top of page
WINNER - LEA, IN-UNFOLLOW SINA RM AT J-HOPE NG BTS, TINAWAG NA CLOUT CHASER NG FANS-IG _ms
Search

ni Green Lantern @Renda at Latigo | September 12, 2023


Pinagulong ni Perfect Delight ang mga nakatunggaling batang kabayo upang siluin ang korona sa 2023 PHILRACOM Imported Maiden Stakes Race na inilarga sa Metro Turf, Malvar sa Tanauan City, Batangas noong Linggo.


Parang sibat na umarangkada sa largahan si Perfect Delight para hawakan ang bandera at makalamang ng tatlong kabayong agwat kina Heavy Weight at Flywheel sa kalagitnaan ng karera.


Nasilayan ng mga karerista ang husay ni Perfect Delight ng umungos pa lalo sa anim na kabayo pagdating ng far turn. "Napakainam na kabayo, halos hindi nahirapan at parang nag-ensayo lang," saad ni Albert Guerrero, veteran karerista.


Pagsapit ng huling kurbada ay umabot sa pitong kabayo ang abante ni Perfect Delight kaya naman kampante na ang mga kareristang nakataya sa kanya.


Tinawid ng Perfect Delight ang meta ng may mahigit na 10 kabayo ang lamang sa pumangalawang Flywheel, tersero ang Heavy Weight at pang-apat ang Viva D' Oro.


Nirendahan ni Mark Alvarez, inirehistro ng Perfect Delight ang tiyempong 1:39 minuto sa 1,600 meter race sapat upang hamigin ang P720,000 premyo.


Nakopo ng Flywheel ang P270,000 habang tig-P150,000 at P60,000 ang third at fourth placers na Heavy Weight at Viva D' Oro ayon sa pagkakasunod.


Kinubra naman ng breeder ng winning horse ang P60,000 habang tig-P36,000 at P24,000 ang second at third sa event na suportado ng Philippine Racing Commission (PHILRACOM) ni Chairman Reli de Leon.


 
 

ni Green Lantern @Renda at Latigo | September 11, 2023


Maagang nagsitama ang ibang dehadista matapos manalo ni Basket Of Gold sa PHILRACOM Rating Based Handicapping System na inilarga sa Metro Turf, Malvar sa Tanauan City, Batangas noong Sabado ng hapon.


Umarangkada sa largahan si Runaway Ten at Gethsermanesmiracle para maglutsahan ang dalawa habang nasa malayong tersero si Basket Of Gold.


Naging mabilis ang bakbakan nina Runaway Ten at Gethsermanesmiracle kaya naiwanan nila si Basket Of Gold na nanatili sa tersero puwesto.


Sa far turn ay lumalapit na sa unahan ang Basket Of Gold na sinakyan ni former Philippine Sportswriters Association, (PSA) - Jockey of the Year awardee na si Jonathan Basco Hernandez.


Pagsapit ng huling kurbada nakakapit na si Basket Of Gold sa Runaway Ten at Gethsermanesmiracle at sa huling 100 metro ng karera ay umungos na ang winning horse.


Tinawid ni Basket Of Gold ang finish line ng may dalawang kabayong agwat sa pumangalawang Nards Bentetres, tersero ang Melania habang pumang-apat ang Nicole's Favorite.


Inirehistro ni Basket Of Gold ang tiyempong 1:26.2 minuto sa 1,400 meter race sapat upang hamigin ng winning horse owner na si PKTC Uy ang P10,000 added prize.


Ang nasabing karera ay suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) kung saan ay may walong races ang pinakawalan ng Metro Manila Turf Club Inc. (MMTCI).


 
 

ni Green Lantern @Renda at Latigo | September 10, 2023


Apat na tigasing batang kabayo ang magtatagisan ng bilis sa 2023 PHILRACOM "Imported Maiden Stakes Race" ngayong araw na gaganapin sa pista ng Metro Turf, Malvar sa Tanauan City, Batangas.


Nais ipakita ni Perfect Delight ang kanyang husay sa karerahan kung saan ay paniguradong makakakuha ito ng maraming suporta sa mga karerista.


Inaasahang markado si Perfect Delight sa distansiyang 1,600 meter race kontra tatlong kabayong katunggali sa event na suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) ni Chairman Reli de Leon.


Ipamumudmud sa mga kalahok ang nakalaan na P1.2M garantisadong premyo, ang ibang makikipagtagisan ng bilis ay sina Flywheel, Heavy Weight at Viva D' Oro.


Susungkitin ng unang kabayong tatawid sa meta ang P720,000, mapupunta sa second placer ang P270,000 habang tig-P150,000 at P60,000 ang third at fourth ayon sa pagkakasunod.


May kukubrahin din ang breeder ng winning horse na P60,000 habang tig-P36,000 at P24,000 ang second at third.


Samantala, walong races ang pakakawalan ng Metro Manila Turf Club Inc. (MMTCI) ngayong araw ng Linggo kaya paniguradong masaya ang mga karerista sa kanilang paglilibang.


Samantala, kabilang sa mga aabangan ng mga karerista ay ang banatan ng anim na kalahok sa 3-Year-Old & Above Maiden Race na pakakawalan sa pangalawang karera.


Ang mga kasali ay sina Super Earth, Brightside, Superhawk, Moon Island, Lagertha at Rock To The East, paglalabanan nila ang P20,000 added prize sa distansiyang 1,000 meter race.


Mga Pili ni Green Lantern:


Race 1 - Perfect Delight (4), Viva D' Oro (3)

Race 2 - Super Earth (1), Rock To The East

Race 3 - Secret Service (10), Lucky Lea (4), Super Spunky (14), Seychelles (7)

Race 4 - Boss Emong (1), Magtotobetsky/Robin Hood (5/5A)

Race 5 - Sultanov (4), Advance Party (14), Make Or Break (3), Plus (5)

Race 6 - Righteous Ruby (6), Civics Class (2)

Race 7 - Bebang (9), Electrify (5), Piece Of Cake/Magnolia Yana (2/2A), Colony Bell (4)

Race 8 - Sonic Clay (10), Full Combat Order (1), Orange Bell (2), Luke Skywalker (5)



 
 
RECOMMENDED
bottom of page