top of page
Search

ni Jeff Tumbado @News | July 16, 2023




Nagpahayag ng pagsuporta ang liderato ng pambansang pulisya kaugnay sa pagdadala ng baril ng mga miyembro ng media na may banta sa kanilang buhay o seguridad.


Ito ang inihayag ni Philippine National Police (PNP) Chief General Benjamin Acorda, Jr. sa isang ambush interview sa pagbubukas ng kauna-unahang Invitational Shootfest na pinangunahan ng PNP Press Corps sa Camp Karingal, sa Quezon City.


Ayon kay Acorda, layon nito na maprotektahan ang mga mamamahayag na kadalasang nagiging biktima ng mga pag-atake nang may kaugnayan sa kanilang mga trabaho.


Ito umano ang dahilan kung bakit mahalagang magkaroon ng pansariling proteksyon ang media laban sa mga posibleng banta sa kanilang buhay nang dahil sa kanilang propesyon.


Kasabay nito, inanunsyo rin ng heneral na bibigyan ng special accommodation ang mga mamamahayag para sa pagkuha ng Permit to Carry Firearms Outside Residence (PCFOR).


Habang pinag-aaralan na rin ng PNP ang pagpapababa pa ng babayarang fee sa naturang permit para sa lahat ng miyembro ng media upang maging kasing halaga na lang nito ang presyo ng fee na iniaalok para sa mga tauhan ng gobyerno.


 
 

ni BRT | June 26, 2023




Nasa sa Philippine National Police (PNP), nagpapatupad na ng mga strategic measure para malinis ang mga ito.


Sinabi ni PNP Chief General Benjamin Acorda, na matagumpay na nalinis na mula sa droga ang nasa 76.67% ng 35,356 na apektadong mga barangay mula sa kabuuang mahigit 42,000 barangay sa buong bansa.


Sa mahigit 35,000 barangay na cleared na, 27,248 dito ay ganap nang nalinis mula sa ilegal na droga.


Napag-alaman na pinakamalaking bilang ng drug-cleared ay sa Calabarzon na nasa 97.06%, sinundan ito ng Cagayan Valley region na nsa 95.55% at Cordillera region na nasa 95.22%.


Nasa 94.52% naman ang drug clearance rate sa Eastern Visayas habang sa Central Mindanao ay nasa 89.37%.


 
 

ni Mai Ancheta | June 26, 2023




Lima katao ang nasawi kabilang na ang isang tauhan ng Philippine National Police-Special Action Force (PNP-SAF) habang 14 ang nasugatan matapos magkasagupa ang mga tauhan ng dating bise alkalde sa Maimbung, Sulu at mga operatiba ng PNP at

Armed Forces of the Philippines (AFP) nitong Sabado.


Ayon kay Maimbung Municipal Police Station OIC Chief Captain Naljir Asiri, apat sa mga tauhan ni dating Maimbung Vice Mayor Pando Mudjasan ang nasawi at isang miyembro ng PNP-SAF, habang 12 pulis at sundalo ang nasugatan at kasamang nadamay ang dalawang sibilyan matapos maipit sa bakbakan.


Sisilbihan sana ng warrant of arrest ang dating bise alkalde na wanted umano sa mga kasong pagpatay sa Barangay Bualo Lipid, subalit agad na nagpaputok ang kanyang mga tauhan.


Sinabi ni Capt. Asiri na bina-validate pa nila ang ulat na may mga nasugatang tauhan si Mudjasan subalit tumakas ang mga ito kasama ang wanted na dating bise alkalde.


Kabilang sa mga nakaengkwentro ng mga suspek ay pinagsamang puwersa ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group Region 9, PNP-SAF at 41st Infantry Battalion.


Dahil sa insidente ay napilitang lumikas ang mga residente sa takot na madamay at maipit sa bakbakan.


Sinabi ni Asiri na humuhupa na ang tensyon at unti-unting nagbalikan na ang mga residente.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page