top of page
Search

SARAH, HAPI NA RAW SA MISTER, TODO-PAHIYA PA RIN KAY ARNOLD

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | September 1, 2020


ree


Labis kaming nagtataka rito kay Sarah Balabagan kung bakit after 22 yrs., heto at muli na namang binuksan ang lumang isyu nila ng broadcaster na si Arnold Clavio. At talagang nagpa-interview pa siya kay Ben Tulfo sa programang Bitag.


Kung totoo nga ang sinabi ni Sarah na napatawad na niya si Arnold at maayos na ang buhay niya ngayon sa piling ng kanyang mister na isang pastor, bakit patuloy pa niyang binabalik-balikan ang nakaraan? Hindi pa ba siya nakaka-move on sa buhay niya ngayon?


Hindi naman siguro tinatalikuran ni Clavio ang kanyang responsibilidad sa kanilang anak. At kung natukso man sa kanya noon ang broadcaster nu'ng nagkakilala sila at 17 yrs. old pa lamang siya, siguro naman, alam niyang may asawa na noon si Igan sa edad nitong 33 kaya hindi siya masasabing niloko nito.


Sabi nga, "It takes two to tango." Pumayag din si Sarah Balabagan sa kanilang bawal na relasyon.


Kung tahimik at maligaya na ang buhay niya ngayon, hindi na sana niya kinaladkad pa at ipinahiya si Arnold Clavio. Nag-usap na lang sana sila ni Igan nang puso sa puso at ipinarating niya ang lahat ng kanyang sama ng loob at tampo.


Mas maganda rin sana kung ang ginawa na lang ni Sarah ay pinagtagpo nang personal si Arnold at ang kanilang anak na ngayon ay 21 yrs. old na.


Matatahimik kaya ang kunsensiya ni Sarah B. sa kanyang ginawang pagbubunyag gayung may isang pamilya naman siyang winasak at sinaktan?


Christian na siya ngayon pero wala pa rin sa kanyang loob ang magpatawad? Hindi namin sinasabing banal na tao si Arnold. May mga kahinaan din siya at may nagagawang kasalanan at pagkakamali. Tiyak na matagal nang pinagsisihan ito ni Igan kaya gusto rin niyang ituwid at makabawi sa iba.


Sa panahon ng kanyang pagiging broadcaster ay marami siyang natulungan thru his IGAN Foundation. At hanggang ngayon ay tumutulong siya sa mga taong nangangailangan. Huwag naman sanang maging judgmental ang iba. 'Yun bang mga bashers na nanggigigil kay Arnold Clavio, eh, sakdal-linis at walang nagawang pagkakamali sa buhay? 'Di ba, may ilang alagad ng simbahan na natutukso at nagkakasala rin?


At si Sarah, masuwerte na nakatagpo ng lalaking tinanggap pati ang kanyang mga anak sa una niyang asawang Muslim. Kaya sana naman ay manahimik na siya at tantanan na si Arnold Clavio. 'Wag na siyang makinig sa mga nagsusulsol sa kanya.

 
 

ni Julie Bonifacio - @Winner | August 29, 2020


ree

Hindi naman galit pero obyus na naiinis ang isa sa Tulfo brothers na si Ben Tulfo sa pandedeadma ng kapwa niya broadkaster na si Arnold Clavio sa isyu ng pag-amin ng dating OFW na si Sarah Balabagan na naanakan siya ni Igan nu'ng siya ay 17-anyos pa lang.


Simula kasi nang lumabas ang kontrobersiyal na Facebook live ni Sarah kung saan isiniwalat niya na ang ama nga ng kanyang panganay na anak na si Ara ay walang iba kundi si Arnold, nananatiling tahimik ang kampo ng GMA-7 news anchor.


At imbes na linawin ang isyu at ibigay ang kanyang panig ay naglabas lang si Arnold ng piktyur niya habang nagpapaayos ng buhok sa salon.


"What are you guys doing? Patuloy n'yo bang idedeadma 'to?" pahayag ni Ben Tulfo sa kanyang programang Bitag Live.


Bagama't may disclaimer na agad si Ben na hindi naman siya nagmamalinis at pinangangaralan si Igan sa dapat gawin dahil 'mas masahol' pa nga raw ang mga 'baho' niya kesa kay Arnold, ang payo niya sa kapwa broadcaster ay makipag-usap sa spiritual leader nito.


Dagdag pa niya, pinakamabuting gawin ngayon ni Igan ay magsalita na, maglabas ng official statement para aminin ang ibinulgar ni Sarah B.


Naaawa raw kasi siya kay Igan na hangga't hindi ito nagsasalita, habang nakasalang sa ere at nagbabalita ay inuulan ng masasakit na paghusga ng mga netizens.


At kung may delicadeza raw ang broadcaster, bilang mamamahayag ay dapat alam nito ang linya ng kanilang trabaho kaya dapat ay ayusin ni Igan ang personal nitong problema.


Pagkukumpara pa ni Ben, kung sa US daw nangyari ito, malamang ay tanggal na sa pagiging broadcaster si Arnold.


Baka naman tumitiyempo lang si Igan sa tamang pagkakataon. Parang nakikini-kinita na namin na kinakanta ni Arnold kay Ben ang awiting Cool Ka Lang at ang favorite Ice Seguerra song niya na Pagdating ng Panahon, huh?

 
 
RECOMMENDED
bottom of page