top of page
Search

ni Madel Moratillo @News | July 24, 2023



ree

Bagsak na grado ang ibinigay ng grupo ng mga magsasaka kay Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., kasabay ng kanyang ikalawang State of the Nation Address (SONA).


Sa isang street conference ng grupong Pamalakaya o Pambansang Lakas ng Kilusang Mamamalakaya ng Pilipinas, binanggit nila ang kabiguan ng Marcos administration na tugunan ang problema ng mga nasa sektor ng pangingisda maging ang reclamation ng mga dagat. Katunayan anila, nasa 21 reclamation projects na ang naaprubahan at nabigyan ng environmental compliance certificate sa Manila Bay.


Nanawagan naman sila sa gobyerno ng 15 libong pisong subsidy para sa gasolina ng kanilang mga bangkang pangisda. Sasali rin umano sila sa gagawing kilos-protesta sa SONA ng Pangulo ngayong araw.


Samantala, ang mga vendor naman na nagtitinda sa Commonwealth market sa Quezon City, nanawagan sa Pangulo na pababain ang presyo ng bigas.


Gustuhin man umano nilang mapababa ang presyong ipinapasa sa mga customer, wala rin silang magawa dahil mahal ang kuha nila sa supplier.


Panawagan din ng mga vendor kay P-BBM na tutukan ang inflation. Marami na umano ang umaaray dahil sa sobrang taas ng mga bilihin.


 
 

ni BRT @News | July 23, 2023



ree

Tinitingnan na ng Department of National Defense (DND) ang posibleng legal options para mabawi ang kabuuang P1.9 billion downpayment ng gobyerno ng Pilipinas noong Enero 2022 para sa naudlot na pagbili ng 16 na MI-17 heavy-lift helicopters mula sa Russia.


Ayon kay Defense Sec. Gilberto Teodoro, Jr., kasalukuyang pinag-aaralan pa ng legal office ng DND ang mas mainam na legal options ng bansa sa naturang usapin.


Matatandaang tinerminate o kinansela ng Pilipinas bago matapos noon ang termino ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang kontrata sa pagbili ng naturang helicopters na nagkakahalaga ng kabuuang P12.7 billion para sana sa pagpapalakas ng helicopter fleet ng Philippine Air Force (PAF).


Ito ay dahil sa posibleng sanctions na kakaharapin ng bansa mula sa Amerika kapag ipinagpatuloy nito ang kasunduan sa Russia kasunod na rin ng invasion ng nasabing bansa sa Ukraine.


 
 

ni Mylene Alfonso @News | July 19, 2023



ree

Umaasa si Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., na balang araw posibleng itigil na ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps), ang conditional cash transfer program ng bansa.

Ito ay makaraang pangunahan ang Walang Gutom 2027: Food Stamp Program Kick-off Activity sa Tondo, Maynila kasama sina Bise Presidente Sara Duterte-Carpio, DSWD Secretary Rex Gatchalian at Mayor Honey Lacuna-Pangan.

"Sana, ibig sabihin kasi kapag kaya nating itigil 'yan... ibig sabihin wala nang nangangailangan. Eh, maganda talaga kung maabot natin 'yun," reaksyon ni Marcos sa isang panayam kung tatanggalin na ang 4Ps ngayong may food stamp program na.

Ayon sa Pangulo, magpapatuloy pa rin sa pagbibigay ng tulong sa mga Pilipino lalo na sa mga apektado ng kalamidad ngunit ang 4Ps ay maaaring makatulong lamang na maitawid sila sa kahirapan.

Nabatid na ang mga target na benepisyaryo sa food stamp program ay makakatanggap ng food credits na nagkakahalaga ng P3,000 na magagamit sa pagbili ng pagkain mula sa DSWD-accredited local retailers.


Ang programa ay sa pakikipagtulungan ng Asian Development Bank (ADB) na nagbigay ng 3 milyong dolyar para sa anim na buwang pilot run ng food program.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page