top of page
Search

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | June 8, 2023



Mukhang totohanan na nga at tinamaan na rin nang husto si Mavy Legaspi sa on-screen partner na si Kyline Alcantara.


Nang mag-guest kasi sina Mavy at Kyline sa programa ng King of Talk na Fast Talk with Boy Abunda, tila umamin na ang Kapuso young actor tungkol sa tunay na estado ng kanilang relasyon ni Kyline.


Kitang-kita sa body language nina Mavy at Kyline ang feelings nila para sa isa’t isa.


Hindi naman pinipigilan nina Carmina Villarroel at Zoren Legaspi na maging malapit ang kanilang anak kay Kyline. Nakikita naman nila kung gaano kasaya at ka-inspired ngayon si Mavy dahil sa young actress.


At for sure, wala pa rin naman sa isip ng dalawa ang pag-aasawa.


Sa katunayan, palaging pinapaalalahanan nina Carmina at Zoren ang kambal na anak na ‘wag nilang pababayaan ang kanilang pag-aaral, pati na rin ang career nila.


Sayang naman kasi ang mga oportunidad na ibinibigay sa kanila ng GMA Network. Hindi lahat ng Kapuso stars ay nabibigyan ng mga magagandang projects. Ang dapat na maging prayoridad ng kambal ay ang kani-kanyang career.


 
 

ni Reggee Bonoan @Sheet Matters | June 8, 2023



Oras ng pananghalian sa Australia nang umere ang Cristy Ferminute radio show nina ‘Nay Cristy Fermin at Romel Chika kahapon, Huwebes, at kung sakaling napanood ito ng aktor na si Diego Loyzaga sa One PH YouTube channel ay malamang hindi siya nakakain o baka umiyak pa.


Mabait si Nanay Cristy pero kapag nagalit, matindi.


Ayon sa mahabang litanya ng TV-radio host, “Diego, wala ka pa sa posisyon na pupuwede mong gawin ang ganyan. Ang pamilya mo ay mahal ko, ang nanay (Teresa) mo ay mahal ko.


Kahit sinuman sa pamilya Loyzaga, wala akong kinakitaan ng kabastusan.


“Ikaw ang bukod-tanging Loyzaga na bastos at ‘yan ay kaya kong panindigan kahit saan tayo makarating. Dalawang beses mo nang ginawa ‘yan, hindi na ‘yan mauulit, Diego Loyzaga!”


Nasabi ito ni ‘Nay Cristy dahil sa ginawang pag-atras o hindi pagsipot ng aktor sa live interview niya sa CFM nitong Miyerkules nang tanghali para sana sa promo ng pelikulang Will You Be My Ex na ipapalabas na sa Hunyo 21 under Viva Films.


Pero dahil sa teaser na, “Rebelasyon at pinagpipistahan, Diego Loyzaga, proud tatay na?” ay nawala na ang aktor at hindi na raw makapasok sa StreamYard.


“Alam mo (Diego), ‘wag naman kami! Not us! ‘Wag n’yo kaming pinaglololoko. Kayo pa bang mga kabataan ang hindi magkakaroon ng magandang internet (o) ng mga gadgets? Kung kami nga na mga ordinaryo lamang, pinaghahandaan namin ito.


“Kayo pa kaya na ‘yan na ang mundo n’yo, ‘di ba? Heto ‘yun, Diego, lumanding na ang kuwentong ‘yan sa mga pahayagan,” sabi pa ni ‘Nay Cristy dahil hindi siya naniniwalang nawalan ng internet ang aktor.


Kasunod nito, ibinuking na ni ‘Nay Cristy ang kanyang nalalaman, “Noong nakaraang Marso (2023) ay nagpunta ka sa konsolado ng Perth, Australia. May kasama kang babae na nagdadalantao, inaayos n’yo ang inyong mga dokumento. Noong Marso ‘yan, Hunyo na tayo ngayon.


“‘Yung babae, nanganak na, ‘di ba? Ano ba naman ‘yung itinuloy mo pa rin ang panayam namin sa ‘yo? Puwede mo namang sagutin na, ‘Puwede po ba, Tita, na ‘yung personal ko, ‘wag na nating salatin?’


“Napakabait namin sa ‘yo at hindi kami hihingi sa ‘yo ng detalye. At kung sasagutin mo ng ‘oo o hindi,’ maraming salamat. Ganu’n lang ‘yun, bakit ka natakot, bakit ka naduwag? Bakit umurong ang dapat umurong sa ‘yo?” kuwento ni Nanay Cristy.


Ang ikinagalit nang husto ng CFM host ay nang-iwan sa ere si Diego na mabuti na lang at may mga materyales ang programa.


Hindi lang daw kasi unang beses itong ginawa ng aktor kundi pangalawa na.


“Noong una, nang inaway-away ka ni Barbie Imperial tungkol sa sinabi kong nag-away kayo sa Golden Hills sa lumang bahay ng mga Loyzaga. Tumakbo sa ulanan itong si Barbie, tumakbo ka, hinabol mo siya at ibinalik mo siya sa bahay.


“Tinanong mo ako, ‘Sino po ba ang source n'yo?’ Ang sabi ko, sa hanay naming mga manunulat, hindi kami nagsasabi kung sino ang aming source. Basta detalyado kong mailalahad sa iyo kung paano kayo nag-away ni Barbie Imperial. Tapos ang sabi mo, ‘Ang mommy ko po ba ang source n’yo?'


“Of course, not! Bakit ka ipapahiya ng iyong ina mismo? Hindi magkukuwento tungkol sa ‘yo ang Mommy Theresa Loyzaga mo dahil kasiraan mo ‘yan.


“Una, pinagbigyan ka namin, pangalawa, ito na naman. Nabahag na naman ang buntot mo, bigla mo kaming iniwan na nakatiwangwang, nakat*nga. Mabuti na lang may nakahanda kaming mga materyales!


“Sa ikatlo, tapos ka na, Diego Loyzaga dahil hindi na kami makakapayag sa ikatlong pagkakataon na gagawin mo na naman kaming tanga!”


Dagdag pa ni ‘Nay Cristy, "Nakikiusap kayo ng promo, pero narinig mo lang ‘yung promo na pinagpipistahan na kung ikaw ba ay proud nang tatay, question mark pa? Sana, exclamation point na lang ang ginamit namin, tutal naman, ‘yun ang totoo, pero bigla kang nawala.


“Ano, ikakatwiran mo na hindi ka makapasok? ‘Wag mo kaming linlangin, ‘Wag mo kaming lokohin. Ang aga-aga mo, nasa news pa si Cheryl Cosim, nasa StreamYard ka na, bigla kang nawala? At Diego, wala ka pa sa estado na pupuwede mo kaming lansihin, wala ka pang gaanong napapatunayan.”


Samantala, pagkalipas nang dalawang oras na umere ang CFM ay nag-post na si Diego ng larawan nila ng anak na nakahilig sa kanya at ang caption niya ay, “The best birthday gift ever (emoji heart)."


Nagpadala kami ng mensahe kay Diego sa kanyang Instagram account para hingan ito ng reaksiyon kung bakit hindi siya natuloy sa panayam kina Nanay Cristy at Romel Chika nu'ng Miyerkules, pero wala kaming natanggap na sagot mula sa aktor hanggang sa matapos naming isulat ang balitang ito.


 
 

ni Beth Gelena @Bulgary Files | June 9, 2023




Sumanib na rin si Karla Estrada sa pagiging reservist sa Philippine Army. Ipinost ng TV host-singer sa kanyang Instagram Stories ang mga larawan niya kung saan makikitang nakasuot siya ng uniporme na pang-sundalo.


Ang inilagay na caption ni Karla sa naturang IG post: "Hindi ako basta mamshie! PHILIP'NE ARMY RESERVIST SOON! Para sa bayan kong mahal!"


Sa halip na makatanggap ng mga papuri sa mga netizens dahil sa masayang balitang ibinahagi ng TV host-singer sa kanyang social media, sandamakmak na “body shaming” comments ang inabot nito.


“Ang tanong, kaya pa ba niyang tumakbo? Charot.”


“Jusko! Hingal na hingal na ‘yan sa katawan niya. Hahahaha!”


“Lakas ng loob na maging reservist, ah! Sana, inatupag mo muna na magpapayat!”


Samantala, ang ilang netizens naman ay napuna ang maling spelling ni Karla sa word na Philippine.


"Paano i-spell ang Philip’ne? ‘Kaloka!"


"Philip’ne talaga?! Hahahaha! Mag-aral ka muna!"


"Hahahaha! Tamang spelling ng bansa ay hindi magawa, paano mo ipaglalaban ang Philippines niyan?! Hahahaha!"


"Lahat na lang sinawsawan ni Karla. Ano'ng participation niya ru’n!? Makasabay lang sa uso, eh. Tsk!"


Natawa naman kami sa komento ng isang ito, “Ano'ng gagawin niya ru’n? Shield?!”


"Sus! Kapag kailangan na siya, matutulala lang ‘yan tulad ng ginagawa niya sa Face-2-Face."


"Kaya ba ng katawan niya ‘yung training? Kung hindi, eh, di maging salbabida na lang siya ru’n. Hahahaha!"


Grabe naman ang mga komento kay Karla, ha?!


 
 
RECOMMENDED
bottom of page