top of page
GMMTV vs Showbiz All-Star - Star Magic.jpg
Search

ni Green Lantern @Renda at Latigo | October 29, 2023


Sasabak si Open Billing sa PHILRACOM Rating Based Handicapping System kaya masisilayan siya ng mga karerista na paparada sa pista ng Metro Turf, Malvar - Tanauan City, Batangas, ngayong araw.


Masusubukan ang husay ni Open Billing laban sa anim na tigasing kabayo sa distansiyang 1,600 meter race sa event na suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) ni Chairman Reli de Leon.


May nakalaan na P40,000 premyo na ikakalat sa unang tatlong kabayong tatawid sa finish line at may added prize na P10,000 para sa winning horse owner.


Rerendahan ni former Philippine Sportswriters Association, (PSA) - Jockey of the Year awardee Patty Ramos Dilema, makikilatis ang tikas ni Open Billing kina Shanghai Noon, My Prancealot, Sky Story, Agi Daw, Main Event at Eazacky.


Ayon sa mga komento ng karerista, posibleng magpakitang-gilas ang kalahok na sina My Prancealot at Sky Story.


"Sina My Prancealot at Sky Story kilalang magagaling na kabayo 'yan kaya para sa akin malaki ang tsansa nilang manalo," saad ni Freddie Gorospe, veteran karerista.


Samantala, walong races ang pakakawalan ng Metro Manila Turf Club Inc. (MMTCI) ngayong araw ng Linggo kasama sa aabangan ng mga karerista ay ang stakes race na 2023 PHILRACOM - PCSO "SILVER CUP" na lalahukan ng 10 kabayo.


Ang mga kasali sa nasabing malaking karera ay sina Big Lagoon, Boss Emong, Jaguar, Jungkook, King Tiger, War Cannon, Nuclear Bomb, Robin Hood, Don Julio at Moderne Cong.


Mga Pili ni Green Lantern:


Race 1 - Open Billing (4), Shanghai Noon (1), Sky Story (3)

Race 2 - Electrify (5), Grand Monarch (1), Bocaue Rivertown (6), Carried Away (4)

Race 3 - Portsalt (3), Light Bearer (1), Sonic Clay (6)

Race 4 - Big Lagoon/War Cannon (3/3A), Boss Emong (9), Jaguar (8)

Race 5 - Red Hawk (1), Lucky Lucy (11), Victorious Passion (7), Honey Ryder (3)

Race 6 - California King (9), Magnifico/You Never Know (7/7A), Mandatum (1), Coal Digger (3)

Race 7 - Don Lucas (6), Basket Of Gold (5), Sister Moon (1), El Mundo (9)

Race 8 - Seven Of Diamonds (14), Sky Lover (1), Noon Charm (13), National Treasure (2)


 
 

ni Green Lantern @Renda at Latigo | October 28, 2023


Matunog sa mga kareristang dehadista si Jaguar, para sa kanila ay malaki ang pag-asa nitong silatin ang dalawang sikat na kabayong Big Lagoon at Boss Emong.


Nakatakdang magkita sa pista sina Jaguar, Big Lagoon at Boss Emong para makipagtagisan ng bilis sa pitong pang mahuhusay na kasaling kabayo sa magaganap na 2023 PCSO "Silver Cup race na ilalarga sa Metro Turf, Malvar - Tanauan City, Batangas, bukas, (Linggo)


Gagabayan ni class A rider O'Neal Cortez ang two-leg Triple Crown winner, Jaguar kung saan inaasahan na mapapalaban ito ng todo sa dalawang kampeon na Big Lagoon at Boss Emong.


Si Big Lagoon ang reigning Presidential Gold Cup champion habang si Boss Emong ang nahirang na Philippine Sportswriters Association, (PSA) - Horse of the Year awardee.


"Masarap at magandang laban, siguradong balikatan ang labanan sarap panoorin," ani Jimbo Tolentino, veteran karerista, "Dapat mapag-aralan ang mga tiyempo nila para maganda ang sipat pagtaya ng Pick 5."


May distansiyang 1,800 meter race, ang ibang kalahok ay ang Don Julio, Jungkook, King Tiger, Moderne Cong, Nuclear Bomb, Robin Hood at war Cannon.


Nakalaan ang P4-M guaranteed prize na ikakalat sa unang anim na kabayong tatawid sa meta, kung saan hahamigin ng mananalong kabayo ang P2.4-M. sa event na inisponsoran ng PCSO.


Sisikwatin ng second placer ang P800,000, mapupunta sa third ang P400,000 habang tig- P200,000, P120,000 at P80,000 ang fourth hanggang sixth ayon sa pagkakahilera.


Makakakuha rin ng cash prize ang breeder ng winning horse, maging ang second at third.




 
 

ni Green Lantern @Renda at Latigo | October 25, 2023


Nakipag-ubusan ng lakas sa unahan si Eye In The Sky upang sikwatin ang panalo sa 3-Year-Old & Above Maiden Race na inilarga sa Metro Turf, Malvar - Tanauan City sa Batangas noong Linggo ng hapon.


Kumaripas sa unahan si Eye In The Sky paglabas ng aparato pero kinapitan agad siya ng matulin na si Princess Tycoon.


Bakbakan sina Eye In The Sky at Princess Tycoon sa unahan hanggang sa kalagitnaan ng karera habang ang ibang kasali ay pilit na makadikit sa dalawa.


Subalit noong magbadyang lumayo si Eye In The Sky ay kinapitan siya bigla ni Grandi Moments at saka inagaw ang unahan bandang far turn.


Pero hindi naman nasira ang diskarte ng hineteng si Conrad Henson, pinitik nito ng latigo si Eye In The Sky upang makuha muli ang unahan pagsungaw ng rektahan.


Sa huling 150 metro ng karera ay umungos na lalo si Eye In The Sky at nanalo ito ng may apat na kabayo ang agwat sa pumangalawang si Grandi Moments.


Inirehistro ni Eye In The Sky ang tiyempong 1:27.8 minuto sa 1,400 meter race sapat upang hamigin ang P20,000 added prize ng winning horse owner na si BV Tecson. Ang nasabing karera ay suportado ng Philippine Racing Commission (PHILRACOM) ni Chairman Reli de Leon.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page