top of page
Search

Erlinida Rapadas - @Teka Nga! | April 10, 2021



ree

Naging emosyonal si Ruffa Gutierrez nang ihatid sa airport ang kanyang panganay na anak na si Lorin Gabriella Bektas. Sa Los Angeles, USA na mag-aaral ng kolehiyo si Lorin. Matagal na niyang pangarap na makapasok sa University of California, Los Angeles (UCLA).


Para sa isang ina na tulad ni Ruffa, mahirap na malayo sa anak lalo na't babae ito. Maninibago siya at labis na mag-aalala sa magiging buhay ni Lorin na solong mamumuhay sa Tate.


Pero malaki ang tiwala niya kay Lorin at alam niyang malakas ang loob ng anak. Malayo man sa isa't isa, titiyakin ni Ruffa na may regular silang communication ni Lorin at safe ito sa titirhan.


Ang bunsong anak na si Venice ang magiging kasa-kasama ni Ruffa kaya hindi siya masyadong malulungkot.


Balak din ni Venice na sa America mag-college kaya dapat nang masanay si Ruffa na hindi na niya makakasama nang madalas ang mga anak.


At panahon na rin siguro na sarili naman ni Ruffa ang pag-ukulan niya ng pansin at panahon. Pinapayagan naman siya ng kanyang mga anak na muling magkaroon ng love life. Tutal naman ay ayaw na rin niyang balikan pa ang ama ng kanyang mga anak na si Yilmaz Bektas.




 
 

ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters | April 10, 2021



ree

Inamin ng mag-asawang Alex Gonzaga at Mikee Morada na wala pa sa plano nila ang magkaroon ng anak dahil gusto nilang i-enjoy na silang dalawa lang muna.


Inamin ito ng aktres/TV host/vlogger kay Dra. Vicki Belo sa YouTube channel ng celebrity doctor.


“Wala pa kaming plano ni Mikee kasi ini-enjoy pa lang namin 'yung isa’t isa. Kung kailan ibigay ni Lord, kasi wala naman kaming contraceptive. Minsan, tinatamad ako!” say ni Alex.

Dagdag pa nito, “Sobrang sarap makasal, sa totoo lang. Kasi every night, there’s swab test.”

Naloka ang celebrity doctor sa term na ginamit ni Alex, “Hoy, sa ilong ‘yung swab. Ibang swab yata iniisip mo!”


Seryoso kasing kausap si Doc Vicki kaya naloka siya kay Alex.


“Ibang swab talaga ‘yung ginagawa namin. Pero talagang positive, negative, talagang positive pa rin,” tumatawang sabi ng maybahay ni Mikee.


Sa magkapatid na Toni at Alex ay mas agresibo ang huli kaya naman todo-bantay ang Mommy Pinty Gonzaga niya noong hindi pa sila kasal ni Mikee at alam ito ni Doktora Belo.


Kuwento ng mama ni Scarlet Snow, “Mommy Pinty is super strict. Talagang bantay-sarado. Actually, Alex is never alone with Mikee. Ang taga-bodyguard pa nu’n, ang kapatid ni Mommy Pinty.”


Sabi ni Alex ay pinapayagan naman daw siya ng nanay niyang makipag-date kay Mikee nang walang bantay at 'pag may work siya, 'yung road manager niya ang bantay niya.


“But the thing is, nu’ng nag-pandemic, siyempre, bawal lumabas, bawal mag-date. Siyempre, ang tagal-tagal kong hindi nakita si Mikee. Siguro, mga three months kaming hindi nagkita bago siya nakabisita sa bahay namin. Siyempre, gusto mo siyang yakapin pero nakatingin ang mommy. Kahit daplis lang, wala,” pahayag ni Mrs. Morada.


Diretsong tanong ni Doc Vicki, “Aminin mo talaga since kasal ka na, wala talagang nangyari?"

“Wala. Kiss lang,” sabi kaagad ni Alex.


Sundot na tanong, "Saan?”


“Alam mo, panonoorin ng mommy 'to. Mamaya na. Ikaw talaga,” tumawang sabi ni Alex kay Dra. Vicki.


Dagdag-kuwento pa, “Actually, not about the physical pero gusto mo na talagang makasama si Mikee kasi aalis siya, tapos hindi mo na alam kung kelan next na magkikita, kasi siyempre, taga-Lipa pa siya. Tapos, ‘pag papasok na ako sa kuwarto ko, ang lungkot ko na. Sasabihin ko, ‘Mommy, payagan n’yo na ako please mag-overnight.' Ang sagot niya, ‘Hindi! Pakasal na lang.'”


Samantala, may planong magpakasal sa simbahan sina Mikee at Alex pagkatapos ng lockdown.


“Meron kasi akong gown. Wala pang one-month ng proposal, bumili ako ng gown sa Singapore. Bigla na lang nagka-pandemic. Siyempre, nanghihinayang ako. Sobra akong nanghinayang,” saad nito.







 
 

ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | April 10, 2021



ree

Nagpahayag na rin ng pagkaalarma at pagkadismaya ang Asia’s Songbird na si Regine Velasquez sa nangyayari ngayon sa bansa. Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na mataas pa rin ang bilang ng COVID-19 cases natin at parami nang parami ang mga nasasawi.


“Bakit parang pinabayaan na lang tayo? Kani-kanya, matira matibay, ganu'n na lang ba talaga? People are dying, people we know, relatives, friends! Every single day, may nalalagas sa atin.



ree


“What’s happening?” ang tweet ni Regine kahapon.


As expected, may sagot agad ang mga trolls and bashers sa kanya.


“Hindi tayo pinabayaan, walang gusto sa kung anong nangyayari sa 'tin ngayon... We just need to pray and help each other out! Huwag nating isisi sa gobyerno lahat... We can do things even small things to help others, lalo na kung may kakayanan tayo para tumulong...” sagot ng isang netizen.


Pero marami rin naman ang umayon kay Regine at nakahanda na rin ang mga fans niya na ipagtanggol siya sakaling magkakaroon na naman ng hate campaign ang mga DDS sa Asia’s Songbird.


“Wala siyang minention na pangalan kaya 'wag umeksena ang mga keyboard warrior dito. Love you Mama Reg. PROTECT REGINE VELASQUEZ AT ALL COST!” ang pagtatanggol ng isang fan ni Songbird.





 
 
RECOMMENDED
bottom of page