top of page
Search

ni Janiz Navida @Showbiz Special | December 13, 2025



SPECIAL - JERIC_ ALJUR, MASIPAG AT LOVE NA LOVE SI AJ_IG _ajravvs & FB Jeric Raval Daily

Photo: File / IG _ajravvs & FB Jeric Raval Daily



Late nang dumating si Jeric Raval sa nakaraang Christmas party-thanksgiving ng Mamay Productions ni Nunungan Vice-Mayor Marcos Mamay na ginanap sa Music Box last week dahil galing pa raw siya sa Subic.


Si Jeric ang gumanap sa life story ni Mayor Mamay sa pelikulang Mamay: A Journey to Greatness kung saan nanalo pa nga ang aktor ng Best Supporting Actor sa nakaraang 73rd FAMAS Awards.


Thankful si Jeric kay Mayor Mamay sa chance na ibinigay sa kanya para gumanap sa buhay nito dahil nagka-award na siya, nagbukas pa ito ng mas maraming trabaho sa kanya sa showbiz. Kaya until now, hindi naman nawawalan ng projects ang action star.

Nakapanayam namin si Jeric habang ginaganap ang thanksgiving party ng Mamay Productions at napag-usapan siyempre namin ang naging pag-amin recently ng favorite daughter niyang si AJ Raval sa Fast Talk with Boy Abunda na may 5 na itong anak (namatay ang second child).


Ani Jeric, nabunutan daw talaga ng malaking tinik sa dibdib si AJ sa pag-amin nito at siyempre, masaya rin siya para sa anak at kay Aljur Abrenica na wala nang kailangang itago ngayon.


Aminado si Jeric na sa 18 anak niya sa 7 babae (may 15 na rin daw siyang apo), si AJ talaga ang itinuturing niyang prinsesa dahil lumaki ito sa dibdib niya kaya ganu’n sila ka-close.


Tinanong namin si Jeric kung boto naman siya kay Aljur para kay AJ at in fairness, pinuri niya ang manugang.


“Aljur is a good provider, may sense of responsibility. Okay naman, kasi kung may nakikita akong problema, ‘di naman kami magkakasundo. ‘Di naman makakalusot sa akin ‘yung mga ganu’n, eh,” ani Jeric.


Wala naman daw siyang maibibigay na payo rito dahil nakikita niyang masipag ang aktor at love na love raw nina AJ at Aljur ang isa’t isa. Actually, never pa nga raw niyang nakitang nag-away ang dalawa.


About sa kasal, ayaw niyang pakialaman ang desisyon ng dalawa, pero siyempre, siya ang unang-unang magiging masaya kapag nangyari ito.





Hindi lang maganda at matalino, very talented pa ang singer na si Isha Ponti dahil sa kanyang murang edad na 13, nakapag-compose na pala ito ng kanta, na kung susumahin ngayong 19 years old na siya, nasa 24 songs na raw ang naisulat niya.


Few days ago, nag-launch si Isha ng kanyang first Christmas song titled Wala Ka Sa Pasko at for sure ay maraming mata-touched kapag napakinggan ang lyrics nito at ang magandang boses ni Isha na ang linis-linis, in fairness.


At bukod sa pagiging singer-composer, CEO rin si Isha ng Ponti Entertainment Productions na siyang nag-produce ng magaganap na concert ngayong gabi sa Music Museum titled The Next Ones, kung saan makakasama niya ang Bossa Nova Darling na si Andrea Gutierrez.





Special guests naman nila ang OPM icon na si Rey Valera together with Nathan Randal, Graciel Hizon, Maurice, DIV9, Azter, Aquila Packing and Raymond Gorospe. 


Si Adonis Tabanda ang musical director at si Calvin Murphy Neria naman ang concert director. 


Dream come true para kay Ishi na minsan na ring nanalo sa isang international singing contest ang makapag-produce ng The Next Ones na makakapagbigay ng platform sa mga tulad niyang singers na maipakita ang kanilang talent sa publiko.

Bukod sa concert, naka-lineup na rin ang album launch ni Isha sa 2026.


“I want this album to reflect who I am and who I’m becoming,” she shares. “It’s my heart, in music form.” 


Nominado rin si Isha sa 38th Aliw Awards for Best Pop Female Artist of the Year. On December 18, she will also be honored with 'The Next Gen Award' presented by the Asia Leaders Awards and the Embassy of Malaysia, in collaboration with Rising Tigers Magazine, a prestigious acknowledgment of her influence as a young leader in music and creativity. 


Congrats and good luck, Isha Ponti!


Blind Item


BLIND ITEM: Ang tindi talaga!

CONTROVERSIAL BIG TIME BUSINESSMAN, MAY DYOWANG AKTRES NA, MAY IBINABAHAY PANG 15-ANYOS NA BUNTIS NGAYON



MATINIK talaga sa babae ang controversial big-time businessman na dyowa ng sikat na aktres.


Ang alam ng marami, ang magandang aktres lang ang karelasyon nito ngayon. Pero may nakapagbulong sa aming very reliable source na may ibinabahay palang 15-year-old college student ang big time businessman sa isang posh subdivision sa Pasig City.

Ang siste, 4 months preggy ngayon ang 15-year-old girl at kasama nito sa bahay na ibinigay sa kanya ni big time businessman ang kanyang mga magulang.


Ang tanong, alam kaya ng magandang aktres na may ibang nadyontis ang kanyang rich papa at tatanggapin kaya niya ito kung sakali o magiging dahilan ng kanilang hiwalayan?

Naku! Ang tindi naman kasi ni Sir, may-edad na, mahilig pa rin sa bagets! 

Well, abangan ang susunod na kabanata sa kuwentong ito!

 
 

ni Janiz Navida @Showbiz Special | December 11, 2025



Ka Tunying Anthony Taberna at Sara Discaya - File Senate PH

Photo: File Interview / Senate PH



Nakakabilib at happy kami para sa success ng mag-asawang Anthony at Roselle Taberna.


Natatandaan pa namin, 3 o 4 pa lang yata ang branch ng kanilang Ka Tunying's Cafe nang ma-exclusive interview namin sila noon para sa YouTube channel ng BULGAR bago nag-pandemic.


After 10 yrs., aba’t may Taberna Group of Companies na pala kung saan hindi lang branches of Ka Tunying's resto ang meron ang mag-asawa kundi may Kumbachero

commissary na rin sila at Outbox Media Powerhouse Corp. na nagpo-produce ng mga digital shows and events.


But when asked if balak pa nilang mapabilang sa mga richest in the Phils., inamin ni Ka Tunying na maraming opportunities dahil puwedeng-puwede pa silang mag-expand all over the Phils.


Pero ang napag-usapan daw ng mag-asawa, ano ba ang goal nila sa buhay – maging super rich pero mawalan naman ng quality time sa kanilang pamilya o makuntento na lang basta nakakapamuhay naman sila nang sapat at nakakapagbigay na nga ng kabuhayan sa kanilang 200 employees.


At ‘yun nga ang napag-usapan nina Mr. & Mrs. T (tawag sa power couple), mas importante ‘yung may contentment sila.


Samantala, dahil ngayon lang uli namin nakapanayam si Ka Tunying sa ibinigay nilang thanksgiving sa mga press people, social media content creator and business partners na ginanap kahapon sa Cities Events Place, ipinalinaw na namin sa kanya ang isyu kung bakit siya idinadawit sa kontrobersiyal na mag-asawang Sarah at Curlee Discaya.


Diretso namang sinagot at inamin ni Ka Tunying na naging ambassador siya ng isang kumpanya ng mag-asawa before the pandemic.


During that time, wala pang mga isyung ibinabato sa Discaya couple at pinag-aralan naman daw mabuti ni Ka Tunying ang offer at inalam ang background ng kumpanya ng mga Discaya.


Dahil malaki raw ang bayad bilang endorser at nangangailangan siya that time ay tinanggap naman niya.


Pero nu'ng alukin siya na interbyuhin ang mag-asawa at i-feature sa kanyang show bago mag-eleksiyon, tinanggihan na niya ito dahil hindi naman daw ito ang forte ng kanyang show at parang nakatunog na nga siya na may balak tumakbo sa Pasig si Sarah Discaya bilang mayor kalaban ni Mayor Vico Sotto.


Pabirong hirit ni Ka Tunying, “Mabuti tinanggihan ko. Kung nainterbyu ko ‘yun, di may P10 milyon na ako,” kaya nagkatawanan ang press lalo't sabi niya ay bibigyan niya ng tig-iisang milyong piso. Hahaha!


Kung matatandaan, ‘di nga ba't nag-umpisang makalkal ang tungkol sa flood control scandal nang ibulgar ni Pasig Mayor Vico Sotto na bayad diumano ng P10 milyon ang panayam sa mag-asawa kung saan na-feature ang Discaya couple sa mga programa nina Korina Sanchez at Julius Babao.


Pero nilinaw naman ni Ka Tunying na wala siyang sinasabi na nagbayad talaga ang mag-asawa, ‘yun nga lang daw ang balita at pakiusap niya sa lahat, mag-ingat sa paniniwalaan dahil ang daming fake news ngayon.


Anyway, congrats Mr. and Mrs. Taberna and more success to come!






NAKAKATUWA naman ang young CEO ng Purple Hearts na si Love Kryzl na siyang umawit din ng kantang Kayong Dalawa Lang sa music video nina Kiray Celis at Stephan Estopia na nag-viral recently.


Inglesera ang bagets at the age of 9 at matalinong sumagot, parang dalaga na.

Nakapag-guest na pala siya sa It's Showtime kaya na-meet ang mga hosts nito. Idol daw niya si Anne Curtis na nang tanungin namin kung paano niya ide-describe, aniya, “She has a beautiful voice.”


Naku, for sure, super happy si Anne ‘pag nalaman ‘yan.

But in fairness kay Love Kryzl, maganda rin ang boses nito at mas naging romantic ang music video nina Kiray at Stephan dahil sa kanyang Kayong Dalawa Lang song.


Regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan, na balitang sa Dec. 13 na ang kasal, ang Kayong Dalawa Lang. 


Gaganap ding little bride ang Purple Hearts CEO sa kasalang Kiray-Stephan kaya abangan ang susuotin ni Love Kryzl.


 
 

ni Janiz Navida @Showbiz Special | December 10, 2025



Photo: File / Imelda Papin



Naging emosyonal ang Jukebox Queen at PCSO Director na si Ms. Imelda Papin sa grand launching ng kanyang bagong song titled Pilipino Tayo na ginanap sa Tanghalang Pasigueño sa Pasig City nu’ng Lunes, Dec. 8 nang hapon.


Sobrang na-touched ang singer-public servant nang makitang punumpuno ang venue ng kanyang mga supporters na naghihintay marinig ang kanyang bagong song na composed by Mon del Rosario.  


Hindi napigilang maiyak na sabi ni Tita Mel (palayaw ni Ms. Imelda), “Fifty years na po ako sa showbiz. Ito po ang regalo ko sa Diyos, sa bayan at sa mga Pilipino.”

Bukod sa kanyang mga supporters, dumating din ang anak ni Tita Mel na si Maffi, mga kapatid at ilang artistang kaibigan niya para sumuporta sa grand launching ng Pilipino Tayo.


After ng launching, nakapanayam namin si Tita Mel kasama ng ibang media people.

Siyempre, bilang Pilipino, ikinalulungkot din daw niya ang mga problemang kinakaharap ng bayan ngayon, lalo na sa isyu ng korupsiyon. 


“Kung meron silang nagawa na ‘di maayos, siyempre, haharapin nila ‘yun but it should not stop us to move forward, ‘di tayo dapat apektado bilang Pilipino,” aniya.


Kaya nga raw inilabas nila ang kantang Pilipino Tayo, para sa kabila ng kaguluhan at mga kahihiyang natatatak sa atin, maging inspirasyon pa rin ito na matatapos din ang lahat at darating ang oras na maipagsisigawan pa rin natin sa buong mundo na Pilipino tayo at dapat ikarangal ang pagiging Pilipino. 


Alam daw niyang mahirap ang pinagdaraanan ngayon ni Pangulong Bongbong Marcos kaya ipinagdarasal na lang niyang malagpasan nito ang sitwasyon at nanawagang suportahan ng mga Pilipino ang mga desisyon nito.


Very vocal naman si Tita Mel na Marcos loyalist siya ever since, kaya nahingi namin ang reaksiyon niya sa nakaraang panawagan ni Sen. Imee Marcos na bumaba na ang kapatid na Pangulong Bongbong Marcos na inakusahan niyang ‘adik’. 


Sagot dito ni Imelda Papin, “She knows what she’s doing. Pero sana, ang laging prayer ko nga, lalo na pamilya, dapat magkaisa talaga. ‘Yun ang natutunan ko sa the late Pres. Marcos Sr., ang pamilya dapat ay nagkakaisa.”


Anyway, makabuluhan ang lyrics ng Pilipino Tayo at lalong naging tagos sa puso nang kantahin ito ni Imelda Papin. 


Kaya tama ang kanyang sinabi, regalo niya ito sa bawat Pilipino na patuloy na sumusuporta at naniniwala sa kanya sa 50 yrs. niya sa musika at paglilingkod-bayan.

Congrats, Tita Mel! 





Will, naunahan na…

BIANCA, SHOCKED NANG HAPLUSIN SA LEGS NI DUSTIN





KILIG overload ang hatid ng trailer ng MMFF 2025 entry ng Star Cinema, GMA Pictures at Regal Entertainment na Love You So Bad na pinagbibidahan ng love triangle nina Will Ashley, Bianca de Vera at Dustin Yu.


Trailer pa lang ang ipinakita sa ginanap na mediacon ng movie sa Dolphy Theater last Monday night, grabe na ang hiyawan ng mga fans sa tambalang Dustin-Bianca at Will-Bianca. 


Wala ka naman kasi talagang itulak-kabigin sa dalawang aktor at ang galing ni Direk Mae Cruz-Alviar na umaming nagta-tally sa shooting para matiyak lang na equal talaga ang mga eksena ng DustBia at WillCa.


At pati sa mga sagot nina Will at Dustin kapag natatanong tungkol kay Bianca, walang gustong magpatalbog kaya for sure, hirap na hirap ang karakter ni Bianca sa Love You So Bad kung sino talaga ang pipiliin niya sa dalawa.


In real life, ani Bianca, wala namang pressure mula sa fans kung sino talaga ang pipiliin niya dahil for now, career daw talaga ang priority niya at hindi magka-boyfriend.


Sobrang thankful nga siya sa opportunity na ibinigay ng ABS-CBN at GMA-7 at Regal Entertainment na magbida na sa MMFF movie na pambagets ang tema, kaya tiyak na isa ito sa mga mangunguna sa festival this year.


Nakikita namin si Anne Curtis sa cute na kaartehan ni Bianca (in fairness, ‘di nakakainis, ‘kaaliw lang!) at nagtilian ang mga fans sa mediacon nang mag-dialogue ito ng “Ay, bakit may pahaplos?” nang mahawakan sa legs ni Dustin Yu.


Kapag nag-box office hit ang Love You So Bad, hindi malayong may mga kasunod pang projects ang love triangle na ito.


Showing na ang Love You So Bad sa Dec. 25, 2025.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page