top of page
Search

ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | April 14, 2021



ree

Labis naming ikinalungkot ang balitang kasalukuyang nakikipaglaban sa COVID-19 ang dating aktres at ngayo’y bokal (board member) ng 3rd District ng Laguna na si Angelica Jones at ang kanyang pamilya.


Sa kanyang Facebook page, ipinaalam ni Angelica ang malungkot na balitang nagpositibo siya sa nasabing killer virus gayundin ang 62-year-old mom niyang si Beth Jones at ang 8-year-old son na si Angelo. Kasalukuyan silang naka-confine sa ospital at ang mommy niya ay nasa ICU (intensive care unit).


“Me, my mom and Angelo are positive of COVID-19.


“Humihingi kami po ng inyong patuloy na dasal, malampasan namin itong pagsubok. PLEASE PRAY FOR MY MOM Beth Jones, NASA ICU po siya,” ang post ni Angelica.


Nagbahagi rin ang dating aktres ng larawan nila ng kanyang anak habang nasa hospital bed.

Dagdag pa niya ay may pneumonia raw sila ng ina, bukod pa sa may asthma siya.


Matatandaang sumikat si Angelica noong 2003 at binansagang Miss Flawless. Naging leading lady siya ni Vhong Navarro sa pelikulang Mr. Suave.


Dasal namin ang paggaling ni Angelica at ng kanyang pamilya.




 
 

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | April 14, 2021



ree

'Kaaliw din naman itong si Joshua Garcia. Imagine, binulabog niya ang social media dahil sa post niyang natagpuan na raw niya ang kanyang new love.


Post ng ex-boyfriend ni Julia Barretto, “My new love, Marley.”


Talaga namang mamahalin ni Joshua si Marley dahil isa pala itong golden retriever puppy.

Caption ni Joshua sa kanyang new love, "I promise I'll take care of you."


Sobra ang pag-aalaga ni Joshua sa kanyang bagong love.


Si Marley ay gift ni Moira dela Torre, kung saan nag-collab sina Joshua at Julia Barretto sa music video ni Moira na Paubaya.


Komento ni Moira sa picture ni Marley, "Match made in heaven."

May mga nagsabi namang, "Paw-baya."





 
 

ni Nitz Miralles - @Bida | April 14, 2021



ree

Sa interview kay Richard Yap ng 24-Oras, inamin nitong nagka-COVID siya last year, nu'ng unang bugso pa lang ng pandemic. Inamin niya sa interview ni Lhar Santiago ang hirap na pinagdaanan niya nang magka-COVID.


“At the time, there was still no treatment for it. Also there’s no one who can help you, you have to be all by yourself, so psychologically, it was really very hard. There was nothing I could do but pray,” pahayag ni Richard.


Sa patuloy na pagtaas ng COVID case sa bansa, nagpo-focus si Richard sa kanyang health by working out at tamang kinakain. Kumuha siya ng personal trainer para siya’y matulungan o i-guide.


May kinalaman din sa sisimulang taping nina Richard at Heart Evangelista ng series na I Left My Heart in Sorsogon ang pagsabak niya sa workout. Ayaw daw niyang magmukhang bodyguard ni Heart kapag magkasama sila sa eksena at kailangan, nasa kondisyon ang kanyang katawan.


Nabanggit pala ni Richard na fan ni Heart ang anak niyang babae, kaya masaya ang anak na makakatrabaho niya si Heart. Tiyak, gugustuhin ng anak ni Richard na makilala nang personal ang bagong leading lady ng ama.



 
 
RECOMMENDED
bottom of page