top of page
Search

ni Mylene Alfonso @News | July 19, 2023



ree

Batid ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ang pagtungo ni ex-President Rodrigo Duterte sa China. Ito ay kasunod na rin ng pahayag ng Department of Foreign Affairs na walang "official information" ang Beijing trip ni Duterte.

Ayon kay Marcos, welcome sa kanya ang anumang bagong linya ng komunikasyon sa gitna ng isyu sa South China Sea.

Tiniyak ng Pangulo na sasabihin din ni Duterte sa pamahalaan ng Pilipinas ang detalye ng kanilang naging pag-uusap ni Chinese President Xi Jinping at kung paano ito makakaapekto sa bansa.


"No. Nagpermiso? Hindi naman kasi... alam ko naman na pupunta siya. At magkaibigan sila, magkakilala sila," tugon ni Marcos nang tanungin kung binigyan niya ng basbas si Duterte nang magpunta sa China sa isang panayam.


"So, I hope that napag-usapan nila 'yung mga isyu na ngayon na mga nakikita natin, 'yung mga shadowing, 'yung mga kung anu-ano," pahayag ni Marcos.


"All of these things that we are seeing now I hope napag-usapan nila para naman magkaroon tayo ng progress, kasi 'yun naman talaga ang habol natin eh, patuloy ang pag-uusap," ayon pa sa Pangulo.


"If that is President PRRD then good. Hindi importante sa akin kung sino, kung ano, basta't may makausap sila baka makatulong eh. I am sure that he will have ah, hindi naman report, I am sure he will be able to tell us what happened during their conversation and see how that affects us," banggit pa ni Marcos.


 
 

ni BRT | June 8, 2023



ree

Kwalipikado na ang Pilipinas para sa visa-free travel program ng Canada.


Ito ay matapos na ianunsyo ng Canada ang 13 mga bansa, kabilang ang Pilipinas sa mga napasama sa pagpapalawak pa nito ng kanilang visa-free travel program.


Ayon kay Canadian Minister for Immigration, Refugees and Citizenship Sean Fraser, ang naturang kautusan ay epektibo na.


Aniya, ang mga bisitang mayroong Canadian visa sa nakalipas na 10 taon o ang mga kasalukuyang mayroong hawak na valid United States non-immigrant visa ay pahihintulutan na ring bumisita sa pamamagitan ng pag-a-apply para sa electronic travel authorization.


Ito aniya ay nangangahulugan lamang na mas marami pang mga indibidwal mula sa Pilipinas ang maaari nang magtungo at makabisita sa kanilang bansa nang walang nararanasang hirap sa pagsasaayos ng mga requirements para magkaroon ng visa.


 
 

ni Mylene Alfonso | May 3, 2023



ree

Inihayag ni U.S. President Joseph Biden nitong Lunes na magpapadala siya ng "first of its kind" presidential trade and investment mission sa Pilipinas.


Ginawa ni Biden ang pahayag kasunod ng kanyang bilateral na pagpupulong kay Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. sa Washington.


Binanggit ng pinuno ng US ang "matibay na partnership" ng Manila at Washington at malalim na pagkakaibigan


Nakatuon din si Biden na palakasin ang suporta ng Amerika sa malawak na hanay ng mga isyu, kabilang ang pagpapagaan ng pagbabago ng klima at ekonomiya.


Pinasalamatan ng pinuno ng Pilipinas si Biden para sa tulong ng Amerika at hinahangad na palakasin ang mga alyansa at pakikipagtulungan sa harap ng bagong ekonomiya na kinakaharap pagkatapos ng pandemya.


Kabilang sa mga opisyal ng Pilipinas na dumalo sa pinalawak na bilateral meeting ay sina National Security Adviser Eduardo Ano; Defense Sec. Carlito Galvez, Jr.; Environment and Natural Resources Sec. Antonia Yulo Loyzaga; Trade and Industry Sec. Alfredo Pascual; Information and Communications Technology Se. Ivan John Uy; Justice Sec. Jesus Crispin Remulla; Migrant Workers Department Sec. Maria Susana “Toots” Ople at Foreign Affairs Sec. Enrique Manalo.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page