top of page
Search

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | June 15, 2023




Inamin ni Andrea Brillantes na hindi pa niya fully accepted ang breakup nila ni Ricci Rivero dahil bago pa lang daw ito at kasalukuyan pa niyang ipino-process.


Sa guesting ni Andrea kahapon (Wednesday) sa Magandang Buhay, diretso siyang tinanong ng host na si Melai Cantiveros kung kumusta na ang puso ng aktres at kung malaya na rin ba.


Hindi naman iniwasan ni Andrea ang tanong at sinagot niya as honest as she could,

“'Yung puso ko po, tingin ko, okay naman siya. I mean kasi, it could be worse sa mga nagaganap ngayon.


“Puwedeng wala rin ako rito today kasi hindi ko kayang humarap sa mga tao. Pero tingin ko naman po, sa lahat ng nagaganap, okay siya ngayon,” sabi ng dalaga.


“Tapos, kung malaya na ba ‘ko, parang ‘di pa po ako malaya fully,” pag-amin ng aktres.


Paliwanag niya, “Tingin ko po kasi kapag sinabing freedom, may part doon ng acceptance.


Kasi na-accept mo na na kailangan mo nang i-let go ang mga bagay-bagay.”


Aniya, hindi raw madaling i-let go ang mga bagay-bagay, lalo pa nga’t totoo ang kanyang pagmamahal.


“Ako po kasi, aminado ako na since ang bagu-bago pa lang po talaga ng lahat, at alam mo 'yun, naging totoo kasi sa akin lahat, ako, nagmahal ako nang totoo, hindi ko 'yun male-let go agad-agad,” she said.


“So, hindi ko masasabing malaya ako ng 100% kasi may mga bagay pa na ayaw ko pang pakawalan and may mga bagay pa na ipino-process ko pa. Kasi ganu’n naman talaga,” paliwanag pa niya.


Aniya pa ay kailangang namnamin niya ang kanyang nararamdaman sa ngayon para makapag-heal siya nang maayos.


“Normal lang naman na dapat ay namnamin ko ang mga feeling na ito para makapag-heal ako nang maayos.


“Ayaw ko namang maging pretentious na maki-trend lang na ‘I'm unbothered,’ para lang masabi na unbothered. Aminado ako na nakakaramdam ako kasi tao pa rin po ako,” saad ng dalaga.


Sa ngayon ay mas pinipili na lang ni Andrea na maging masaya that’s why ayaw na rin niyang patuloy na magsalita pa about the breakup.


“Pinipili kong maging masaya at pinipili kong… kahit gusto kong magsalita ay pinipili kong huwag na lang, para walang gulo.


“Kahit ang dami kong gustong gawin ay pinipili kong piliin na lang ang sarili ko at mag-focus sa kung ano ang meron ako at sa mga taong nagmamahal sa akin,” sey niya.


Humanga naman ang tatlong hosts na sina Melai, Regine Velasquez at Jolina Magdangal sa pagiging mature ni Andrea sa pagharap sa ganitong bagay.


Nag-guest si Andrea sa Magandang Buhay to promote her new project sa ABS-CBN at puring-puri nga ng tatlo ang aktres na kahit may pinagdaraanan ay very professional pa ring humaharap sa trabaho.


 
 

ni Beth Gelena @Bulgary Files | June 15, 2023




Nag-guest si Judy Ann Santos sa programa ng King of Talk na Fast Talk with Boy Abunda at dito nga ay inamin niya na nagrebelde siya noong kabataan niya.


Pag-amin ni Juday kay Kuya Boy Abunda, “Para sa sarili ko, sa pagkakataong ito, puwede kong sabihin na nu’ng nagsisimula ako sa teen-age years, umiinom ako, lumalabas ako at naglalasing ako. I think ‘yun ‘yung rebellious point ko na talagang pakawala ako.


“At that time lang, walang social media, walang pruweba, walang ebidensiya. Pero hindi ako nagwawala sa hindi ko bahay, o hindi pribadong lugar.


“Hangga't maaari, hindi talaga ako pupunta sa isang inuman na masama ang loob ko, na alam ko na ang gusto kong gawin ngayong gabi ay ang magwala.


“Ina-allow ko 'yung sarili ko na kailangan kong pakawalan itong galit na 'to. Kailangan kong pakawalan ang mga frustrations na 'to kasi otherwise, may maaapektuhan akong tao. May maaapektuhan akong trabaho and they don't deserve na maapektuhan sa kung ano’ng pinagdaraanan ko,” dugtong pa niya.


Noong time na ‘yun ay nakilala at sumikat na rin nang husto ang aktres dahil sa kanyang galing sa pag-arte. Pumatok ang una niyang pinagbidahang teleserye na Mara Clara at doon na nga nagsunud-sunod ang mga proyekto ng premyadong aktres, mapa-TV o pelikula man.


Sabi nga ni Judy Ann, “Nu’ng ginagawa namin ni Gladys Reyes ang Mara Clara, akala namin ay hindi ito magugustuhan ng mga tao kasi nga patay ang oras na ‘yun (time slot ng nasabing series).


“Pero nagulat kami na pumatok ang serye namin sa mga manonood at du’n na nagsimula ang mga sunud-sunod na projects ko. Nakagawa ako ng tatlong pelikula sa isang taon. Thank you sa Regal Films at sa Star Cinema.”


 
 

ni Nitz Miralles @Bida | June 15, 2023




Kinilig ang mga fans nina Bea Alonzo at Dominic Roque sa naging sagot ng aktor sa Mega tungkol sa engagement nila ng dyowang aktres, “It will, it will be next. Soon.”


Kaya ayun, nagwala na ang mga supporters ng celebrity couple at waiting na raw sila kung kailan ang “big day” nina Bea at Dominic.


May isang netizen pa nga ang nakapansin na tila walang hesitation ang aktor sa pagsagot sa tanong kung kailan siya magpo-propose sa girlfriend. Which means, sure na sure na nga ito na si Bea na ang babaeng pakakasalan niya.


Na-interview si Dominic sa The Mega Ball Art and Fashion habang katabi si Bea. Hindi na tinanong pa ang aktres, pero kinilig din ang kanilang mga fans sa sinabi niya patungkol sa boyfriend na, “You were absolutely the best part of my night, @dominicroque.”


Pati ang mga kaibigan ni Bea sa showbiz ay napa-comment na rin. May nabasa lang kaming nakakatawang komento na sinabing sana ay ‘di na nagsuot ng high heels ang aktres dahil nagmukha tuloy mas matangkad siya kay Dominic.


Samantala, may nakita kaming picture ng taping ng newest talent show sa GMA-7 na Battle of the Judges. Makikitang magkatabi sina Bea at Alden Richards na nagkaroon ng issue dahil sa pag-atras ng aktres sa kanilang movie project.


Isa si Bea sa mga judges ng nasabing talent competition habang si Alden naman ang magiging host nito. Natutuwa ang kani-kanyang mga fans nila na muling magkakatrabaho ang dalawa.


Bukod sa host, mga judges at contestants, isa sa mga aabangan sa Battle of the Judges ang stage ng talent show na concept ng kanilang director na si Rico Gutierrez.


Ang ganda-ganda at ang bongga-bongga ng porma at ayos ng stage ng nasabing newest talent competition ng Kapuso Network.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page