top of page
Search

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | July 1, 2023




Bagama’t nagbigay na ng kanyang panig si Ricci Rivero hinggil sa breakup nila ni Andrea Brillantes at nagpaliwanag na tungkol sa diumano’y babaeng nahuli ng aktres sa kanyang condo, hindi pa rito natatapos ang lahat dahil marami ang hindi umayon sa kanyang mga sinabi.


Sa vlog ni Ogie Diaz with Mama Loi and Dyosa Pockoh ay ini-reveal niyang madalas umanong maabutan ni Andrea ang girl sa condo at hindi lang ito isang beses na nangyari.


Matatandaang ayon sa paliwanag ni Ricci, hindi sa kanya ang girl kundi sa friend niyang isa ring basketball player.


Ani Ogie, “Ito ‘yung naabutan ni Andrea sa unit ni Ricci na nandu’n na naman ‘yung girl. Na naman. And when you say ‘na naman,’ oh, ibig sabihin, ilang beses sigurong nakita na ito ni Andrea Brillantes.”


Dagdag pa niya, may nakatsikahan daw siyang friend ni Andrea na nagsabing nakakawala raw ng respeto ang ginagawa ni Ricci.


“Ito’y according sa kaibigan ni Andrea na common friend naming dalawa. Na parang ang dalas daw kasing nangyayari na nandu’n ‘yung girl.


“Pero ipinaliwanag naman daw ni Ricci kay Andrea. At ito’y naintindihan naman daw ni Andrea na ‘yun ay bisita ng kanyang tropang player,” tsika ni Ogie.


Kinuwestiyon din nila kung bakit kailangang sa unit ni Ricci magkita ang player at girlfriend nito gayung may GF din siya na puwedeng maka-misinterpret.


Oh, ‘di kaya, sana raw ay sinasabi na beforehand ni Ricci kay Andrea para hindi na nagugulat ang aktres at naghinala ng kung anu-ano.


Diretsahang sinabi ni Ogie na ‘echoserong palaka’ lang daw si Ricci sa excuse tungkol sa girl.


Kaya naman, hinamon ni Ogie ang girl at ang basketball player friend ni Ricci na lumantad din para naman mas maging malinaw at hindi masabing ‘echos’ lang ang mga sinasabi ng ex ni Andrea.


Maraming tao kasi ang hindi naniniwala sa paliwanag ni Ricci at katakut-takot na pamba-bash pa rin ang nararanasan nito. Kaya dapat daw ay lumabas din ‘yung girl at BF niya para protektahan din si Ricci.


Well, let’s see kung kakasa sa hamon ang mga kaibigan ni Ricci.



STILL on Ricci-Andrea breakup, naglabas din ng kanyang opinyon ang batikang manunulat-radio and TV host na si Cristy Fermin tungkol sa issue at hindi rin niya nagustuhan ang ginawang pagsasalita ng basketbolista.


“Tama ba naman na pati ‘yung pagtulog nila sa bahay ng isa’t isa, ikuwento pa ng kalalaking tao, ‘di ba, ang daldal? Napakadaldal,” sey ni ‘Nay Cristy.


“Si Andrea nga, walang sinasabi, ‘di ba? Kababaeng tao pa. Tapos ‘yung lalaki, eh, kuda nang kuda.”


Payo ni ‘Nay Cristy kay Ricci, “Dapat may garter ang dila, alam kung ano ang nararapat sabihin sa publiko, alam kung ano ang kailangang kanila na lang.”


Samantala, pinuri rin ni ‘Nay Cristy ang tahimik na pagmu-move on ni Andrea.


Hindi raw ito nagsasalita sa issue at tila wala ngang nangyaring breakup nang makita ito na nagsasayaw at nag-e-enjoy sa concert ni Bruno Mars.


“Maaaring nandu’n ang pagtatakip sa kanyang emosyon. Ang maganda lang, mahusay magdala si Blythe, ‘di ba? Mahusay siyang magdala ng problema.


“Bakit mo nga naman masyadong iiyakan? Ba’t nga naman matatapos ang mundo mo nang dahil lang sa isang lalaki na nanakit sa 'yo?” sey ni ‘Nay Cristy.


 
 

ni Reggee Bonoan @Sheet Matters | June 23, 2023




Ang former beauty queen na si Priscilla Meirelles na misis ng aktor na si John Estrada ang latest victim ng Banco de Oro (BDO) online scam pagkatapos ng mang-aawit na si Gigi de Lana.


Matatandaang nitong Martes (Hunyo 20) nang gabi lang ay nag-post si Gigi sa kanyang Facebook account na ninakawan ang kanyang BDO account.


Aniya, “Ninakawan ako sa BDO, kinuha ang lahat ng laman. Pang-medical bills sana ‘yun ni Mama, kaso wala kayong awa. Sinabihan pa ako sa phone call ng, ‘Get well soon po kay Ma’am Gigi.’


“Tapos after nu’n, tuluy-tuloy na akong ninakawan hanggang sa maubos ang laman. Grabe kayo! ‘Di na kayo naawa. Please, ‘wag kayong mang-scam or magnakaw.”


Hanggang ngayon, wala pang balita kung naayos na ng Banco de Oro (BDO) ang problema ni Gigi, pero heto at may bagong personalidad na namang nagrereklamo sa kanila.


Ipinost ni Priscilla ang art card ng BDO with warning alert sa kanyang mga IG Stories kagabi, “Oh my gosh!!! I’m so stressed. BDO online remitted a payment I did ONCE — 3 times to the same merchant and told me after waiting for 30 minutes or so on the line that I need to call the merchant to ask for my money back because most likely there was an error in their application. That’s so irresponsible and I am so shocked! What kind of bank does that?!”


Sa matagal na panahong kliyente si Priscilla ng nasabing bangko ay hindi niya naisip na mangyayari ito sa kanya.


“I have been a client of BDO since 2010. I have been a client of other banks here and abroad and I never in my wildest dreams thought this could happen and the bank would tell me, ‘SORRY our bad but you need to find your ways because we won’t.’


“I am astonished! That’s so bad and so irresponsible. Please be aware, because I am sure I am not the only one that encountered this problem.


“They will let me know in 3-5 bank business days what they can do for me, and in the meantime, my money is GONE.


“I just reported the incident that happened to me to BSP (Bangko Sentral ng Pilipinas).”


May payo rin si Priscilla sa lahat ng naging biktima ng ganitong klase ng online scam, ‘di lang sa BDO, pati na rin sa iba pang bangko.


“If you are also a victim of irresponsible BANKS like BDO in the Philippines, you may report it to the website below (BSP.GOV.PH). Let’s not be quiet about it. Victim mentally no more, take action!”


Kung nangyayari ang mga ganitong insidente sa mga kilalang personalidad, paano pa kaya sa mga ordinaryong netizens na nabibiktima rin umano ng online scam sa Banco de Oro?!


Anyway, bukas naman ang BULGAR para pakinggan ang panig ng BDO.


 
 

ni Julie Bonifacio @Winner | June 23, 2023




Dalawang beses na-postpone ang guesting ng sikat na vlogger na si Zeinab Harake sa afternoon talk show ng King of Talk na si Boy Abunda sa GMA-7, ang Fast Talk with Boy Abunda.


Hindi naman ito dahil nag-feeling star at nag-a-attitude na si Zeinab.


Kuwento ng vlogger, nag-locked jaw siya dahil 'di balanced ang kanyang katawan. 'Yun daw ang naging epekto ng masyadong napupuwersa ang isang side ng kanyang katawan.


Isa sa mga rason nito ay ang madalas na pagbubuhat niya sa kanyang bunsong anak.


Say naman ng katsika naming showbiz kibitzer, ‘di raw kaya epekto ‘yun ng bagong retokeng set of teeth ni Zeinab ngayon?


Halata at mapapansin talaga ang bagong ayos na mga ngipin ni Zeinab. At okey lang naman ito dahil nag-aartista na rin siya ngayon.


Saka, lalong ikinaganda ng vlogger ang mga bago niyang ngipin, huh? Artistang-artista na talaga ang datingan ni Zeinab.


And for sure, pagkamahal-mahal ng pagpapagawa ni Zeinab sa kanyang mga ngipin. Sa laki ng kinikita nito sa pagba-vlog niya, according to her, umaabot sa seven digits sa isang buwan ang kanyang kinikita, kering-keri niya kahit ilandaang libong piso pa ang gastusin niya, ‘noh!


When asked sa interview kung ano ang idudugtong niya sa phrase na “Ako si Zeinab…,” sabi ng sikat na vlogger, hinding-hindi na raw siya maghahabol sa taong hindi worth ang pagmamahal niya, na tipong may patama sa dati niyang karelasyon at ama ng kanyang mga anak na si Skusta Clee.


And during her live guesting sa Fast Talk ay kasama ni Zeinab na dumating sa studio ang basketbolistang si Bobby Ray Parks, Jr..


Dito ay proud na inamin ni Zeinab kay Kuya Boy na sila na ni Bobby.


Pahayag ng vlogger, “Natutuwa ako na kami na kasi parang hindi boyfriend ang nakita ko.”


Pero pinigilan ni Zeinab ang sarili sa mga papuri pa niya kay Bobby dahil aniya, baka raw mausog ulit ang kanyang love life.


“He’s really a good man po kasi at pinatunayan naman po niya sa akin na hindi ko na kailangang ipagtanggol ang sarili ko. Meron nang magtatanggol sa akin,” ngiti ni Zeinab.


Sana nga.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page