top of page
Search

ni Lolet Abania | October 29, 2021


ree

Inilabas na ng Malacañang ngayong Biyernes ang mga idineklara ni Pangulong Rodrigo Duterte na mga holidays at special days para sa taong 2022.


Batay sa Proclamation No. 1236 ni Pangulong Duterte, ang mga regular holidays, non-working days, at special working days ay ipapatupad sa susunod na taon.


Sa naturang proklamasyon, nakapagtala ng 10 regular holidays at anim na special non-working days. Sa 10 regular holidays, lima rito ay natapat ng weekends, habang ang anim na special non-working days, dalawa ang natapat na weekends.


Narito ang mga sumunod na petsa:


REGULAR HOLIDAYS

• Enero 1 - New Year’s Day

• Abril 9 - Araw ng Kagitingan

• Abril 14 - Maundy Thursday

• Abril 15 - Good Friday

• Mayo 1 - Labor Day

• Hunyo 12 - Independence Day

• Agosto 29 - National Heroes Day

• Nobyembre 30 - Bonifacio Day

• Disyembre 25 - Christmas Day

• Disyembre 30 - Rizal Day SPECIAL (NON-WORKING DAYS)

• Pebrero 1 - Chinese New Year

• Pebrero 25 – Anibersaryo ng People Power Revolution

• Abril 16 - Black Saturday

• Agosto 21 - Ninoy Aquino Day

• Nobyembre 1 - All Saints’ Day

• Disyembre 8 - Feast of the Immaculate Conception of Mary


SPECIAL (WORKING) DAYS

• Nobyembre 2 - All Souls’ Day

• Disyembre 24 - Christmas Eve

• Disyembre 31 – Huling Araw ng Taon


“For the country to recover from the COVID-19 pandemic, there is a need to encourage economic productivity by, among others, minimizing work disruptions and commemorating some special holidays as special (working) days instead,” pahayag ni Pangulong Duterte.


Ayon sa Pangulo, ang proklamasyon sa pagdedeklara ng national holidays para sa pag-obserba ng Eid’l Fitr at Eid’l Adha ay ilalabas ayon sa rekomendasyon ng National Commission on Muslim Filipinos, kung anong petsa papatak ang Islamic holidays.


Inatasan na rin ng Punong Ehekutibo ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa pagpapalaganap ng guidelines hinggil sa naturang proklamasyon.


 
 

ni Lolet Abania | October 29, 2021


ree

Opisyal na nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang isang batas hinggil sa pagpapaliban ng May 2022 elections sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) at gagawin sa May 2025.


Isang larawan ang makikita na pinipirmahan ni Pangulong Duterte ang naturang batas na nai-post sa Bangsamoro Government’s official Facebook page ngayong Biyernes.


“Under the law, the first parliamentary elections in the Bangsamoro region shall be held and synchronized with the 2025 national elections,” batay sa caption nito.


Ang Bangsamoro Transition Authority (BTA) ang mag-o-oversee ng rehiyon hanggang sa May 2025 midterm polls.


Kinumpirma naman ito ni Presidential Spokesperson Harry Roque at inilabas ang kopya ng bagong batas kung saan pinahihintulutan si Pangulong Duterte na mag-appoint ng 80 bagong miyembro ng BTA hanggang May 2025 elections o hanggang ang kanilang successors ay mahalal.


Ang ratipikasyon ng Bangsamoro Organic Law noong Pebrero 2019 via isang plebiscite ang naging daan upang malikha ang BARMM at ma-abolished ang dating Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM).


Kabilang sa BARMM ang Cotabato City, 63 barangay sa mga munisipalidad ng Aleosan, Carmen, Kabacan, Midsayap, Pigkawayan at Pikit sa North Cotabato.


Napalawak din nito ang jurisdiction o sakop na kalupaan at katubigan, fiscal autonomy, nadagdagan ang shares sa resources ng national government at iba pa.

 
 

ni Lolet Abania | October 28, 2021


ree

Nagpadala si Pangulong Rodrigo Duterte ngayong Huwebes ng mga bulaklak sa mga puntod ng anim na presidente ng bansa bago pa ang Araw ng mga Patay.


Batay sa ulat, nag-alay ng mga bulaklak si Pangulong Duterte sa libingan ng mga namayapang pangulo na sina Ferdinand Marcos Sr., Benigno “Noynoy” Aquino III, Corazon Aquino, Carlos P. Garcia, Diosdado Macapagal at Elpidio Quirino, kung saan ipinadala niya ang mga ito sa museleo ng pamilya Aquino sa Manila Memorial Park, Parañaque City at sa Libingan ng mga Bayani sa Taguig City.


Samantala, dahil sa COVID-19 pandemic, ang mga sementeryo ay darado mula Oktubre 29 hanggang Nobyembre 2 upang maiwasan ang mass gatherings. Bukod sa mga sementeryo, ang memorial parks at kolumbaryo ay isasara rin.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page