top of page
Search

ni Beth Gelena @Bulgary Files | February 15, 2023




Nababahala ang mommy ni Yen Santos sa relasyon ng anak sa aktor na si Paolo Contis.


Natatakot umano ang ina ng aktres pagkatapos daw na mapanood ang interbyu ng aktor sa programang Fast Talk with Boy Abunda kamakailan, lalo na sa topic hinggil sa mga anak ni Paolo sa dalawang GMA artists na sina Lian Paz at LJ Reyes.


Inamin ni Paolo na hindi niya nasusuportahan ang tatlong anak (2 kay Lian at isa kay LJ).


Pero, sinabi niyang isine-save raw niya ang money para sa mga anak.

Ang ikinatatakot daw ng ina ni Yen ay baka matulad ang kanyang anak sa dalawang ex ni Paolo.


Samantala, may lumalabas namang sitsit na nang mapanood ni Yen ang interbyu kay Paolo ay parang nagbago umano ang pakikitungo niya sa boyfriend.


Inamin din kasi ni Paolo ang real score nila ni Yen, though, ipinagdidiinan niyang hindi ito ang naging dahilan kaya sila naghiwalay ni LJ Reyes.


Nauntog kaya nang slight si Yen? Hmmm…


 
 

ni Nitz Miralles @Bida | February 15, 2023




Pa-Valentine’s Day nina Aljur Abrenica at AJ Raval sa mga supporters nila ang ipinost na photo ni AJ na magkasama sila sa beach.


Hindi lang kami sure kung kahapon nag-beach ang dalawa dahil sa Instagram ni Aljur na nasa beach siya, ang nakalagay ay three days ago pa.


Ayun, na-trigger na naman ang mga bashers sa caption ni AJ sa photo nila ni Aljur na holding hands at nasa beach, pero nakatalikod.


Ang caption ni AJ ay “I’ll always give you all the love I have in my heart and love you unconditionally.”


May mga natuwa sa tinawag nilang grand launch nina AJ at Aljur, pero may mga panira sa moment dahil hinahanap ang baby daw nila na sana ay i-flex din nila.


May galit pa rin kay AJ at kung anu-ano na naman ang itinawag sa kanya.

Keber naman ni AJ sa mga bashers niya, basta masaya sila ni Aljur.


 
 

ni Julie Bonifacio @Winner | February 14, 2023



Dinagsa ng batikos si Sen. Robinhood “Robin” Padilla sa social media sa naging pahayag niya sa usaping physical and mental bullying sa ginanap na pagrerebyu ng Senado para sa implementasyon ng Republic Act 10627 o ang Anti-Bullying Law of 2013 kahapon.


Para kay Sen. Robin, okay lang daw ang “slight physical bullying.”


“'Yun po sigurong physical bullying, para po sa akin, ano, kayang i-handle ‘yun. Ang hindi po kayang i-handle ay 'yung mental (bullying) kasi ‘yun po ang mabigat para sa akin ngayon, ‘yun po ang nararanasan ng mga kabataan, ‘yung mental torture,” pahayag ni Sen. Robin.


Mas dapat daw tutukan ang paggawa ng batas sa usaping mental bullying.


“'Yung mental na bullying, siguro po, 'yun po ang dapat nating harapin at kung ano man po siguro, 'yung physical bullying, kapag umabot siguro na gusto ka nang patayin. Pero 'yung kadyot-kadyot lang d'yan, ok lang 'yun,” paliwanag niya.

Pagkatapos ay ginawa pang example ni Sen. Robin ang sarili dahil naka-experience rin daw siya ng physical bullying.


“'Yung physical torture—sorry po, ah, pero para sa akin, nakatulong pa sa akin para maging—hindi naman po sa usapin lamang na humarap sa buhay, palagay ko, mga 20%, 30% nakatulong pa 'yun,” sabi pa niya.


Kinontra ng mga netizens si Robin sa kanyang opinyon on physical and mental bullying.


“Nooo… physical is still a physical, kahit ba sabihin mo na tulak-tulak lang 'yan, eh. Masakit na nga 'yung verbal, pero mas masakit 'pag physical. Geez....”


“That doesn't mean you experienced such thing, that means it will also be effective to other students. 'Di ka galing sa education sector and wala kang background with teaching profession kaya manahimik ka d'yan.”


“With all due respect, Mr. Senator Sir... I did not raise my children to be tortured in any form, in any way. Never have I laid my hands on them, so why should I allow others? Libre naman po ang common sense, Mr. Senator Sir. Puwede po, mag-isip-isip muna bago magsalita?”


Nakakita tuloy ng pagkakataon ang mga bashers ni Sen. Robin para i-bash siya.


“Eto na naman po tayo sa mga barbarong senador. Law maker ang kailangan at hindi 'yung papayagang manakit ng kapwa.”


“Sige nga, try mo sa mga anak mo 'yung kadyot lang na pananakit. Saka mo ulit sabihin na okay lang.”


“Mukhang ito na 'yung naging resulta ng physical niya. Puwede siyang gawing case study.”


“Ah, kaya pala ganyan kayo, may saltik! Kaka-torture sa 'yo 'yan!"


Hala!


 
 
RECOMMENDED
bottom of page