top of page
Search

ni Mylene Alfonso @News | April 1, 2026



Sen. Imee Marcos at Inday Sara Duterte - FB

Photo: Sen. Imee Marcos at Inday Sara Duterte - FB



Sa part 2 ng kanyang "Pagsisisi at Pagpapatawad" video, sunod na humingi ng tawad si Senator Imee Marcos sa mga Duterte, partikular na kina Vice President Sara Duterte at dating Pangulong Rodrigo Duterte.


Ito ay matapos umano niyang ipahamak ang Bise Presidente nang itambal niya ito sa kanyang kapatid na si President Bongbong Marcos, noong 2022 elections.


“Higit sa lahat sa VP natin, kay Inday Sara. Ipinahamak ko siya, eh. Talagang naiisip ko na gilting-guilty ako,” ani Marcos.


“Sana nananahimik sa Davao ‘yun, mayor siya, walang kalaban-laban, walang hassle, walang gulo. Si presidente, si Tatay Digong nandito sana sa piling natin. Ang dami kong pagsisisi,” dagdag pa nito.


 
 

ni Madel Moratillo @News | March 19, 2025



Inday Sara Duterte

Photo File: OVP



Idineklarang sufficient ng House Committee on Justice ang grounds ng dalawang impeachment complaints laban kay Vice President Sara Duterte. 


Dahil dito, magkakaroon na ng public hearing dito na sisimulan sa susunod na linggo. 

Itinakda ang pagdinig sa Marso 25 na susundan ng proceedings sa Abril 14, 22, at 29. 


Dalawa na lang ang natira sa apat na reklamo na una nang isinampa laban kay VP Sara. 

Ang una ay isinantabi dahil lumabag umano sa one-year bar rule habang binawi naman ng petitioners ang ikalawa. 


Sa pagdinig kahapon, hiniling ni Senior Deputy Majority Leader Lorenz Defensor na ideklarang sufficient in ground ang ikatlong impeachment habang si Deputy Speaker Janette Garin naman ang nagmosyon para sa ikaapat na impeachment. 


Walang nag-object kaya idineklarang sufficient ni committee chairperson Gerville Luistro ang grounds. 


Tinalakay ng komite ang sufficiency ng grounds dahil umano sa pag-waive ng petitioners sa kanilang right to reply sa formal reply ni VP Sara.


 
 

by BRT @News | March 17, 2026



Inday Sara Duterte - FB

Photo: Inday Sara Duterte - FB



Kinumpirma ni Atty. Michael Poa, isa sa mga legal counsel ni Vice President Sara Duterte, na nagpadala na sila ng sagot o Answer Ad Cautelam kaugnay sa kinahaharap na impeachment complaints sa House Committee on Justice.


Kahapon, Marso 16, ang deadline ng kampo ng Bise para magsumite ng sagot.

Samantala, tinawag naman ni VP Sara ang ilang miyembro ng House of Representatives na abusado sa kapangyarihan at “law benders.”


Kasunod ito nang hingan ng reaksyon sa sinabi ni House Committee on Public Accounts chairperson Terry Ridon na posible siyang ipa-subpoena, kasama ng kanyang asawang si Atty. Manases Carpio, tungkol sa kanilang income tax return at business records.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page