top of page
Nadine Lustre - Zero Studio PH.jpg
Search

by BRT @News | October 5, 2026



Sens. Loren Legarda at Alan Peter Cayetano - Senate PH

Photo: Sens. Loren Legarda at Alan Peter Cayetano - Senate PH



Inamin umano ni Sen. Loren Legarda na nagkamali siya nang sumama sa grupo ni Sen. Alan Peter Cayetano na nagpatalsik kay dating Senate President Vicente Sotto III noong Mayo 11.


Ayon kay Sen. Panfilo Lacson, sinabi mismo sa kanya ni Legarda na mali ang naging desisyon niya.


“The last time we talked, she admitted that she made a mistake,” ani Lacson sa panayam sa dwIZ.


Sinabi rin ni Lacson na bukas ang majority bloc na muling tanggapin si Legarda.


“She is welcome to come back,” ani Lacson.


Si Legarda ay naka-medical leave mula Agosto 3.

 
 

ni Jeff Tumbado @News | May 15, 2026



Gulo sa Senado - Courtesy Eloisa Lopez-Reuters

Photo Courtesy Eloisa Lopez / Reuters



Iniimbestagahan na ng Philippine National Police (PNP) ang hindi bababa sa 10 indibidwal kaugnay ng insidente ng pamamaril at kaguluhan sa loob ng gusali ng Senado nitong gabi ng Miyerkules.


Ayon kay PNP Spokesperson Police Brig. Gen. Randulf Tuaño, lumabas sa paunang imbestigasyon na hindi nag-iisa ang lalaking naaresto sa loob ng Senate complex na si Mel Oragon, 40, at sinasabing NBI volunteer.


“Sa initial report natin, hindi lang naman nag-iisa 'yung indibidwal na nahuli,” ani Tuaño sa isang press briefing sa Camp Crame.


Dagdag pa niya, may hindi bababa sa 10 iba pa umano na namataang kasama sa grupo na nagtangkang pumasok sa ikalawang palapag ng gusali ng Senado noong Miyerkules ng gabi, ngunit napigilan sila ng mga armadong tauhan ng Senate Office of the Sergeant-at-Arms (OSAA).


Patuloy pa umanong inaalam ng mga otoridad kung kabilang nga sa grupo ang mga naturang indibidwal o kung ilan sa kanila ay mga empleyado lamang sa loob ng complex.


Hindi naman agad maipaliwanag ng PNP kung paano nakatakas o nawala ang mga hinihinalang kasama sa grupo.


Gayunman, iniutos na umano sa Police Security and Protection Group (PSPG) na magsagawa ng imbestigasyon upang matukoy kung nagkaroon ng pagkukulang ang kanilang hanay o ang OSAA sa seguridad ng Senado.


Nauna nang kinumpirma ng Southern Police District (SPD) ang pagkakaaresto kay Oragon sa gitna ng kaguluhan.


Nagbigay na rin umano ng testimonya at mga pangalan si Oragon, ngunit bineberipika pa ito ng mga imbestigador.


Dagdag pa niya, wala ring nakuhang lehitimong government-issued ID mula kay Oragon kaya’t hindi agad pinaniniwalaan ng mga imbestigador ang mga impormasyong ibinibigay nito.


Inatasan na rin umano ang PNP Directorate for Intelligence at Directorate for Investigation and Detective Management (DIDM) na magsagawa ng hiwalay na background investigation laban kay Oragon.


 
 

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | September 10, 2025



Chiz Escudero at Robin Padilla - FB

Photo: Edu Manzano - IG


Saludo ang senador at aktor na si Sen. Robin Padilla sa asawa ng aktres at fashion icon na si Heart Evangelista na si Sen. Chiz Escudero.

Sa Facebook (FB) page post ni Sen. Robin ay pinasalamatan niya ang dating Senate President.


Aniya, “Assalamu alaikum! Sa aking kababayan mula sa Bicol Region, nais ko lamang magpasalamat sa iyo Senator Francis ‘Chiz’ Escudero ng buong puso at pagkatao lalo na bilang Muslim. Sa iyong pagiging Pangulo ng Senado ay nagkaroon ng pinakamaraming batas na naisulong sa kasaysayan ng Senado at Pilipinas, mga batas na patungkol sa pananampalataya at karapatan ng mga Filipino Muslim.


“Inaamin ko po noong panahon na hindi pa kita kilala at isa pa akong sibilyan, ako’y naniwala na ikaw ay anti-Muslim. Katunayan ay pinag-initan din kita dahil sa mga maling sumbong laban sa iyo.


“Muli, mahal na dating Pangulo ng Senado, ako’y saludo po sa inyong ipinakitang pagmamahal sa amin, sa mga panukalang batas na umabot pa po sa puntong kayo mismo ang nag-iikot nito sa mga kapwa-senador upang matalakay sa plenaryo at tuluyang pumasa at maging mga ganap na batas.


Mahal na dating Pangulo ng Senado, hinding-hindi po makakalimot ang kapatiran ng mga Muslim.


“Una, ang dasal po para sa inyo. Pangalawa, ang hanggang kamatayan na suporta sa inyo. Allah hu Akbar! Assalamu alaikum.”


Bilib talaga si yours truly sa pagiging mapagkumbaba ni Sen. Robin Padilla at pag-amin na minsang naniwala rin siya sa maling sumbong tungkol sa mister ni Heart Evangelista na si Sen. Chiz Escudero.



Aliw na may kasamang asaran ang nangyari sa post ng content creator at Pinoy Big Brother (PBB) Celebrity Collab Edition 3rd Big Placer na si Esnyr Ranollo.


Kamakailan lang ay nagbahagi si Esnyr sa kanyang Instagram (IG) account ng larawan niya na nagpapakita ng magandang tanawin sa Mt. Pinatubo at may caption na: “First hike... and last, eme (joke)!”


Sa comment section ng post ni Esnyr ay nagkomento ang former PBB housemate na si Shuvee Etrata. Super-aliw ang mga netizens sa kanilang sagutan sa post.

Saad ni Shuvee, “Ang ganda ng view.”


Sagot naman ni Esnyr, “Very tita-coded ‘yung comment tuwing mag-post ka ng picture sa FB (Facebook).”


Dagdag pa ni Shuvee, “May kadugtong ‘yan. Ang ganda ng view, sayang may nakaharang lang.”


Samantala, kung kay Esnyr ay aliw ang mga netizens sa sagutan nila ni Shuvee, seryoso naman ang naging pahayag ni Shuvee sa post niya sa kanyang IG ng heartfelt birthday greeting para sa kanyang ka-duo na si Klarisse De Guzman.


Saad ni Shuvee sa post niya, “Ringing in dreams of a lifetime with you, Mowm! Thank you for being my final duo - what a ride it’s been! From helping me survive Kuya’s house to being my no-judgment chika buddy (kahit napipilitan ka lang kasi gusto mo ng massage), I honestly don’t know if I can survive PBB without you.


“Dati, mina-massage lang kita sa bahay to doing all these brand collabs, we did that, Mowm! We made it! Happiest birthday to you! Never forget, you've got a real one in me. Enjoy your day to the fullest - you deserve all the love, laughs, and chichirya the world has to offer! Love you always, mowmmmm!”


Simple pero wagas naman ang naging komento ni Klarisse De Guzman sa post ni Shuvee.


Saad ni Klarisse, “I love you, Shuvs! Walang iwanan.”

Matatandaan na ipinagdiwang ni Klarisse ang kanyang 34th birthday nito lamang September 6.

‘Kaaliw talaga ang kulitan ng mga PBB housemates kahit sa labas ng Bahay ni Kuya.



PINARANGALAN si Kim Chiu bilang Best Female TV Host sa 37th Philippine Movie Press Club (PMPC) Star Awards for Television. Sa social media post ng aktres at TV host, nagbahagi siya ng larawan niya na may hawak na trophy.


Saad ni Kim sa post niya, “Thank you PMPC for this recognition, I am truly honored. To my @itsshowtimena family, thank you for always being part of my journey.


“This means so much to me. Thank you po. It may have been long overdue, but having the trophy in my hands now fills me with gratitude.”

Congratulations, Kim! Deserve na deserve mo ‘yan!

‘Yun lang, and I thank you.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page