top of page
Search

ni Jasmin Joy Evangelista | September 2, 2021



Ibinunyag ni Sen. Risa Hontiveros na wanted umano sa Taiwan ang mga tao sa likod ng kumpanyang Pharmally na ginawaran ng pamahalaan ng bilyun-bilyong halaga ng kontrata para sa samu't saring pandemic supplies noong 2020, na sinasabi namang overpriced.


"Why is this government transacting with fugitives? Bakit tayo nakikipagnegosyo sa mga taong may warrant of arrest pa nga sa ibang bansa?" tanong ni Sen. Risa Hontiveros.


Kung nag-research lang daw sana tungkol sa Pharmally si dating Budget undersecretary Lloyd Christopher Lao, makikita sa mismong website ng Ministry of Justice-Investigation Bureau ng Taiwan na wanted doon si Huang Wen Lie o Tony Huang, chairman ng Pharmally International Holdings, dahil umano sa pandaraya, pagmamanipula ng stocks, at pandarambong.


Dagdag pa ng senadora, ang anak ni Lie na si Huang Tzu Yen na incorporator o stockholder naman ng Pharmally Pharmaceutical Corp. at Pharmally Biological Inc. ay wanted din daw dahil sa stock manipulation.


Lumabas din ang mga pangalang Rose Lin at Gerald Cruz bilang incorporators ng Pharmally Group of Companies at Full Win. Si Michael Yang na kaibigan ni Pangulong Rodrigo Duterte ay nakaupo sa Full Win Philippines, at dating presidential adviser on economic affairs.


"Bakit hindi ito naamoy man lang ng ating mga awtoridad? Publicly available ang mga impormasyong ito," ani Hontiveros.


Mabilis namang itinanggi ng Malacañang ang mga pahayag ni Hontiveros.


"Ultimately, it's the price and the specification that matters. Sa presyo po ang labanan, kahit sino ka man... Wala pong kinalaman ang mga personalidad, ang tiningnan, presyo at saka 'yung kalidad," ani Presidential spokesman Harry Roque.

 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | July 1, 2021



Nagsumite ng resolution si Senator Risa Hontiveros upang ideklarang National West Philippine Sea Victory Day ang July 12 bilang paggunita sa arbitral win ng bansa laban sa China.


Saad ni Hontiveros, "That signal victory in the Hague, it signaled that the world, under the United Nations Convention on the Law of the Sea, recognizes and with the Philippines upholds our national sovereignty in the West Philippine Sea vis-a-vis the regional giant China.


Samantala, ayon kay Hontiveros, inihain niya ang Proposed Senate Resolution No. 762 para na rin magunita ng mga Pinoy na sa ilalim ng administrasyon ni dating Pangulong Benigno "Noynoy" Aquino III napanalunan ng Pilipinas ang arbitrary court.


Aniya, "(The next generation) will not lose memory in this wave of disinformation and misinformation about our victory... para rin magunita ng Pilipino it was the late President Noy who is the father of our victory at The Hague.”


 
 

ni Mary Gutierrez Almirañez | May 19, 2021





Pinalagan ni Senator Risa Hontiveros ang rekomendasyon ni Presidential Spokesperson Harry Roque na i-require munang magpabakuna kontra COVID-19 ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4P’s) beneficiaries bago sila bigyan ng ayuda o financial aid.


Aniya, “Hindi dapat binu-bully ang publiko para magpabakuna. Kaunting galang at respeto naman sa mga mahihirap. Walang kondisyon sa 4Ps law na kailangan, vaccinated ang recipients.”


Dagdag pa ni Hontiveros, “Imbes na pananakot, incentives ang dapat na ialok sa publiko para sila ay magpabakuna. Tulad halimbawa ng grocery packs o kaya naman ay paid vacation leave.”


Kaugnay ito sa sinabi ni Harry Roque patungkol sa 4P’s beneficiaries kamakailan.


Ayon pa kay Roque, “Ang daming nakikinabang sa programa na ‘yan at kapag naisama sa condition na ‘yan ay maraming mababakunahan lalung-lalo na sa hanay ng mga mahihirap.”


Matatandaan namang pinaboran ni Pangulong Rodrigo Duterte ang rekomendasyon na gawin na ring prayoridad sa vaccination rollout ang mga mahihirap.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page