top of page
Search

ni Janiz Navida @Showbiz Special | May 25, 2023



Ilang araw nang viral ang isang video clip sa FB Reels kung saan ipinakita ni Kathryn Bernardo ang isang kamay na may suot na singsing habang kasama nila ng boyfriend na si Daniel Padilla ang isa sa mga best friends ng aktres na si Alora Sasam.


May title ang naturang video na "KathNiel engaged na," kaya naman nagtatanungan ang mga fans at netizens kung totoo bang nag-propose na si Daniel sa kanyang long-time girlfriend na si Kathryn.


Well, hindi naman ito ang first time na nabalitang engaged na sina Kathryn at Daniel.


Parang sina Coco Martin at Julia Montes lang na ilang beses nang napabalitang may anak na pero hanggang ngayon, wala naman tayong nakikitang baby.


So, hangga't hindi sa bibig mismo nina Kathryn at Daniel nanggagaling ang kumpirmasyon na engaged na nga sila, 'wag muna tayong umasa at maniwala.


Saka hindi naman mukhang engagement ring 'yung ipinakita ni Kathryn, 'no!


I'm sure sa tagal na nila ni Daniel, paghahandaan nang sobra ng aktor ang kanyang magiging marriage proposal kay Kathryn.

 
 

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | May 25, 2023



Marami ang nalito sa mga naging pahayag ni Coco Martin nang makapanayam siya ni MJ Felipe ng ABS-CBN sa ginanap na watch party ng Unbreak My Heart.


Sa nasabing event ay magkasamang dumalo si Coco at ang rumored girlfriend niyang si Julia Montes para suportahan ang first collaboration project ng ABS-CBN at GMA-7.


Makikita rin sa mga videos na magka-holding hands pang rumampa ang dalawa sa red carpet.


During the interview ay may mga naging pahayag ang Kapamilya Primetime King tungkol sa relasyon nila ni Julia na first time niyang sinabi.


"Napakasarap ng pakiramdam namin dahil ito, ilang years na, 12 years na kaming magkasama, pero pareho pa rin na gaya ng dati.


"Nilu-look forward namin kapag may project na magkasama kami. And then, 'pag may pagkakataon, ito, 'di ba, nakakalabas kami, nakikita kami ng mga tao. Pero, name-maintain namin 'yung privacy sa buhay namin," sey ni Coco.


Medyo malabo sa iba kung ano ang tinutukoy ni Coco na 12 years na sila ni Julia — relasyon ba nila as a couple or working relationship?


Ang mga fans mismo ang nakapansin na 12 years ago kasi nang unang magsama sina Coco at Julia sa TV series na Walang Hanggan at dito na nga rin nagsimulang ma-link ang dalawa.


Kaugnay nito ay naglabas ng sariling research ang ABS-CBN ng mga lumang interviews ni Coco.


Ilan dito ay ang panayam noong taong 2011 at 2012, kung saan ay sinabi ni Coco na hindi niya nililigawan si Julia.


Taong 2013 ay muling natanong si Coco, pero diretso ang sagot ng aktor na hindi siya nanliligaw.


Kaya naman ang konklusyon nila ay marahil, ang tinutukoy ni Coco na "12 years na kaming magkasama" ay ang kanilang "working relationship."


Kaya ang tinatanong ngayon ng mga fans, ilang taon na talaga ang kanilang relasyon as

a couple?


Hinihintay din ng lahat ang isang sit-down interview sa dalawa kung saan ay aaminin na nila officially at ilalahad ang kanilang love story.


Pero, knowing Coco na mailap sa kanyang love life, medyo malabo pang mangyari ito sa ngayon.


 
 

ni Beth Gelena @Bulgary Files | May 25, 2023



Kasama ni Coco Martin ang kanyang long-time rumored girlfriend na si Julia Montes sa ginanap na celebrity watch party para sa seryeng Unbreak My Heart na first collaboration ng ABS-CBN at GMA-7.


Dito nga ay nakapanayam sila ng ABS-CBN entertainment journalist na si MJ Felipe.


Habang sumasagot si Coco sa mga katanungan, biglang nadulas ang aktor at nabanggit niya na, "12 years na kaming magkasama (ni Julia)."


Kita rin sa mukha ni Coco na maging siya ay nagulat sa biglang pag-amin niya sa relasyon nila ni Julia. Kaya naman, sinubukan pa rin ng aktor na magpaliwanag tungkol dito.


Aniya, hindi naman na sila mga bata ni Julia at hangga't maaari ay pinapahalagahan nila ng aktres ang kanilang pribadong buhay para iwas na rin daw sa mga isyu at intriga.


Para naman kay Julia, hindi nawala sa relasyon nila ni Coco ang Panginoon bilang sentro nito, kaya naniniwala siyang kung anuman ang narating nila ngayon ay dahil ginagabayan silang dalawa ng nasa Itaas.


Kaya, ang hirit na tanong ni MJ sa long-time celebrity couple na sina Coco at Julia, "So, 2011 ang inyong anniversary?"


Matagal nang napapabalitang may namamagitan sa dalawa matapos silang mamataang ilang beses na magkasama sa iba't ibang lugar. Gayunpaman, walang diretsahang pag-amin mula sa kanila.


Kunsabagay, inamin naman na ni Coco sa isa sa mga mediacon niya na si Julia na ang kanyang "the one."


Sa naging pag-amin ng celebrity couple, susunod na kayang aaminin ng mga ito ang diumano'y pagkakaroon na nila ng anak?


Ang tanong, kailan naman kaya balak nina Coco at Julia na magpakasal? Unless nagkaroon na pala sila ng isang secret wedding?!


'Kaloka naman!


 
 
RECOMMENDED
bottom of page