idol Ate Vi and hope to see you soon.

Sa aming pagbabalik sa Lipa, sana’y mas mahaba na ang time naming maglibot para makumpleto namin ang kanilang slogan na “Eat, Pray, Love Lipa”. 

‘Di ba naman?

 
 
RECOMMENDED
bottom of page