top of page
Search

ni Janiz Navida @Showbiz Special | November 27, 2025



Sue Ramirez - IG Ginebra

Photo: File / FB Sue Ramirez / Ginebra



Si Sue Ramirez ang bagong Calendar Girl 2026 ng Ginebra San Miguel!

Pormal nang ipinakilala kagabi si Sue sa ginanap na calendar launch ng GSM sa Diamond Hotel.


Dream come true pala para kay Sue na maging Calendar Girl at ngayon ay lume-level na siya sa mga naunang Calendar Girl ng GSM na sina Marian Rivera, Pia Wurtzbach, Arci Muñoz, Yassi Pressman at Julie Anne San Jose (2025).


In fairness kay Sue, kahit naka-two-piece, ‘di bastusin ang tinaguriang Street Siren at asset niya talaga ang kanyang boobs na kering-kering pantapat kay Andrea Brillantes na Calendar Girl ng kalabang brand ng GSM.


Just wondering kung ano kaya ang reaksiyon ng BF niyang si Dominic Roque.

Itsitsika namin sa inyo once makapanayam namin siya.






NASA ika-anim na taon na palang isinasagawa ang taunang CineGoma Film Festival sa pangunguna ng founder at CEO ng RK Rubber na si Mr. Xavier Cortez.


Last Nov. 24, sa pamamagitan ng parada na nilahukan ng mga student filmmakers mula sa iba't ibang unibersidad sa buong bansa, na sinundan ng ribbon cutting sa Quezon City Museum, pormal nang sinimulan ang 2025 CineGoma Film Festival.


Ayon kay Mr. Cortez, nu'ng una ay nagsimula lang sila sa Rubber K team building activity ng mga employees kung saan inengganyo niya ang mga ito na i-express at ipakita ang kanilang mga talento sa sining ng paggawa ng short films.


Sa unang taon, 6 lang ang naging kalahok na pelikula pero kada taon ay nadaragdagan ang mga sumasali mula sa mga aspiring indie filmmakers at this year ay umabot na nga sa 40 ang entries, kung saan huhusgahan ang best film, actor, actress at iba pang category sa gaganaping awards night sa Nov. 29 sa Quezon City University.


“Sa CineGoma, binibigyan natin ng boses ang lahat, lalo na ang maliliit. Lahat tayo ay may kuwento na gusto nating iparinig. Naniniwala kami na lahat naman ay nagsisimula sa maliit,” pahayag ni Mr. Cortez sa kanyang speech.


Nagsimulang mapanood ang mga pelikulang kasali sa CineGoma nu'ng Nov. 24 sa QCX, Quezon City Circle, at sa Coffee Spot sa Minnesota Mansion sa Ermin Garcia Street. 


Ngayong November 27 and 28, may special screenings sa Sine Pop sa Cubao.

May 25 student films, 15 professional entries, dalawang AI storytelling, and 5 RK Exclusive films ang mapagpipiliang panoorin.






DAHIL sa magkasunod na mga bagyong Tino at Uwan na humagupit sa bansa, libu-libong kabuhayan, tahanan, at pangarap ang inanod ng baha, habang marami ang iniwang nagluluksa sa pagkawala ng kanilang mga mahal sa buhay.


Sa kasagsagan ng Bagyong Uwan noong Nobyembre 9, napanood ang buong pwersa ng News5, RPTV, One News, One PH, at True Network sa isang comprehensive coverage na naghatid ng live at real-time na updates tungkol sa kalamidad. 


Upang agad makapag-abot ng tulong, inilunsad ng TV5, sa pamamagitan ng Alagang Kapatid Foundation Inc. (AKFI) at sa suporta ng buong MVP Group, ang Tulong Mga Kapatid Bayanihan Drive na opisyal na binuksan noong Linggo, Nobyembre 9, sa isang espesyal na episode ng TV5 OPM countdown show na Vibe.


Pinangunahan ang launch nina MediaQuest Holdings Chairman Manny V. Pangilinan (MVP), MediaQuest Holdings President and CEO Jane J. Basas, at AKFI Executive Director Menchie Silvestre, kasama ang mga heads ng MVP foundations, pati na rin ang mga Vibe Jocks na masigasig na nag-udyok sa mga kapwa Gen Z viewers at sa publiko na makilahok sa bayanihan.


Kasabay nito, inanunsiyo rin ng TV5 ang Tulong Mga Kapatid Bayanihan Drive Live Selling, na natunghayan sa TV5 Facebook noong Nobyembre 14 bilang isang moderno at interaktibong paraan ng bayanihan kung saan nakatulong ang mga manonood sa mga kababayang nasalanta ng bagyo sa pamamagitan ng pag-“mine” sa mga pre-loved items ng kanilang mga paboritong Kapatid artists at news anchors.


Kasama sa mga pre-loved items na ito ay ang mga idinoneyt ng mga Kapatid stars na sina Cedrick Juan, Inday Fatima, at Iven Lim, pati na rin ng News5 anchors na sina Julius Babao, Tintin Bersola, Maoui David, Alvin Pura, Ces Drilon, at Cheryl Cosim. Kasama rin ang mga pre-loved items mula sa mga representatives ng Blackwater Bossing na sina sports analyst Nikki Villasin at PBA player Dalph Panopio. Nagbahagi rin ng kanilang mga pre-loved items ang GMK anchors na sina Dimples Romana, Chiqui Roa-Puno, Andrei Felix, at Angela Lagunzad-Castro. 


Lahat ng kita mula sa live selling event ay direktang makakatulong sa mga kapatid na nasalanta ng bagyong Tino at Uwan, patunay ng diwa ng bayanihan na buhay na buhay sa TV5 at sa mga Kapatid celebrities.


 
 

ni Janiz Navida @Showbiz Special | November 26, 2025



Sarah Lahbati

Photo: File / FB Sarah Lahbati



Kalat na kalat at mainit na usapan ngayon sa social media ang diumano’y pagpapaalis kay Sarah Lahbati sa isang posh bar sa Taguig nu’ng Lunes nang gabi, Nov. 24.


Ang kumakalat na kuwento, mala-high society teleserye ang naganap na eksena sa Medusa Bar dahil ang mga involved na pangalan ay kabilang sa mga richest businessmen sa Pilipinas.


Ayon diumano sa ilang witness, pagkatapos ng malaking Tatler-style event, dumiretso ang ilang big names sa Medusa Bar para sa unofficial after-party. Nasa venue raw sina Rocio Zobel, Pia Wurtzbach at Georgina Wilson nang dumating si Marty Romualdez.

Maya-maya, kasunod na raw nitong pumasok sa Medusa si Sarah Lahbati.


Pagpasok pa lang daw ni Sarah, nag-iba na ang ambiance sa bar. 

Lumapit daw si Rocio sa dad niyang si Mr. Iñigo Zobel (director of San Miguel Corporation) at sinabing: “Sarah just walked in.”

Tumayo naman daw si Mr. Zobel, kinausap ang staff, at after ng ilang sandali, nakitang in-escort-an na si Sarah palabas ng venue.


Ayon pa sa balita, walang sigawan o gulo pero na-shocked daw si Sarah habang nakatingin sa kanya ang lahat.


Well, wala pang malinaw na dahilan kung bakit pinaalis diumano si Sarah sa Medusa Bar. Pero kung tama ang pagkakaalam namin, nali-link ngayon si Sarah kay Marty Romualdez – anak ni dating House Speaker Martin Romualdez – na ex-boyfriend naman ni Rocio Zobel.


Bukas ang aming kolum para sa paglilinaw ng mga taong sangkot sa balitang ito.





May mga gustong magpa-selfie…

VINCENT, INSTANT CELEBRITY NA RIN DAHIL KAY BEA



Puregold Price Club, Inc. President Vincent Co led the first wave of runners at the first-ever Puregold Hakot Relay Run. (Photo Credit to Running Photographers)



NAGING instant celebrity talaga ang Puregold president na si Mr. Vincent Co dahil kay Bea Alonzo.


Si Vincent ang nanguna sa ginanap na first-ever “Puregold Hakot Relay Run” sa Burnham Green Park, Luneta noong Nobyembre 22, na dinaluhan ng libu-libong consumers-runners.


Sa pagsisimula pa lang ng fun run, marami nang naghahanap sa celebrity GF ni Vincent na si Bea Alonzo, pero baka may prior commitment ang aktres kaya hindi naka-join.


‘Kaaliw lang ang ibang runners na nahihiya lang siguro pero gustong magpa-selfie kay Vincent na madalas na ngang laman ngayon ng social media dahil sa mga lambingan moments nila ni Bea sa ilang events.


Anyway, ayon kay Sir Chris Cahilig na nagpatawag sa media para maki-join din sa Hakot Relay Run at Sunset Concert, naisip ni Vincent Co ang activity na ito para mapatibay ang patuloy na pagsusumikap ng Puregold na magtaguyod ng mga

inisyatibo para sa komunidad, alinsunod sa estratehiya ng brand para sa paglago ng mga kostumer nito.


Sa paghahalo ng isports, entertainment, at ang karanasan ng hakot na mula sa Puregold, ipinakilala ng tatlong kilometrong relay na ito ang kakaibang lapit sa tradisyonal na format ng mga fun run. 


Bumuo ang mga kalahok ng mga koponang may tatlong miyembro, na tumakbo hindi lamang para magpakitang-gilas ng bilis, kung hindi pati na rin estratehiya—dahil mag-uunahang humakot ang bawat miyembro ng koponan ng mga grocery items na ilalagay nila sa kanilang sling bag. Dahil sa pagkasabik at saya, nagsama-sama ang mga pamilya, barkada, at komunidad sa paraang Puregold lamang ang nakagawa. 


Tuwang-tuwa ang mga runners dahil naging healthy na sila sa kanilang pagtakbo, nagkaroon pa sila ng chance na humakot ng mga grocery items na mula sa Puregold.


Nagtanghal din sa isang Sunset Concert sa Hakot Relay Run, kung saan itinampok ang mga idolo sa OPM at P-Pop, kagaya ng KAIA, G22, Press Hit Play, at ang tambalang BREKA (Brent Manalo at Mika Salamanca); at napuno ang parke ng musika at selebrasyon para sa mga pamilya at tagasunod. 


Panalo na ang lahat ng kalahok dahil nag-uwi sila ng Puregold Hakot Relay Finisher’s Medal, opisyal na race singlet, at ang grocery sling bag, na nilikha para sa aktibidad. 


Sinasalamin ng Puregold Hakot Relay Run ang pangkalahatang layunin ng kompanya na iangat ang mga Pilipino at ipagdiwang ang mga araw-araw na panalo. 


Ani Puregold President Vincent Co, na pinangunahan ang mga naunang tumakbong kalahok, “Maraming anyo ang panalo. Bagong panalo ito para sa amin, dahil lumikha ang Puregold ng mga sandaling bumubuo ng ugnayan ang mga pamilya, kaibigan, at komunidad. Ibinigay iyon sa amin ng Hakot Relay Run.”


Ang tagumpay ng Puregold sa kauna-unahang Hakot Relay Run ay patunay ng potensiyal para sa mas malikhaing inisyatibo na magpapatatag at magpapalalim ng pagmamahal ng mga kostumer sa Puregold. 


Mag-subscribe sa Puregold Channel sa YouTube, i-like ang @puregold.shopping sa Facebook, at i-follow ang @puregold_ph sa Instagram at Twitter, at @puregoldph sa Tiktok.

 
 

ni Janiz Navida @Showbiz Special | November 21, 2025



SPECIAL - MARK AT JOJO, MAGKASAMA NA NAMAN DAW SA BATANGAS_FB Jojo Mendrez & Mark Herras

Photo: File / FB Jojo Mendrez & Mark Herras



May nagsi-circulate na raw na director's cut ng music video ni Jojo Mendrez para sa kanyang bagong Christmas song na Ngayong Pasko'y Ikaw Pa Rin.


Mukhang may nag-leak ng copy ng music video dahil mismong ang Star Records kung saan contract star si Jojo at maging ang mismong singer-rich businessman ay wala pang inilalabas na official copy ng music video ng kanyang Christmas song.


Inaabangan ngayon ng mga Marites at mga fans ni Mark Herras kung totoo ang

balitang “together again” sila ng minsan nang na-link sa kanyang super rich-businessman na si Jojo Mendrez dahil may nakapagtsikang nakita raw kamakailan si Mark sa Batangas kung saan nag-shoot at kinunan ang MV ni Jojo sa isang luxury resort doon.


May nagtsika ring kasama raw si Mark sa naturang music video. 

Kaya ang ipinagtataka ng ilang showbiz insiders, akala raw ba nila ay “kani-kanya” o “friendship over” na sina Jojo Mendrez at Mark Herras, eh, bakit may ganitong issue ngayon na spotted daw silang magkasama?


Pero kung true nga na kasama si Mark sa Ngayong Pasko'y Ikaw Pa Rin music video, ano kaya ang nangyari at paano kaya sila na-reconnect ni Jojo gayung ang aktor-dancer mismo ang nagsabi sa last interview nito na mas okay na kani-kanya na sila at mas mabuting wala na rin silang koneksiyon sa isa't isa?

Hmmm… Another gimik na naman kaya ‘to? 


Well, if yes, at least nakakatulong para pag-usapan at abangan ang music video ng Ngayong Pasko'y Ikaw Pa Rin ni Jojo Mendrez.


For sure, gustong malaman ng mga Marites kung back in each other's arms sina Jojo at Mark.


For now, ‘yung mismong Christmas song pa lang ni Jojo Mendrez ang available sa lahat ng music digital platform. 



Name, ayaw pang ibulgar, pero…

CARLA, GAME BITBITIN ANG BF NA DOKTOR SA PREMIERE NIGHT NG SRR 



Carla Abellana


NILINAW ni Carla Abellana nang eksklusibo naming makapanayam after ng ginanap na grand mediacon ng MMFF 2025 entry ng Regal Films na Shake, Rattle and Roll: Evil Origins na hindi pa rin masasabing “very open” na siya ngayon sa kanyang love life matapos nga niyang i-post ang photo ng doktor na rumored boyfriend o fiancé na nga raw niya.


Ani Carla, “Well, I wouldn't say naman very open kasi it's not like I've revealed the person, a name or anything. Nasa sa akin pa rin naman po kung ano ‘yung ilalabas ko in public. So depende pa rin po kung gaano ako ka-comfortable and siya ka-comfortable kung ano ang ilalabas ko.”


Tinanong namin si Carla about sa reaction ng guy nang mai-post na niya ang picture nito sa social media at aniya, wala raw itong alam dahil hindi naman ito ma-showbiz na tao. Tahimik lang daw ang nagpapasaya sa kanyang puso ngayon kaya inirerespeto niya ito at kailangan din niyang maprotektahan.


When asked kung isasama ba niya ang rumored BF na doctor sa premiere night ng SRR: Evil Origins kung saan siya ang bida sa first episode na 1775, super sweet ang smile ni Carla at ang sagot, “Tingnan natin, yes, kung ‘di siya busy.”

Wow! Abangan!!!




SINETCH ITECH: Kahit ‘di siya inaaming GF…

SEKSING AKTRES-TV HOST, SA BAHAY NA NG KA-LOVE TEAM NA AKTOR NAKATIRA



BLIND ITEM:

AWANG-AWA ang mga friends ni seksing actress-TV host sa kanyang sitwasyon ngayon dahil sa kabila ng magandang takbo ng kanyang career, may mabigat naman itong pinagdaraanan sa kanyang personal life.


Few months ago kasi ay nakaalitan ng aktres-TV host ang kanyang pamilya dahil sa P20 M na nawawala sa kanyang kaban.


Masamang-masama ang loob ng aktres-TV host kaya umalis siya sa kanilang bahay at isinara diumano ito para hindi na rin makapunta roon ang kanyang mga kapamilya na nagtraydor at nanakit sa kanya.


Ang siste, sa bahay ng kanyang ka-love team at rumored boyfriend na aktor nakitira ang aktres at balitang nagsasama na nga raw sila ngayon.

Kaya lang, ang masakit para sa mga friends ng aktres, hindi naman siya inaaming karelasyon ng aktor na mukhang ang showbiz career lang ang priority at personal interest lang ang pinoprotektahan.


Kaya ang wish ng mga BFF ng aktres, magising na ito sa katotohanan at mas mahalin ang sarili kesa ang ibang tao lalo't wala na rin siyang pamilyang maaasahang maging kakampi ngayon.


Hay! Parang gusto naming yakapin nang mahigpit at damayan ang aktres sa kanyang mabigat na dinadala ngayon.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page