top of page
Search

ni Julie Bonifacio - @Winner | October 03, 2021



ree

In just one week, meron na agad mahigit 85K subscribers ang YouTube channel ng Star for All Seasons na si Lipa City Congresswoman Vilma Santos-Recto.


Daang libo na rin ang views ng kauna-unahan niyang vlog tungkol sa mga napanalunan niyang acting trophies.


Hindi lang sa Facebook at YouTube active si Congw. Vi, or should we say Ate Vi sa showbiz, kundi pati ang online platform na Kumu ay pinasok na rin niya.


At naganap nga ang unang appearance ni Ate Vi sa Kumu community. As expected, inulan ng malalaking “gifts” sa Kumu ang live kumustahan ni Ate Vi with the “Kumunistas.”


May lechon, crown, diamond, kotse at kung anu-ano pang gifts with malalaking corresponding points/pesos.


Na-overheard namin during Ate Vi’s live appearance sa Kumu with son Luis Manzano na sa dami ng nagbigay ng diamond, naitala agad na pasok sa Top 10 most number of ‘diamond gifts’ na nabigyan sa isang Kumu event ang Star for All Seasons.


Enjoy na enjoy naman si Ate Vi sa ginagawa nila ng kanyang eldest son.


May mga nagtanong from the Kumu community din ang sinagot ni Ate Vi like kung sinu-sino ang gusto niyang maka-collab sa pagba-vlog.


Parang may nag-mention ng name ni Megastar Sharon Cuneta kay Ate Vi na gusto nilang magkasama sa isang vlog.


“Pero sana 'pag puwede na ‘yung physical, Anak, eh. I hope soon may vaccine na tayo, Anak. Fully vaccinated. 'Pag medyo mas clear na ang environment, I’m looking forward na mag-collab kami ni Shawie, my friend, oo.”


Definitely, top on her list ang names nina Megastar, Diamond Star Maricel Soriano, and of course, ang Superstar at kumare ni Ate Vi na si Nora Aunor.


“Marami akong iko-collab. Marami akong puwedeng i-collab. Puwedeng si Maricel, si Maria, meron na ring vlog, si kumare ko, si Ate Guy! Meron na rin,” na ikinagulat naman ni Luis.

Hindi na-inform si Luis na may YouTube channel na ang Superstar.


“So, maraming puwedeng pag-usapan namin na maise-share namin sa kanila,” say pa ni Ate Vi.


 
 

P15 MILYON


ni Ador V. Saluta - @Adore Me! | April 16, 2021



ree

Mahigpit ang pinagdaraanan ng dating ABS-CBN news anchor na si Anthony Taberna dahil sa kasagsagan ng COVID-19 pandemic, pinagnakawan siya ng kanyang kasosyo sa negosyo ng halagang P15 milyon!


Ilang buwan ding pinag-isipan ni Ka Tunying (palayaw niya) ang pagsasampa ng kaso, at ngayo'y pormal na itong naghain ng kasong qualified theft laban sa dating pinagkakatiwalaan na finance chief at manager ng isang branch ng bangko na umano’y tumangay sa kanyang pera.


Base sa ulat ng Inquirer, nagtungo sa Quezon City Prosecutor’s Office si Anthony Taberna nitong Miyerkules, Abril 14, upang magsampa ng kaso laban kina Ernie Patrick Aquino na dating Finance at Administrative head ng A. Taberna Foods.


Kabilang din sa kanyang kinasuhan ang branch manager ng bangko na pinagbuksan ng account, si Gualberto Baluyot II, matapos ilipat ang P15.38 milyon sa personal bank account ni Ernie Patrick.


Sinabi umano ng dating pinagkakatiwalaan ni Ka Tunying na maayos ang takbo ng kanilang negosyo hanggang sa nalaman ng komentarista nu'ng Nobyembre, 2020 na tumalbog ang tsekeng inisyu sa kanya.


Bagama’t wala umanong pahintulot mula sa board ng kanyang kumpanya, nagbukas si Aquino ng pitong iba’t ibang bank accounts, ayon sa isang auditing firm na kanyang kinuha upang mag-imbestiga sa pagpapatakbo ng kanyang kumpanya.


“In the last week of November, 2020, several checks issued by A. Taberna Foods to suppliers were dishonored despite the supposed availability of funds. Upon inquiry with (the bank), the company discovered that respondent Aquino was able to open seven other bank accounts under the name of Taberna Foods,” saad ni Taberna sa kanyang inihaing reklamo.


Base sa pahayag ni Anthony, tila planado ang lahat dahil mismong si Ernie Patrick umano ang nagkumbinse sa kanya na magbukas ng account sa nasabing bangko sa kadahilanang makakatulong si Gualberto.


 
 

ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters | April 14, 2021



ree

Sa 2022 national elections ay nagpaplanong kumandidatong senador si Leyte 4th District Representative Lucy Torres pagkatapos makasama ang pangalan niya sa latest survey ng Publicus Asia, Inc..


Sa nasabing survey ay pang-lima ang magandang maybahay ni Ormoc City Mayor Richard Gomez sa Top 5 senators habang nangunguna si Manila Mayor Isko Moreno, ikalawa si Sen. Manny Pacquiao, ikatlo si Dr. Willie Ong at ika-apat naman si Sorsogon Gov. Chiz Escudero.

Lumabas ang balitang kinumpirma raw ni Goma na gustong tumakbo ng wifey niya sa pagka-senador sa 2022, pero depende pa rin sa resulta sa mga gagawing surveys ng iba’t ibang grupo.


Ang statement naman ni Congw. Lucy sa kanyang official Facebook page tungkol sa plano niya, “Only God knows, only time will tell. For now, I have a job to do as Representative of the 4th District of Leyte.”


Sa madaling salita, bukas ang pinto niya sa planong pagkandidato bilang senador.


At ang daming nangakong susuportahan siya base sa mga komentong nabasa namin.


“Go Madame! The Senate needs an erudite woman, a true Bisaya that is supportive of this administration. Help in advancing the interests of VisMin and further push out the Dilawan party filled with dubious intentions. The way you defended the anti-terrorism bill despite the hullabaloos of the unread wokes is truly admirable.”


“One vote here Ma’am but can convince my family and more people to support your journey to the Senate.”


 
 
RECOMMENDED
bottom of page