top of page
Search

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | March 1, 2023



Isang malaking tagumpay ang red-carpet premiere night ng pelikulang Martyr or Murderer na ginanap sa tatlong sinehan no less ng SM The Block last Monday night, February 27.


Of course, in full force ang buong cast at ang direktor na si Darryl Yap, gayundin ang mga executives ng Viva Films sa pangunguna ni Boss Vic del Rosario.


Lalo pang naging momentous ang gabi dahil sa presence ni Sen. Imee Marcos na as we all know ay siyang napakalaking factor sa pagbuo ng MOM.


The movie revolves around the exile of the late former President Ferdinand Marcos in Hawaii noong 1986 at ang naging pamumuhay ni Sen. Imee sa Morocco during that time.


Maraming mga flashbacks sa movie which dated back as early as 1949 nang panahong mga binata’t dalaga pa ang mga magulang ni Sen. Imee, gayundin si yumaong former

Senator Ninoy Aquino.


Ipinakita sa pelikula ang matinding rivalry nina Marcos at Aquino kahit noong binata pa, hindi lang sa pulitika kundi maging sa pag-ibig. Maraming shocking revelations ang mapapanood sa pelikula tungkol kay Ninoy.


Isa sa mga highlights ng pelikula ay ang breakdown scene ni Cristine Reyes as Imee nang yumao ang kanyang ama played by Cesar Montano habang nasa Morocco siya.


The scene was so touching, gayundin ang pag-uusap nila sa teleponong mag-ama minutes before Pres. Marcos died.


Nang makausap nga ng press si Imee after the premiere night ay sinabi niyang naiyak siya sa nasabing eksena.



“Medyo mabigat ‘yung scene sa akin dahil ayaw mo nang daanan the second time,” sey ng senadora.


Napabilib kami ni former Manila Mayor Isko Moreno as Ninoy dahil kuhang-kuha niya ang hitsura at mannerism ng tatay ni Kris Aquino. Gustung-gusto namin ang napakatagal na titigan scene nila ni Cesar nang magkita sila sa isang event.


As usual, punumpuno ng kaelegantehan si Ruffa Gutierrez bilang Madam Imelda Marcos at ang haba naman talaga ng confrontation scene nila ni Isko sa movie.


Kudos also sa mga gumanap na young Imelda (Cindy Miranda), young Ferdinand (Marco Gumabao) and young Ninoy (Jerome Ponce) dahil ang galing din nila sa kanilang mga eksena.


Kung sa Maid in Malacañang ay pasabog ang last scene kung saan ay ipinakita nga si former President Cory Aquino na nagma-mahjong, ang dami ring shocked sa ending scene ng MOM dahil sa paglabas ni Aga Muhlach as President Bongbong Marcos.


Split seconds lang nakita si Aga sa movie pero sapat na ito para magsigawan sa loob ng sinehan.


Bukod kay Aga, isang bagong cast din ang lumitaw sa bandang ending na nakita rin naman sa trailer, si Eula Valdez bilang Sen. Imee.


Obviously, sa 3rd sequel ay present time na ang ating mapapanood kaya naman sina Aga at Eula na ang gaganap bilang PBBM and Sen. Imee respectively.


Gusto rin naming batiin of course ang direktor na si Darryl Yap dahil sa totoo lang, hindi madaling gawin ang ganitong klaseng pelikula na punumpuno ng historical moments but he successfully pulled it off.


Showing na today, March 1, ang Martyr or Murderer in 250 cinemas nationwide.


 
 

ni Nitz Miralles @Bida | March 1, 2023




Kahit humarap na sa press people at ongoing ang presscon ng Pieta, hindi pa rin nagsi-sink in kay Ina Raymundo na kasama siya sa cast ng movie dahil na rin sa laki ng mga artistang kinuha ni Director Adolf Alix, Jr..


“Ang alam ko, sina Nora (Aunor), Gina (Alajar) at Alfred (Vargas) ang kasama ko. Ngayon ko lang nalaman ang complete cast and with Adolf pa as its director na one of my favorite directors. Exciting and thankful ako na kasama ako sa movie na ito," sabi ni Ina.


Special participation si Ina sa Pieta, pero napa-wow siya sa ganda ng film at cast kaya napa-oo. Looking forward siya to be working again with Jaclyn Jose na mahal niya. Nami-miss daw niyang makipagkuwentuhan sa mahusay na aktres.


Natanong si Ina sa relasyon ng anak na si Erika kay Kobe Paras. Hindi raw natuloy ang relasyon ng dalawa dahil hindi nag-work ang long-distance relationship.


Hanggang dito lang ang maiko-comment niya dahil pinagbawalan daw siyang mag-comment ng anak.


Pero payo niya raw kay Erika, 'wag munang magseryoso sa pag-ibig dahil marami pang makikilala.


 
 

ni Julie Bonifacio @Winner | February 15, 2023



Humiling ng ilang araw na palugit ang kampo ni Luis Manzano bago humarap sa National Bureau of Investigation (NBI) pagkatapos ipadala sa TV host ang subpoena para sa ginagawa nilang imbestigasyon sa kontrobersiya ng Flex Fuel.


Narito ang parte ng nakasulat sa subpoena: "Under and by virtue of the authority vested in me by Republic Act No. 10867, you are hereby commanded to be and appear in the CRIMINAL INTELLIGENCE DIVISION (CRID), National Bureau of Investigation, V-Tech Tower, Araneta Ave., corner Maria Clara St., Quezon City at 10:00 a.m. on the 13th day of February 2023, then and there to give your evidence in a certain investigation to be held at that time and place, conducted by the undersigned. Re: Investigation being conducted on alleged ESTAFA against you."


Maraming netizens ang nakisimpatya kay Luis.


“Wawa naman si Luis. He’s one of the nicest people in showbiz. I know he will overcome this. But this must be so stressful for him right now.”


“Sana maayos na.”


“You’ll get through this Luis. God is good and the truth will always prevail.”


May naawa pa kay Luis na netizen dahil dapat ay nagse-celebrate siya ngayon ng kanyang pagiging ama, at the same time, Valentine’s Day pa kahapon.


At least, nakapag-post pa si Luis ng Valentine greetings para sa misis niyang si Jessy Mendiola.


“Before Peanut, it will always be the Howhow’s. Happy Valentine's. Wowow, love you,” caption ni Luis sa IG post niya noong Valentine’s Day.


Baka nga isa sa mga rason kaya humingi ng ilang araw na palugit si Luis sa NBI ay dahil sa selebrasyon ng Valentine’s Day, since first V-Day nina Luis at Jessy with their baby na si Isabella Rose or si Baby Peanut.


Also, kailangan ding mag-prepare ni Luis at ng legal team niya ng lahat ng necessary documents bago humarap sa NBI.


Tanong ng netizen, “Nasa'n ba ang may-ari niyang kumpanya na 'yan? Bakit si Luis lang ang parang sinisisi nila? Kawawa naman, bagong panganak ang asawa. Tsk-tsk!”


Sa true lang, dapat ang kumpanya/executives ng Flex Fuel ang tinatawagan ng pansin o inire-report ng mga investors at 'di si Luis, since ‘di na bahagi si Luis ng kumpanya.


Nakakalungkot lang, may mga investors pala ang tinulungan ni Luis na siya pang nang-iipit diumano ngayon sa mister ni Jessy.


May isang investor pa nga raw na nangailangan ng pera pero walang maibigay na dibidendo ang kumpanya kaya lumapit kay Luis at binigyan naman ng TV host ng sarili niyang pera.


Say pa ng netizen, “Luis is/was the Chairman of the Board. He & the rest of the board has fiduciary duty to the investors. The CEO reports to the board of directors.”


Dapat ganu'n. Kaya lang, ayon sa aming source, si Luis pa mismo ang humihingi raw ng report sa CEO pero wala itong maipakita. Pati ilang investors na humingi ng tulong kay Luis ay tinulungan na niya na ilapit sa CEO para gawan ng paraan.


“Wala naman siyang kaso at this point. Subpoena pa lang naman. Even witness sa isang crime are subpoenaed by court if they want to hear from them.”


“Bakit tatakas ba si Luis? Hindi naman, ah. 'Di ba, siya pa ang nagpaimbestiga sa NBI?”


May nagreak din na netizen na tila kinokorek ang report ng DZBB na dalawang araw ang hinihinging palugit ni Luis sa NBI.


“I dont know where DZBB got this 2 days. They were asking for two weeks, actually 15 days.”

'Yun na!


 
 
RECOMMENDED
bottom of page