top of page
Search

ni Rohn Romulo @Run Wild | May 3, 2023



ree

Sa inauguration at ribbon-cutting ng Shinagawa Diagnostic and Preventive Care Center sa BGC, Taguig City last April 26, nakatsikahan namin ang Kapuso actress na si Sanya Lopez, kasama rin ang isa pang endorser na si Ellen Adarna.


Pareho na palang sumailalim sa lasik surgery ang dalawang sexy actresses, kaya naman malinaw na malinaw na ang kanilang mga paningin ngayon.


Inamin naman ni Sanya na noong una ay sobra siyang kinabahan sa gagawing procedure.


"In-assure naman ako ng mga taga-Shinagawa na it's safe at sabi nila na, 'We will make sure na magiging happy ka right after the procedure.' At nangyari po talaga 'yun, kaya ngayon, part na ako ng Shinagawa."


Dati raw kasi ay extra effort ang ginagawa niya sa pag-arte dahil malabo ang kanyang mga mata. Hindi nga niya masyadong nakita ang kaguwapuhan ni Gabby Concepcion sa pagsisimula ng seryeng First Yaya.



ree

Natanong din si Sanya na ngayong 20/20 na ang vision niya, makita na kaya niya ang 'the right one'?!


"Masyado na ngang malinaw, tapos naghahanap ka ng ano..." sabay-tawa ni Sanya.


Open naman siya sa pakikipag-date at magkaroon na ng boyfriend this year pero, "Sobrang nalilibang kasi ako sa trabaho. Parang iniisip ko nga, paano ko pa ibibigay sa kanya 'yung time ko kung 'yung tulog ko nga, hindi ko maayos. Paano pa kaya 'yung relationship?


"Pero, 'pag dumating naman 'yung time na magkaroon na tayo ng karelasyon, if ever na dumating man siya, ibibigay ko naman ang time ko, gagawa ako ng paraan."


Aminado naman si Sanya na may nagpaparamdam at nangungulit sa kanya, "Meron naman po, kaya lang, hindi talaga ako mahilig sumagot 'pag nagme-message sila at gustong lumabas. O, baka naman friendly date lang. Pero kung lalabas man ako, palaging mga friends lang ang kasama ko."


Opinyon naman niya sa pagkakaroon ng boyfriend na taga-showbiz at non-showbiz, pareho namang may mga advantages at disadvantages sa dalawang option na ito.


Tanong pa namin, dapat bang ipaalam sa Kuya Jak (Roberto) niya at hingin ang approval nito sa magiging dyowa niya?


"Parang hindi na, go na kasi ang kuya ko. Ang kuya ko na ang naiinip, 'Kailan ka ba? Ano'ng plano mo, 'day?'"


Para sa kaalaman ng lahat, NBSB o no boyfriend since birth pa raw kasi itong si Sanya Lopez.


Samantala, ang Shinagawa Diagnostic and Preventive Care Center ay ang first one-stop medical na nag-o-offer ng Japanese standard health services providing a full line-up of comprehensive diagnostic tests and customizable screenings.


Matatagpuan ang kanilang clinic sa 8th and 23rd floor of Ore Central Building sa Bonifacio Global City sa Taguig at open from Mondays to Saturdays, 8 AM hanggang 5 PM.


 
 

ni Rohn Romulo @Run Wild | May 2, 2023



ree

Ang sarap talagang panoorin ng programa ni Korina Sanchez-Roxas na Korina Interviews na umeere tuwing Linggo nang hapon sa NET25.


At sa latest episode na ipinalabas last April 30, ang magkapatid na Arjo at Ria Atayde ang sumalang sa isang "chill" na interview ni Ate Koring.


Sa nasabing episode, kitang-kita ang closeness ng magkapatid ngayon at hindi mo nga aakalain na para silang mga aso't pusa nu'ng bata pa kung mag-away, na normal lang naman sa mga magkakapatid, parte 'yun ng paglaki nila.


Actually, nasaksihan namin ang magkapatid na sina Arjo at Ria noong mga bata pa sila, kapag dinadalaw namin ang kanilang ina na si Sylvia Sanchez sa bahay nila sa Riverside, Pasig na hindi namin alam kung pang-ilang bahay na nila bago sila lumipat sa White Plains.


Kung nu'ng mga bata pa sila ay madalas silang mag-away, ngayon nga ay sobrang close na nina Ria at Arjo sa isa't isa. Sabi pa nga ni Ria, "Arjo is one of my best friends and I think the same goes with him."


Dagdag pa nito, "It really changed noong mas tumanda kami. Same set of friends, tapos same ng trip sa buhay. Especially now, same career. Parang the world put us close together, as erratic and gulo of life would be, we have each other."


Una ngang sumalang sa solo interview ang representative ng QC 1st District. Napa-"sana all" na lang si Korina habang ipinapakilala si Arjo na from "kontrabida to kongresista", na isa ring mahusay na aktor, negosyante at higit sa lahat, happy pa ang love life.


Anyway, kitang-kita naman na in-enjoy na ni Arjo ang pagiging congressman, lalo pa nga't unti-unti nang natutupad ang pangarap niyang makatulong sa mga nangangailangan.


Sa naging interview ni Korina kay Sylvia last year, naikuwento nga ng premyadong aktres sa batikang broadcast journalist na bata pa si Arjo ay bukas na ang mga mata nito sa mga charity projects ng ina sa Nasipit, Agusan del Sur, na taun-taon ay namimigay ng ayuda sa kanilang mga kababayan tuwing Pasko at Bagong Taon, pati na rin sa panahon ng kalamidad.


Sey nga ni Korina, "Ito ang revelation ng kanyang nanay, 'Korina, 'wag lang magkamali, gusto talaga niyang maging isang pulitiko. Gusto nga niyang maging senador.'"


Dagdag pa niya kay Arjo, "Bata ka pa lang daw, ang sinasabi mo, 'I want to be a senator.' Talaga ba?"


"Yes po, I wanted to be a senator when I was younger for a reason that I would askquestion as basic as what position do I need to be able to help a lot of people.


"Because we were exposed with a lot of foundations, family just helping and that's the type of environment we grew up in and na-adopt namin."


Kaya noong nag-decide na siyang tumakbo sa pagiging congressman, isa lang naman ang nasa isip niya, ang makatulong sa mga tao.


Isa pa sa mga dahilan kung bakit itinuloy ni Arjo ang kanyang desisyon ay nu'ng nagkaroon ng pandemya, kasabay pa ang pag-shutdown ng ABS-CBN kung saan nawala din siya ng trabaho.


At sa tingin pa niya ay meron pa siyang mas magagawa upang matulungan ang mga tao.


Ito ang sabi pa ni Arjo, "I have to do my part, I want to become a more responsible person, not trying to do good and not trying to prove anything at all. I just really want to do what I want to do and that is to help people."


Naitanong tuloy ni Korina kung may time pa ba si Arjo sa ibang bagay dahil sa dami ng kanyang mga ginagawa.


At sinagot naman ito ni Cong. Arjo na tamang "time management" lang upang maging balanse ang iyong work and personal life.


Hirit naman ni Korina, ilang percent doon ang soon-to-be-wife niya na si Maine Mendoza. Ang sarap ng tawa ni Arjo at sumagot na, "A lot of time. As much as I'm free po, we get to spend time together even during dinner or late dinner. We try to catch up, as much as possible."


Marami pang revealations sina Arjo at Ria sa Korina Interviews na puwedeng balik-balikan sa YouTube channel ng NET25.


 
 

ni Rohn Romulo @Run Wild | April 18, 2023



ree

May nakaka-touch na mensahe na ipinost si Sylvia Sanchez sa kanyang IG account para sa kanyang soon-to-be daughter-in-law na si Maine Mendoza.


Kasama ang isang short video habang nakasakay sa roller coaster sina Cong. Arjo Atayde at Maine, panimula ng premyadong aktres, "Watching this brings back so many memories!"


Dagdag pa niya, "Dati, 'pag gusto mong mag-roller coaster, ayaw mong sumakay mag-isa, ako lagi ang niyayaya mo. Ganyan ka na, bata pa lang, wala pa ring ipinagbago, sigaw at tawa ka pa rin. Hahaha!"


Dagdag pa niya, "Ngayon, masaya akong makita na may iba ka nang nakakasama at ligtas na ako sa pagyayaya mo. Ako 'yan dati, Maine. Ngayon, you’re Arjo's constant adventure buddy!


"Thank you, Maine! My heart is full! Love you both."


Sagot naman ng anak na actor, "Thank you, Ma!!! I love you more!" at pinusuan naman ito ni Maine, ganu'n din ang reaction ni Bea Alonzo.


Totoong-totoo naman ito, dahil nasaksihan namin si Sylvia, na ganu'n talaga siya katapang sa mga rides at walang inuurungan, kaya siya palagi ang niyayaya ng mga anak, pati na ng mga pamangkin.


Ramdam din namin ang pagsigaw ni Arjo sa tuwing sumasakay mga nakakatakot na rides, dahil ganu'n din ang ginagawa namin, para mag-enjoy at mabawasan ang takot.


Kaya naman marami rin ang humahanga kay Maine na chill na chill lang siya, habang ang dyowa niya ay ang sarap ng pagsigaw at kitang-kita ang kaligayahan sa mga sandaling 'yun.


Anyway, ang gaganda ng mga comments sa post na ito ni Sylvia at marami talaga ang natuwa at na-touch.


Sey ni Sunshine Garcia, "Awww! Napaka-sweet na mother-in-law."


Comment ni Christine Bersola-Babao, "At nakakabilib si Maine kasi siya, chill lang, parang dedma sa thrill ride. Hahaha! Kung ako 'yan, wala na akong boses sa kakasigaw!!"


ree

Sabi naman ng cousin na si Marivic Nieto, "Naiyak naman ako du'n, cousin... It's so hard to feel that you have to let go, but on the other hand, masaya ka kasi he finally found his real happiness and his forever. Pero siyempre, ang nanay pa din ang #1."


Narito pa ang mga comments ng mga netizens at followers ng ArMaine…


"@mainedcm, you are so blessed with this beautiful and loving family. God bless you and Congressman @arjoatayde."


"Hahaha! Si Meng, parang wala lang. Dapat kay Meng, pasakayin sa trip to Mars. Tingnan ko kung ganyan pa rin reaction niya. Hahaha! Si Arjo talaga ang nagdala. I love #Armaine."


"I used not to like Arjo for Maine, simply because I was an AlDub fan... but seeing how happy Maine is and how Arjo makes Maine happy... gusto ko na rin sila. I wish you both happiness forever."


"Sana all... sana ganyan din ako tulad ni Maine, if makasakay ako ng roller coaster... chill at kalma lang."


Sabi naman ng isang taga-Kenya, "Hello, Slyvia. You are the best mom on our screens and I hope in real life too."


Anyway, patuloy ngang ipinapalabas ang huling serye na nagawa ni Sylvia sa iba't ibang bansa, ang Huwag Kang Mangamba kung saan gumanap siya bilang si Barang, at ang iba pa niyang teleserye tulad ng Hanggang Saan bilang si Sonia.


For sure, marami na rin ang naiinip kung kailan siya muling gagawa ng teleserye at siguro naman, magkakaroon na ulit siya this year. Siguro ay nagiging mapili lang siya sa role na kanyang tatanggapin dahil dapat ay kakaiba naman at hindi pa niya nagagawa.


Tiyak na masusubukan na naman ang husay niya sa pag-arte, kaya abangan na lang natin ang kanyang announcement.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page