top of page
Search

ni Beth Gelena @Bulgary Files | June 10, 2023




Matapos ang sunud-sunod na tsismis at balitang kumalat sa social media na tatay na si Diego Loyzaga, binulaga nito ang publiko kamakailan sa ipinost niyang picture sa kanyang Instagram, kung saan makikitang karga-karga nito ang kanyang baby.


Tinuldukan na nga ng aktor ang mga haka-haka at ipinakilala na niya ang bagong silang na anak bago dumating ang Father's Day.


Hindi na nagbigay ng iba pang detalye si Diego kung sino ang ina ng kanyang anak.


Basta caption ni Diego sa kanyang post: “Best birthday gift ever.”


Ang daming nag-congratulate sa aktor. Ang mga netizens ay walang tigil sa pagtatanong sa social media kung sino ang ina ng kanyang anak.


“Papa Diegs, congrats cuz!!! I guess I’m now a grand-tito,” ani ng Kapuso actor na si Gil Cuerva.


“Love you, Dawgs! Daddy D,” sey naman ni Billy Crawford.

“Congrats, bro! Hello there, my inaanak,” ayon naman kay Tim Yap.


Ang family ni Diego ay tuwang-tuwa dahil may nadagdag na naman daw sa kanilang pamilya. Sa katunayan ang kanyang ina na si Teresa Loyzaga ay may nickname na para sa apo.


“Yahooooo!! Glam-Ma Lola in the house!!! Mwah! Love u, anak @diegoloyzaga! Love you my, Pochola.”


Ang huling nakarelasyon ni Diego ay ang aktres na si Franki Russell, pero hindi rin sila nagtagal at kahit hiwalay na ay friends pa rin.


Bago si Franki ay naging kontrobersiyal din ang hiwalayan ni Diego at ni Barbie Imperial dahil nag-cheat umano ang aktor, na idinenay naman nito.


Sabi ni Diego, “Right now, I'm telling you. Nothing ever happened between me and her (Franki) like that. I can happily sit on this chair and say I never cheated on my partner.


“She (Barbie) knows that. I saw her two weeks ago at a club and I said, 'B, after everything we went through you really do know that I never cheated on you.' And she's like, 'Diegs, I know, I know.' 'Despite all the stories, are you sure you believe me when I say I never cheated on you? Because I hear stories that you believe that.' And she's like, 'No, Diegs, I know.'”


 
 

ni Nitz Miralles @Bida | June 10, 2023




“Popular now” ang status ng Facebook account ni 2019 Bb. Pilipinas Globe at Miss Globe 2019 2nd runner-up Leren Mae M. Bautista sa dami ng netizens na sumugod sa kanyang account.


Dahil ito sa balitang siya ang ipinalit ni Ricci Rivero kay Andrea Brillantes.


May mga sumugod para makitsismis, pero mas marami ang sumugod sa FB ng Los Baños councilor ding si Leren para lang i-bash siya.


Grabe ang mga words na ginagamit ng ibang netizens na galit sa kanya, lalo na nang malamang siya ang kasama ni Ricci sa birthday nito.


Nagkaroon ng feeding program sa mga constituents ni Coun. Leren si Ricci at ayun, sinugod na ang konsehala sa mga social media accounts niya.


May mga nakakatawang comment gaya ng “Iba talaga ‘pag beauty queen, ‘di lang crown ang nasusungkit.”


Pinansin din ng mga netizens na biglang dinelete ni Ricci ang pagla-like niya sa comment ni Leren na sinabing, “Once a Binibini, Always a Binibini.”


Wala talagang nakakalusot sa mga mapanuring mata ng mga netizens.


 
 

ni Ador V. Saluta @Adore Me! | June 10, 2023


Kahapon (Biyernes, June 9, 2023), ipinost ni Ricci Rivero ang tungkol sa tila estado ng relasyon nila ng actress na si Andrea Brillantes.


Bagama’t ‘di pinangalanan ng basketball player sa naturang post ang dyowa, alam naman ng lahat na mag-on sina Ricci at Andrea for almost a year na.


Ayon sa post ni Ricci, inaako niya ang pagkakamali na huwag isapubliko ang tungkol sa tunay na estado ng kanilang relasyon ni Andrea dahil pakiramdam niya ay ‘di na kailangan pang dagdagan ang mga pinagdaraanan nila ngayon.


“I own up to the mistake of not making my relationship status public because I felt there’s no need to add up to what we're going through.”


Pakiusap din ni Ricci na respetuhin ang kanilang desisyon para na rin maisalba pa ang pagkakaibigan nila ni Andrea.


“Please respect our decision to keep it to ourselves so that we can preserve what’s left of our friendship,” aniya.


Hiling din ni Ricci na sana ay huwag nang gumawa ang mga netizens ng iba't ibang istorya o mandamay pa ng ibang tao.


“I hope let’s stop creating your own versions and dragging other characters into these false accusations.”


Sa huli ay humingi ng paumanhin si Ricci sa mga nadismaya at nakiusap siya na payagan silang tahimik na makapag-move on.


“I am sorry for whatever disappointments it may have caused you — for everyone’s peace of mind, please allow ourselves to heal and move on peacefully without hate and pain.”


 
 
RECOMMENDED
bottom of page