top of page
Search

ni Mylene Alfonso | April 20, 2023




Tahasang inihayag ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., na lalampasan ng gobyerno ang taunang target nitong 1 milyong housing units na may probisyon ng hindi bababa sa 1.2 milyong housing units sa ilalim ng flagship Pambansang Pabahay para sa Pilipino Housing Program (4PH).


Kumpiyansa ang Pangulo na makakamit ito dahil sa track record ni Department of Human Settlement and Urban Development (DHSUD) Sec. Jose Rizalino "Jerry" Acuzar.


“Malaking kumpiyansa ko kasi noong nasa private sector siya nagagawa niya talaga eh. Alam niyang gawin eh. Kaya sa tingin ko, hintayin na lang natin ang mga aktwal na istruktura na magsimulang umakyat. ‘Yan, puntahan din natin ‘yan pagka nangyari na,” diin ng Chief Executive.


Isa sa mga pangunahing tagapagpahiwatig ng pagtaas ng bilang ng shelter availment ay ang pagtaas ng bilang ng mga bagong miyembro ng Pag-IBIG Fund at pagtaas ng interes ng mga tao na bumili ng mga bagong bahay, sabi ng Pangulo.


Bago makipag-usap sa mga mamamahayag, pinangunahan ni Pangulong Marcos ang groundbreaking ng anim na proyektong pabahay sa Bulacan, na maaaring makabuo ng hanggang 30,000 shelter units.


Pinangunahan din ng Pangulo ang sabay-sabay na groundbreaking ceremony sa Malolos at mga bayan ng Pandi at Guiguinto.


Ang 4PH Program ay naglalayong magtayo ng isang milyong housing units taun-taon hanggang 2028 upang matugunan ang backlog ng pabahay sa bansa na naka-peg sa mahigit 6.5 milyong unit.


Sa ngayon, mahigit 130 memorandum of understanding na ang nilagdaan ng DHSUD kasama ang iba't ibang local government units sa Luzon, Visayas, at Mindanao mula nang ilunsad ang 4PH noong Setyembre.


 
 

ni Mylene Alfonso | April 19, 2023




Inanunsyo ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., na may ginagawang internal review sa hanay ng Philippine National Police na layuning tukuyin ang mga opisyal na may kaugnayan sa ilegal na droga kung saan malalaman ang magiging resulta nito sa loob ng dalawang linggo o higit pa.


“Kaya naman ating ginawa ‘yung review, mga official sa police at dahan-dahan... malapit nang matapos. I think in another two weeks or so, we'll be able to finish that. We'll be able to review all of that," pahayag ni Pangulong Marcos sa 1st Joint National Peace and Order Council (NPOC) and Regional Peace and Order Council (RPOC) Meeting na ginanap sa Palasyo.


"It's a very complicated system, and it's a very complicated situation. Hindi naman tayo puwedeng umaksyon on the basis ng tsismis. We cannot move on that basis. We have to be very careful because we have to [be] fair. It has to be just," punto ng chief executive.


Nilinaw naman ng Pangulo na hindi kontra ang gobyerno sa puwersa ng pulisya dahil ito ang katuwang ng administrasyon sa kapayapaan at kaayusan.


Kaugnay nito, umapela siya sa mga miyembro ng PNP na makipagtulungan sa kanyang

administrasyon dahil mayroon siyang obligasyon na tugunan ang problema sa droga at tiyakin ang isang kapani-paniwala at mahusay na gumaganang puwersa ng pulisya sa bansa.


Gayundin, nais din ng Pangulo na magkaroon ng mekanismo lalo na sa mga tiwaling pulis kaya dapat na mabuwag ang mga ito sa hanay ng PNP.


 
 

ni Mylene Alfonso | April 16, 2023




Ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr., sa Department of the Interior and Local Government na makipag-usap sa local government units upang maikasa ang alternatibong fishing grounds sa mga apektadong mangingisda dahil sa oil spill sa Oriental Mindoro.


Ginawa ng Pangulo ang kautusan matapos magsagawa kahapon ng aerial inspection, situation briefing at bisitahin ang mga apektadong residente sa Pola.


Kabilang sa mga alternatibong fishing sites ay sa Regions 4-A at 4-B kasama na ang Mindoro Strait; Cuyo Pass sa Batangas; Tablas Strait sa Romblon at Tayabas Bay sa Quezon.


Tiniyak din ni Marcos na patuloy na babantayan ng national government sa pamamagitan ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), Department of Agriculture (DA), at Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang oil

spill.


Tuloy din aniya ang clean-up operations ng Philippine Coast Guard.


Sunod naman aniyang tututukan ng pamahalaan ay ang makarekober naman ang ekonomiya sa mga apektadong lugar.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page