by Info @Brand Zone | June 26, 2024
Lumagda kamakailan ang PhilHealth at Pulse 63 HV Philippines (SwiftClaims) sa isang Proof of Value Agreement para sa paggamit ng isang software na gumagamit ng Artificial Intelligence o AI na idinisenyo ng huli upang lalo pang mapahusay at mapabilis ang pagproseso ng health insurance claims sa ahensiya.
Ang nasabing kasunduan ay naglalayong bawasan ang oras ng pagproseso ng mga claim, gayundin ang mabawasan ang claims na ibinabalik sa mga health facilities dahil sa iba't-ibang dahilan gaya ng kakulangan ng mga dokumento, at iba pa.
Inaasahang ipoproseso ng AI-powered system ang mga claim in real-time, ilalapat ang mga tuntunin alinsunod sa mga patakaran at alituntunin ng ahensya, at iba pa. Kasama sa mga inaasahang resulta ay ang pag-aalis sa manual intervention at mabilisang pag-apruba at pagbabayad ng mga itinuturing na “clean claims” sa mga partner health facilities.
Pumirma sa kasunduan sina (mula kaliwa) PhilHealth Chief Information Officer Jovita Aragona, President and CEO Emmanuel R. Ledesma, Jr. at Pulse 63 HV Philippines (SwiftClaims) Chief Executive Officer Louis Kweyamba Maguru at Deputy Managing Director Arvind Appavu.