top of page
Search

ni Mylene Alfonso | March 22, 2023



Ihihirit ni Speaker Martin Romualdez na ipatupad sa buong bansa ang "one-strike policy" sa Philippine National Police (PNP) o agarang pagsibak sa puwesto ng mga ninja cops o mga pulis na sangkot sa krimen lalo na sa hulidap pati na ang kanilang commander.

Muling kakausapin ni Romuladez ang pamunuan ng PNP matapos madismaya sa pagkakasangkot umano sa hulidap ng 13 opisyal ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) National Capital Region (NCR) sa nagreklamong grupo ng Filipino-Chinese businessmen kamakailan.

“Nananawagan akong paigtingin pa natin ang one-strike policy sa kapulisan at gawin ito sa buong bansa. Kung sangkot sa krimen ang isang pulis na nasa presinto, dapat sibakin din agad ang station commander nito,” dagdag pa ng lider ng Kamara.

“If you are the commander, dapat alam mo ang kilos ng mga tao at all times,” dagdag pa ni Romualdez.

Sinibak sa puwesto ni CIDG director Police Brig. Gen. Romeo Caramat Jr. ang 13 opisyal, kabilang si CIDG-NCR chief Police Col. Hansel Marantan na nagsumite na rin ng kanyang courtesy resignation alinsunod sa command responsibility.


 
 

ni Gina Pleñago | March 20, 2023




Nais ng National Capital Region Police Office (NCRPO) na mas palakasin pa ang police visibility sa National Capital Region (NCR).

Ayon kay NCRPO Chief Police Major General Edgar Allan Okubo, ito ay upang mas mapaigting ang pagsugpo sa krimen sa mga barangay communities.

Aniya, nais din nilang buhayin ang revitalized police sa barangay program para mas mabilis na makaresponde sa mga komunidad sa anumang krimen na magaganap sa bawat barangay.

Kaugnay nito, nakatakdang makipagpulong si Okubo sa mga district directors ng NCRPO para sa naturang programa.


 
 

ni Lolet Abania | June 4, 2022



Nasa 2,000 personnel ang itatalaga ng pulisya para sa inagurasyon ni Vice President-elect Sara Duterte-Carpio sa Davao City sa Hunyo 19.


Ayon kay Davao City Police Offices spokesperson Police Major Maria Teresita Gaspan, nasa heightened alert na ang kanilang mga borders simula ng mga pambobomba sa ilang bahagi ng Mindanao nitong mga nakaraang linggo ng Mayo, habang ang kanilang


“Davao Defense System” security scheme ay kanilang in-activate. “Lahat ng mga passengers at saka vehicles subjected for inspection and then we have even recommended na ‘yung mga lalabas, isang sakayan lang doon sa Davao City... terminal so that no similar incident will happen like what happened in central Mindanao,” sabi ni Gaspan sa public briefing.


“So far, no direct threat for Davao City, however we won't be complacent about it considering sa nangyari na bombing sa central Mindanao kaya we always keep up our security measures,” dagdag niya.


Ayon pa kay Gaspan, sa ngayon ang Davao City aniya ay, “peaceful,” habang nagtakda na rin sila ng isang contingency plan. Gayundin, ang Philippine National Police (PNP) ay nasa “high alert” na sa buong bansa.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page