top of page
Search

by Info @Brand Zone | Nov. 3, 2024



October 31, 2024 | PR 2024-0019


Simula Oktubre 1, 2024, babayaran na ng PhilHealth ang pabalik-balik na pagpapaospital dulot ng kaparehong sakit sa loob ng 90 araw. Ito ay matapos alisin ng ahensiya ang polisiya nito para sa Single Period of Confinement o SPC rule. 


Ipinatupad ang SPC noong panahon ng Medicare, kung saan limitado lamang sa isang beses ang bayad para sa mga pasyenteng paulit-ulit na nao-ospital dahil sa parehong sakit o operasyon sa loob ng 90 araw. Dahil sa polisiyang ito, nagbabayad nang buo ang mga miyembro sa kanilang hospital bills o kaya ay hindi nababayaran ang mga hospital claims.  


“Matapos ang masusing pag-aaral, inalis namin ang polisiyang ito upang lalong matiyak na tuloy-tuloy ang benepisyo para sa mga pasyenteng may pabalik-balik na sakit”, paliwanag ni PhilHealth Chief Emmanuel R. Ledesma, Jr.


“Ang hakbang na ito ay pagtupad sa aming pangako na lubusin ang mga benepisyo para sa miyembro na kailangan nila sa kanilang paggaling”, dagdag pa niya.


Malugod namang tinanggap ng mga miyembro at ospital ang balitang ito. "Napakalaking epekto ang pag-alis ng SPC dahil karamihan sa pasyente namin ay may recurring illness tulad ng pneumonia o chronic obstructive pulmonary disease. Hindi naman natin sila pwedeng tanggihan dahil kailangan nating magamot ang sakit na pabalik balik”, sabi ni Ma. Celia Buñag, Supervising Administrative Officer ng Quezon City General Hospital.


Laking tuwa naman ni Lucila Salvador, na may kapatid na paulit-ulit nako-confine dahil sa urinary tract infection, nang marinig ang balita. “Nagpapasalamat kami sa PhilHealth, napakalaking bagay nito. Ang ate ko ay senior citizen at tatlong beses nang na-oospital sa pabalik-balik na sakit. Natakot ako kasi ang pagkakaalam ko, hindi na pwedeng magamit ang PhilHealth kapag na-confine ulit sa parehong sakit. Last month na-confine siya tapos nandito na naman siya”, aniya. 


Pinaalala naman ng PhilHealth sa mga miyembro na pwedeng magamit ang anumang benepisyo sa loob ng 45 araw sa buong taon, maliban sa hemodialysis benefits package dahil mayroong nakalaang hiwalay na 156 sessions sa bawat taon para dito. 


Patuloy na tiniyak ni Ledesma na hindi sila titigil para mas mapabuti ang mga benepisyo sa lahat ng Pilipino. “Kami po sa PhilHealth ay patuloy sa aming pagtatrabaho dahil nauunawaan namin na ang kalusugan ay hindi isang pribilehiyo kundi karapatan ng bawat Pilipino”, pagtitiyak pa niya.


 
 

by Info @Brand Zone | Oct. 25, 2024




Noong Nobyembre 2023 pinalaki ng PhilHealth ang  coverage para sa ischemic at hemorrhagic stroke. Actually, higit doble ang itinaas ng mga benefit packages na ito na  kabilang sa mga pagpapabuting ginawa ng Korporasyon sa mga  benepisyo nito.


Tumaas ang benepisyo sa ischemic stroke mula sa dating P28,000. Ang coverage ngayon ay umabot na sa P76,000 para sa kundisyong nangyayari kapag ang daluyan ng dugo papunta sa ating utak ay barado o mayroong blood clot na nagsasanhi  ng kakulangan sa oxygen at nutrients sa utak. Gumagawi ito pagkamatay ng mga brain cells natin. 


Ang benefit package naman para sa hemorrhagic stroke ay P80,000 na mula sa dating

P38,000. Ito naman ay ang pagdurugo ng utak na ang  kadalasang mga sanhi ay high blood pressure, mataas na cholesterol, o ‘di naman ay type 2 diabetes. Bilang resulta, ang bahagi ng katawan na kinokontrol ng nasirang bahagi ng  utak ay hindi na naigagalaw nang maayos ng pasyente. 


Talaga namang mahal ang paggamot sa mga kundisyong  ito. Kaya naman ang pinalawig na benepisyo ng PhilHealth para sa  ischemic at hemorrhagic stroke ay  malaking tulong para sa hospital charges tulad ng room and board, mga gamot na ibinigay sa pasyente  habang naka-confine, at pati na rin and disadvantaged area – kung saan karamihan ng mga pasilidad ay walang kapasidad na magbigay ng neuroimaging sa pamamagitan ng magnetic resonance imaging (MRI) o computerized tomography at nakapagbigay lamang ng diagnosis base sa mga sintomas ng pasyente, mababayaran pa rin ang pasilidad sa halaga ng dating benepisyo para sa ischemic (P28,000) at hemorrhagic  (P38,000) stroke. Sakali naman pumanaw ang  stroke patient ngunit wala pang 24 oras ang pamamalagi sa ospital, makagagamit pa rin ng benepisyo sa  halagang P4,000.  


Sa PhilHealth makasisiguro ka na mayroong benepisyong sapat sa  bawat pasyente. 

Kaya huwag matakot sa pagpapagamot dahil sagot kayo ng PhilHealth!


 
 

by Info @Brand Zone | Oct. 16, 2024




(Updated — October 14, 2024 | PR No. 2024-0018) Sa loob lamang ng tatlong buwan ngayong taon, dalawang beses  itinaas ng PhilHealth ang benepisyo nito  sa hemodialysis na aabot na sa P1 milyon  kada taon kada pasyente. Unang  ipinatupad ng PhilHealth noong Hulyo ang umento mula P2,600 sa P4,000 kada  sesyon, at ngayong Oktubre ay itinaas pa  sa P6,350.  


Inilathala at epektibo noong Oktubre 9,  2024 ang PhilHealth Circular No. 2024- 0023, ang polisiyang nagtataas sa  nasabing pakete para sa mga miyembro at  qualified dependents nila na may chronic  kidney disease stage 5 (CKD5). Maaari  nilang magamit ang pinagbuting  benepisyo sa alinmang accredited dialysis  facility na malapit sa kanila.  


“Ito ay patunay na hindi lamang  nakikinig ang PhilHealth sa hinaing ng  ating mga miyembro. Tinutupad namin  ang aming pangako para makatugon ang  ating mga benepisyo sa pangangailangan  ng mga pasyente na siyang layunin ng  Universal Health Care Law”, pahayag ni  Emmanuel R. Ledesma, Jr., Pangulo at  Punong Tagapagpatupad ng PhilHealth. 


Binigyang-diin ni Ledesma na sa kabila ng  pagtaas ng reimbursement rate ng PhilHealth na P4,000 kada sesyon noong  Hulyo ay nakatatanggap pa rin sila ng ulat  ng mga pasyenteng malaki pa rin ang binabayaran sa kanilang dialysis. “Layunin naming mawala na ang anumang  bayarin sa mga serbisyong kailangan  nila, dapat maramdaman nila nang lubos  ang kanilang benepisyo.”  


Nagpasalamat din siya sa PhilHealth  Board of Directors sa pamumuno ni  Health Sec. Ted Herbosa sa mabilis na  pag-apruba sa umento sa benepisyo na walang dagdag-bayad sa pasyente.  Paliwanag pa ni Ledesma, nakatulong din  nang malaki ang kooperasyon at suporta  ng mga nephrologists at dialysis centers  para masigurong wala nang co-payment  ang pasyente sa tuwing nagda-dialysis.  


Sa pagtaas sa P6,350 kada sesyon, aabot  na ang benepisyo hanggang P990,600  bawat taon. Ito ay mula sa P624,000 sa  dating P4,000 kada sesyon.  


Isinaad din sa nasabing Circular ang mga  serbisyong dapat ibigay sa mga pasyenteng  may CKD5. Kasama rito ang anti coagulation medications at gamot sa  anemia, iba’t ibang laboratory tests, mga  supply gaya ng dialyzers, hemodialysis  solutions at isang dialysis kit kada sesyon.  Sakop din ng pakete ang paggamit ng  dialysis machines, pasilidad, utilities, at  sweldo ng mga kawani ng pasilidad. Ang  lahat ng serbisyong ito ay dapat ma-avail sa lahat ng accredited public at private  hemodialysis facilities sa bansa. 


Samantala, ang mga pasyenteng  mangangailangan naman ng karagdagang  serbisyo na hindi kasama sa minimum standard of care na itinakda sa Circular ay  maaaring magkaroon ng dagdag-bayad.  May itinatakda ring hanggang P450 na  limit para sa professional fees sakaling  mangailangan ng karagdagang serbisyo  tulad ng telemedicine at/o agarang  interbensyon para sa komplikasyon  habang nasa sesyon ng dialysis. Ayon sa  PhilHealth, dapat linawin ito ng pasilidad  sa pasyente.


“Magandang balita para sa aming mga  dialysis patient ang pagtaas ng dialysis  package na handog ng PhilHealth”, ito  naman ang nasabi ni Roseanne Lappay,  isang CKD 5 patient mula sa Tabacalera,  Pateros.  


Patuloy namang pagtitiyak ni Ledesma sa  lahat ng mga miyembro ng PhilHealth,  “Kapag ipinangako namin, ginagawa po  namin sa PhilHealth. Kaya ang  panawagan ko sa lahat ng Pilipino,  huwag na po kayong matakot sa  pagpapagamot dahil sagot kayo ng  PhilHealth!



ERRATUM 

October 16, 2024 


Subject: Clarification on the effectivity date of increased PhilHealth dialysis  package to P6,350/session 


We wish to clarify that the publication and effectivity date of PhilHealth Circular No. 2024- 0023 is October 9, 2024 and not October 7, as earlier disseminated through PR No. 2024- 0018. 


We apologize for any inconvenience that this oversight may have caused.  


The revised press release is available at the PhilHealth website and FB page for reference. For  additional questions, please call our Action Center Hotline at (02) 8662-2588. Thank you.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page